You are on page 1of 3

Tiger, Eagle, ABM reign supreme in Mr. & Ms.

Intrams 2019
By Allynne Viste

Mr. Yellow Tiger Conrad Rapatalo and Miss Blue Eagle Alliyah Valdez for Category A, and the
representatives of ABM, Mr. Glynn Orteza and Ms. Alaina Dela Cruz for Category B, bagged
the title during the Mr. and Ms. Intramurals 2019 held at Alaminos City National High School
(ACNHS) Gymnasium, September 5.

This said pageant was a part of the celebration of ACNHS Intramurals 2019.

On the other hand, Mr. Blue Eagle Kirby Reyes and Ms. Green Archer Thea Domondon
(Category A), and the representatives of STEM, Mr. Jonard Mendez and Ms. Queen Raniaga
(Category B) awarded as first-runners up; Mr. Green Archer Dennis Pacionista and Ms. Yellow
Tiger Arriana Soriano (Category A), and the representatives of HUMSS, Mr. King Tamayo and
Ms. Mariella Alcantara (Category B) as second-runners up; Mr. and Ms. Red Warriors, Mr.
Gabby Labay and Ms. Gwynn Pansoy (Category A), Mr. TVL Charlie Quizon and Ms. GAS
Anjenell Rantayo (Category B) as third-runners up; and Mr. GAS James Tungpalan and Ms.
TVL Dianne Jordan came as fourth-runners up.

Furthermore, special awards were also given to the candidates. Mr. and Ms. Blue Eagles grabbed
the best in Sportswear award, Mr. Reyes showcasing a hang gliding outfit and Ms. Valdez in a
horse riding outfit. In category B, Mr. and Ms. STEM is awarded as the best in Sportswear, Mr.
Mendez showcasing a hang gliding outfit and Ms. Raniaga in a wushu outfit. Mr. Yellow Tiger
Conrad Rapatalo and Ms. Green Archer Thea Domondon for Category A, Mr. STEM Jonard
Mendez and Ms. ABM Alaina Dela Cruz for Category B, came as the Mr. and Ms. Popularity as
one of the special awards.
Phoenix, rumatsada patungong kampeonato, 3-2
Ni Allynne Viste

Sa pamamagitan ng mahigpit na depensa, nakatutulig na mga ispayk, at nakakagulat na panakaw


na sundot ng bola, isang nakakapanindig balahibong sagupaan ang ipinamalas ng Silver Phoenix
na kung saan ay pinatunayan nilang sila pa rin ang magwawagi kontra sa mga naglalakasang
Blue Eagles sa isang championsip game sa larangan ng balibol, women’s division category B sa
iskor na 3-2 sa ACNHS Intramurals 2019 na naganap noong ika-6 ng Setyembre sa Alaminos
City National High School (ACNHS) Gymnasium.

Makabasag-pinggang hiyawan ang maririnig mula sa manonood ang naging panimula ng


bakbakan at agad na makikita ang tensyon mula sa mga manlalaro ng magkatunggaling koponan.
Mga naglalagablab na ispayk mula kay Morga ng Phoenix at unforced errors ng Eagles ang
naging dahilan para matapos ng mga Phoenix ang unang set ng sagupaan sa iskor na 20-25.

Sa ikalawang set ng bakbakan ay nagpatuloy ang mahigpit na depensa ng mga Phoenix sa


pamamagitan ng teamwork na pinangunahan pa rin ni Morga ngunit humabol ang mga Eagles na
siyang nagtapos sa iskor na 24-26.

Sa pagpasok ng ikatlong set ay nagpakitang gilas ang mga agila sa pangunguna ng mga pamatay
na ispayk ni Mirador, service aces ni Abarra, at pangdagdag na mga puntos ni Doria na nagpalo
at nagtapos sa iskor na 25-22 pabor sa Eagles.

Ang pagkapanalo ng Blue Eagles sa ikatlong set ang dahilan kung bakit nagkaroon pa ng ika-
apat na set ang sagupaan. Ang tensyon mula sa magkatunggaling koponan ay nanatili at tila
napadalas ang unforced errors ng mga Phoenix habang ang Eagles naman ay panay ang pag-
atake ng mga naglalakasang palo nina Doria at Credo na sinusuportahan ng pangmalakasang
ispayk ni Mirador na siyang nagtungo upang malampaso ng Eagles ang Phoenix sa ika-apat na
set sa iskor pa rin na 25-22.

Mahigpit na tensyon hindi lamang mula sa dalawang koponan kundi mula rin sa mga manonood
ang makikita sa pagpasok ng ika-limang set labanan. Pinalakas ng Phoenix ang kanilang depensa
sa pamamagitan ng pagpapamalas ng naglalakasang mga atake na siya namng hinaharangan ng
Eagles sa pangunguna ng mga blocks ni Mirador. Natapos ang ikalimang set sa iskor na 13-15,
pabor sa Phoenix.

“Sobrang saya na syempre kasi naging worth it lahat ng trainings namin,” ani ng guro sa Senior
High School ng ACNHS na balibolista mula elementarya hanggang kolehiyo na coach ng mga
kampeon na Silver Phoenix na si Mr. Alvin Dar.
Bagama’t bigo ang mga agila na sungkitin ang kampeonato ay bakas pa rin sa kanila ang mga
ngiti sa pagkatapos ng laro.

You might also like