You are on page 1of 2

PANAHON NG HAPON

MAIKLING KASAYSAYAN
• 1942-1945, Ikalawang Digmaang Pandaigdig
• Malaki ang pagnanais ng bansang Hapon na maghari sa buong Asya
• Binomba ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre. 9, 1941
• Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2, 1942
• Sumuko ang bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril. 9, 1942

PANANAKOP NG HAPON
• Gintong Panahon ng Panitikang Filipino
• Ipinagbabawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles
• Tinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa
• Sinunog ang mga aklat na nasusulat sa Ingles
• Kinilala sa panahong ito ang mga babaeng manunulat sa pangalan nina Liwayway A. Arceo,
at Genoveva Edroza-Matute

URI NG PANITIKAN NA NAKILALA NOONG PANAHON NG HAPON


• Maikling katha
• Tula
Haiku- isang uri ng tula na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang
taludtod ay may limang pantig; ang ikalawa’y may pitong pantig; ang ikatlo ay may limang pantig
(5-7-5). Kahit na napakaikli ng haiku, ito’y dapat na may masaklaw na kahulugan , matayog na
kaisipan, matiim na damdamin at di mapasusubaliang kariktan.
Tanaga- ito’y maikli ring katulad ng haiku ngunit ito’y may sukat at tugma at ang bawat taludtod ay
may pitong pantig.
• Dula
• Nobela

TEMA NG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON


• Sumesentro sa buhay sa lalawigan o pagsasaka o pangingisda
• Ugali ng mga Hapon na masipag magtrabaho
• Sumesentro sa Pagka-makabayan, pag-ibig, at kalikasan
• Pananampalataya at sining
• Ugali ng mga Hapon sa pagiging tapat sa kanilang bansa at pagkakaroon ng dangal sa sarili at
bansa

MGA AKDANG NAISULAT NG MGA MANUNULAT NOONG PANAHON NG HAPON


• Jose Ma. Hernandez- Panday Pira
• Francisco Rodrigo- Sa Pula, Sa Puti
• Clodualdo Del Mundo- Bulaga
• NVM Gonzales- Sino ba kayo?
• Dahil sa Anak, Higanti ng Patay, Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan
• Narciso Reyes- Tinubuang Lupa
• Liwayway Arceo- Uhaw ang Tigang na Lupa
• Jose Esperanza Cruz- Tatlong Maria
• Isidro Castillo- Lumubog ang Bituin
• Gervacio Santiago- Sa Lundo ng Pangarap

You might also like