You are on page 1of 2

Miecah Gay N.

Butac
Stem 12 C
BUOD
(Apocalypto)

Sa isang kagubatan may mga grupo ng Mayan na nangangaso. Pinangungunahan nito nina Flint

Sky ang kanilang pinuno at ang kanyang anak na si Jaguar Paw. Kasama nila rito ang apat pa

nilang kasamahan sina Smoke frog, Curl nose, Cocoa leaf at Blunted. Sa kanilang pangangaso

nakahuli sila ng baboy ramo gamit ang kanilang patibong. Ipinamahagi ni Jaguar paw ang mga

parte ng baboy ramo sa kaniyang mga kasama. Habang abala sila sa kanilang ginagawa may mga

dumaang mga tao na tumakas sa digmaan. Tinanong ni Jaguar paw kung san sila patungo at

ipinaliwanag ng kanilang pinuno na ang kanilang tirahan ay nasira at naghahangad ng bagong

simula. Humingi siya ng pahintulot na dumaan sa gubat. Nang sila ay bumalik na sa kanilang

nayon sinabi ni Flint Sky na ang mga dumaan ay may sakit dahil sa takot at hinihimok siya na

huwag pahintululutan ang takot na makahawa sa kanya. Isang araw ang kanilang nayon ay

sinalakay ng isang grupo na pinangungunahan ni Sero wolf. Sinunog nila ang mga bahay,

maraming mga pinatay at ang ilan sa mga kanila ay pinahirapan. Itinago ni Jaguar paw ang

kanyang mag-ina sa isang malalim na kuweba . Bumalik si Jaguar paw at nakita nakitang

nakikipaglaban ang kaniyang ama, ipinagtanggol niya ito ngunit hindi siya nagtagumpay. Itinali

ang mga bihag at nilisan ang gubat. Habang sila ay naglalakbay, may isang batang babae na

sinasabing nahawaan ito ng hindi kilalang sakit. Nagsalita ito at sinabing ang kanyang propesiya

mag-ingat sa dilim at sa lalaking may kasamang jaguar na siyang magiging dahilan sa

katapusan ng mundo at pagkamatay ng mga sumalakay kina jaguar paw. Nang nakarating na sila

sa kanilang patutunguhan, ibininenta ang mga babaeng bihag habang ang mga lalaki ay idinila sa

tuktok ng tatsulok kung saan sila ay pinapatay para iaalay sa Hari at Reyna ng Mayan. Ngunit

dahil sa solar eclipse na nangyari at paniniwala tungkol dito ay hindi natuloy ang pag-aalay. Sina

Jaguar paw at ang natirang mga bihag ay inalok ng kalayaan pero kailangan nilang sumailalim
Miecah Gay N. Butac
Stem 12 C
sa isang pagsubok na dapat makarating sila sa sinabing ligtas na lugar. Hindi nagtagumpay ang

dalawang kasama nila sumunod dito sina jaguar paw at isa niyang kasama. Hindi nakaligtas ang

kasama ni Jaguar paw, nasugatan si jaguar paw ngunit lumaban siya at napatay niya si Cut rock

ang anak ni Zero wolf at tumakbo siya palayo dito. Sina Zero wolf at ang kaniyang kasamaan ay

hinabol si jaguar sa gubat ngunit hindi sila nagtagumapy rito. Nakabalik si Jaguar paw sa

kanyang gubat. Mas lumakas ang kaniyang loob dahil siya ay nasa teritorya niya . Dahil sa

patibong na gianawa ni Jaguar paw nagtagumpay siyang mapatay sina Zero wolf at Middle eye.

Bumuhos ang malakas na ulan at napuno ang tubig ang pinagtataguan ng kanyang mag ina.

Hinahabaol parin siya ng dalawang natirang kasama ni Zero wolf ngunit napatigil sila dahil may

mga barko na may sakay na mga tao at may hawak na isang making krus. Tumakas si Jaguar

paw at naiwan dalawang humabol sa kaniya . Nagtungo si Jaguar paw kung saan niya itinago ang

kanyang mag-ina at para iligtas. Natagumpay siyang mailigtas at masaya na makita at bagong

sila niyang anak. Pagkalipas ng ilang oras, habang tinitignan ng kanyang asawa ang baybayain

kung saan naroon ang barko. Si Jaguar paw ay nagpasiyang huwag lumapit. Umalis sila at

naghanap ng isang bagong tahanan para magsimula muli.

You might also like