You are on page 1of 2

Mga Aspekto ng Pandiwa

Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nangyari, nangyayari, o


ipagpapatuloy ang kilos. May limang (5) aspekto ito; ang Naganap o
Perpektibo, Pangkasalukuyan o Imperpektibo, Naganap na o Kontemplatibo,
Tahasan, at Balintiyak.

1. Naganap o Perpektibo

Ito ay nagsasabi na natapos na ang sinimulang kilos. Kung minsan, ang


panlaping “nag” ay karaniwang idinirugtong sa unahan ng pandiwang
ginagamit sa pangungusap.

Halimbawa:

 Nagpaalam si Itay bago siya umalis.


 Katatapos ko lang kumain ng bigalang dumating ang Tiyo Alberto.
 Nagpirito ng manok si Pam.
 Kahapon kinasal si Aljon at Ana.
 Nagluto si Hana ng umagahan bago pumasok sa paaralan.
 Nagtanong ang guro kung sinong may lapis.
 Dumating kahapon ang balikbayang si Eunice.
 Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.
 Naghugas ng kamay si Rosa bago kumain.
 Naglinis ng bahay ang kasambahay ni Perla.
2. Pangkasalukuyan o Imperpektibo

Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o kasalukuyang nagaganap.


Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang “habang”, “kasalukuyan”, at
“ngayon” o kaya naman ay dinurugtungan ng panlaping “nag” ang unahan ng
pandiwang ginamit sa pangungusap.

Halimbawa:

 Sinamantala kong maglinis ng sasakyan habang malakas ang ulan.


 Naglalaba si Inday.
 Habang si Mama ay nagluluto, ako naman ay naghahanda na sa hapag.
 Naglilinis ng kuko si Nita.
 Iluluto ko ang pansit dahil kaarawan ngayon ni Inay.
 Ngayon ang kuhanan ng aming kard.
 Nagbabasa ng libro si Marie nang biglang dumating si Joshua.
 Araw-araw ay pumupunta ako sa bukid at nagbubungkal ng lupa.
 Nagmimisa ang pari ngunit ang ilan ay inaantok pa.
 Kasalukuyan akong nakikinig sa radyo.
3. Naganap na o Kontemplatibo

Ito ang aspekto ng pandiwa na hindi pa nasisimulan, naisasagawa o nangyari.


Plano pa lamang itong gawin o aspektong magaganap pa lamang. Ilan sa mga
halimbawa ng salitang ginagamit bago ang pandiwang ito ay ang “bukas”, “sa
susunod”, “sa makalawa”, “balang araw”, “pagdating ng panahon” at marami
pang iba.

Halimbawa:

 Balang araw, uunlad din ako.


 Gusto kong pumunta sa Paris sa susunod na taon.
 Bukas ko na kakainin ang prutas na bigay mo.
 Pagdating ng panahon ay pakakasal ako sa’yo.
 Plano kong manirahan sa Amerika kung mabibigyan lamang ng
pagkakataon.
 Sa makalawa na yata ang dating niya.
 Bukas luluhod ang mga tala.
 Sa susunod na araw ay simula na ng pasukan.
 Ayoko namang umalis bukas nang hindi ka kasama.
 Pupunta ako sa inyo kung hindi uulan.

You might also like