You are on page 1of 11

BANGHAY-ARALIN

SA ARALING PANLIPUNAN 7

I. Layunin:

A. Naiisa-isa at naipaliliwanag ang mga lider, salik at pangyayaring nagbigay-daan sa pag-


usbong ng nasyonalismo sa India.

B. Nasasaloob ang pagpapahalaga ng mga Indian sa mga gawaing nasyonalismo tungo sa


kasarinlan sa imperyalismong Kanluranin.

C. Nakabubuo ng mga pangkatang gawain na magbibigay-diin sa pag-usbong ng


nasyonalismo sa India.

II. Nilalaman:

A. Paksa:

Nasyonalismo sa Timog Asya


- India

B. Sanggunian: Mateo, Ph. D, Grace Estela C., et.at Asya Pag-usbong ng Kabihasnan.
Quezon City: Vibal Publishing House, 2008. pp. 312-314

Grade 7 Learner’s Module (LM) pp. 45-48


Grade 7 Teaching Guide (TG) pp. 55-57
Grade 7 Curriculum Guide (CG) pp. 15-17

C. Kagamitan: Batayang aklat at mga karagdagang babasahin kaugnay ng paksa; mga


visual aid kabilang na ang mga larawan ukol sa nasyonalismo sa Timog Asya.

D. Pagpapahalaga: Pagkilala sa kahalagahan ng mga gawaing nasyonalismo.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
BALITA

ISYU SULIRANIN SOLUSYON PAGPAPAHALAGA


- Tungkol saan ang ibinalita?
- Ano ang suliraning nakapaloob dito?
- Paano ito masosolusyunan?
- Bakit mahalaga ang balitang ito sa atin?

2. Pagsasanay:

Magpapakita ng mga flash card ang guro na may kinalaman sa nakaraang aralin
at sa paksang tatalakayin. Itatanong kung ano ang alam nila dito

- Suttee
- Female Infanticide
- Amritsar Massacre
- Rebelyong Sepoy

3. Balik-Aral:

Bakit sukdulan ang paghahangad ng Dahil ang bansang India ay sagana


mga Kanluranin na magkaroon ng sa mga likas na yaman na labis na
kolonya sa India? kinahuhumalingan ng mga
Kanluranin

Bakit nailipat ang sentro ng gawaing Sapagkat ang sentro ng kabuhayan


pangkabuhayan sa India sa mga lugar ay nasa mga daungan
na malapit sa dagat?

Kapaki-pakinabang ba ang mga pata- Sa mga Kanluranin Oo, pero sa mga


karang ipinatupad ng mga Ingles na Indian Hindi, sapagkat nalalabag ng
nagpabago sa India? mga patakarang ito ang mga
paniniwala ng mga Indian lalo na sa
relihiyon

B. Panlinang na Gawain:
1. Pangganyak:
- Kilala nyo ba ang nasa larawan?
- Ano ang mahalagang papel na kanyang ginampanan sa India?
- Ano ang naging pangunahing reaksyon ng mga Indian laban sa kolonyalismo at
imperyalismong Kanluranin?
- Paano kaya umuusbong ang damdaming nasyonalismo?

2. K-W

Panuto: Punan ang una at ikalawang kolum ng tsart. Ilagay kung ano na ang alam ng mga
mag-aaral at kung ano pa ang nais nilang malaman sa paksang tatalakayin.

Ano ang aking Nais ko pang Aking natutunan Pagpapahalaga


alam malaman
- Lokasyon ng India - Paano nakamit ng
sa mapa India ang kanilang
kalayaan?

- Sino-sino ang mga


naging lider at
nanguna sa
pakikibaka sa
pagkamit ng
kalayaan sa India?

- Ano ang paraan na


kanilang ginamit sa
pakikibaka?

3. Pangkatang Gawain:

Pagtatakda ng mga pamantayan sa pagpapangkat, pag-uulat, pakikinig, at


pagmamarka.
Papangkatin ang klase sa apat na pangkat. Papipiliin ang bawat pangkat ng
kanilang lider at rekorder. Layon ng gawaing ito na magbigay ng kaalaman tungkol sa
pag-usbong ng nasyonalismo sa bansang India sa iba’t-ibang aspeto. Bibigyan ang bawat
pangkat ng paksa na kanilang iuulat. Ipababatid rin sa kanila ang mga mungkahin kung
paano isasagawa ang kanilang presentasyon.

Pangkat 1: Pamahalaan

Gamit ang Windmill Organizer. Ilahad ang kalagayan ng pamahalaan ng India sa


panahon ng pananakop ng mga Kanluranin at ipaliwanag kung bakit dahil dito umusbong
ang damdaming nasyonalismo sa bansang India.

