You are on page 1of 55

Mataas na Pampublikong Paaralan ng Camarines Sur

Taon 2018-2019

Lungsod ng Naga

Epekto ng Pambubulas sa Akademikong Pagganap ng mga na mag-aaral

ng General Academic Strand sa Mataas na Pampublikong

Paaralan ng Camarines Sur

Zantua, Maria Theresa S.

Ulanday, Harvey Laine B.

Servilla, Sherah Mae G.

Serdeña, Mark Live C.

Villarete, Reymart S.

Teodoro, Gilbert A.

Verdadero, Luigi P.

Rull, Catherine C.

Peralta, Andrea C.

Serdeña, Noime D.

Tuyado, Liera P.

Tamon, Riza E.

Seksyon ng 11 – GA – 2

Marso 8, 2019

Jenmel R. Dayupay, LPT-FIL

Guro sa Filipino

1
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang “Pag-aaral Hinggil sa Epekto ng Pambubulas sa

Akademikong Pagganap ng mga General Academic Strand na mag aaral

ng Mataas na Pampublikong Paaralan ng Camarines Sur sa Taog

2018-2019” ay ang pagpatupad sa kahingian ng Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teskto tungo sa Pananaliksik

bilang isang Performans task.

Tamon, Riza E. Teodoro, Gilbert A

Tuyado, Liera P. Villarete, Reymart S.

Serdeña, Noime D. Serdeña, Mark Live C.

Peralta, Andrea C. Servilla,Sherah Mae G.

Seksyon ng 11 – GA – 3

Pets ang Paglalagda

Jenmel R. Dayupay, LPT-FIL

2
DAHON NG PAG-AALAY

Ang Pag-aaral Hinggil sa Epekto ng Pambubulas sa

Akademikong Pagganap ng mga General Academic Strand na mag aaral

ng Mataas na Pampublikong Paaralan ng Camarines Sur ay taos puso

naming inaalay sa departamento ng Senior High School sa Mataas

na Pampublikong Paaralan ng Camarines Sur na inihanda nina:

Tamon, Riza E. Teodoro, Gilbert A

Tuyado, Liera P. Villarete, Reymart S.

Serdeña, Noime D. Serdeña, Mark Live C.

Peralta, Andrea C. Servilla, Sherah Mae G.

Seksyon ng 11 – GA – 3

Jenmel R. Dayupay, LPT-FIL

3
ABSTRAK

Sa Mataas na Pampublikong Paaralan ng Camarines Sur sa

Peñafrancia Avenue, Lungsod ng Naga ay isinagawa ang

pananaliksik na Pag – Aaral Hinggil sa Epekto ng Pambubulas sa

Akademikong Pagganap ng mga General Academic Strand na mag-aaral

na inihanda ng mga mananaliksik na binubuo nina Sherah Mae

Servilla, Harvey Laine Ulanday, Maria Theresa Zantua, Riza

Tamon, Liera Tuyado, Noime Serdena, Catherine Rull, Andrea

Peralta, Reymart Villarete, Mark Live Serdena, Gilbert Teodoro

at Luigi Verdadero.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman kung

paano nakakaapekto sa akademikong pagganap ng 11-GAS. Bibigyang

pansin ng mga mananaliksik ang mga naging biktima ng pambubulas.

Hindi natin maitatanggi na laganap na isyung ito lalong lalo na

sa mga mag-aaral. Lumabas sa aming pananaliksik na 68.75% ng mga

respondyente ay sinabing sila ay nabulas ng kanilang sarili mga

kaklase kung kaya ay humantong ang mananaliksik sa kaisipang

ito.

Napili ng mga mananaliksik ang General Academic Strand

upang dito mangalap ng mga datos mula sa kanilang mga karanasan

ukol sa paksang ito. Lumabas sa surbey mula sa mag aaral ng

General Academic Strand ay 93.75% ay sinabing nakaapekto sa

kanilang pag aaral ang pambubulas.

4
DAHON NG PASASALAMAT

Nais ng mananaliksik na ipaabot ang taos pusong pasasalamat

sa mga tumulong at nag ambag ng kanilang kontribusyon upang

mabuo ang pananaliksik na ito ang mga sumusunod:

Respondyente- na nagmula sa General Academic Srand – Senior High

School na malugod na pinaunalakan ang aming imbitasyon upang

sila ay maging respondyente ng aming pag aaral. Dahil sinagutan

nila nang tapat at maayos ang aming mga katanungan. Kung hindi

dahil sa mga respondyente na lumahok ay hindi mabubuo ang

pananaliksik na ito.

Magulang- ng mananaliksik dahil sinuportahan nila kami sa

pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal upang matapos ang

pananaliksik na ito.

G. Jenmel R. Dayupay- guro sa asignaturang Filipino na walang

sawa kaming ginabayan at tinulungan upang matapos ang

pananaliksik na ito.

G. Zaldy Cristobal- ang nagsasanay na guro na nagbigay saamin

gabay at mga impormasyon kung paano maisakatuparan ang

pananaliksik na ito.

At higit sa lahat, sa Poong Maykapal na nagbigay gabay at

katalinuhan sa mga mananaliksik upang maisakatuparan ito

5
TALAAN NG NILALAMAN

I. PAHINANG PRELIMINARI ------------------------------------- i

A. Pamagating Pahina ------------------------------------1

B. Dahon ng Pagpapatibay --------------------------------2

C. Dahon ng Pag-aalay -----------------------------------3

D. Dahon ng Pasasalamat ---------------------------------4

E. Abstrak ----------------------------------------------

F. Talaan ng Nilalaman ----------------------------------

G. Talaan ng Talahanayan at Graf ------------------------

II. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO ------------------------- ii

