You are on page 1of 1

Ako si Lernalyn L. Parisan ay may asawa at isang anak na lalaki.

Ang aking trabaho ay sa


bahay lamang bilang isang ina tungkulin kong pangalagaan ang aking pamilya, katulad na lamang sa mga
gawaing bahay at alagaan ang aking anak, kahit na makulit ang aking anak at minsan ay nakakainis narin
kailangan koparing intindihin ito dahil ganun talaga ang isang ina, kahit na mahirap ito kailangan natin
itong panindigan dahil hindi biro ang maging isang ina sapagkat maraming gampanin ang isang ina.

Masaya ako sa aking pamilya at kahit may problema ay nalalampasan ito, ganun naman talaga minsan
may problemang dumarating sa ating buhay at nalalampasan naman ito. At dahil sa mga pag subok mas
pinapatibay nito ang isang pamilya at kahit anong pagsubok ang dumating hindi ito masisira, sa lahat ng
may pamilya kailangan lang natin ng tyaga sa lahat ng oras dahil sa bandang huli makakamit nqtin ang
tahimik at maginhawang pamilya. Kaya masaya ako sa aking pamilya na mayroon ako ngayon na ito ang
nagbibigay saya saaking buhay dahil sila ang aking lakas at masaya rin ako sa tuwing kasama ko sila
araw-araw at hindi sila nakakasawang tingnan at ang saya ng pamilya ay hindi kayang higitan ng
anumang bagay dito sa mundo. Ang saya lang ng pamilya ang mayroon ako kaya't nagpapasalamat ako
sa Dios na binigyan nya ako ng isang masayang buhay kasama ang aking pamilya.♡♡♡

You might also like