You are on page 1of 14

Christian Joseph B.

Anin
O.B. Montessori Center

Trabaho, Paglimot at ang Alagad ng Sining:


Pagiging Tao sa ‘Di Makataong Mundo

The independent artist and intellectual are among the few


remaining personalities equipped to resist and to fight the
stereotyping and consequent death of genuinely living things.
-C. Wright Mills, Power, Politics, and People: The Collected Essays of
C. Wright Mills, ed. Irving Louis Horowitz (New York: Ballantine, 1963)

I. Utak ng isang Ulyanin

Napakarami ko na namang bagay na nakalimutan. Ganoon talaga


siguro kapag napakaraming ginagawa at iniisip, hindi na kaya ng utak
at kelangang magbura ng alaala. Sa sobrang daming ipinapagawa ng boss,
at sa sobrang daming sermon at leksyon, kinakailangang nang magbura ng
mga luma. Ayan tuloy, nakakalimot na ng mga trabahong gagawin. Ikaw ba
naman e pagsabihan ng napakaraming masasamang bagay, talagang
mapupunta ang atensyon sa mga masasakit na salita kahit na
napakaraming bagay pa na dapat gawin. Ang resulta: mas maraming sermon
at pagalit. Kaya kahit hindi ako relihiyoso e parang nagmimisa na ako
araw-araw.

Ang isa pang nakakalungkot na bagay ay ang pagkalimot sa pangarap.


Maraming nakararanas nito. ‘Yun bang habang nasa opisina ka ay
pakiramdam mo na palayo ka na ng palayo sa pangarap mo, hanggang sa
hindi mo na maaninag o maalala kung ano nga ba yung gusto mo noong una
pa lang. Sa trabaho kasi, wala namang may pakialam kung ano ang
pangarap mo. Ang dapat lang ay gawin mo ang iniuutos sa’yo. Napakadali
‘di ba? Kaso lumalaban at laging pasaway ang utak ng isang alagad ng
sining. Laging art at lipunan ang ipinapaalala sa’yo, kaya’t lagi kang
magkakamali at makakalimot ng mga gagawin sa trabaho at lalo kang
mapapagalitan ni boss.

Ito na nga ata yung tinatawag ni Sartre, isang manunulat at


pilosopo, na hyterical distraction, o ang pagtuon ng pansin sa iisang
bagay upang maiwasan ang isa pang bagay na kinakatakutan. 1 Kung puro

1 Sartre, Jean-Paul. Truth and Existence (Chicago and London: Chicago


University Press, 1992) p. 37

1
Christian Joseph B. Anin
O.B. Montessori Center

sining ang iniisip ng isang pintor na katulad ko sa loob ng opisina,


paano na ang trabaho ko? Katakut-takot na sermon ang kahahantungan ko
neto. Tsk. Ito na ata ang representasyon ng tinatawag na ontological
consequence ng paglubog ko sa bad faith.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napagalitan dahil


sa pagkalimot. Kapag sinusubukan kong isipin, lalo akong natatakot,
lalong nababalisa. Ano nga ba ang pake ng mga katrabaho ko at ng
kumpanya sa pangarap ng isang artist? Ang kumpanya ay gawa sa makina,
binubuo ito ng kompyuter, pader, upuan, lamesa, aircon at iba pa.
Pinapatakbo ito ng kuryente, mga robot na empleyado, at siempre, pera.
Hindi mo maiiwasan na pumasok sa ganitong kalokohan. Mahirap, pero
kailangan.

Isang beses nga, napagalitan ako dahil nag-isip ako. Sabi ng boss,
“Don’t you ever think. That’s the problem, you’re thinking. Follow me,
or you’re fired. Thinking gets you nowhere”. Kung babasahin ang The
Stranger, makikita ang parehas na sitwasyon, kung saan sinabihan ng
boss ng trabaho ang bida ng nobela na ang pag-iisip ay hindi maganda
sa business. 2 Pero mahirap tanggapin ito bilang artist. Kelangan hindi
naba-blanko ang utak. Kailangang mag-isip. Pero akalain mo iyon? Bawal
mag-isip? Tama nga naman, tinanggap ako sa trabaho para sumunod, hindi
mag-isip. Nakalimutan ko na naman na nasa loob ako ng makina ng
produksyon.