A. Panimula --------------------------------------------

B. Layunin ng Pag-aaral --------------------------------

C. Saklaw at Limitasyon --------------------------------

D. Kahalagahan ng Pag-aaral ----------------------------

E. Balangkas Konseptwal --------------------------------

F. Balangkas Teoritikal --------------------------------

G. Depinisyon ng Terminolohiya -------------------------

III. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA ---------------- iii

6
A. Kaugnay na Pag-aaral --------------------------------

B. Kaugnay na Literatura --------------------------------

IV. ANALYSIS AT INTERPRETASYON ------------------------------ iv

Graf 1 -------------------------------------------------

Graf 2 -------------------------------------------------

Graf 3 -------------------------------------------------

Graf 4 -------------------------------------------------

Graf 5 -------------------------------------------------

Graf 6 -------------------------------------------------

Graf 7 -------------------------------------------------

Graf 8 -------------------------------------------------

Graf 9 -------------------------------------------------

Graf 10 ------------------------------------------------

Graf 11 ------------------------------------------------

V. MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON -------------- v

Suliranin Bilang 1 -------------------------------------

Suliranin Bilang 2 -------------------------------------

Suliranin Bilang 3 -------------------------------------

7
PANGHULING PAHINA

BIBLIOGRAPIYA -------------------------------------------

APENDIKS ------------------------------------------------

8
KABANATA I

PANIMULA

Ang pambubulas ay isang paraan ng pananakit sa iba’t ibang

aspeto. Ilan sa mga uri ng pambubulas ay ang pinaka popular sa

lahat, ito ang berbal na pambubulas. Pananakit ng damdamin ng

tao ng ginagamitan ng mga masasakit na salita. Sa paaralan

kadalasan nangyayari ang pambubulas. Maraming mga tao ang

nakararanas ng pambubulas dahil sa mga taong mapanghusga at

hindi natin ito maikakaila.

Nabanggit na sa unang bahagi ang isa sa mga uri ng

pambubulas. Ang ikalawa naman ay ang pambubulas na pisikal ay

isang paraan na kung saan ang isang tao na nambubulas ay pisikal

na nananakit ng kanyang biktima sa pamamagitan ng pagsuntok,

pagsapak, pagsabunot, na nagdudulot na sila ay masaktan ng

pisikal.

Kadalasan na pinagmumulan ng pambubulas ay ang panlabas na

kaanyuan. Dito nagkakaroon ng malaking pagkakamali. Binabase

natin sa mga nakikita ng ating matang mapanghusga ang pagkatao

ng isang tao. Tulad na lamang ng mga taong may kapansanan.

Minsan ay sila ang tampulan ng tukso dahil sa kanilang

karamdaman o dahil sa kanilang pisikal na kalagayan. Minsan ay

kahit hindi natin gustuhin na makapanakit ng damdamin ng ibang

9
tao ay nagagawa natin dahil padalos-dalos tayo at hindi

pinagiisipan ang bawat salitang sasabihin at gagawin.

Mayroon din tayong tinatawag na “Cyber bullying” o

elektronik na pambubulas na kung saan teknolohiya naman ang

nagiging daan para makapanakit ng kapwa tao. Maaaring sa pag

gamit ng “social media”. Halimbawa ay paninirang puri sa gamit

ng social media o kaya naman ay ang pagkalat ng mga kompidensyal

na mga impormasyon tungkol sa isang particular na tao. Dapat ay

maging sensitibo tayo sa mga gagawin natin. Hindi natin alam ay

nakakasakit na tayo ng damdamin ng ibang tao nang hindi natin

sinasadya.

10
LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng mga mananaliksik na ito ay ang sumusundod:

1. Layunin nito na mag lahad ng mga dahilan ng pambubulas.

2. Malaman ang epekto ng pambubulas sa mga mag aaral at

malaman ang opinyon ng mag-aaral na nabiktima ng pambubulas.

3. Malaman ang mga paraan upang masolusyonan ang pambubulas.

11
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Naglalayon ang pananaliksik na ito na matugunan ang sumusunod

na katanungan. Ang mga suliranin na ito ay bibigyang pansin ng

mga mananaliksik:

1. Paano nakakaapekto ang pambubulas sa akademikong pagganap

ng mga GAS na mag aaral?

2. Ano-ano ang mga hakbang upang masugpo ang pambubulas?

3. Ano anong mga uri ng pambubulas ang karaniwang nararanasan

11-GAS?

12
ASAMPSYON

Ang mga sumusunod ay ang mga asampyon na inaasahan ng mga

mananaliksik.

1. Bilang isang mag-aaral sa ilalim ng K to 12 bilang isang

senior high school na mag-aaral ay nakakaapekto sa biktima

pambubulas sa pang araw araw na pakikitungo nito. Halimbawa

nalang ay nagiging balisa sila sa kanilang klase dahil sila ang

laging tampulan ng tukso. Maaaring bumaba ang tingin nila sa

kanilang sarili kaya mas pinipili na lamang na manahimik na

lamang. Maaari din itong humantong sa pagliban nila sa klase.

2. Masusugpo ang pambubulas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng

kaalaman ng mga tao ukol sa mga batas na ipinatupad. Upang

magkaroon din ng takot ang mga mambubulas at maisip nila ang mga

bawat gagawin nila. Dahil sa pagpatupad ng Anti Bullying Law ay

nabawasan ang mga nambubulas pati na rin ang mga biktima ng mga

nito.

3. Ang bawat mag-aaral ay humuhubog ng kanilang mga solusyon

kung paano maiiwasan ang pambubulas sa kanilang kapwa mag-aaral.

Isa sa maaaring maging paraan upang maiwasan ito ay ang

pagkakaroon ng limitasyon sa sarili na huwag basta basta nalang

mag bitaw ng mga salitang maaaring makapanakit ng kapwa. Hindi

13
natin alam kung paano o hanggang kailan ito makakaapekto sa mga

mag-aaral o maging sa ibang tao.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pambubulas. Ang pag

aaral na irto ay nakatuon sa mga pananaw at saloobin ng mga

piling mag-aaral na nasa Senior High School sa paaralang Mataas

na Pampublikong Paaralan ng Camarines Sur. Nililimitahan nito

ang pagpili ng mag-aaral tungkol sa pambubulas na magbibigay ng

mga impormasyon nanauukol sa paksang ito.

Ang pag aaral na ito ay saklaw ang labinglimang (15) mga

respondyente ng 11-GAS gulang 16-21 taong gulang. Ang mga

respondyenteng mapipili ay dapat na nakaranas ng pambubulas

upang masagutan nila ang katanungan sa aming surbey.

