You are on page 1of 1

King Joshua P.

Adriano
X Newton

Si Pedrong Makulit at Mapilit

Sa isang lugar, may batang nagngangalang Pedro, ang kanilang pamilya ay nakatira sa
tabing dagat, si Pedro ay isang napakakulit at mapilit na bata. Laging naiisip ni Pedro
na napakarami namang ipinagbabawal ang ina sa kanya. Madalas niyang marinig
sakanyang ina ang mga salitang “Huwag mong gawin ito,” “Huwag mong gawin iyan.”
Sumasama ang loob niya kapag naririnig niya ang mga ito.

May isang bagay na gustong gusto niyang gawin kahit ipinagbabawal ng ina at ito ang
pag-ligo sa dagat. “Napakalakas ng alon sa dagat. Maliit ka pa at kaya kang ianod
nito,” laging paalala ng ina.

Ngunit naniniwala si Pedro sa sarili na kaya niya ito. Marunong naman siyang
lumangoy dahil tinuruan ito ng Tiyo Manuel niya. “Matatakutin lang talaga si Nanay,”
sabi niya sa sarili. “Ang sarap siguro talagang maligo sa dagat. Mukhang kay la’mig ng
tubig.”

Kaya nga, isang araw, nang sila ay naglalaro sa tabing dagat kasama ang kaniyang
mga kaibigan, ay bigla silang nagkayayaan maligo ng dagat, kahit na ipinagbabawal
ng kaniyang ina ang pagligo sa dagat ay talagang itinuloy parin ni Pedro ang pagligo.
Masayang masaya si Pedro at pati na rin ang kaniyang mga kaibigan dahil sa pagligo
ng dagat.

Ngunit, hindi namalayan ni Pedro na tumatakbo na pala ang kaniyang mga kaibigan
papunta sa pangpang dahil may medyo malaking alon na paparating, nagulat na
lamang si Pedro dahil naianod siya sa malalim na parte ng dagat. Pinipilit niyang
pigilan ang katawan ngunit hindi niya makaya.

“Tulong!” sigaw niya sa kaniyang mga kaibigan.

Ngunit hindi marunong lumangoy ang kaniyang mga kaibigan. Napamulagat na lang
sila sa di-matulungang kababata. Mabuti na lang at may biglang lumusong na lalaki
na galing sa pangpang. Naroon pala ang isang kabaryo ni Pedro na si Mang Tasyo na
nagaayos ng kaniyang bangka.

Nasagip si Pedro ni Mang Tasyo ngunit may ilang sandali bago siya nagising sa
pagkalunod. “Salamat po, Mang Tasyo. Akala ko’y katapusan ko na. Nagdasal po ako
at kayo ay dumating para ako ay mailigtas. Dapat nga pala akong nakinig at sumunod
sa mga sinasabi o paalala ng aking Nanay.”

You might also like