You are on page 1of 19

ANG WIKANG FILIPINO

BILANG PAMBANSANG WIKA


Amur M. Mayor-Asuncion, Ed D

Ang wikang pambansa ay ang wika ng pagkakakilanlan ng isang bansa.


Ito ang wika ng pulitika, kultural at ng mga lipunan. Sa pangkalahatan, ito ay
nililinang upang maging wika ng pambansang pagkakaisa at tungkulin nitong
magsilbing pagkakakilanlan ng mga mamamayan nito.

Sa isang bansang multilingual na tulad ng Pilipinas, ang pamahalaan ay


nagdedeklara ng isang partikular na wika upang maging wikang pambansa
dala na rin ng mga dahilang pulitikal.

Madalas gamitin ang islogang nagsasabing “isang bansa, isang wika”.


Kung kaya’t maraming mga bansa ang nagsususog na magkaroon ng wikang
sisimbolo sa kanilang pagkakaisa at pagiging isang bansa.

Ang malaking tanong ngayon ay paano ba pinipili ang isang wikang


pambansa? Sa iisang bansang mayroon lamang iisang dominanteng grupo,
ang pagpili ay hindi gayon kahirap di tulad ng isang bansang maraming wika.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ang bilang ng gumagamit ang isinasaalang-
alang. Mahalagang faktor rin ang kapangyarihang pulitikal. Kaya nga at
maraming pag-aayaw sa wikang Filipino dahil inaakala ng ilan na ito ay batay
lamang sa Tagalog na pinaniniwalaan nilang wika lamang ng mga Pilipinong
nasa ilang bahagi ng bansa.

ABUTIN MO!

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang:

A. naipaliliwanag ang proseso ng pagpili ng wikang pambansa


B. naiisa-isa ang mahahalagang mga batas at kautusan sa
kasaysayan ng wikang Filipino
C. napaghahambing ang mga pagbabago at pag-unlad ng
wikang Filipino
SUBUKIN MO!

Ipaliwanag ang mga sumusunod sa loob ng 5-7 pangungusap.

1. Walang wikang umuunlad kung hindi ito naisusulat at nababasa.


Walang wikang umuunlad kung ito ay hindi sinasanay na
maglulan ng mga produkto ng kamalayan at iba’t ibang kaisipan
hango sa maraming kultura.

-Randy David

2. Kailangang makipag-usap ang ating wika sa mga wika ng ibang


bansa sa halip na isantabi ito.
ALAMIN MO!

Bukod pa sa wikang pambansa, isa rin sa binibigyang-pansin at


isinasaalang-alang ang pagpili ng opisyal na wika ng isang bansa.

Kung ang wikang pambansa ang wika ng pagkakakilanlan ng


isang bansa at simbolo ng pagkakaisa ng mga ito, ang wikang opisyal
naman ang wikang ginagamit sa kalakalan. Kung ang una ay may
bahid simbolikal, utilitarian naman ang ikalawa.

Ayon sa ulat ng COCE (1994), upang makadebelop ng programa


sa pagpapaunlad ng Filipino bilang wikang pambansa, mahalagang
nauunawaan ang mga uri at katangian ng wikang pambansa. Mahalaga
ring tanggapin ang tungkulin o role ng isang wikang dayuhan tulad ng
Ingles sa Pilipinas.

Ang wikang pambansa ng mundo ay nahahati sa tatlong uri:

1. Intellectualized Languages Of Wider Communication


(ILWC)

 Intelektwalisadong Wika ng Higit na Malawak na


Komunikasyon
 Ito ang kadalasang tinatawag na international language o
pandaigdigang wika tulad ng Ingles, Pranses, Espanyol,
Aleman at iba pa.
 Ang ILWC bilang pambansang wika ay ginagamit sa larangan
ng edukasyon, syensya at teknolohiya, kalakalan, komersyo,
industriya, mass media, mga literatura at pandaigdigang
pakikipag-ugnayan.
 Nangangahulugan ito na ang mga tao ay nagkakaroon ng
ganap na edukasyon mula elementarya hanggang unibersidad
sa pamamagitan ng ILWC. Ito ang lenggwahe ng propesyon.

2. Confined, Independent and Intellectualized National


Language (CIINL)

 Ito ang mg ganap na intelektwalisadong wika na hindi


lumalagpas sa hangganan ng isang bansa (national borders).
Ito ay sapat na nagagamit sa iba’t ibang domeyn ng wika
maliban sa:
a. pandaigdigang komunikasyon kung saan ang ILWC ang
ginagamit;
b. mga tiyak na layuning intra-national;

 Ang ilang halimbawa ng ganitong mga wika ay ang Korean at


Nihonggo.
 Ito rin ang estadong hinahangad ng wikang Filipino.

3. Developing National Languages (DNL)

 Ito ang wikang pambansa na patungo sa intelektwalisasyon.


Ang mga bansang may DNL ay nakadepende rin sa
intelektwalisadong wika (ILWC).
 Kadalasan ang wika ang sumasakop sa isang nasyon na
gumagamit bilang pantulong o di kaya ay pangunahing wika.
 Ito ang kasalukuyang estado ng wikang Filipino.