14
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng kapakinabangan sa mga

sumusunod:

Guro- bilang pangalawang magulang, ay malaman nila ang mga

epekto ng pambublulas sa kanilang mag aral at maintindihan ang

mga ikinikilos ng mga mag aaral na biktima ng pambubulas.

Mambabasa- upang mas madagdagan pa ang kanilang kaalaman tungkol

sa pambubulas at mas maging sensitibo sa kanilang mga sasabihin

o gagawin.

Iba pang Mananaliksik – makakatulong ito sa mga susunod na mga

mananaliksik na may kaugnayan sa kanilang pag-aaral.

15
DEPINISYON AT TERMINOLOHIYA

Ginamit ang mga sumusunod na termino upang maging malinaw

at maintindihan ng mga mambabasa abng pagtalakay.

Pambubulas - ang “bullying” sa ingles , ay isang paraan ng

pananakit sa pisikal o emosyonal na parte ng isang indibidwal o

grupo ng mga tao.

Paghahari - harian, pagmamaton o pambubulas ay isang uri ng pang

aapi o panunupil, na isa ring uri ng ugaling, mapanalakay,

mapaghandulong, o agresyon na kinakikitaan ng paggamit ng dahas,

pamimilit o pamumuwersa, o (koersiyon)sapilitan upang

maapektuhan ng kawalan ng katimbangan o hindi patas ang

kapangyarihan.

Senior high school – ito ay ang sekondaryang lebel ng pag aaral

na kailangan munang dumaan sa lebel na ito bago dumaan sa

kolehiyo.

16
KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga kaugnay na pag-

aaral at literatura bilang batayan ng isinagawang pananaliksik

upang maging pundasyon at magkaroon ng sapat na batayan ng

impormasyon ang pananaliksik.

KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon sa pag-aaral ni Gedron (2010), nabanggit niya na

malaki ang kahalagahan ng paaralan ukol sa pagkontrol ng bilang

ng pambubulas. Dapat ay magkarooon ng mga patakaran sa loob ng

paaralan upang unti unti ay lumiit ang bilang ng pambubulas sa

paaralan. Sinabi niyang nakadepende sa “school climate” ang

pambubulas. Kung mababa ang school climate ay magkakaroon ng

mataas na bilang ng pambubulas. Sa kabilang anda naman ay kung

mataas naman ang school climate ay magiging mababa ang bilang ng

kaso ng pambubulas.

Ayon kay McCeary (2011), ang pambubulas ay nagkakaroon ng

epekto sa nambubulas at nakasaksi nito. Maaaring makaranas sila

ng traumatikong karanasan. Maaaring maisip nila na pwedeng

mangyari din ito sa kanila o di naman kaya sa mga taong malapit

sakanila. Samantala, ang mga nabulas naman ay pwedeng maging

mailap sa mga tao at napipilitang lumipat ng paaralan dahil iyo

17
ang naiisip nilang solusyon upang matigil na ang mga nangyayari

sa kanila. Maaari din itong magdulot ng eating disorder. Ang mga

kababaihan naman ay nabubulas dahil sa timbang nito.

Ayon sa pag-aaral ni Holt (2009), ay habang tumataas ang

bilang ng biktima ng pambubulas ay nakakaapekto din ito sa

kanilang pamumuhay na maaaring magresulta sa depresyon. Mas

tumataas ang bilang ng biktima kapag hindi ito iniulat sa

kanilang mga magulang. Maaari ding maisip ng biktima na gawin

din ito, ang mambiktima din sa kanilang kapwa. Kaya mahalaga ang

suporta ng pamilya sa mga biktima.

Ayon sa pag aaral ni Metha (2013), na nakararamdam ng takot

at naiisip nilang hindi sila ligtas. Dahil dito ay naaapektuhan

ang kanilang akademikong pagganap. Hindi na sila nagiging aktibo

sa klase at gusto na lamang mapag isa.

Nabanggit sa pag-aaral ni Fareo (2015), na malaki at

seryosong problema ang pambubulas sa mga batang Nigerian.

Maaaring makaapekto ito sa biktima at sa nambulas.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Sa pag aaral ni Jill DeVoe at Christina Murphy (2011), ay

sa 7,066,000 na mga mag aaral sa Estados Unidos edad 12 hanggang

18 ay 28.0% ay sinabing sila ay biktima ng pambubulas sa loob ng

18
paaralan at 6% naman ay sinabing sila ay biktima ng cyber na

pambubulas na nangyayari kahit maging sa loob o labas man ng

paaralan.

Ayon sa pag-aaral ni McCeary (2011), ay maraming iba’t

ibang dahilan kung bakit nabubulas ang mga respondente. Maaaring

sa sila ay galing sa mahirap na pamilya, pagkainggit, lahi o

pinagmulan, pisikal na kaanyuan, sekswal na oryentasyon at pang

aabuso. Mahigit 8-% ng mga mag aaral ay nagkaroon ng problema sa

pag titiwala. Marahil ay iniisip nila na lahat ng mga tao ay

pareho din ang gagawin sakanila. Mayroon pang isang ginawang

magpatiwakal na ngayon ay nagpapagaling pa. Nagkaroon siya ng

mababang tingin sa sarili.

Ayon sa pag aaral ni Biegel at Kuehl (2010), ay sa mga LGBT

na mag aaral ay sinabing 85% ay biktima ng pambubulas. Dahil

dito, tumataas din ang bilang ng nagpapatiwakal mula sakanila.

Mula naman sa pag aaral ni Wang (2009), ay tumaas ang

bilang ng biktima ng pambubulas sa dalawang buwan sinabing 20.8%

ay sila ay pisikal na inabuso. 53.6% biktima ng berbal na

pambubulas, 51.4% biktima ng sosyal na pambubulas at 13.6% ay

nabulas gamit ang elektronik. Sinabi niyang ang mga kalalakihan

ay kabilang sa pisikal at berbal na pambubulas samantala ang mga

kababaihan naman ay sangkot sa elektronik o cyber na pambubulas.

