You are on page 1of 5

APAT NA URI NG TULA

1.Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry)


± tulad ng isang soneto o ng isangoda, na ipinapahayag ang mga saloobin at
damdamin ng makata. Ang kataga ng tulangliriko ay ngayon karaniwang tinutukoy
bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulangliriko na uri ng mga tula ay hindi
nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sakarakter at aksyon. Ang makata ay
direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyangsariling damdamin, iniisip, at
persepsyon.

Uri ng Tulang Liriko

Awit

± Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtodang


bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at
angtradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting
atingnaririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga.

Soneto

± Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, maymalinaw


na kabatiran sa likas na pagkatao.

Oda

± Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado
saisang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang
inspirasyon para sa oda.
Elehiya

± Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

Dalit

± isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para salayunin ng
papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o saisang
kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.
Halimbawa ng Tulang Liriko:

Sa Dalampasigan ni Teodoro A. Agoncillo

I.
O mumunting alon!
Buhat sa magalas na batong tuntungan,
Namamalas kitang tumatakbo-takbo’t sumasayaw-sayaw
Bago ka humalik sa dalampasigan.
Sa sinasayaw-sayaw, sa tinakbu-takbo ikaw ay kundimang
Namadmad sa labi ng isang kariktan!
Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan,
Titik kang masigla ng luma ng talindaw.
O mumunting alon! Buhat sa magalas na aking tapakan,
Ikaw ay piraso’t nagkadurog-durog na sultanang buwan!

II
Buhat sa malayo,
Ikaw’y dambuhalang busilak ng bagwis,
Na kung ibuka mo’y parang niwawalat ang pinto ng langit,
Sa pananambulat ng iyong tilamsik
Ay nasaksihan ko ang pagkadurog-durog ng mga daigdig!
Habang sa malayo ikaw ay mabagsik,
Maamung-maamo, mayuming-mayumi ikaw kung lumapit!
Sa buhanging tuyo’t may kislap na init,
Marahang-mabining idinarampi mo ang wagas na halik!

III
Lumapit-lumayo
Ay pinapawi mo ang kayraming bakas
Na sa buhangina’y limbag na balita ng gabing lumipas,
Aywan kung ang mga magkatabing yapak
Ay pinawi mo rin sa bisa ng iyong pagliyag
Kung magkagayon man, nais kong isulat
Na “ibig ko na ring ako’y maging isang dagat na malawak;
Ako, sa ganito, ay magkakapalad
Maging kahalikan ng tuyong buhangin sa tabi ng dagat!
Sa ganya’y lagi nang mayroong kabulungan at kayakap-yakap!”

IV
At ang mga bulong
Sa aki’y di ingay kundi mga awit
Ng pag-aanasan at pagsusumpaan ng lupa at tubig!
At sa paanan ko kung aking mamasid
Ang paghahabulan ng along animo’y kumakabang dibdib
Ng isang dalagang bago pang ninibig
Nais kong mawala, matunaw at muling iluwal ng langit,
Nang di ko madama yaring tinitiis!
Sa aki’y di ingay ang naririnig ko- kundi mga tinig
Niring kaluluwang di man lumuluha’y may piping hinagpis!

2. Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry)


± isang tula na may balangkas. Ang tula aymaaaring maikli o mahaba, at ang mga
kuwento na may kaugnayan sa maaaring magingsimple o kumplikadong pangyayari. Ito
ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentongtula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at
lays.

Uri ng Tulang Pasalaysay

a.Epiko

± ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa


nanaglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng
makabuluhang saisang kultura o bansa.

b. Awit at kurido

± ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walongsukat. ang tulang
kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa saEuropa tulad
ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Angtanyag na
kurido ay ang Ibong Adarna.

c. Karaniwang Tulang Pasalaysay

± Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari saaraw-araw na buhay.

Halimbwa ng Tulang Pasalaysay:

Ang Pagbabalik

Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,


Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!

Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas


Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag...
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;

Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,


At ang buwan nama’y ibig nang magningning:
Maka orasyon na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayang lupain:
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.

Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok,


Pinatuloy ako ng magandang loob;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!”

Nang kinabukasang magawak ang dilim,


Araw’y namimintanang mata’y nagniningning;
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.

At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat,


Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak...
O, marahil ngayon, siya’y magagalak!

At ako’y lumakad, halos lakad takbo,


Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao...
“Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila na darating ako.”

At ako’y tumuloy... pinto ng mabuksan,


Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”

3. Tulang Patnigan (Joustic Poetry)


± Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.

a.Balagtasan

± Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang


pagtatalunan. Itoy sa karangalan ni Francisco ³Balagtas´ Baltazar.

b. Karagatan

± Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang satinatawag na


libangang itinatanghal´ na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isangalamat ng
singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.

c. Duplo

± Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran


nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain atmga kasabihan.

4. Tulang Pantanghalan o Padula


± karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulangibinibigkas na kung minsan ay
sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isangawitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong
lubhang madula na maaaring makatulad ng, odili kayay naiiba sa nagaganap sa pang-
araw-araw na buhay.

You might also like