Napapaisip tuloy ako. Ilang daang libo kaya sa populasyon ng


Pilipinas ang minsan ay nagnais na maging artist? Mapa-musikero man o
pintor, singer o dancer, o kahit yung kumakain ng bubog. Ilang libo
kaya ang sumuko na pagdating ng highschool? Ilang daang kaya ang
natira pagdating ng kolehiyo? Iilan na lang kaya ang natira habang
nagtatrabaho? At ilan sa mga ito ang aktwal na nakakapagpatuloy pa rin
na gumawa ng likhang sining? Ilan kaya kaming gulong gulo na at
malapit na ring sumuko? Ilan kaya kaming nakakalimot na sa mga
pangarap?

2
Camus, Albert. The Stranger (New York: Vintage International, 1988) p.41
Hindi eksaktong sinabi ng amo ni Meursault sa kanya na siya’y nag-iisip
kaya’t siya ay napagsabihan, ngunit makikita sa sagot ni Meaursault ang
malalim na pag-iisip tungkol sa buhay ng tao at ito ang dahilan kaya siya’y
sinabihan ng “That’s disastrous for business.”

2
Christian Joseph B. Anin
O.B. Montessori Center

Ayon sa isang pag-aaral sa University of Toronto, sinasabing ang


pagiging makakalimutin ng isang tao ay senyales ng kanyang pagkakaroon
ng maayos na takbo ng utak. 3 Ang mga lumang impormasyon at alaala na
hindi na esensyal ay talagang kinakalimutan ng ating utak at
pinagtutuunan naman ng pansin nito ang mga panibagong impormasyon na
kailangan sa kasalukuyang sitwasyon. Ito daw ay importante sa
pagdedesisyon ng isang tao. Kung ganoon naman pala, hindi ako ang
abnormal. Baka ang boss kong nagagalit at ang mga empleyado kong
nangangatyaw at nagsisitawanan habang sinesermunan ako ang hindi
maayos ang utak. Siguro.

Ayon kay Edward Said, ang mga intelektwal, artist, akademiko, ay


ang siyang parte ng minoridad sa populasyon ng isang bansa na laging
tumutuligsa sa idnidikta ng lipunan o ang tinatawag na status quo. 4
Sila rin ang palaging nagtatanggol sa mga naapi at sila patuloy na
gumagawa ng kritisismo sa mga nang-aapi. Malapit ito sa sinasabi ni C.
Wright Mills, na ang artist at intelektwal ay kabilang sa kakaunting
mga kumakawala at lumalaban sa nakasanayang tradiyon. 5 Sa konteksto ng
pagtatrabaho, sino ang naaapi? Sino ang kumakawala? Malamang hindi ang
trabaho o kumpanya. Hindi rin naman nauubos ang mga balita tungkol sa
mga nagwewelgang mga manggagawa at empleyado dahil sa karahasan ng
polisiya ng mga kumpanya. Kailanman ay hindi magiging inaapi ang mga
may ari ng produksyon at makinarya.

3
Richards, Blake A., and Frankland, Paul W. “The Persistence and Transience
of Memory” Neuron Volume 94, Issue 6 (2017)
DOI:https://doi.org/10.1016/j.neuron.2017.04.037
4 Said, Edward W. Representations of the Intellectual: The 1993 Reith Lectures
(New York: Vintage Books, 1996) under part I: Representations of the
Intellectual, where he analyses James Joyce’s A Portrait of an Artist…
5
C. Wright Mills, Power, Politics, and People: The Collected Essays of
C. Wright Mills, ed. Irving Louis Horowitz (New York: Ballantine, 1963)

3
Christian Joseph B. Anin
O.B. Montessori Center

II. Diyos ng Paglimot at ang kanyang Kaharian

Maaari kayang suriin ang pang-aapi sa konteksto rin ng pagkalimot?