19
Mula sa pag aaral ni Hoertel (2017), ay nagpakita ng epekto

ng pambubulas sa aspeto ng kasarian. Ang mga datos ay nakuha

mula sa National Epidemiologic Survey of Alcohol and Related

Condition (NESARC). Mas malaki ang naging bahagdan ng mga

kalalakihan (8.5%) at mga kababaihan (4.2%) ukol sa isyung ito.

20
BALANGKAS AT KONSEPTWAL

Ang konseptwal na balangkas ng pag aaral na ito ay

inilalahad ng input propayl ng mga biktima ng pambubulas tulad

ng mga hakbang sa pangangalap ng datos na nakapaloob ang

dukomentasyon, analisis at interpretasyon ng nakuhang resulta.

Ang output ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakalap na datos

ay sa epekto ng pambubulas sa mga Senior High School na mag

aaral.

21
PROSESO OUTPUT
INPUT
1. Dokumentasyon  Epekto ng
1. Pangalan
2. Analysis pambubulas sa
2. Edad 3. Survey questions mga Senior High
FRAMEWORKS
3. Pananaw 4. Interpretasyon School na mag-
4. Kasarian 5. Pangangalap ng aaral
5. Antas at bilang mga kaugnay na
literature at pag-
aaral

Pigura 1

Balangkas Konseptwal

22
THEORITICAL FRAMEWORKk

Ang “Dominance” ay isang salik ng pakikipag-ugnayan kung

saan ang mga indibidwal ay naka ayos sa isang herarkiya ayon sa

kanilang kakayanan o kapangyarihan. (Dunbar 1988) ngunit ano nga

ba ang dahilan kung bakit nambubulas at may nag papabulas? Ano

ang epekto nito sa buhay ng binubulas?

Noong ika-6 ng Hunyo 2013 nang ipasa ng mataas na

kapulungan o senado ng ika-15 sa kongreso ang Senate Bill 2667 o

mas kilala bilang Anti- Bullying Act of 2011. Enero 2012 naman

nang ipasa sa ikatlong pagbasa sa mababang kapulungan ang House

Bill No. 5496 o Anti- Bullying Act of 2012. Layon ng batas na

mahadlangan at magawan ng karampatang aksyon ang mga kaso ng

pambubulas.

Pagkaiinggit rin ang isa sa mga dahilan kung bakit

nambubulas ang isang tao o kaya naman gusto lamang magpasikat o

magyabang sa klase. Madalas na pagliban sa klase ang nagiging

sanhi o epekto ng pambubulas sa tao dahil sa takot na gawin ulit

ito sa kanila. Napapalayo rin sa kapwa tao ang nagiging

nabibiktima ng ng pambubulas. At kadalasan ring nauuwi sa

pagkitil ng buhay ng isang biktima ng pambubulas dahil sa

matinding depresyon na nararanasan nito. Maaari ring maapektuhan

ang abilidad ng isang studyante na matuto hanngang sa kanilang

pinakamahusay na abilidad.

23
Epekto ng Pambubulas sa Akademikong Pagganap ng mga na mag-

aaral ng General Academic Strand sa Mataas na Pampublikong

Paaralan ng Camarines Sur

DOMINANCE THEORY

Ayon sa teoryamg ito, ang pambubulas ay isang agresibong pamamaraan na may layuning
makakuha at mapanatili ang taong nambubulas.
Pigura 2

Pigura 2

Balangkas Teoretikal

24
KABANATA III

METHODOLOHIYA

PAMAMARAANG GINAMIT

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga epekto ng pambubulas

sa mga mag-aaral na nakakaranas ng pambubulas. Ang pananaliksik

na ito ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik. Gumamit ang

mananaliksik ng mga talatanungan na sasagutan ng mga mapipillig

respondante upang makalikom ng mga impormasyon. Naniniwala na

ang mga mananaliksik na angkop ang desisyong ito para sa paksang

ito.

RESPONDYENTE

Ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga respondyente sa

pamamagitan ng pagkilala dito. Dapat sila ay tunay na nakaranas

at nabiktima ng pambubulas upang masagutan nila ang mga

katanungan nang maayos at tugma sa kanilang mga pinagdaanan. Ang

napiling respondyente sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-

aaral ng ika-11 na baitang ng Senior High School sa

kinabibilangan ng General Academic Strand sa paaralan ng Mataas

na Pampublikong Paaralan ng Camarines Sur na mag-aaral

MGA KAGAMITAN SA PAGLIKOM NG MGA DATOS

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga talatanungan na

sasagutan ng mga respondyente. Naniniwala ang mananaliksik na sa

25
paggamit ng mga katanungan ay masusuportahan at matutugunan nito

ang paksa ng aming pananaliksik na Epekto ng Pambubulas sa mga

General Academic Strand ng Mataas na Pampublikong Paaralan ng

Camarines Sur na mag-aaral.

KAGAMITANG PANG-ISTADISTIKA

Napili ng mananaliksik na gamitin ang “Descriptive statistical

analysis” naniniwala ang mananaliksik na ito ay magiging madali

sa pag analisa ng mga datos. Inilarawan ng mga mananaliksik ang

mga nakalap na datos upang mas mailarawan ang aming pananaliksik

na nabuo.

26
KABANATA IV

ANALISIS AT INTERPRETASYON NG DATOS

Graf at Interpretasyon sa sekyon ng 11 – GAS

Babae 87.5%
Lalake 12.5%

Graf 1
Interpretasyon:

87% ang bahagdan ng babaeng respondyente at 12.5% ang

bahagdan ng lalaking respondyente.

1. Nagkaroon ba ang epekto sa iyong pag aaral ang pambubulas?

Oo 93.75%
Hindi 6.25%

Graf 2
Interpretasyon:

Lumabas na 93.75% ang nagkaroon ng epekto sa kanilang pag

aaral samantalang 6.25% ang walang epekto sa kanilkang pag aaral

ang pambubulas.

27
2. Kung mayroon, ano ito?

