Professional Documents
Culture Documents
Kard Katalog
Kard Katalog
gamit ang isang tarheta o kard para sa bawat isang bagay na makikita sa aklatan
F Paksa
398.6 Isang libo at isang bugtong/
Sa 261 Santos , Angeles S.
Isang libo at isang bugtong/
Santos , Angeles S. - ikalawang pagkalimbag.— Pamagat ng Aklat
Malabon: Epifanmio de los Santos College , 1958
103 p. :ill;26 cm
Naglimbag
3. Paksa
F
398.6 Mga Bugtong
Sa 261 Isang libo at isang bugtong/ Pahina
1958 Angeles S. Santos,- ikalawang pagkalimbag.—
Malabon: Epifanmio de los Santos College , 1958
103 p. :ill;26 cm
Klasipikasyon Ginagamit sa Aklatan
URI NG TAYUTAY
1. Pagtutulad (simile)
Ito ay isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga
salita’t pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki’y, kawangis ng, gaya ng,
kasing-, sing-, ga-, atbp.
Halimbawa:
Ang tao ay kawangis ng Diyos.
2. Pagwawangis (Metaphor)
Ito ay isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at
iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan,
tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.
Halimbawa:
Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
3. Pagtatao (Personification)
Ito ay tinatawag ding pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang
mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga
karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan.
Halimbawa:
Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
4. Pagmamalabis (Eksaherasyon) (Hyperbole)
Ito ay isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa
hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.
Halimbawa:
Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.
5. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
Ito ay ang pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng
kabuuan bilangkatapat ng bahagi.
Halimbawa:
Ang panahong ito ng Hunyo ay maulan.
6. Panghihimig o Onomatopeya
Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
Halimbawa:
Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
7. Panawagan (Apostrophe)
Ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap
sa Isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.
Halimbawa:
Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.
8. Pag-uyam (irony)
Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag
kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan
ay may bahid na pang-uyam.
Halimbawa:
Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napaka dumi naman ng bahay.
9. Paglilipat-wika o Transferred Epithet
Tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na
ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa:
Patay tayo diyan.
10. Pagpapalit-tawag (Metonymy)
Isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na
magkakaugnay.
Halimbawa:
Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.
11. Pagsalungat (Epigram)
Ang mga salitang pinag-uugnay nito ay pinagsasalungatan sa kahulugan
Halimbawa: kung sinong gumawa ng batas, siya ang unang lumalabag
12. Pagtanggi
Ginagamit ang salitang hindi upang maipahiwatig ang lalong makahulugang pag-
sang-ayon sa sinasabi ng salitang sumusunod
Halimbawa: Ang puso ko ay hindi bato
Tono- ang taas-baba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upag higit na
maging mabisa ang ating pakikipag-usap.
Halimbawa:
Nagbago na ako.
Nagbago na ako?
Nagbago na ako!
Halimbawa:
ba.tà (tao)- Ito ay binibigkas ng may diin sa ikalawang pantig. Malumi ang bigkas
ba.ta (roba) - Ito ay binibigkas nang may diin sa ikalawang pantig mula sa huli,
banayad at walang antala ang bigkas sa huling pantig. Malumay ang bigkas
Antala - saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
Halimbawa:
Halimbawa
(panaguri) (simuno)
Halimbawa
(simuno) (panaguri)
Pautos – ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.).
Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng inyong magulang.
Ang batang putol ang mga kamay ay mahusay gumuhit.
Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na
makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.
Halimbawa:
Sugnay- lipon ng mga salitang may simuno at panaguri ngunit bahagi lamang ng
pangungusap.
Pangatnig- ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-
uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang
pangungusap sa kapwa pangungusap.
3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o
isipan.
4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi
na.
Halimbawa: Sumisigaw ang kanyang puso at humihingi ng katarungan.
Pangatnig na panimbang din ang tawag sa at, ngunit, datapwat sapagkat nag-uugnay
ng mga salitang magkakapantay; ng mga parirala, ng mga sugnay na pantulong, at ng
mga sugnay na nakapag-iisa. Panlinaw rin ang mga pangatnig na samakatuwid, kung
gayon, kaya.