You are on page 1of 27

Pangulong-

Tudling

G. Merland A. Mabait
Mataas na Paaralan ng Agham sa Pilipinas

8/5/2014 @GinoongGood
EDITORYAL o Pangulong-
Tudling
 isang mapanuring pagpapakahulugan ng
kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari
upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o
makalibang sa mga mambabasa.
 Isang pitak kung saan ang kuru-kuro, opinyon, at
paninindigan ng manunudling ay inilalabas.
 Ito ay tinatawag ding tinig ng pahayagan.

8/5/2014 @GinoongGood
Mga Layunin
1. Magpabatid
2. Magpakahulugan
3. Magbigay-puna
4. Magbigay-puri
5. Magpahalaga sa tanging araw
6. Manlibang

8/5/2014 @GinoongGood
Mga Uri ng Editoryal
1. Nagpapakahulugan. Ipinaliliwanag nito ang
kahalagahan o kahulugan ng isang
mahalagang pangyayari.
2. Nagpapabatid. Ito’y nagbibigay kaalaman o linaw sa
ilang pangyayaring hindi gaanong maunawaan.
3. Namumuna at nagpapabago. Pumupuna ito sa isang
kalagayan ng isang tao, o ng isang paraan ng pag-iisip
sa layuning makakuha ng mga kapanig sa paniniwala
at kung mangyayari’y makapagbunsod ng pagbabago.

8/5/2014 @GinoongGood
Mga Uri ng Editoryal
4. Nagpaparangal at nagbibigay-puri. Nagbibigay ito ng
papuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa,
nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang katangi-tanging
Gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na may
nagawang pambihirang kabutihan.
5. Nagpapahalaga sa natatanging araw. Ipinaliliwanag nito
ang kahalagahan ng mga tanging araw o okasyon.
6. Nanlilibang. Hindi ito karaniwang sinusulat. Ang paraang
ginagamit dito ay di-pormal, masaya, kung minsan ay
sentimental, at karaniwang maikli lamang.

8/5/2014 @GinoongGood
KAHALAGAHAN NG
EDITORYAL
1. Ito'y naglalaman ng isang masusing pagbibigay ng kuru-kuro o
pala-palagay sa mahahalaga at napapanahong isyu.
2. Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at
makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod
sa patakarang pinaiiral ng patnugutan.
3. Kailanman, ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa
upang makasira kundi upang magkaroon ng pagbabago.
4. Impormasyon at kaalaman
5. kumilos ang kinauukulan
6. Pagmumulat ng mata

8/5/2014 @GinoongGood
MABISANG
TAGASULAT

8/5/2014 @GinoongGood
MABISANG
TAGASULAT
1. Sapat na Kaalaman sa Wika
2. Malawak na Kaalaman sa Paksa
3. Magaling maghanay ng kaisipan
4. Gumamit ng salitang nakakaakit

8/5/2014 @GinoongGood
PAGSULAT NG
EDITORYAL

8/5/2014 @GinoongGood
PAGSULAT NG
EDITORYAL
1. Pag-aralan pano sisimulan. Kailangang may hatak.
2. Ipakilala na agad ang paksang susulatin.
3. Pasukan ng paglalahad at pagpapaliwanag.
4. Huwag maging maligoy.
5. Pangatlong panauhan
6. Gumamit ng datos
7. Pamagat
8. Pangangatwiran sa Opinyon

8/5/2014 @GinoongGood
8/5/2014 @GinoongGood
BAHAGI NG EDITORYAL

8/5/2014 @GinoongGood
PANIMULA

bumabanggit sa isyung tatalakayin.


Karaniwang napapanahon o
kalagayan sa lipunan

8/5/2014 @GinoongGood
KATAWAN
nagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro ng
pahayagan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag
o paglalahad ng isyu sa paraang madaling
unawain at malinaw para sa mga mambabasa.
Dito nagbibigay ng tala, ng pagpanig o
pagsalungat sa isyu o pagbibigay-halimbawa ang
sumulat.

8/5/2014 @GinoongGood
WAKAS
nagpapahayag ng kaisipang nais ikintal.
Maaari itong maglagom o magbigay diin sa
kaisipang tinatalakay. Dito ipinahahayag
ang panghihikayat at pagpapakilos sa
mambabasa tungo sa pagbabago.

8/5/2014 @GinoongGood
8/5/2014 @GinoongGood
Sa paanong paraan mo
maipahahayag ang iyong opinyon
o pananaw?

1. Pasalita
2. Pasulat
3. Karikatura
8/5/2014 @GinoongGood
Paano maaaring simulan ang
isang editoryal?
1. pagkuha ng impormasyon sa isang
nabasa o narinig na balita
2. anekdota
3. kasabihan
4. isang tanong
5. awtobiyografiya
8/5/2014 @GinoongGood
Maaaring maghanap at kumuha
ng impormasyon mula sa:

1. Pagbabasa ng diyaryo at pakikinig


ng balita
2. Pagsangguni sa mga aklat
3. Paghahanap sa internet at website
4. Mag-interview
8/5/2014 @GinoongGood
Anong mga isyu ang maaring pag-usapan para
maipahayag ang iyong opinyon o pananaw?

1. Panlipunan
2. Ekonomikal
3. Pulitikal
4. Katahimikan at kaayusan

8/5/2014 @GinoongGood
8/5/2014 @GinoongGood
Ano ba ang sensura?

Paghihigpit o restriksyon para


makontrol ang paglalathala o
pagsasalita ng mga bagay na
inaakalang makasisira sa
pamahalaan.
8/5/2014 @GinoongGood
Nasa ibaba ang kasong
maaaring isampa laban sa iyo:
1. Slander - Pagpapahayag na pasalita na
nakasira sa reputasyon o karangalan ng
isang tao. (Paninirang puri.)
2. Oral defamation - Maling akusasyon o
malisyosong pahayag na pasalita na
nakasira ng reputasyon o karangalan ng
isang tao o entidad

8/5/2014 @GinoongGood
Nasa ibaba ang kasong
maaaring isampa laban sa
iyo:
3. Libel - Mali o malisyosong paglilimbag ng isang
kasinungalingan sa paraang pasulat kagaya ng
isang publikasyon, o larawan na nakasira sa
reputasyon o karangalan ng isang tao o entidad.
4. Perjury - Hantarang o sadyang pagbibigay ng
isang mali o kulang na pahayag o testimonya
habang nanunumpa sa harap ng hukuman.”The
breach of an oath or promise.”
8/5/2014 @GinoongGood
Ano ang Kahalagahan ng Pagsulat ng
Isang Editoryal sa’yo bilang isang
mag-aaral?

8/5/2014 @GinoongGood

You might also like