Epekto ng Pambubulas
Pagbaba ng tingin sa sarili 25%
Pagliban sa klase 37.5%
Depresyon 12.5%
Wala 25%

Graf 3

Interpretasyon:

Lumabas mula sa nakalap na mga sagot sa surbey sa tanong na

“Ano ang epekto ng pambubulas sa pag-aaral?” 37.5% ang

napapabayaan ang kanilang pag aaral at lumiliban sa klase. 25%

ang bumaba ang tingin sa sarili. 12.5% ang sinabing nagdulot ito

sakanila ng depresyon sa kakaisip sa mga sinabi ng nambubulas sa

kanila. At 25% ang sinabing walang naging epekto sa pag aaral

nila ang pambubulas.

28
3. Nagkaroon ka ba ng troma nang makaranas ng pambubulas?

Oo 50%
Hindi 50%

Graf 4
Interpretasyon:

Hati ang naging sagot ng mga respondyente. 50% ang sinabing

nagkaroon sila ng troma at 50% din ng respondyente ang sinabing

hindi sila nag karoon ng troma.

4. Anong uri ng pambubulas ang naranasan mo?

Berbal 87.5%
Elektroniko 6.25%
Pisikal 6.25%

Graf 5
Interpretasyon:

Lumabas sa surbey na ang karaniwang nararanasan na uri ng

pambubulas ay berbal na 87.5%. Cyber na pambubulas o elektroniko

6.25% at sa pisikal na pambubulas ay 6.25%.

29
5. Kanino mo naranasan ang mabulas?

Kaklase 68.75%
Kaibigan 37.5%
Magulang 6.26%

Graf 6
Interpretasyon:

Lumabas na karaniwang naranasan ng mga biktima ang

pambubulas sa kanila mismong mga kaklase 68.75%. Sa kanilang

kaibigan ay 37.5% at sa kanilang sariling magulang ay 6.25%.

6. Natakot ka ba sa nambulas sayo?

Oo 56.25%
Hindi 43.75%

Graf 7
Interpretasyon:

Lumabasa sa surbey na 56.25% ay nagkaroon ng takot sa

nambulas sakanila at 43.75% ay hindi natakot sa nambulas

sakanila.

30
7. Gumawa ka ba ng paraan upang matigil ang nambubulas saiyo?

Oo 50%
Hindi 50%

Graf 8
Interpretasyon:

Hati ang naging sagot ng mga respondyente. Lumabas na 50%

ang gumawa ng paraan upang matigil ang nambubulas at 50% ang

sinabing hindi sila gumawa ng paraan upang matigil ang

nambubulas sakanila.

8. Kung ikaw ay nakaranas ng pambubulas, naisipan mo bang

mambulas din bilang ganti?

Oo 37.5%
Hindi 62.5%

Graf 9
Interpretasyon:

Lumabas na 37.5% ang naisipang mambulas din bilang ganti at

62.5% ang sinabing hindi nila naisip gumanti.

31
9. Alam mo bang may batas tungkol sa pambubulas?

Oo 81.25%
Hindi 18.75%

Graf 10
Interpretasyon:

Lumabas na karamihan ay alam na mayroong batas ang

pambubulas. Ito ay may bahagdan na 81.25% at 18.75% ang sinabing

hindi nila alam na mayroong batas sa pambubulas.

10. Kung matagal mo ng alam na may batas tungkol sa pambubulas,

naisipan mo bang mag sumbong sa mga awtoridad o sa nakatataas?

32
Oo 31.25%
Hindi 68.75%

Graf 11

Interpretasyon:

Lumabas sa surbey na 31.25% ang naisipang mag sumbong sa

awtoridad habang 68.75% ang sinabing hindi nila naisipang

magsumbing sa awtoridad.

33
KABANATA V

Kabilang sa kabanatang ito ay ang mga natuklasan,

konklusyon at rekomendasyon na nakalap mula sa mga mga datos.

1. Paano nakakaapekto ang pambubulas sa akademikong pagganap ng

mga GAS na mag aaral?

Mga Natuklasan

Natuklasan ng mga mananaliksik na ang pangunahing epekto ng

pambubulas sa mga mag aaral ng 11-GAS ay pag liban sa klase.

Lumiliban sila sa klase dahil nahihiya sila na pumasok. At

natatakot na baka paulit ulit na mangyari ang pambubulas

sakanila. Dahil sa pagliban nila sa kanilang klase ay bumababa

ang kanilang mga marka. Isa na din sa epekto ng pambubulas ay

ang pagbaba ng tingin sa sarili. Dahil dito ay bumababa ang

kanilang kumpiyansa sa sarili at pinipili nalang na hind imaging

aktibo sa klase.

Konklusyon

37.5% ng mga respondyente sa aming surbey ay sinabing sila

ay pinipili nalang lumiban sa klase dahil sila ay nahihiyang

pumasok. 25% ay sinabi naming bumababa ang tingin nila

sakanilang sarili. 12.5% naman ay sinabing ang pambubulas ay

nagdulot sakanila ng depresyon. Dahil paulit ulit nilang iniisip

ang mga masasakit na sinabi sakanila ng mga nambubulas sakanila.

34
25% ay sinabing hindi naapektuhan ng pambubulas ang kanilang

akademikong pagganap. Mas pinipili nilang huwag making sa mga

masasakit na salitang naririnig sila. Dahil dito ay hindi nalang

sila nagpapaapekto dito.

Rekomendasyon

Mas mabuti na huwag na lamang magpaapekto sa mga masasakit

na sinasabi ng mga nambubulas sakanila. Kung patuloy na

pakikinggan nila ito ay pwedeng mag karoon ng masamang epekto

hindi lamang sa akademikong pagganap kung hindi pati na rin sa

kanilang pang araw araw na pamumuhay.

35
2. Ano ano ang mga hakbang upang masugpo ang pambubulas?

Mga Natuklasan

Natuklasan ng mananaliksik na ang mga hakbang upang masugpo

ang pambubulas ay ang mag sumbong sa guro upang mapagsabihan ang

mga nambubulas sa kanila at huwag dapat matakot sa kanila. Sa

ikahuling tanong sa aming surbey na “Kung matagal mo ng alam na

may batas tungkol sa pambubulas, naisipan mo bang mag sumbong sa

mga awtridad o sa nakataas?” 68.75% ng mga respondente ay

sinasabing hindi nila sinubukan ng ma sumbong sa mga awtoridad

kahit 81.75% ng respondante ay alam ang mga ukol sa pambubulas.

