You are on page 1of 2

1) Simili.

Ang simili ay tahasang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba ng


uri. Ginagamitan ito ng mga salitang para, gaya, tulad, kawangis, atb.
Para ng halamang lumaki sa tubig,
Daho’y nalalanta munting di madilig
Ikinaluluoy ang sandaling init,
Gayon din ang pusong sa tuwa’y maniig.
- F. Balagtas, Florante at Laura

2) Metapora. Ang metapora ay pahiwatog na paghahambing sa dalawang bagay na


magkaiba ng uri.
Talaga, katoto, lubhang mahiwaga ang palad ng tao
Buhol ng tadhanang walang makakalag na kahit na sino.
- R. Alejandro, “Ang Palad ng Tao”

3) Metonomiya. Ang metonomiya ay paggamit ng isang salitang pinapalitan ng iba


na ipinahihiawatig ng una.
Sa ngalan ng Hari ay isinambulat
Gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab.
- F. Balagtas, Florante at Laura

4) Sinekdoke. Ang sinekdoke ay isang uri ng metonomiya, ngunit ang ginagamit ay


bahagi sa halip ng kabuuan o kaya’y ang kabuuan sa halip na bahagi.
At ang baling bibig na binubukalan
Ng sabing magaling at katotohanan,
Agad binibiyak at sinisikangan
Ng kalis ng lalong dusting kamatayan.
- F. Balagtas, Florante at Laura
5) Iperbole. Isang labis na pagpapahayag ngunit may kabuluhan at walang hangaring
manlinlang.
Bininit sa busog ang nakakatulad
Ng tulin n gaming daong sa paglayag.
- F. Balagtas, Florante at Laura

6) Oxymoron o pinagsamang magkasalungat na pananalita


Kung babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamatayan dagli kong kakamtan.
Datapwa’t pag ako’y minsanang pinatay.
Ang buhay kong ingat lalong magtatagal.
- Palaisipan/Karunungang-bayan

7) Apostrophe o panawagan
Sa sinapupunan ng Konde Adolfo’y
Aking natatanaw sa Laurang sinta ko,
Kamataya’y nahan ang dating bangis mo
Nang din a damdamin ang hirap na ito.
- F. Balagtas, Florante at Laura
8) Onomatopeya. Ang onomatopeya ay pagkakahawig ng tunog ng
salita at ng diwa nito. Dalawa ang uri nito:

a. Tuwirang onomatopeya
Ikaw’y iniluwal ng baha sa bundok
Hahala-halakhak at susutsut-sutsot.
- D. T. Mamaril, Ang Agos

b. Pahiwatig na onomatopeya
Ang suot ay puti’y may apy sa bibig
Sa buong magdamag ay di matahimik,
Ngunit ang hiwagang di-sukat malirip
Kung bakit sa gabi lamang mamamasaid;
Kung araw, ang tao, kahit magsaliksik
Ang matandang ito’y hindi raw masilip,
Ngunit pagdilim na’t ang gabi’y masungit
Ano’t ang simbahan ay lumalangitngit?
- F. Collantes, Ang Lumang Simbahan

You might also like