You are on page 1of 3

K-12 Training of Trainers for the K-12 Curriculum

Session Guide : Filipino sa Baitang 7

Bago ang sesyon, pag-aralan mabuti ang mga sumusunod: session guide, mga powerpoint presentations, gabay sa guro
at learning package.

Oras Paksa Layunin Pagbibigyang-diin sa Talakayan

40 minuto Ang Katangian Mapaintindi sa Slide 1: Pamagat ng Presentasyon


ng Wika at mga guro ang
Panitikan sa mga tunguhin at
Bagong bagong
Kurikulum katangian ng
bagong
kurikulum sa
Filipino baitang
7.

Slide 2-4: Hindi bago ang lahat sa K-12 Filipino.Balikan ang


mga tunguhin at estratehiya sa Filipino sa dating kurikulum:
ang tinutungo ng dating kurikulum ay kakayahang
komunikatibo, pag-unawa sa binasa at pagpapahalaga sa wika
at panitikan. Gumagamit rin ang dating kurikulum ng mga
lapit tulad ng Komunikatibong Pagdulog sa Wika at Pagtuturo
Batay sa Nilalaman. Kung tutuusin, buhay ang mga tunguhin
at mga estratehiya na ito sa bagong kurikulum.
Oras Paksa Layunin Pagbibigyang-diin sa Talakayan

Slide 5: Ang litaw na litaw na katangian ng bagong kurikulum


ay ang tuon sa panitikan. At hindi basta’t panitikan kundi
panitikang kontemporaryo. Kakawala rin sa dating genre-
based approach. Para sa pagtaya, mayroong mga mungkahi
sa Gabay sa Guro para sa panimula, patuloy at pangwakas na
pagtataya. Inilalaan rin ang ikaapat at huling sesyon ng
Filipino para sa pangunang lunas (first aid) para sa mga
problema sa gramatika, pagbasa at pagsulat.

Slide 6: Mahalagang makita ang kurikulum ng baitang 7 sa


konteksto ng buong k-12. Narito ang mga pangkalahatang
pamantayan sa bawat yugto ng kurikulum sa Filipino.

Slide 7:Sa talahanayang ito ay makikita ang mga batayan ng


Integrated Language Arts Curriculum pati na rin ang mga
makro kasanayang nakapaloob sa bawat batayan. Ang mga
batayang isinulat sa pulang font ay ang mga batayang
gagamitin sa baitang 7 hanggang 10.

Slide 8: May pitong batayang pangnilalaman na susundan sa


baitang 7.

Slide 9: Sa imahen na ito ay makikita ang diwa ng kurikulum


na ito. Ipinagdiriwang ng kurikulum na ito ang mga
koneksiyon, mga kaugnayan ng wika, panitikan at buhay. Ang
mga koneksiyon na ito ang naging basehan ng pagpili ng mga
tema, teksto at gawain.
Oras Paksa Layunin Pagbibigyang-diin sa Talakayan

Slide 10: Narito ang mga tema para sa bawat markahan ng


taon.

Slide 11: Bukod sa pagpili ng kontemporaryong mga akda,


layon din naming magpabasa ng iba’t ibang uri ng panitikan
na ayon sa kakayahan ng mga mag-aaaral. Narito ang iba’t
ibang uri ng panitikan na kanilang mababasa at susuriin.

Slide 12: May dalawang proyektong pangklase ang baitang 7.

Slide 13; Hindi lang lunsaran ng leksiyon ang panitikan, dapat


rin itong ma-enjoy ng kabataan :)

You might also like