Kung ang isang indibidwal ay binigyan ng karapat ay nararapat

lamang na ito ay gamitin nya na magpoprotekta sa kanya laban sa

mga masama. Upang masugpo ang kaso ng pambubulas ay dapat

magkaroon ng sapat na kaalaman ang bawat isa sa atin ukol sa

isyung ito.

Kongkusyon

Ang pabubulas ay karaniwang nangyayari sa loob ng paaralan.

Lumabas sa surbey sa 68.75% ng mga respodyente ay sinasabing

sila ay biktima ng pambubulas ng sarili nilang kaklase. Ang

pambubulas ay nakakaapekto sa pag aaral ng isang estudyante. Una

lumiliban sa kanilang klase dahil nahihiya sila sa kanilang

mga kaklase o dahil sa takot na maulit na naman ang mga

36
ibinibato sa kanilang mga makakasakit na salita at ginagawa sa

kanila. Dahil dito,ay bumababa ang kanilang kumpiyansa sa sarili

at hindi na sila nagiging aktibo. Bumababa ang kanilang mga

marka.

Rekomendasyon

Saating mga sarili nagsisimula ang pag babago. Kung ang mga

biktima ay gagawa ng paraan upang masugpo ang isyung ito ay

bababa ang bilang ng kaso ng pambubulas. Ano nga ba ang

nagpipigil sakanila na isumbong ang nangyayari sakanila sa mga

awtoridad. Marahil ay takot. Takot na hindi sila maintindihan. O

kaya takot na baka mas malala pa ang gawin sakanila ng mga

nambubulas sakanila. Hindi dapat mamayani ang takot. Unang una

ay nagpatupad ang gobyerno ng batas tungkol dito. Layunin nito

na . Narito ang gobyerno upang tayo ay ipagtanggol kaya tayo,

bilang kasangkot sa mga batas na ipinatupad ay dapat na alam

natin kung paano at kailan natin ito gamitin.

37
3. Ano anong mga uri ng pambubulas ang karaniwang nararanasan ng

11-GAS?

Mga Natuklasan

87.5% ng mga respondyente ay sinabing sila ay nakaranas ng

berbal na pambubulas. Dapat ay maging maingat tayo sa pagpili ng

bawat salitang sasabihin natin. Hindi natin alam kung ito ba ay

makakaapekto sa tao sa iba’t ibang aspeto. Pumapangalawa ang

pisikal na pambubulas na may bahagdan na 37.5%. Sa uri ng

pambubulas na ito ay pisikal na sinasaktan ang mga biktima.

Kongklusyon

Karaniwang nararanasan ng mga biktima ay ang berbal na

pambubulas. Sa berbal na pambubulas, dito nakakapagsabi ng mga

masasakit na salita. Ito ay hindi gaanong marahas ngunit marami

ang pwedeng maging masamang epekto ito. Halimbawa ay pagmumura

at panlalait. Sa panlalait ay dito nagkakaroon ng pagbaba ng

kumpiyansa sa sarili. Naiisip ng biktima na marahil ay tama ang

sinasabi ng mga nambubulas sakanila kaya dito nagkakaroon ng

pagkakaroon ng duda sa sariling kakayahan. Ang pisikal na

pambubulas naman ay ang pisikal na pananakit at ang panghuli ay

ang cyber o elektronik na pambubulas. Hindi natin maitatanggi

ang pag usbong ng makabagong teknolohiya ngayon. Ito ay nagiging

38
daan upang mambiktima. Maaaring ang pag “post” ng mga bagay na

makasisira sa isang tao.

Rekomendasyon

Sa pag pili ng bawat sasabihin natin sa mga tao ay nagiging

maingat tayo na masaktan sila. Hindi natin alam, hindi natin

sinasadyang nakasasakit ng damdamin dahil sa hindi natin pinag

iisipan ang bawat salitang sasabihin natin. Walang mangyayaring

maganda kung patuloy ang pambubulas. Unang una ang malaki ang

epekto ng pambubulas sa akademikong pagganap ng mag aaral.

39
BIBLIOGRAPIYA

 Students Report of Bullying and Cyber-Bullying – NCES –

ED.gov

PDFhttps://nces.ed.gov>pubs2011

 Wang, J. (2009). School bullying among adolescents in

United States: Physical, verbal, relational, and cyber.

368-375.

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/m/pubmed/19766941

 Gedron, P. (2010). An analysis of bullying among students

within schools: Estimating the effects of individual

normative beliefs, self esteem, and school climates. 150-

164

https://www.tandfonline.com/doi/full/10.1080/15388220.2010.

539166

 Harvard T.H. Chan. (2010) Bullying in Nigerian secondary

schools: Strategies for counselling intervention. 435-443.

https://www.research

gate.net/publication/287806378_Bullying_in_Nigerian_Seconda

ry_Schools_Strategies_for_Counseling_Intervention

 McCleary, L. (2010). Bullying and its effect on today’s

youth.

Bullying and Its Effect on Today’s Youth Lateisha H.

McCleary Monroe College…

40
PDFhttps://www.monroecollege.edu>PDF

41
Ginagalangan naming Guro,

Magandang araw po sainyo. Nais naming humingi ng pahintulot

sa inyong klase ang mga nakaranas ng pambubulas at kung pwede ay

nais naming silang isurbey sa aming pananaliksik na “Epekto ng

Pmabubulas sa mga Senio High School na mag aaral” upang magkalap

ng mga impormasyon mula sa mga respondyente.

Ang iyong malugod na pahintulot ay makakatulong ng malaki

sa aming isasagawang pananaliksik.

Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,

Sherah Mae Servilla Liera Tuyado

Harvey Laine Ulanday Noime Serdena

Catherine Rull Maria Theresa Zantua

Riza Tamon Andrea Peralta

Reymart Villarete Mark Live Serdena

Gilbert Teodoro Luigi Verdadero

42
Pangalan:

Kasarian:

Baitang at Seksyon:

Edad:

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Nagkaroon ba ng epekto sa pag aaral ang pambubulas saiyo

Oo Hindi

2. Kung meron, ano ito? Ipaliwanag.

3. Nagkaroon ka ba ng troma nang makaranas ng pambubulas?

Oo Hindi

4. Anong uri ng pambubulas ang naranasan mo?

Pisikal Berbal Cyber/Elektronik

5. Kanino mo naranasan ang mabulas?

Kaklase Kaibigan Magulang

Iba pa
K
6. Natakot ka ba sa nambulas saiyo?
a
Oo Hindi

7. Gumawa ka ba ng paraan upang matigil ang nambubulas sayo?

Oo Hindi

8. Kung ikaw ay nakaranas ng pambubulas, naisipan mo bang

mambulas o gumanti?

Oo Hindi

9. Alam mo bang may batas tungkol sa pambubulas?

43
Oo Hindi

10. Kung matagal mo ng alam na may batas tungkol sa pambubulas,

naisipan mo bang magsumbong sa mga awtoridad o sa nakatataas?

Oo Hindi

44
Pangalan: Sherah Mae G. Servilla

Edad: 17

Araw ng Kapanganakan: Agosto 12, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Naga City

Pangalan ng Ama: Jose Servilla

Pangalan ng Ina: Nerissa Servilla

Ambisyon: Maging isang sikologo

Kasabihan: “Ang wastong edukasyon ay pahalagahan, ito ay susi sa

kinabukasan.”

EDUKASYONAL BACKGROUND

Elementarya: Naga Central School I

Sekundarya: Camarines Sur National High School

MAIKLING MENSAHE PARA SA:

Asignatura: Ang asignaturang ito ay isa sa mga pinakamasaya hindi


lamang pang akademikong kaalaman ngunit pati na rin ang mga
makatotohanang karanasan na pwede naming magamit sa susunod na
panahon.

Guro: Lubos akong nagpapasalamat sa dalawang guro na nag tuturo ng mga


makabuluhang kaalaman na sina Zaldy Cristobal at Jenmel R. Dayupay.

__________________________

LAGDA

45
Pangalan: Riza Esperon Tamon

Edad: 16

Araw ng Kapanganakan: Pebrero 25, 2002

Lugar ng Kapanganakan: Naga City

Pangalan ng Ama: Genaro Tamon

Pangalan ng Ina: Nenita Tamon

Ambisyon: Nurse

Kasabihan: “Huwag agad magtiwala sa taong di mo pa masyadong kakilala”

EDUKASYONAL BACKGROUND

Elementarya: Magarao Central School

Sekundarya: Camarines Sur National High School

MAIKLING MENSAHE PARA SA:

Asignatura: Ito’y madaling asignatura kung isipin ngunit mahirap din

kung minsan ay intindihin.

Guro: Sa aming dalawang guro pasensya po kung lagi po akong gumagamit

ng cellphone sa oras ng klase at salamat rin po sa inyong naibahagi na

mga kaalaman.

__________________________

LAGDA

46
Pangalan: Ma. Theresa S. Zantua

Edad: 18

Araw ng Kapanganakan: Oktubre 26, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Lungsod ng Naga

Pangalan ng Ama: Domingo S. Zantua

Pangalan ng Ina: Rowena S. Zantua

Ambisyon: Maging isang Pulis

Kasabihan: “Ang gumawa ng kabutihan, hindi natatakot sa kamatayan”

EDUKASYONAL BACKGROUND

Elementarya: Naga Central Scool II

Sekundarya: Camarines Sur National High School

MAIKLING MENSAHE PARA SA:

Asignatura: Ang asignaturang ito ay dapat palakasin upang mas

mapalawak ang kaalaman ng kabataan.

Guro: Nag papasalamat ako sa dalawa naming guro na si Jenmel R.

Dayupat at si Zaldy D. Cristobal dahil marami kaming natutunan at

tinuruan din kami sa aming paggawa ng research.

__________________________

LAGDA

47
Pangalan: Andrea C. Peralta

Edad: 18

Araw ng Kapanganakan: Oktubre 3, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Lungsod ng Naga

Pangalan ng Ama: Andres C. Peralta

Pangalan ng Ina: Emma C. Peralta

Ambisyon: Maging Pulis

Kasabihan: “Maging matagumpay sa iyong hinaharap upang maging maganda

ang iyong kinabukasan.”

EDUKASYONAL BACKGROUND

Elementarya: Sua Elementary School

Sekundarya: Camarines Sur National High School

MAIKLING MENSAHE PARA SA:

Asignatura: Sa asignatura na lubhang madaling mapagaralan. Lubos ang

aking pasasalamat sa nagbigay gabay sa aking nalalaman.

Guro: Maraming salamat po dahil sa iyong pagtuturo saamin. Nawa ang

iyong patnubay at gabay ay umiral.

__________________________

LAGDA

48
Pangalan: Mark Live Serdeña

Edad: 16

Araw ng Kapanganakan: Marso 15, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Lungsod ng Naga

Pangalan ng Ama: Luis B. Serdeña Jr.

Pangalan ng Ina: Ma. Theresa C. Serdeña

Ambisyon: Maging isang animator at civil engineer

Kasabihan: “Laging may paraan sa mga problemang pinag dadaanan.”

EDUKASYONAL BACKGROUND

Elementarya: Rosario V. Maramba Elementary School

Sekundarya: Camarines Sur National High School

MAIKLING MENSAHE PARA SA:

Asignatura: Ang pagbasa at pagsusuri para saakin ay masaya dahil


marami akong natutunang bagong kaalaman ukol sa Filipinong salita at
lenguwahe

Guro: Saaming dalawang guro salamat dahil sa inyo marami kaming


natutunan at salamat sa pagbigay ng bagong kaalaman makakaasa kayo na
papalaguin ko pa ang aking kaalaman.

__________________________

LAGDA

49
Pangalan: Reymart Villarete

Edad: 17

Araw ng Kapanganakan: Nobyembre 14,

2001

Lugar ng Kapanganakan: Lungsod ng Naga

Pangalan ng Ama: Roberto Villarete

Pangalan ng Ina: Rowena Villarete

Ambisyon: Makapag tapos ng pag-aaral upang matupad ang mga gustong

mangyare sa buhay tulad ng maging isang seaman.

