You are on page 1of 3

Mataro, Kristine Joy M.

BSME-2B

GAWAIN C- Paghahanap/Pag-iimbento ng Katumbas

1. Salita: Lagom (Swedish)

Kahulugan sa Filipino: Tumutukoy sa sapat na bilang lamang, hindi sobra at hindi rin naman

kulang.

Katumbas sa Filipino: Katamtaman

2. Salita: Hygge (Danish)

Kahulugan sa Filipino: Tumutukoy sa paglilibang kasama ang pamilya o kaya ay mga kaibigan

tuwing may libreng oras. Nagpapahiwatig rin ito ng kakomportablehan.

Katumbas sa Filipino: Pagliliwaliw

3. Salita: Nakama (Japanese)

Kahulugan sa Filipino: Tumutukoy sa malapit na kaibigan o kasamahan kung saan ang

pagmamahal na nadarama ay purong sa magkaibigan lamang at walang halong malisya.

Katumbas sa Filipino: matalik na kaibigan

4. Salita: Ta'arof (Iran)

Kahulugan sa Filipino: Tumutukoy sa akto ng pagbibigay sa iba o pagtatanong ng ilang ulit bago

kunin ang isang bagay. Maihahalintulad din sa pagkamaginoo ng kalalakihan kung saan sila ay

nagpapaubaya.
Katumbas sa Filipino: pagkamapagbigay

5. Salita: Shemomedjamo (Georgian)

Kahulugan sa Filipino: Labis na pagkain kahit pa busog na.

Katumbas sa Filipino: Katakawan

6. Salita: Shouganai (Japanese)

Kahulugan sa Filipino: Iniuugnay ito sa tadhana at sinasabing kahit ano pa mang gawin ng isa ay

mangyayari at mangyayari pa din ang dapat maganap.

Katumbas sa Filipino: Nakatakda

7. Salita: Asermek (Turkish)

Kahulugan sa Filipino: Sitwasyon kung saan ang isang babaeng nagdadalang tao ay lubos ang

pagnanais na makakain ng mga piling pagkain na kanyang natitipuhan.

Katumbas sa Filipino: Paglilihi

8. Salita: Madrudaga (Spanish)

Kahulugan sa Filipino: Tumutukoy sa oras sa pagitan ng ika-12 ng gabi at maaga ng umaga.

Katumbas sa Filipino: Madaling-araw

9. Salita: Litost (Czech)


Kahulugan sa Filipino: Tumutukoy sa pinaghalong pakiramdam ng pagkalungkot, pangungulila,

at pagkalumbay.

Katumbas sa Filipino: pagdadalamhati

10. Salita: Mencomot (Indonesian)

Kahulugan sa Filipino: Tumutukoy sa hindi pagbibigay ng sapat na halaga sa mga maliliit na

bagay.

Katumbas sa Filipino: Pagbalewala

11. Salita: Saudade (Portuguese)

Kahulugan sa Filipino: Tumutukoy sa kalungkutan o pagkalumbay na nadarama para sa isang tao

o kaya naman ay lugar na malayo sa iyo.

Katumbas sa Filipino: Pangungulila

12. Salita: Sisu (Finland)

Kahulugan sa Filipino: Tumutukoy sa katapangan at kadeterminadohan ng isang tao upang

gawin ang isang bagay ng hindi iniinda kung ano man ang kahinatnan ng gagawin.

Katumbas sa Filipino: Lakas ng loob

You might also like