Iyon ay, kung ang pagkalimot kaya ng isang empleyado (na siya ring
artist sa labas) sa kanyang trabaho sa opisina kaya’t siya’y
pagagalitan, mayroong ding kayang uri ng pagkalimot na ipinapalaganap
ng trabaho? Kung ganoon, malamang na makikita na mayroong
kontradiksyon ng paglimot.

Ang tinatawag ni Ileto na politics of collective memory, kung


saan ang pagkalimot ng isang bagay ay ipinapalaganap ng kolonyal na
pamahalaan ng mga Amerikano upang maipalaganap ang isang ideolohiya.
Makikita ito sa isinulat niya tungkol sa kagustuhan ng mga Amerikano
na makalimutan ng mga Pilipino ang digmaang Amerikano-Pilipino, upang
makuha ang simpatiya ng mga Pilipino na tumulong sa digmaan laban sa
mga Hapon. 6 7 Makikita din ito sa epekto ng kolonyal na edukasyon na
ipinataw ng mga Amerikano, na part ng tinatawag na colonial policy.
Ayon nga sa isang historyador na si Renato Constantino:

Unfortunately for us, the success of education as a colonial weapon


was complete and permanent. In exchange for a smattering of English,
we yielded our souls. The stories of George Washington and Abraham
Lincoln made us forget our own nationalism.8

At sa parehas na akda, kanyang binigyang paglalarawan ang isang


ideal colonial na gustong maging produkto ng mga Amerikano:

He had to forget his past and unlearn the nationalist virtues in


order to live peacefully, if not comfortably, under the colonial
order.9

6
Ileto, Reynaldo C. Knowledge and Pacification: On the U.S. Conquest and the
Writing of Philippine History (Quezon City: Ateneo de Manila University Press,
2017) Part I, Chapter I, sa ilalim ng ‘Forgetting the Filipino-American War’
ang nagbibigay ng parte ng kabuuang sinasabi ng libro.
7
Ileto, Reynaldo C. “Philippine Wars and the Politics of Memory” Positions:
East Asian Cultures Critique, Volume 13, Issue 1, p. 222-225.
https://doi.org/10.1215/10679847-13-1-215
8 Constantino, Renato. “The Mis-Education of the Filipino” Journal of
Contemporary Asia Vol.1, No. 1 (1970) p.23
9 Ibid, p. 24

4
Christian Joseph B. Anin
O.B. Montessori Center

At patuloy na ginagamit ito ng mga Amerikano sa sosyal media at


kulturang popular hanggang sa ngayon: ang pagkalimot sa sariling
kakayanan ng bansa, at ang pagkahumaling sa lahat ng popular na bagay
na galing sa bansang Amerika – Hollywood, colonial mentality, at iba
pang aspeto ng kulturang popular.
Ang tanong ay: paano ito makikita sa trabaho sa modernong panahon?

Maaaring tignan ang siklo ng pamumuhay ng isang empleyado.


Gigising sa umaga, maliligo, magkakape, kakain ng almusal, papasok sa
trabaho at haharapin ang trapik na kalsada. Magtatrabaho, uuwi,
makikipagsapalaran ulit sa trapik, pagdating sa bahay ay manunuod ng
TV o magi-iscroll down sa newsfeed gamit ang smartphone, at matutulog.
Ang ganitong klase ng pamumuhay ang nangingibabaw sa modernong panahon.

Mainam din na tignan ang paligid ng isang ‘modernong’ opisina.