Kasabihan: “Kung may tiyaga, may nilaga”

EDUKASYONAL BACKGROUND

Elementarya: Don Manuel Elementary School

Sekundarya: Cararayan National High School

MAIKLING MENSAHE PARA SA:

Asignatura: Ang asignaturang ito ay masasabing madali para saakin


kumpara sa ibang asignatura at ang asignaturang ito ay magandang pag-
aralan dahil pinapalawak nito ang aking kaisipan.

Guro: Dahil saaming guro ay mas lalo ko pang naunawaan ang iba’t ibang
mga kultura, diyalekto n gating bansa at malinaw kong naiintindihan an
gaming mga pinag-aaralan dahil sa ang aming guro ay magaling magturo
at isang matalinong guro.

__________________________

LAGDA

50
Pangalan: Noime D. Serdeña

Edad: 18

Araw ng Kapanganakan: Oktubre 4, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Lungsod ng Naga

Pangalan ng Ama: Oscar Serdeña

Pangalan ng Ina: Jocelyn Serdeña

Ambisyon: Maging isang pulis

Kasabihan: “Bawat minuto ay mahalaga.”

EDUKASYONAL BACKGROUND

Elementarya: Rosario V. Maramba Elementary School

Sekundarya: Camarines Sur National High School

MAIKLING MENSAHE PARA SA:

Asignatura: Sa asignaturang ito ay marami kaming natutunan na

impormasyon na nakatutulong sa karanasan.

Guro: Saaming guro ay labis akong nag papasalamat dahil marami kaming

natutunan sakanila at kung paano gumawa ng pananaliksik.

__________________________

LAGDA

51
Pangalan: Catherine C. Rull

Edad: 16

Araw ng Kapanganakan: Hunyo 29, 2002

Lugar ng Kapanganakan: Lungsod ng Naga

Pangalan ng Ama: Benjamin R. Rull Jr.

Pangalan ng Ina: Francia R. Carillo

Ambisyon: Maging isang Guro

Kasabihan: “Iwasan kung kinakailangan salita’y minsan kahambugan”

EDUKASYONAL BACKGROUND

Elementarya: Don Manuel I Abella Central School

Sekundarya: Camarines Sur National High School

MAIKLING MENSAHE PARA SA:

Asignatura: Sa asignaturang ito maituturing na madali at lubos na may

nalalaman na ang iba.

Guro: Sa guro na mabuti ang naidulot saamin sa asignaturang ito

maraming salamat.

__________________________

LAGDA

52
Pangalan: Gilbert A. Teodoro

Edad: 16

Araw ng Kapanganakan: Hulyo 6, 2002

Lugar ng Kapanganakan: Lungsod ng Naga

Pangalan ng Ama: Hilario Teodoro

Pangalan ng Ina: Brenda Teodoro

Ambisyon: Maging isang seaman

Kasabihan: “Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga.”

EDUKASYONAL BACKGROUND

Elementarya: Tabuco Central School

Sekundarya: Camarines Sur National High School

MAIKLING MENSAHE PARA SA:

Asignatura: Masarap pag-aralan ang asignaturang ito dahil sa kakaibang


klaseng paraan ng pagtuturo ang kaniyang isinasagawa. Dahil dito mas
lalong naeenganyo ang mga estudyante ng pag-aaral dahil nababawasan
ang kanilang pagod sa asignaturang ito.

Guro: Maraming salamat po sapagkat dahil sa inyo, tiyak matutupad ko


ang mga pangarap ko. Maraming salamat po sa mga pangaral at sakripisyo
na kahit kailanman ay hindi ninyo hiningian ng kapalit. Maraming
salamat po sa pagmamahal at pagyakap ng bawat pagkakaiba iba namin.
Maraming salamat po sa pagmamhal na maaaring makalimutan nyo sa mga
taong lilipas at sa dami ng mga mag-aaral na inyong tuturuan pa.

__________________________

LAGDA

53
Pangalan: Harvey Laine B. Ulanday

Edad: 18

Araw ng Kapanganakan: July 1, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Bagumbayan Norte

Pangalan ng Ama: Jose V. Ulanday

Pangalan ng Ina: Concepcion B. Ulanday

Ambisyon: Guro

Kasabihan: “Kung hindi ukol, hindi bubukol”

EDUKASYONAL BACKGROUND

Elementarya: Dr. Domingo G. Abcede Elementary School

Sekundarya: Camarines Sur National High School

MAIKLING MENSAHE PARA SA:

Asignatura: Pagbabasa at pagsusulat isang pinakamaganda at

makahulugang asignatura na aking pinag-aaralan.

Guro: Maraming salamat po sa maikling panahon na naibahagi niyo saamin

ang kaalaman at mga aralin upang kami ay matuto.

__________________________

LAGDA

54
Pangalan: Liera Tuyado

Edad: 21

Araw ng Kapanganakan: Disyembre 26,

1997

Lugar ng Kapanganakan: Quezon City

Pangalan ng Ama: Ariel D. Tuyado

Pangalan ng Ina: Deceased

Ambisyon: Teacher

Kasabihan: “Hindi mo maaaring husgahan ang isang tao tungkol sa kanyang

talino o kakayahan ukol sa kanyang uri ng pamumuhay”

EDUKASYONAL BACKGROUND

Elementarya: Tacolod Elementary School Annex

Sekundarya: Camarines Sur National High School

MAIKLING MENSAHE PARA SA:

Asignatura: Ang Asignaturang ito ay nakakatulong upang mahubog ang mga


estudyante sa pananaliksik ng mga impormasyon at sa pag gawa ng
pananaliksik kung saan nahahasa upang sa susunod na hakbang ng pag
aaral ay may mga karanasan ng maibabahagi.

Guro: Ang aming guro sa Pananaliksik ay masinop at mahusay kung kayat


kami ay natulongan upang mabuo ang aming ginawang pananaliksik at
maibahagi ito sa aming kapwa estudyante.

__________________________

LAGDA

55

You might also like