You are on page 1of 1

Maichail Jaaziel D.

Labramonte 11-Argon

09/08/19

(Reaction Paper)

"Heneral Luna"

(2016)

Ang pelikulang Heneral Luna ay isang pelikulang produkto ng Artikulo Uno (2016). Na
nilalahad ang buhay ni Heneral Antonio Luna at ng sambahayang Pilipino laban sa sandatahang
Amerikano noong panahon ng Pangulong Emilio Aguinaldo

Habang hindi nagkakasundo ang gobyerno at sandatahan ni Luna, kung makikipag alyansa sa
mga Amerikano o patuloy na makipaglaban sa kanila kahit kaunti ang kanilang pondo at armas,
subalit sa taktika ng Pilipino sa pakikipaglaban.

Pinapakita nito ang katapatan ni Hen. Luna sa bansang Pilipinas, kahit ikinasusuka niya ang digmaan,
ayaw niya rin ang kompromiso na maging ilalim ang bansang Amerika ang ating proteksyon dahil
alam nila na ang agenda ng mga Amerikano ay sakupin din tayo.

Kaya nais ni Luna na manatili tayong isang independe at tunay na malayang bansa, ngunit hindi ito
nakamit noong panahong iyon dahil maraming "taksil at traydor" na hindi sang ayon sa
pakikipaglaban para sa bansa dahil din ang ayaw nila sa disiplina na itinuturo niya dahil nahihigpitan
sila maging ito ay ayaw ni Emilio Aguinaldo kaya pinapatay niya kay Luna sa pamamagitan ng mga
Kabitenyong sundalo.

Kaya ng dahil sa storya ni Hen. Luna siya ang paboritong Pilipinong bayani na kahit hanggang
kamatayan ay naroon ang kanyang malasakit sa bayan kahit marami ng tumataksil sa kanya.

Isang mahusay na pagsasadula ng kanyang istorya na kahit nasa gitna sila ng digmaan ay makikita
ang nakaraan ni Luna, mga ginagawa nila sa kampo at ang kanyang humor sa kabila ng kanyang
disiplina. Isa itong pelikula na dapat panoorin ng mga tao na may malasakit sa bayan

You might also like