You are on page 1of 1

Pamilya

Apple A. Absalon

Ang bawat pamilya ay may mahalagang papel dito sa mundo. Ito ay mabubuo kung ang
lahat ay nagkakasundo at nagkakaintindihan at nagmamahalan. Pero bat ang hirap
kapag tayo ay merong hindi pag-uunawaan, palagi nalang nag-aaway dahil sa mga
bagay na walang kabuluhan. Ito rin ay nagbibigkis sa lahat upang magkaroon ng buo at
matahimik na pamilya.

Kahit tayo ay may planong talikuran ang ating pamilya. Dahil sila ang dahilan kung bakit
tayo nasa maayos at may disiplina sa bawat isa. Mayama't mahirap ay kailangan parin
ang pamilyang naggagabay sa atin patungo sa tamang landas. Mayaman ka naman
pero wala kang pamilya kulang pa rin ito. Hindi ka magiging masaya at maging
miserable ang iyong buhay. Ngunit kung ikaw naman ay mahirap, pero kompleto at
meron kang pamilya na handang umalalay sayo sa oras ng kagipitan at sa panganib.
Kaya habang andyan pa sila sa atin ay dapat nating pahalagahan at bigyang pansin. Di
man sila perpekto ngunit handa silang akayin ka sa matuwid na kinabukasan. Ang
pamilya ay parang isang walis tingting kapag ito ay nabuwag wala nang kasiguruhan na
mabubuo pa ito ngunit mabait ang diyos hindi niya pababayaan ang sinumang
humihingi ng mataimtim ng panalangin. Gagawin niya lahat ang gusto ng bawat tao.

Kaya tayo wag nating hahayaan na mangyayari sa atin to. Dapat kung may problema
man ang bawat miyembro ng pamilya ay huwag nating ipadama sa kanila na nag-iisa
sila. Kung maari ay ibigay natin ang lahat upang sila ay hindi paghinaan ng loob.
Habang may panahon pa, kailangan nating magkaisa.

You might also like