Kasalukuyan sa mga opisina ng mga BPO na kumpanya ay napakakulay ng
mga disenyo sa salamin na partition. Bukod dito ay ang dami ding mga
ilaw. ‘Di ko nga alam kung mall ba ang napasukan ko e. Napakarami at
dikit-dikit ang mga lamesa, ganoon din ang mga upuan. Mga kompyuter sa
harapan ng mga empleyado, na tila ba mga robot na rin. Maririnig ang
mga keyboard na hinahampas ng mga daliri, maya’t maya naman ang mga
clicks ng mouse. Tatakpan ang aninag ng araw dahil ito’y nakaiistorbo.
Pauli-ulit ang senaryo hangga’t maubos ang oras. Lalabas sa opisina,
lalabas sa building, at trapik naman ang poproblemahin. Kinabukasan,
gigising ulit ng maaga upang ulitin ang buong kahapon.

Ang isang eksperto sa semyotika na si Roland Barthes ang


nagsasabi – sa kanyang pagpapaliwanag ng semyolohiya - na ang lahat ng
bagay ay may ipinaparating o ang lahat ng bagay ay appropriated, na
ang isang simple at konkretong bagay ay mayroong isang social usage 10.
At kung susuriin ang mga nabanggit tungkol sa opisina, ano ang
kabuuang ipinaparating ng mga ito?

Matagumpay nga ata ang mga makukulay at matitingkad na disenyo,


kumpletong pasilidad at mga ilaw ng modernong opisina sa pagbubura ng
stress sa isipan naming mga empleyado. Parang laging pang ‘party’ ang
datingan. Ang stress na epekto ng trabaho ay tinatakpan ng gym, spa,

10 Barthes, Roland. Mythologies (London: Vintage, 2009) p. 132

5
Christian Joseph B. Anin
O.B. Montessori Center

cafeteria, gaming rooms, 24/7 internet access at iba pang pasilidad.


Leisure ang ipinapahiwatig at stress ang itinatago.11

Sa napakaraming mesa, upuan at kompyuter na dikit-dikit, di mo


na alam kung nasaan ang table mo sa malayong tingin. At kung titignan
lahat ng empleyado na nakaupo sa malaking opisina, lahat ay magkamukha
na. Tipong globalisado and kompyuter, table, at mesa. Ops, pati ang
empleyado, globalisado na.

Wala kang maririnig galing sa labas. Selyado ang bintana at


pintuan. Malamig din sa loob. Sa madaling salita, walang mundo sa
labas. At kung walang mundo sa labas, wala kang ibang magagawa kundi
piliin ang mundo sa loob.

Ang isa pang mapapansin sa corporate world ay ang wikang


ginagamit. Siyempre, ang wika ng negosyo at kalakal ay ingles. Ito rin
ang tinatawag na language of power. Sa isang BPO office, nakita ko ang
imahe ni Lapu-lapu, at ni Gat Andres Bonifacio. Ngunit sa interview,
sasabihan ang empleyado na bawal magsalita ng tagalog. At pagnatanggap
ka, tiyak na ingles ang wika ng sa buong trabaho. Lumalaban ang dilang
Malayan, ang dilang Pilipino. At ika nga ni Vicente Rafael, ito ay ang
dilang rebolusyonaryo, na patuloy na lumalaban sa imposisyon ng wikang
Ingles 12 . Talaga nga namang hindi mapayapa ang pagdating ng ingles sa
bansa. Kahit anong imposisyon ay hindi mapayapa.

Kung kinakalimutan ng empleyado ang mga trabaho dahil sa sining,


ganito din pala ang paraan ng trabaho – ang ipalimot sa’yo na walang
mundo sa labas, na walang ibang wika sa kaunlaran kung di ang wikang
Ingles, na kahit si Lapu-Lapu at ang Supremo ng Katipunan ay walang
magawa para labanan ito, na lahat tayo ay may iisang itsura sa opisina
at lahat mapapasailalim ng isang sistemang may maraming mukha.

