You are on page 1of 4

HENERAL LUNA

Heneral Luna ay isang pelikula na bungang-isip na base sa tunay na pangyayari sa ating


kasaysayan noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano matapos ang mahigit na tatlong
daang taon na pananakop ng mga kastila sa ating inang bayan - ang Republika ng Pilipinas.
Hinango ng direktor na si Jerrold Tarog ang Heneral Luna mula sa sulat ni Dr. Vivencio Jose na
ang pamagat ay " The Rise and Fall of Antonio Luna" na nagtatalakay sa mga pambihirang
katangian ni Heneral Luna.

Ang mga pangunahing gumanap sa pelikulang Heneral Luna ay mga sumusunod:

Heneral Antonio Luna : John Arcilla


President Aguinaldo : Mon Confiado
Apolinario Mabini : Epy Quizon
Joven Hernando : Aaron Villafor
Capt. Eduardo Rusca : Archie Alemania
Col. Paco Roman : Joem Bascon
Gen. Jose Alejandrino : Alvin Anson
Felipe Buencamino : Nonie Buencamino
Gen. Gregorio "Goyong" Del Pilar : Paulo Avelino
Capt. Jose Bernal : Alex Medina
Isabel : Mylene Dizon
Capt. Janolino : Ketchup Eusebio
Doña Laureana Luna : Bing Pimentel
Col. Manuel Bernal : Art Acuña
Pedro Paterno : Leo Martinez
Gen. Tomas Mascardo : Lorenz Martinez
Lt. Quezon : Ben Alves

Ang Buod

Ang pangyayari sa pelikula ay noong panahon ng digmaan sa pagitan ng Pilipinas at ng


Amerika. Sa panahong iyon, may isang Heneral na magagalitin na nagngangalang Antonio Luna
na may mas matinding kalaban na hinarap higit pa sa mga Amerikano - ang kanyang traidor na
mga kababayan.

Noong 1898, si Heneral Luna (sa katauhan ng aktor na si John Arcilla) ay kumander ng
rebolusyonaryong hukbong sandatahan laban sa pamamahala ng mga Amerikano. Matapos na
ang Pilipinas ay sakupin ng mga Kastila ng higit pa sa tatlong daang taon, ang Republika ng
Pilipinas ay napunta naman sa kamay ng mga dayuhan - ang mga Amerikano.
Si Heneral Luna ay nais lamang ipaglaban ang kalayaan ng Republika ng Pilipinas na
ayon sa kanya, ay siya rin pilit na ipinaglaban ng mga Amerikano sa kanilang bansa. Mungkahi
ni Heneral Luna ay may karapatan din ang mga Filipino na mabuhay ng malaya sa sariling
nitong bansa gaya lang din ng mga Amerikano na ipinaglaban ang sariling nilang kalayaan.

Noong panahon na nagpupulong ang mga miyembro ng mga gabinete sa ilalim ng


pamamahala ni Pangulong Aguinaldo (na ginampanan ng aktor na si Mon Confiado) ukol sa
usapin na magpapailalim ba o hindi ang Republika ng Pilipinas sa mga Amerikano ay iba-iba ang
kanilang ninanais. Si Felipe Buencamino (Nonie Buencamino) na noon ay Minister of
Development at si Pedro Paterno (Leo Martinez) na noon ay ulo ng gabinete ay isinulong ang
mungkahi na magpasakop na lamang sa mga Amerikano sa kadahilanang dahil sa paglaban sa
mga Amerikano, maraming inosenteng mamamayang Filipino na ang nawalan ng buhay. Isa din
na dahilan ay ang potensiyal na pagunlad ng ekonimiya sa pamamagitan ng pakikipagkalakal sa
mga Amerikano. Isa pang dahilan ng dalawang miyembro ng gabinete ay kulang na sa makinarya
ang Republika ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang pakikipagdigma sa mga Amerikano.

Itong mungkahing ito ay lubos na tinutulan ni Heneral Luna sa kadahilanang ayon sa


kanya, ito ay isang pagtataksil sa inang bayan. Ang pakikipagkalakal ay isang pansariling interes
lamang at hindi para sa bayan. Ayon kay Heneral Luna, ang mas mahalaga ay ang kalayaan ng
bayan higit pa sa pansiriling kagustuhan. Iniutos din niya na ipahuli at ipakulong si Paterno at
Buencamino noong kasalukuyang sila ay nagpupulong dahil sa kanilang kataksilan. Inaatang na
din ni Pangulong Aguinaldo kay Heneral Luna na pamunuan ang hukbong sandatahan sa
pakikipaglaban sa mga Amerikano.

