You are on page 1of 24

KABANATA 1

ANG SULIRANIN

Rasyunale ng Pag-aaral
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa kasalukuyan.

Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansan Pilipinas. Mas nagkaka-intindihan ang bawat

mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga Pilipino ang kanilang saloobin at

kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino na siyang

kadahilanan ng patuloy na pagunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ang pananaliksik na ito ay patungkol epekto ng modernisasyon ng wikang filipino sa

pag-aaral ng mga Senior High School sa Unibersidad Ng Pangasinan. Ang mga mananaliksik ay

humantong sa paksang ito dahil aming napapansin na maraming kabataan o estudyante sa

panahon ngayon na ginugugol ang karamihan ng kanilang oras sa pagbababad sa mga social

networking sites. At napuna din ng mga mananaliksik na dahil sa social networking sites na ito ay

tila ba maraming bagong salita ang lumilitaw na siyang maaring nagbubunsod ng modernisasyon

ng wikang Filipino. Nais din nilang malaman kung indikasyon ba ito na patuloy ang pagyabong

ng wikang Filipino. Ngunit sa kabilang dako naman, natapunan din nila ng pansin na tila ba unti-

unting naglalaho ang ibang mga kinagisnang salita.

Kasabay ng modernisasyon at paglunsad sa mga makabagong teknolohiya, ay patuloy din

ang pag-unlad at pagbabago ng Wikang Filipino. Halimbawa na lang ay ang paggamit ng ibat-

ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at ang baybay ng wikang Filipino, ilang

halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga

letra na sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang salita upang mas madaling

maintindihan. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga salita na ginagamit noong unang

1
panahon upang mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay

ang paggamit ng mga balbal na salita, ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang

ginagamit ng mga kabataan. Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-ibang

pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at

ekonomiya.

Sa pagpipili ng paksang ito, ang mga mananaliksik ay isinaalang-alang din ang

kahalagahan ng pag-aaral na isasagawa. Sinimulan nila ito dahil naniniwala silang masasagot ang

bawat tanong na sumisibol sa kanilang isipan patungkol sa modernisasyon ng wika. Gamit ang

mga makakalap nilang datos at impormasyon ay siyang magiging batayan ng mga kasagutan sa

mga suliranin na pinag-aaralan ng mga mananaliksik sa pananaliksik na ito.

Suliranin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa epekto ng paggamit ng Facebook sa pag-aaral

ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ng Senior High School sa Unibersidad ng Pangasinan.

I. Pangunahing Suliranin
Narito ang ilan sa mga pangunahing suliranin na sumibol sa aming isipan upang simulan

ang pananaliksik na ito.

1. Paano nakakaapekto ang modernisasyon tungo sa pag-unlad ng Wikang Filipino?

2. Epekto ba ng modernisasyon, mga makabagong teknolohiya, at social media ang tuluyang

pagkalimot sa mga lumang salita?

3. Pag-uugali o asal ng mga respondente sa paggamit ng wikang Filipino

II. Tiyak na Suliranin

2
Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring magbibigay sagot sa mga tiyak na

suliranin tungkol sa pananaliksik na ito.

1. Malaki ba ang papel na ginagampanan ng modernisasyon upang mapaunlad at

maipalaganap ang wikang Filipino?

2. Nakakatulong ba sa patuloy na pagyabong ng wikang Filipino ang mga iba’t ibang social

networking sites tulad nga Facebook, Twitter, at Instagram?

3. Ang mga bunga ba ng modernisasyon tulad ng social networking sites, text messaging,

blog at iba pa ay isa rin sa mga salik na nakakaapekto sa pagkabaon sa limot ng mga

makalumang salita?

4. Nakakaimpluwensya ba ang mga banyagang salita na siyang nagbubunsod ng

bandwagon effect sa pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino?

5. Bilang isang kabataan at mag-aaral, madalas mo bang gamitin ang wikang Filipino sa

pagpapahayag ng saloobin mo sa social media?