Ganito nga din pala ang paraan ng industriya - ang paraan ng


pagkalimot. Masasabing ang buhay pala ay labanan ng pag alala at
pagkalimot. At sa ganitong sitwasyon makikita nga ang sinasabi ni
Ileto na politics of collective memory. Kung ang solusyon dito ay
simpleng “’Edi i-balanse mo na lang. Konting art, konting trabaho.”,

11 Tolentino, Rolando B. Keywords: Essays on Philippine Media Cultures and


Neocolonialisms. (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2016) p. 13,
Kung saan ipinaliwanag ni Tolentino na sa mga sakit na nakukuha ng mga BPO
workers, itong mga leisure comforts ang nagsisilbing anti-stress.
12 Rafael, Vicente. Motherless Tongues: The Insurgency of Language amid Wars
of Translation (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2016)

6
Christian Joseph B. Anin
O.B. Montessori Center

edi sana walang pintor o manunulat na namomroblema sa ganitong aspeto


ng buhay. Madaling sabihin, mahirap gawin. Pero bakit nga ba mahirap?

Ang mundo ng corporate na binibigyan ng karapatan at sigla ng


kapitalismo ang lalong nangingibabaw na dahilan. Ito ang dahilan
kaya’t palala ng palala ang pagiging robot ng populasyon, na siya ring
binibiktima ng kulturang popular. Buo na ang konsepto ng modernong
empleyado sa corporate world. May sarili na itong lenggwahe, fashion,
at pag-iisip. Sa madaling salita, mayroon na itong sariling kultura.
At ang kultura ng modernong opisina na ito, katulad ng kultura na
ipinataw sa atin ng mga mananakop ng kasaysayan upang makalimutan
natin ang sarili nating kultura, ang malamang na nagpapakalimot sa
atin na tayo’y may pangarap.

7
Christian Joseph B. Anin
O.B. Montessori Center

III. Pag-alala, Kasaysayan, at Sining

The youth had known Kalayaan before, in a time that corresponds


to Bonifacio’s pre-Spanish past. His failure to recognize her now
reflects his blindness
-Ileto, Reynaldo C. Pasyon and Revolution: Popular Movements in
the Philippines, 1840-1910 (Quezon City: Ateneo de Manila
University Press, 2016)

The task of art today is to bring chaos into order.


Adorno, Theodor W. Minima Moralia: Reflections form Damaged Life
(London: Verso, 2005)

Nang matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho sa ilalim ng


mundo ng industriyang BPO, nalaman ko na ang isang manggagawa o isang
empleyadong nasa laylayan ay halos imposibleng makaranas ng ginhawa at
napakaraming balakid tungo sa pagiging malikhain sa pagtanaw sa
pagkatao at lipunan. Totoo ngang sa Pilipinas, ang mga artist ay
laging gutom. Sa kalagayan ng transportasyon, sa pagdami ng walang
tigil na nanghihikayat ng mga imahe, at sa organisasyon ng sistemang
hindi kumikilala ng kahit na sino upang maipataw ang gusto, na siyang
naging resulta ng walang tigil na produksyon, nababawasan ang oras ng
empleyado sa pagpapahinga, nakakadagdag ng pagod, at nakakapagpabawas
din ng panahon para lumikha ng sining. Sa kabuuan, gamit ang
halimbawang ito, nababawasan ng sobrang produksyon, neoliberalismo, at
globalisasyon ang pagkakaton sa paglikha ng sining.

Sa isang maikling sanaysay ni Adorno, isang Aleman na kritiko,


ginawang halimbawa ang kaibhan ng pananaw sa pagitan ng isang bata at
matanda upang ipakita ang pagkawala ng sabik ng tao sa pagtatrabaho:

A child seeing the tightrope-walkers singing, the pipers


playing, the girls fetching water, the coachmen driving, thinks
all this is happening for the joy of doing so; he can’t imagine
that these people also have to eat and drink, go to bed and get
up again. We however, know what is at stake.’ Namely, earning a
living, which comandeers all those activities as mere means,
reduces them to interchangeable, abstract labour time.13

13Adorno, Theodor W. Minima Moralia: Reflections form Damaged Life (London:


Verso, 2005) p. 227

8
Christian Joseph B. Anin
O.B. Montessori Center

Pagkalimot – sa pangarap at sarili – lang naman ang gusto ng


sistemang hindi ka pinagpapahinga. At ang trabaho ay alienated,
katulad ng isang trabahador. Ang sining ay hindi isang eksepsyon. At
ang alienation ay isang produkto ng pagkalimot, at ang mga
naipasailalim ng mga ito ay kinakalimutan na ang kanilang mismong
pagkatao.
Ang sikat na kasabihang “Ang hindi marunong lumingon sa
pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan”, na nagsasabing
ang pag-alala ay isang responsibilidad, partikular sa isang Pilipino,
ay laging maririnig bilang isang payo, payo ng pag-alala. 14 Pero
mukhang wala itong kahulugan sa labas ng mga beauty contests at
pageants. Dahil din ba sa wala nang nakakaalala sa kahulugan nito?
Isipin mo, isang payo ng pag-alala na kinalimutan ang kahulugan? Isang
kasabihang kapag pinaulit-ulit ng ilang beses ay kinakalimutan na ang
ibig sabihin?

Sa mundong walang nangingibabaw na kahulugan, na kahit ang sining


at pagkatao ay nawawalan na ng kahulugan, paano maibabalik ang
kamalayan at pananabik sa sining at pagkatao na tulad ng pananabik at
pagkahanga ng isang bata ayon sa sanaysay ni Adorno?

Bilang isang mag-aaral ng kasaysayan, sa pagsulat ng ganitong


akda, nalaman ko na ang simula sa solusyon ng pagkalimot ay makikita
sa simpleng pag-alala, at wala nang iba pang mas mainam na paraan ng
pag-alala kung hindi ang pagbabalik at pag-aaral sa kasaysayan. Hindi
lamang ang pilosopikal na aspeto ng kasaysayan ang maaring tignan at
suriin, mainam din na balikan at bigyang pansin ang konkretong mga
nailahad at likha ng mga manunulat patungkol sa nakaraan: ang mga
nailahad at interpretasyon ng mga historyador. Sa pamamagitan nito,
lalong maiintindihan ang mga tao at pagkatao ng mga hindi lang parte
ng kasaysayan, kundi ang mismong mga personidad na nagbago ng
kasaysayan: ang ating mga bayani.

Ayon sa isang historyador na si Renato Constantino, ang


kasaysayan ay ang kwento ng isang associated man o isang taong
nabibilang sa isang lipunan, sa halip na kwento ng isang indibidwal
lamang. Ang kasaysayan din ay ang nakatalang pakikibaka ng mga tao

14Hennig, Robert P. “Philippine Values in Perspective: An Analytical


Framework” Philippine Sociological Review Vol. 31m No.3/4 (Quezon City:
Philippine Sociological Society, 1983) p.57

9
Christian Joseph B. Anin
O.B. Montessori Center

para sa kalayaan. Ayon sa kanya, ang kasaysayan ay siyang nagbibigay


gabay sa mga tao at sa pamamagitan nito, makakamit ng mga tao ang
direksyon tungo sa kanilang pagkatao.15

Ang pag-alala sa nakaraan bilang paraan ng pagkilala sa sarili,


pagkatao, at kultura ay hindi na bago kung titignan ang mga ginawa ng
mga makasaysayang personidad. Ang Katipunan na itinaguyod ni Andres
Bonifacio ay isang magandang halimbawa. Sa dyaryo na inilimbag ng
Katipunan na may pamagat na Kalayaan, isinulat ni Emilio Jacinto ang
isang manifesto upang maipaliwanag ang kondisyon ng bayan sa panahong
iyon sa ilalim ng mga Kastila. Nakasaad dito na mayroong isang taong
naghihinagpis sa dilim (sumisimbolo sa bayang naghihirap), hanggang sa
isang anino (simbolo ng kalayaan) ang nagpakilala at nagpaliwanag ng
kanyang kondisyon. Sa una’y hindi makilala ng taong naghihinagpis ang
anino, kaya’t ito’y nagpakilala sa kanya:

‘Does this mean you don’t recognize me anymore? But I am


not surprised, for it has been more than three hundred years
since I visited your land. It is the will of your people to adore
false gods of religion and men, your fellow-creatures, that is
why my memory has been erased from your minds.’16

Sa huli, ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang si Kalayaan,


at ipinaliwanag niya ang dating kalagayan ng bayan at kung paano ito
sinira ng mapagkunwaring mga pangako ng mga mananakop. Ang pagkalimot
ng bayan sa kanyang dating kalayaan, kasama na rito ang kanyang
kultura bago dumating ang mga mananakop, ay ang ipinapahiwatig ng
manifesto. Gusto nitong ipakita sa taong bayan na mayroong former
state of being at ito’y makakamit sa pamamagitan ng kalayaan.
Pero iisa lang naman ang gusto kong ipakita dito, iyon ay ang
kahalagahan ng pagbabaliktanaw o kasaysayan sa pagkilala sa sarili,
dahil sa pamamagitan nito (ang pagkilala sa sarili at ng direksyon ng
mga pangyayari) makakamit ang kalayan. Ang ganitong malikhaing

15
Constantino, Renato. The Philippines: A Past Revisited (Quezon City: Renato
Constantino, 1993) p. 3-11
16
Ileto, Reynaldo C. Pasyon and Revolution: Popular Movements in the
Philippines, 1840-1910 (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2016)
p. 89

10
Christian Joseph B. Anin
O.B. Montessori Center

balangkas ay, ayon kay Ileto, ang pumupukaw sa isip at nagbibigay


buhay sa rebolusyonaryong kamalayan ng taong bayan.

Hindi lang sa akda ni Jacinto makikita ang kahalagahan ng pag-


alala sa nakaraan, makikita ito sa sermon na binabanggit sa mga bagong
kasapi ng Katipunan. Ang sermong ito ay ibinibigkas sa mga bagong
kasapi matapos ang kanilang pagpirma gamit ang sarili nilang dugo
bilang tinta. Makikita ito sa pag-alala ni Macario Sakay sa ritwal at
paniniwala sa kagandahang loob ng Katipunan ni Bonifacio. Makikita ito
sa pagsulat ni Rizal tungkol sa pre-kolonyal na kultura ng Pilipinas
at sa marami pang ibang kaganapan sa kasaysayan. Ang mga ito ay walang
pinagkaiba sa mga sinulat at isusulat pa ng mga historyador at ito’y
isa sa pinakamahahalagang naratibo upang makilala ang sarili.

11
Christian Joseph B. Anin
O.B. Montessori Center

IV. Konklusyon

Ang paglimot ng taong bayan sa sariling kultura, pagkatao, at


sining ngayon ay hindi naiiba sa paglimot ng mga ito noon. Sa pagbili
ng mga pagkaing walang kinikilalang sikmura, sa panonood ng
telebisyong humihigop sa kulay ng buhay, sa pagdilat ng mga matang
walang ibang kinikilalang personalidad kundi’ ang taong nasa billboard,
sa pakikinig sa radyong hindi nananahimik, at sa pagtrabahong walang
kinikilalang oras, may nananalaytay na kasaysayang hindi basta
padadaig. Ang dilang sumusuway sa wikang ipinataw, ang utak na hindi
matahimik dahil sa tinatagong pagiging maalikhain, ang sining at ang
apoy nitong hindi mapatay-patay ng corporate na mundo – lahat ay
kabilang sa isang digmaang hindi natatapos, at ang tanging magwawagi
sa huli ay ang kasaysayang magbibigay ng direksyon na tatahakin ng
sining, upang sining mismo ang magbigay ng kahulugan nito.

