You are on page 1of 2

DIKTADOR daw si Marcos. Totoo.

Nagpayaman at nagsamantala
sa kapangyarihan. Obvious din. Pero bakit siya nagtagal sa
kapangyarihan? Dalawampung taon siyang naghari at kundi
dahil sa mga political turmoil gaya nang pagkakapatay kay Ninoy
at ang kanyang pagkakasakit nang malubha, nagtagal pa marahil
ang kanyang pamumuno beyond 1986.

Marcos’ leadership held sway for a long time dahil ipinagkaloob


niya ang basic services sa taumbayan. May price control. Hindi
basta-basta nakapagtataas ng presyo ang mga kompanya ng
petrolyo. May Oil Price Stabilization Fund. Isang pondo na
nagbibigay ng subsidiya sa presyo ng petrolyo kapag tumaas ang
presyo ng langis sa world market. Kapakanan ng taumbayan ang
inuna ni Makoy. Hindi ko sinasabing tama ang ginawa ni
Marcos. Puwedeng siya’y naging mandarambong. Pero
ibinahagi niya ang kanyang "dinambong" para guminhawa ang
buhay ng marami. Well provided ang pangangailangan ng tao.

Kung nakatikim man lang kahit katiting ng ginhawa ang


taumbayan sa liderato ni Gloria, kesehodang nandaya siya.
walang ano mang puwersa ng kanyang mga kalaban ang
puwedeng magpatalsik sa kanya. Ang problema, inuna ni Gloria
ang kapakanan ng mga mayayamang kompanya against the
interest of the poor.

Ang halaga ng edukasyon ay mataas gayung bagsak ang kalidad.


Presyo ng paninda’y sobra ang taas habang maliit ang kita ng
manggagawa. Sapat na dahilan iyan para ang taumbayan ay
sumuporta sa ano mang kilusan para siya patalsikin.
FERDINAND MARCOS ANG
AKING PINUNO

Siya ang pinili ko dakil sa kaniyang matalino at mahusay na


pag-iisip, marami siyang nagawa sa pilipinas isa na dun ang
Martial Law-sa kanyang unang termino si pangulong marcos ay
nagsikap upang mapabuti ang pananalapi ng bansa sa
pamamagitan ng pangongolekta ng buwis at pangungutang sa
ibat ibang dayuhang institusyon ng pananalapi ang hindi lang
maganda sa kaniyang ginawa ay ang pagkadeklara ng martial
law maraming tao ang naparusahan dahil sa ganitong klase ng
batas dahil dito mahigit 3,257 ang namatay sa batas na martial
law

You might also like