Sa kabila ng kapangyarihan na ibinigay ni Pangulong Aguinaldo kay Heneral Luna na


pamunuan ang rebolusyonaryong hukbong sandatahan ay marami parin sundalo ang hindi
sumunod kabilang na ang kumandante ng Pampangga na si Gen. Tomas Mascardo (Lorenz
Martinez). Nanindigan si Gen. Mascardo na hindi siya kabilang sa hukbong sandatahan na nasa
ilalim ng pamumuno ni Heneral Luna dahil sila ay parehas lamang ng ranggo. Umabot na sa
sukdulan ang kanilang alitan hanggang sa lusubin na ni Heneral Luna sa Guagua si Heneral
Mascardo dala ang utos ng Pangulo ng Pilipinas na sumuko na si Gen. Mascardo. Noong
kasalukuyang hinuhuli si Gen. Mascardo ay nilulusob naman ang mga naiwan ni Heneral Luna
sa Bagbag at gayundin sa kampo ni Gen. Goyong Del Pilar (Paulo Avelino).

Maraming sundalo ang namatay sa paglusob ng mga Amerikano dahil sa hindi pagsunod
ng ilang miyembro ng hukbong sandatahan na nagdulot ng pagpapasya ni Heneral Luna na
magbitiw sa pwesto. Hindi ito tinanggap ni Pangulong Aguinaldo na sinegundahan naman ni
Apolinario Mabini (Epy Quizon) na siyang unang Prime Minister noong panahon na iyon. Ayon
kay Aguinaldo at Mabini, hindi maaring magbitiw sa pwesto si Heneral Luna dahil siya lamang
ang pinakamagaling na pwedeng mamuno dito. Isang kondisyon ang hiningi ni Heneral Luna, na
hayaan siya ni Aguinaldo na pamunuuan ang hukbong sandatahan at bigyan siya ng panibagong
kampo sa Norte at nakuha niya ang Pangasinan.
Humingi ng komento ukol kay Heneral Luna si Pangulong Aguinaldo kay Paterno at
Buencamino na lihim na nagtatago sa opisina ni Aguinaldo noong panahon na nagpahayag ng
pagbitiw sa pwesto si Heneral Luna gayundin kay Gen. Mascardo. Ayon kay Mascardo ay
narinig niya si Heneral Luna na nagpapahayag ng isang pagbabanta. Si Heneral Luna, ayon kay
Mascardo ay nagbanta na kung sino man ang traidor ay papatayin niya kahit pa ang Presidente
ng Pilipinas. Ayon naman kay Paterno at Buencamino, may sabi sabi na nagmula sa ibang
opisyales ng gabinete na nagbabalak si Heneral Luna na iluklok ang sarili bilang diktador. Ito
naman ay pinabulaanan ni Mabini at ipinagtanggol si Heneral Luna.

Isang araw, nakatanggap si Heneral Luna ng sulat mula kay Pangulong Aguinaldo na
nakasaad dito ay ang pagtatayo ng panibagong gabinete at si Heneral Luna ang inaatasang
mamuno dito. Hiniling din ng Pangulo na magtungo si Heneral Luna sa Cabanatuan upang
pagusapang ang tungkol sa bagay na iyon. Lingid sa kalaman ni Heneral Luna ay dito na pala
siya babawian ng buhay.

Noong araw na patungo si Heneral Luna sa Cabanatuan sampu ng kanyang sundalo ay


nagkaproblema ang marami dito sa pagtawid sa ilog na nagdulot naman ng pagpapasya ni
Heneral Luna na mauna na sa Cabanatuan kasama ang dalawa niyang tauhan na si Capt. Eduardo
Rusca (Archie Alemania) at Col. Paco Roman (Joem Bascon). Nang sila ay dumating sa
himpilan ng Pangulo sa Cabanatuan, nagulat at nagtaka si Heneral Luna ng madatnan niya si
Buencamino na nakaupo sa mesa ng Pangulo at hindi mismong si Pangulong Aguinaldo.

Habang nasa opisina si Heneral Luna at Buencamino na nagtatalo, may nagpaputok sa


baba ng himpilan na siya namang agad pinuntahan ni Heneral Luna na galit na galit. Nadatnan
niya ang mga sundalo at biglang lumabas ang Kapitan na noon ay kanyang pinakulong na si
Capt. Janolino (Ketchup Eusebio) dahil sa hindi pagsunod sa kanyang utos. Dito na siya
inumpisahang barilin at tagain ng mga sundalo hanggang sa siya ay mawalan ng buhay sabay ng
pagkamatay ni Col. Roman habang si Capt. Rusca ay nakapagtago at nabuhay.

Sina Buencamino at Aguinaldo ay hugas kamay sa pagkamatay ni Heneral Luna. Ayon


kay Aguinaldo, hindi niya pinadalhan ng sulat si Heneral Luna at katunayan pa ay siya ang
nagpadala ng liham sa Pangulo. Si Buencamino ay mariing itinanggi na siya ay may kinalaman
sa pagpapatay kay Heneral Luna ngunit sinabi niya na ang pagkamatay ni Heneral Luna ay isang
paglilinis ng kasayasayan at ito ay makatarungan sa kadahilanang si Heneral Luna ayon kay
Buencamino ay malupit at marahas na heneral. Hanggang sa huli ay hindi na nalaman ang tunay
na pumatay kay Heneral Luna. Sa kabila na si Pangulong Aguinaldo ang itinuturo ng mga
Amerikano na may kinalaman sa pagkamatay ni Heneral Luna.

You might also like