Kung ang kasaysayan ang kwento ng associated man ayon sa


depinisyon ni Constantino, ang sining ay ang historikal at
sosyolohikal na interpretasyon ng associated man. Ang pagsusuri at
pagtalakay sa sining ay hindi diskursong nahihiwalay sa araling
panlipunan, ang diskurso sa sining ay siya rin sosyolohikal at
makasaysayan. 17 Ang saysay ng interpretasyon ay ang pagbuo nito mismo
sa konsepto ng kasaysayan. Kaya’t ganoon na lamang ang kahalagahan ng
sining sa kwento ng tao: kung walang interpretasyon na binubuhay ng
sining, walang bubuhay sa kasaysayan.

Sa takbo ng buhay sa loob ng opisina, kung saan malayo ka sa


tahanan, kung saan napakabagal ng oras, kung saan lahat ay kumikilos
ng mabilis – pagclick, type, pagbigay ng utos, kung saan ang pagbabago
ay nasa kamay lamang ng mga boss at boss-bossan, kung saan ang
pangarap at sining ay nabubura sa isipan, kung saan nawawalan tayo ng
isip at wika, kung saan nawawalan ng diskurso, kung saan namamatay ang
kasaysayan, alalahanin na sa ilalim ng industriyang pinasok, tayo ay
may kwento, magkakasama, may misyon, may kultura, at lahat ng mga ito
ay maaaring maipakita bilang sining. Alalahanin na ang sining ay
sarili, at ang sarili ay nananatiling buhay. Alalahaning ikaw ay tao,
may pinanggalingan at may pupuntahan.

17
Voloshinov, V.N. Freudianism (London: Verso, 2012) Appendix I p. 156.

12
Christian Joseph B. Anin
O.B. Montessori Center

References:
Adorno, Theodor W. Minima Moralia: Reflections form Damaged Life
(London: Verso, 2005)
Barthes, Roland. Mythologies (London: Vintage, 2009)

Camus, Albert. The Stranger (New York: Vintage International,


1988)

Constantino, Renato. The Philippines: A Past Revisited (Quezon


City: Renato Constantino, 1993)

Constantino, Renato. “The Mis-Education of the Filipino” Journal


of Contemporary Asia Vol.1, No. 1 (1970)

Hennig, Robert P. “Philippine Values in Perspective: An


Analytical Framework” Philippine Sociological Review Vol. 31 No.3/4
(Quezon City: Philippine Sociological Society, 1983)

Ileto, Reynaldo Knowledge and Pacification: On the U.S.


C.
Conquest and the Writing of Philippine History (Quezon City: Ateneo de
Manila University Press, 2017)

Ileto, Reynaldo C. Pasyon and Revolution: Popular Movements in


the Philippines, 1840-1910 (Quezon City: Ateneo de Manila University
Press, 2016)

Ileto, Reynaldo C. “Philippine Wars and the Politics of Memory”


Positions: East Asian Cultures Critique, Volume 13, Issue 1, pp. 215-
234. https://doi.org/10.1215/10679847-13-1-215

Mills, C. Wright, Power, Politics, and People: The Collected


Essays of C. Wright Mills, ed. Irving Louis Horowitz (New York:
Ballantine, 1963)

Rafael, Vicente. Motherless Tongues: The Insurgency of Language


amid Wars of Translation (Quezon City: Ateneo de Manila University
Press, 2016)

Richards, Blake A., and Frankland, Paul W. “The Persistence and


Transience of Memory” Neuron Volume 94, Issue 6 (2017)

13
Christian Joseph B. Anin
O.B. Montessori Center

Veneracion, Jaime B. Agos ng Dugong Kayumanggi: Isang Kasaysayan


ng Sambayanang Pilipino (Quezon City: ABIVA Publishing House Inc.,
2003)

Tolentino, Rolando Keywords: Essays on Philippine Media


B.
Cultures and Neocolonialisms. (Quezon City: Ateneo de Manila
University Press, 2016)

Said, Edward W., Representations of the Intellectual: The 1993


Reith Lectures (New York: Vintage Books, 1996)

Sartre, Jean-Paul. Truth and Existence (Chicago and London:


Chicago University Press, 1992)

Voloshinov, V.N. Freudianism (London: Verso, 2012)

14

Copy protected with Online-PDF-No-Copy.com

You might also like