PAANO ISINASAGAWA ANG PAGPAPLANONG PANGWIKA?


(http://iele.au.edu/staff/mtan/si/lecture10.html)

1. Pagpili
-pagpili ng baryedad ng koding na nais na idebelop

2. Kodipikasyon
-pagset ng istandard na istruktura at anyong linggwistika.
-corpus planning

3. Elaborasyon
-pagpapalawak ng gamit ng wika sa iba pang domeyn
-nakapaloob dito ang paglilinangn ng mga kinakailangang
linguistic features upang magamit sa mga bagong
konsepto at konteksto

4. Paniniguro ng Pagtangap
-kailangang masiguro ang pagtanggap ng tao sa wikang
pambansa.
-kailangang gumawa ng mga hakbang upang maiangat
ang nasabing wika at hikayatin ang mga tao na linangin
ang katapatan sa wika.
POPULAR NA MODERNONG WIKA (PMW) AT
INTELEKTWALISADONG MODERNONG WIKA (IMW)

Ang wika ay maaaring maging moderno ngunit di


intelektwalisado. Ang mga wikang ginagamit sa mga kilalang libangan
tulad ng pelikula, telebisyon at tabloid upang magamit ng nakararami
ay moderno subalit di intelektwalisado. Gayundin naman ang wikang
ginagamit sa tahanan ay moderno ngunit di intelektwalisado. Ito sa
dahilang hindi ito nakasasapat sa edukasyon partikular sa higit na
mataas na edukasyon.

Upang matawag na ganap na intelektwalisado ang Filipino ang


kanilang madebelop upang magamit sa controlling domain ng wika.
Ang barayti ng Filipino na maaaring matutuhan lamang sa paaralan at
unibersidad ay ang intelektwalisadong modernong wika na taliwas sa
popular na modernong wika.

Ang IMW ay nakasalalay sa PMW dahil higit na marami ang


gumagamit nito. Kapag marami ang gumagamit ng PMW mas higit na
nagkakaroon ng potensyal na magagamit ang IMW dahil darami ang
taong magnanais na gumamit ng gayong varayti.

Sa kabilang banda, kapag walang gumagamit ng PMW at kaunti


lamang ang gumagamit ng IMW, maaaring maglaho ang wika. Kapwa
kapwa umunlad ang PMW at IMW, natatamo nito ang isang ideyal na
interaksyon at paggamit ng wika.
SUBUKIN MO!

A. Paghambingin ang mga sumusunod sa loob ng 3-5


pangungusap lamang:

1. wikang pambansa – wikang opisyal

2. Intellectualized Language in Wider Communication –


Developing National Languages

3. popular na modernong wika – intelektwalisadong


modernong wika
B. Ipaliwanag ang mga sumusunod sa loob ng 5-7
pangungusap:

1. Bilang isang wikang pambansa, sa anong uri nabibilang


ngayon ang wikang Filipino?

2. Sa iyong palagay, anu-ano ang mga salik ang nakapag-


aantala ng intelektwalisasyon ng wikang Filipino?
3. Bilang karaniwang mamamayan at mag-aaral, paano natin
matutugunan ang mga suliranin sa pagpapaunlad ng
wikang Filipino tungo sa intelektwalisasyon? Magbigay ng
mga tiyak na hakbanging maaaring isakatuparan bilang
indibidwal.

4. Ano ang lumalaganap sa kasalukuyan: ang popular na


modernong wika o ang intelektwalisadong modernong
wika? Paano ito nakaaapekto sa pagpapaunlad ng wikang
Filipino?
ALAMIN MO!

Sadyang makulay ang kasaysayang pinagdaanan ng wikang


Filipino. Mula pa sa antas sekundarya ay iniisa-isa na sa mga mag-
aaral ang mga batas na ipinatupad sa mga nakaraang panahon
kaugnay ng paghahangad na magkaroon ng wikang magsisilbing
pagkakakilanlan ng mga mamamayang Pilipino.

May tatlong aspekto ang pinagtutuunan ng mga batas na may


kaugnayan sa wika o mga wikang sumasaklaw sa Pilipinas. Tinalakay
sa mga batas na ipinatupad noon at mga batas na ipinatutupad sa
ngayon ang wikang Pilipino/Filipino bilang:

1. wikang pambansa
2. wikang opisyal
3. wikang panturo

Bilang wikang pambansa, nabanggit na sa naunang leksyon ang


gampanin nito sa isang pangkat ng mga mamamayan. Ang wikang
pambansa ang nagsisilbing simbolo ng pagkakakilanlan ng mga
mamamayan nito.

Wikang opisyal naman ang itinakdang wika o mga wika na


maaaring magamit ng mga mamamayan ng isang bansa sa kanyang
pakikipagtransaksyon sa loob ng kanyang bansa sa larangan man ng
pamahalaan, kalakalan at iba pang mahahalagang sektor ng lipunan.

