You are on page 1of 2

NAGING SULTAN SI PILANDOK

Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw – si


Pilandok.Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa
dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang
Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harapan na nakasuot ng
magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap
na ginintuang tabak.” Hindi ba’t itinapon ka na sa dagat?” nagtatakang tanong ng
sultan kay Pilandok. “Siya pong tunay, mahal na Sultan,” ang magalang na tugon ni
Pilandok. “Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara?
Dapat ay patay ka na ngayon,” ang wika ng Sultan.”Hindi po ako namatay, mahal na
Sultan sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako’y
sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais
na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?” ang paliwanag ni
Pilandok. “Marahil ay nasisiraan ka ng bait,” ang sabi ng ayaw maniwalang Sultan.
“Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat. “Kasinungalingan po
iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na
ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo,” ang paliwanag ni
Pilandok. “May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo
roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po’y aalis na at
marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak.” Umakmang aalis na si
Pilandok.”Hintay,” sansala ng Sultan kay Pilandok. “Isama mo ako at nais kong makita
ang aking mga ninuno, ang Sultan ng mga Sultan at ang iba ko pang kamag-
anak.”Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at
pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang
pupunta roon ang sultan saloob ng isang hawla.
“Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat,”
ang sabi ng Sultan. “Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?” ang
tanong ni Pilandok.”Kapag nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong
kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon. Sandaling nag-
isip ang Sultan at nakangiting nagwika, “Gagawin kitang pansamantalang Sultan,
Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang
hahalili sa akin.” “Hintay, mahal na Sultan,” ang pigil ni Pilandok. “Hindi po ito dapat
mlaman ng inyong mga ministro.””Ano ang nararapat kong gawin?” ang usisa ng
Sultan. “Ililihim po natin ang bagay na ito.Basta’t ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong
korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila
ako,” ang tugon ni Pilandok. Pumayag naman ang Sultan. Ibinigay na lahat kay
Pilandok anghinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay
inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay
ang Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan.
Ang Pilosopo (Kuwentong Maranao)
Noong unang panahon, sa isang bayan ay may taong mga naninirahan na sunod-
sunuran sa kanilang pinuno dahil sa takot na lumabag sa umiiral na batas roon. Ang
pinunong si Abed ay bumibisita sa kanyang mga tauhan upang alamin kung sino ang
mga higit na nangangailangan. Nang mapansin ni Subekat na lumilibot araw-araw
ang pinunong si Abed upang mamigay ng pagkain sa mga naghihirap ay kaagad
syang kumuha ng bato at isinalang sa kalan. Nang marating ni Abed ang kubo, binati
siya ni Subekat. Nakita niya ang kaldero na may nilagang bato. Nang mapansin niya
ito, sinabihan niya si Subekat na kunin kinaumagahan ang kanyang parte na nakalaan
para sa kanya.
Isang araw, nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor (pantanghaling
pagdarasal). Nang makatapos sila ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa
kanyang mga tauhan. May nakapagsabi na si Subekat ang wala. Samantala,
ipinaalam ni Abed sa mga tao na aalis sila para magsuri ng lupa dahil kakaunti na
lamang ang lupa para sa susunod na henerasyon. Nang papaalis na sila ay sya
namang pagdating ni Subekat. Nagpahayag si Subekat ng kagustuhang sumama sa
pag-alis. Pinayagan ni Abed na sumama si Subekat kahit na hindi niya siya nakita sa
pagdarasal. Sa pag-alis nilang ito ay matatanto ni Abed kung tunay ba na kasama si
Subekat o hindi.
Sa pag-alis ng pangkat, sinabi ni Abed na kailangang magdala ang bawat isa ng bato
na tamang-tama lang ang bigat para sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong sinlaki
lang ng kanyang hinlalaking daliri. Nang mapagod na sila sa kanilang paglalakbay ay
minabuti nilang magpahinga at magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat sa kanyang
mga kasamahan.
Pagkatapos magdasal ay ipinag-utos ni Abed na buksan ng kanyang mga tauhan ang
kanilang baon. Nang mabuksan na nila, ang lahat ng dala nilang bato ay naging
tinapay. Bukod tanging si Subekat na ang dala ay sinlaki lamang ng hinlalaki ang
nagutom dahil sa liit ng kanyang tinapay.
Bago sila magpatuloy sa kanilang paglalakbay, sinabihan muli ni Abed ang kanyang
mga kasama na magdala ng maliit na bato. Sumunod ang lahat ng mga tao, maliban
kay Subekat na ang dinalang bato ay ang pinakamalaki sa pag-aakalang magiging
tinapay ito. Nang dumating na sila sa kanilang pupuntahan, sinabi ni Abed sa bawat
isa sa kanila na ihagis sa abot ng kanilang makakaya ang mga batong dala nila dahil
ito na rin ang lawak ng lupang matatamo ng kanyang mga nasasakupan. Samantala,
si Subekat na nagdala ng pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng bilao ang
nakuhang lupa. Ito ay sa kadahilanang sobrang bigat ng bato at hindi nya kayang
ihagis ng malayo. Doon lamang sa nahulugan ng bato ang kanyang makukuhang
lupa.
Nalungkot si Subekat sa kanyang makukuhang lupa. Nang makita ni Abed ang liit ng
kanyang nakuhang lupa ay sinabi niya kay Subekat na nangyari iyon dahil sa hindi ito
sumusunod sa mga patakaran at sa ganitong pag-uugali ay hindi sya magkakaroon ng
magandang kinabukasan.

You might also like