Mga gabay na tanong:

- Ano ang estado ng pamahalaan ng India sa kamay ng mga Ingles?


- Ano ang katayuan ng lider o pinuno ng mga Indian sa pamahalaan?
- Kapaki-pakinabang ba ang ginawang panghihimasok ng mga Ingles sa pamahalaan ng
India?
- Sa paanong paraan nabago at naimpluwensyahan ng mga Kanluranin ang pamamahala
ng India?

Pangkat 2: Ekonomiya

Gamit ang Concept Map. Ilahad ang kalagayang pang-ekonomiya ng India at


ipaliwanag kung bakit dahil dito umusbong ang damdaming nasyonalismo sa India.

Mga gabay na tanong:

- Ano-ano ang mga patakarang pangkabuhayan ang ipinatupad at binago sa bansang


India ng mga Kanluranin?
- Sa paanong paraan kinontrol ng mga Kanluranin ang ekonomiya ng bansa?
- Naging kapaki-pakinabang ba sa mga Indian ang pagkontrol sa kanilang ekonomiya ng
mga Kanluranin? Ipaliwanag

Pangkat 3: Kultura

Gamit ang Branching Chat. Ibigay ang mga pagbabagong ipinatupad ng mga
Kanluranin sa bansang India at ilahad kung bakit dahil sa mga pagbabago sa kultura ng
India umusbong ang damdaming nasyonalismo.

Mga gabay na tanong:

- Ano-ano ang mga patakarang ipinatupad at binago sa kultura ng mga Kanluranin sa


India?
- Bakit sapilitang binago ng mga Kanluranin ang mga gawi, paniniwala at kultura ng mga
Indian?
- Naging kapaki-pakinabang ba ang mga patakarang ipinatupad sa kultura ng mga
Indian? Ipaliwanag

Pangkat 4: Lipunan

Gamit ang Coat of Arm Organizer. Ilahad ang kalagayang panlipunan sa India at
Ipaliwanag kung bakit dahil dito, nabago ang damdamin ng mga Indian at umusbong ang
damdaming pagkanasyonalismo.

Mga gabay na tanong:

- Ano ang kalagayang panlipunan sa India sa panahon ng pananakop?


- Pantay ba ang estado sa lipunan ng mga Kanluranin at Indian?
- Sa paanong paraan nabago ang kalagayang panlipunan at estado ng mga Indian sa
panahon ng pananakop?
- Ano ang pangunahing naging reaksyon ng mga Indian sa pagbabago sa kanilang
pamumuhay at lipunan?
- Sa paanong paraan ipinagtanggol at nakamit ng mga Indian ang kanilang kalayaan?
Ipaliwanag

Sa paraan ng paglalahad ng mga mahahalagang impormasyon, ang pangkatang


gawain ay mamarkahan batay sa mga pamantayan na nakapaloob sa mga sumusunod na
rubrics:

PAMANTAYAN KATANGI-
TANGI MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA
4 3 2 1
NILALAMAN Ang gawain ay Ang gawain ay Ang gawain ay Ang gawain ay
naglalaman ng naglalaman ng naglalaman ng kulang sa
komprehensibo kumpletong tumpak na impormasyon
, tumpak, at mga detalye mga
may kalidad na batay sa impormasyon
mga detalye ibinigay na batay sa
batay sa panuntunan ibinigay na
ibinigay na panuntunan
panuntunan
ORGANISASYON Sapat, malinaw, Sapat, May lohikal na Hindi maayos at
at detalyado, at malinaw, at organisasyon hindi
PRESENTASYON madaling maayos ang ngunit hindi maunawaan ang
maunawaan pagkakalahad sapat ang mga pagkakalahad ng
ang ng mga detalye ng mga detalye ng
pagkakalahad detalye ng gawain gawain
ng mga detalye gawain
ng gawain
PAGKAMALIKHAIN Ang gawain ay Ang gawain ay Ang gawain ay Ang gawain ay
nilapatan ng nilapatan ng hindi gaanong hindi nilapatan
mataas na malikhaing nilapatan ng ng anumang
antas ng pamamaraan malikhaing malikhaing
pagkamalikhain (kulay at pamamaraan pamamaraan
(kulay at estilo) estilo) (kulay at estilo) (kulay at estilo)
IMPACT Nakakatawag Nakakahikayat Hindi gaanong Hindi
ng pansin at ang dating ng nakakahikayat nakakahikayat at
lubos na gawain sa mga ang dating ng walang dating sa
nakakahikayat manonood gawain sa mga mga manonood
ang dating ng manonood ang gawain
gawain sa mga
manonood

Eskala:

20 – 18 puntos - 100
17 – 15 puntos - 95
14 – 12 puntos - 90
11 – pababa - 85

4. Pag-uulat:

- Paglalahad ng bawat pangkat batay sa ibinigay na paksa

Pangkat 1: Pamahalaan

Pamaha
-laan

I
N
D
I
A
ia
Pangkat 2: Ekonomiya

Inilipat ang
pangkabuha-
Pagkontrol sa
yan sa mga
kalakalan
daungan

Ekonomiya

Mababang Pagkuha at
ekonomiya dahil pagka-ubos ng
sa mga mga likas na
produktong yaman ng bansa
Kanluranin

Pangkat 3: Kultura

Pagtanggal sa
mahahalagang gawi at
pinaniniwalaan ng mga
Indian

Kultura Pagdodomina sa relihiyon

Hindi makatarungang mga


pagbabago at batas na
ipinatupad sa India
Pangkat 4: Lipunan

Lipunan

mayroong matinding diskriminasyon sa pagitan ng


mga Ingles at Indian

Naging magulo sa iba’t-ibang panig ng bansa dahil


narin sa mga kilos protestang nagaganap

Nagkaisa ang mga Indian upang labanan ang mga


mananakop at umusbong ang kanilang damdaming
nasyonalismo

5. Pagsusuri:

- Paano nakamit ng India ang kanilang Kalayaan?


- Naging kapaki-pakinabang ba ang ginawang pakikibaka ng mga Indian upang
kanilang makamtan ang ganap na kalayaan mula sa mga mananakop?

C. Pangwakas na Gawain:

1. L-S

Matapos talakayin ang aralin, handa nang punan ng mga mag-aaral ang mga
nalalabing kolum ng tsart para sa paglalahat at kolum ng pagpapahalaga.
Ano ang aking Nais ko pang Aking natutunan Pagpapahalaga
alam malaman
- Lokasyon ng India - Paano nakamit ng - Nakamit ng mga
sa mapa India ang kanilang Indian ang kanilang
kalayaan? kalayaan sa
pamamagitan ng
pakikibaka
- Sino-sino ang mga
naging lider at - Mohandas
nanguna sa Karamchand Gandhi
pakikibaka sa
pagkamit ng
kalayaan sa India?

- Ano ang paraan


na kanilang ginamit - Gumamit ang mga
sa pakikibaka? Indian ng
mapayapang paraan
ng pakikibaka

2. Paglalapat:

Bilang isang kabataan, sa paanong paraan mo maipakikita ang iyong damdaming


nasyonalismo?

VI. Ebalwasyon:

Panuto: Isulat ang letra ng pinakawastong sagot.

1. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi katanggap-tanggap


sa mga Indian. Alin ang isang pagbabagong hindi matanggap ng mga Indian?

*A. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang


Ingles
B. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying-dagat
C. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan
D. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon
2. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang
India?

A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko


B. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
C. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
* D. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga India

3. Isinusulong naman ni Mahatma Gandhi ang kanyang pananaw na ang pinuno


ng bansa ang siyang magpakita ng pagpapahalaga sa moralidad. Ang
pagpapahalaga na sinasabi ni Gandhi ay ang:

A. maging tapat sa mamamayan at sa konstitusyon


B. mabuting relasyon sa karatig bansa
C. pagkakaroon ng isang asawa at isang pamilya
*D. maging bukas o transparent sa lahat ng kanyang gawain sa tulong sa
bayan

4. Ano ang ipinapahiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi sa


kolonyalismo ng mga Ingles sa India?

A. Mahusay na rebolusyonaryong lider si Mohandas Gandhi


*B. Maaaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan
C. Ang pang-aapi ng mga kolonyalista ay may katapusan
D. Naging simbolo si Mohandas Gnadhi ng pagkakaisa ng mga
mamamayan sa India

5 . Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop


ng mga Ingles sa pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Hindu lalo na ang
mga kababaihan?

A. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India


B. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga mamamayan
ng India
*C. Pagbabawal sa ilang matandang kaugaliang Hindu tulad ng “sati” at
“female infanticide”
D. Pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng “foot binding” at
“concubinage”
V. Takdang-Aralin:

- Ano-anong mga bansa sa Kanlurang Asya ang nakaranas ng imperyalismong


Muslim at Kanluranin?

- Ano-ano ang mga paraan ang ginamit upang makamtan ang kasarinlan ng mga
Muslim sa mga Kanluranin?

Sanggunian: Mateo, Ph. D, Grace Estela C., et.al. Asya Pag-usbong ng kabihasnan.
Quezon City: Vibal Publishing House, 2008. pp. 314-315

Inihanda ni:

KRISTINE BERNADETTE M. MANGALINAO

You might also like