Tinukoy rin ng mga batas ang wika o mga wikang maaaring


gamitin sa akdemya. Mariing tinututkoy sa mga batas kung anong mga
wika ang maaaring gamitin saan (antas). Maging ang mga hangganan
nito at ang mga posibleng pagpapaunlad.

Nangangahulugan na ang usapin sa wika ay hindi lamang


usaping emosyunal. Ito ay isang usaping pragmatiko yamang ito ay
isinasakatuparan dala ng pangangailangan hindi lamang ng
pagkakakilanlan kundi gayon din bilang katugunan.

Mahalagang matunton natin ang ugat ng kasalukuyang mga


panukala at batas hinggil sa wikang pambansa upang higit na
maunawaan ang halaga nito sa gayon na rin ay maibigay rito ang
nararapat na pagtangkilik.
SUBUKIN MO!

I. Saliksikin sa mga aklat sa Filipino ang mga sumusunod na


mga batas na naging mahalagang bahagi ng kasaysayan
ng wikang pambansa.

A. Ang Pilipino/ Filipino bilang Wikang Pambansa

TAON ARTIKULO NILALAMAN

1935 Art. XIV,


Sek. 3

1973 Art. XV,


Sek. 3

1987 Art. XIV


Sek. 6
B. Ang Pilipino Bilang Wikang Opisyal

TAON ARTIKULO NILALAMAN

1940 Batas
Komonwelt
Bilang 570

1987 Art. XIV


Sek 7

C. Ang Wikang Pilipino/ Filipino Bilang Asignatura at Bilang


Wikang Panturo

TAON ARTIKULO NILALAMAN


1940 Kautusang
Tagapagpag
ganap Blg.
263
TAON ARTIKULO NILALAMAN

1940 Kautusang
Pangkaga-
waran at
Sirkular Blg.
26

1974 Kautusang
Pangkaga-
waran Blg.
25

1978 Kautusang
Pangministri
Blg. 22
TAON ARTIKULO NILALAMAN

1987 Kautusang
Pangkaga-
waran Blg.
52

1996 Memorandu
m ng CHEd
Blg. 59

D. Pagdiriwang ng Linggo ng Wika o Buwan ng Wika

TAON ARTIKULO NILALAMAN

1954 Proklama
Blg. 12
TAON ARTIKULO NILALAMAN

1955 Proklama
Blg. 186

1971 Memorandum
Sirkular Blg.
48

1986 Proklama
Blg. 19
TAON ARTIKULO NILALAMAN

1997 Proklama
Blg. 1041

II. Ipaliwanag ang mga sumusunod batay sa mga nakalap na


impormasyon hinggil sa kasaysayan ng wikang pambansa.

1. Isa-isahin ang mahahalagang gampanin ng Surian ng


Wikang Pambansa ayon sa batas na pinagtibay noong
1936 – ang Batas Komonwelt Blg. 184.

a.

b.

c.

d.

2. Ipaliwanag ang prosesong isinagawa ng Surian ng Wikang


Pambansa sa pagpili ng wikang pinagbatayan ng
pambansang wika noong 1937.
3. Bakit TAGALOG ang napiling wikang pinagbatayan ng
wikang pambansa noong 1937? Isa-isahin ang mga
dahilan.

4. Ipaliwanag ang ebolusyon ng wikang Filipino mula sa


Tagalog, Pilipino at sa kasalukuyang wikang Filipinong
umiiral.
III. Punan ang mga patlang ng mga tiyak na salita ayon sa
isinasaad ng batas hinggil sa deskripsyon ng wikang
Filipino at ang nilalaman ng Artikulo XIV Seksyon 6 ng
Konstitusyon ng 1987.

Piliin ang mga salita mula sa kahon.

A. DESKRIPSYON NG WIKANG FILIPINO ayon sa Resolusyon


96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino.

buhay Ang Filipino ay ang na

katutubong- ginagamit sa buong bilang wika ng


wika
ng mga . Katulad
etnikong grupo
ng iba pang wikang , ang Filipino ay
komunikasyon
dumaraan sa proseso ng sa
evolusyon
pamamagitan ng sa mga wika sa
iskolarling
Pilipinas at mga di-katutubong wika at
varayti
ng iba’t ibang ng wika para sa iba’t
Pilipinas
ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng
paglinang
talakayan at pagpapahayag.
panghihiram

Ipaliwanag ang nilalaman ng resolusyon.


B. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas Ayon sa Konstitusyon
ng 1987

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay


pagtuturo
. Samantalang nililinang ito, ito ay
nararapat
dapat at pagyamanin pa salig sa
itaguyod
na wika sa Pilipinas at sa iba pang
Filipino
mga wika.
pang-
edukasyon Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon

ipasya sa na maaaring ng

umiiral Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang

payabungin pamahalaan upang at puspusang

midyum ang paggamit ng Filipino bilang

ibunsod ng opisyal na komunikasyon at

bilang wika ng _ sa sistemang

Ipaliwanag ang nilalaman ng batas.

You might also like