You are on page 1of 4

Mga ala-alang nagpapatunay na kami ay isang pamilya

Ang pagdidiwang ng mga espesyal na okasyon ay normal sa isang pamilya,


lalong-lalo na ang kaarawan. Ang kaarawan ay napaka-espesyal para sa ating lahat,
gusto nating madaos ito kapiling ng ating mga mahal sa buhay. Maraming mga
kaarawan kaming ipinagdiwang ng magkakasama ngunit tatlo lamang ang aking
malalagay ngayon.

Hindi mabubuo ang isang pamilya kung walang mga magulang na gagabay at
magtataguyod nito. Ilan lamang sila sa mga guro na nagpamalas ng kanilang angking
galing sa amin nagturo ng mga bagay-bagay. Walang pamilya ang mabubuo kung wala
ang mga pundasyon nito.
Sa isang normal at masayang pamilya hindi nawawala ang pagliliwaliw o
pagbobonding-bonding. Ang pagbobonding ay natural sa isang pamilya para malibang
ang lahat at magkaroon ng oras para sa isa’t isa kahit na may mga problemang
hinaharap.

Kung magkakasama sa oras ng kasiyahan, dapat

magkakasama din sa
oras ng kagipitan. Ang
isang pamilya ay
nagtutulong-tulungan kung mayraoong problemang kinakaharap at hindi nag-iiwanan.
Sa buhay ay palaging may problema, lampsan mo ang lahat ng ito at
magpakatatag ka. Huwag kalimutang ang buhay ay hindi tungkol sa problema lang,
magsaya ka kasama ang mga mahal mo. Ang buhay ay walang rewind kaya sulitin ito at
huwag aksayahin.

Ang pasko ay simbolo ng pagbibigayan at pagmamahalan kaya salubungin mo


ito kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Kahit kunting handa basta ay masaya at
salo-salo.
Sa pagbabalik-tanaw
malayo na
nga ang
aming
narating na

magkakasama. Malayo pa man kaming talaga pero malayo na para kami’y sumuko pa.
Lahat kami’y naging matatag sa mga nagdaang taon kaya kami naririto na ngayon.
Hindi mabubuo ang pamilyang ito kung may mawawala kahit ni isa lang. Ang pamilyang
ito ay matuturing kong tunay at walang katulad.

You might also like