You are on page 1of 7

ANG WIKA KO

ni Rio Alma
Ang wika ko’y wikang atin, katutubo,
Na minana pa ni ina sa nuno ng kanyang nuno;
Taglay nitó ang salaysay na taal at mula puso,
At ang ugat ng lumípas na tagbagyo nang tumubò.

Hindi ito natatákot sa pagsákop,


Yumayaman ito kahit lumuluhang nakagápos.
Ngunit kapag nakalayà, asahan mong magsasabog
Ng bulaklak at insenso sa anak ng paghahamok.

Ang wika nga, walang wikang isinílang


Upang maging mas mataas kaysa ibáng salitaan;
Abá, hintay! Walang wikang sa sarili’y yumayaman
Nang higit pa sa may-ari’t gumagámit araw-araw.

Umibig man at manalig sa banyaga,


Ngunit huwag lilimutin ang sarili’t inang wika;
Malango na sa mabango’t bulaklaking dáyong dila
Ngunit huwag isasangla pati diwa mong malayà.

Ang wika ko’y wika nating malikhain,


May hiwaga ng gunitang pag hinukay, lumalalim;
Langhapin mo’t ang linamnam, umaalab kung haplusin,
Kabaak mo, buong-buo, iyong-iyo pag inangkin.
Wikang Filipino , ipagmalaki natin
Kilala tayo dahil sa wikang atin
Maraming Filipino ang lumilipad patungo sa ibang lupain
Wag nawa ang wika ay limutin

2. Mga magulang turuan nawa natin


Ang mga anak na palakihin
Gamit ang katutubong wikang pinagmulan natin.
Halimbawa nalang ay Cuyunin at Agutaynin
Ilan lamang na masasabing ito’y atin.

3. Mga kabataan huwag nawa maliitin ang wika natin


Minsan sa kalsada’y naghihiyawan
Gamit ang katutubong wika ay kantyawan
Ng mga kaklaseng hindi naturuan ng magandang asal.

4. Kay ganda pakinggan ang dalawang magkasintahan


Gamit ang kanilang wika ay nagmamahalan
Ito ang daan upang kanilang pagsasama ay tumagal
At nagkakaroon ng magandang buhay.

5. Kay rami ng wikang katutubo


Sa Pilipinas lamang nabuo
Naririnig natin sa ating lola at lolo
Kaya naman dapat lamng natin itong banggitin

Sa pribado man o pampubliko


Upang mapayaman ang wikang katutubo
At mapanatiling sariling wika natin
Katutubong Atin

Itong Lahing Kayumanggi sang-ayon sa kasaysayan,


May sarili, katutubo at mayamang kalinangan;
Pinagpala't dinakila, pinagtanggol sa dayuhan
Nitong mga Pilipinong bayani ng ating bayan.

Isang paham ang nagwika at matatag na tinuran:


"Ang kultura ay bahagi nitong mga mamamayan,
Nagsisilbing isang moog at bantayog na may dangal,
Nararapat na mahalin at sa puso ay itanghal."

Kalinanga'y pagyamanin sa isipan at damdamin,


Sa dula at katutubong mga sayaw at awitin;
Lagi sanang tatandaan at sa diwa ay itanim,
Ang kultura'y isang hiyas... kayamanang ituturing.

You might also like