6. Mas mainam bang gamitin ang wikang Ingles sa paglalahad ng iyong saloobin at opinion

sa social media sites upang mapaigting ang iyong punto?

7. Gumagamit ka ba ng istilong ‘jejemon’ sa pagpapahayag ng iyong mensahe?

8. Nauunawaan ka ba ng iyong kausap sa tuwing ika’y gumagamit ng pormat na jejemon

sa paglalhad ng iyong mensahe?

9. Nakakatulong ba ang pagiging ‘conyo’ sa pananalita sa pag-unlad ng wikang

Filipino?

3
10. Bilang isang estudyante ng Senior High School, responsable at maayos mo

bang ginagamit ang wikang Filipino sa pag-aaral, pakikisalamuha, at paglalabas ng

saloobin o opinyon sa social media at maging sa realidad?

Kahalagahan ng Pananaliksik
Sadyang napakahalaga ng wika sa buhay ng tao, dahil susi ito sa pag-unlad,

pagkakaisa, at pagkaka-unawaan sa ating bayan. Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging

kapakipakinabang sa mga sumusunod:

1. Sa mga mag-aaral at kabataan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila

upang kanilang malaman kung paano nakaaapekto sa ating wikang Filipino ang bawat salita

na lumalabas sa kanilang diwa at maging sa pananalita. Mauunawan ng mga kabataan at mag-

aaral ang mga responsableng paraan sa paggamit ng bawat salita sa paglalabas ng saloobin

nila sa social media.

2. Sa mga mamamayang Pilipino. Upang ipaalala na pahalagahan at wag ipakain sa

sistema ng modernisasyon ang kinagisnang wika at kultura ng ating bansa.

3. Sa mga susunod pang mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaari nilang

balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya na may kaugnay sa kanilang pag-aaral.

4
Batayang Konseptwal

Input
Nais ng mgamananaliksik
na malaman ang mga Proseso Awtput
epekto ng modernisasyon Ang mga mananaliksik ay Inaasahan ng mga
ng wikang filipino Sa mamamahagi ng mga mananaliksik sa pag-aaral
pag-aaral ng mga Senior nasabing kwestyuner sa na ito na matukoy ang
High School sa mga mag-aaral na Senior mabisang pamamaraan ng
Unibersidad ng High School upang paggamit ng wikang
Pangasinan kung kaya't makakalap ng mga Filipino sa makabagong
magsasagawa ang mga impormasyon o datos panahon upang ang
mananaliksik ng hinggil sa paksang pinag- wikang ito ay patuloy na
paglilimbag ng aaralan o tinatalakay. mapagyaman ng mga
kwestyuner na kasalakuyan at mga
naglalaman na mga susunod pang
katanungan hinggil sa henerasyon.
paksang pinag-aaralan.

Pigura 1: Ang Paradimo ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng input-process-output model sa paggawa ng paradym

ng batayang konseptwal ng pag-aaral. Na kung saan ang input frame ay tumatalakay sa paraan

kung ano ang gagawin upang makakalap ng mga datos sa pag-aaral na isinasagawa. Ang process

frame ay tumatalakay sa mga hakbang na gagawin ng mga mananaliksik ukol sa pagkalap ng mga

datos. Samantalang ang output frame namanay sumasaklaw sa implikasyon ng responsableng

pamamaraan ng paggamit ng Wikang Filipino upang mapagyaman ito.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


5
Ang layunin ng pag-aaral at pananaliksik na ito ay upang malaman ang epekto ng

modernisasyon ng wikang Filipino sa pag-aaral ng mga senior high school sa Unibersidad ng

Pangasinan. May mga tuntunin ng paggamit ng wika at sa pag-aaral nito ay may mga limitasyon

lang na dapat isaalanglang ang dahilan nito ay upang mapanatili ang kaayusan ng pananaliksik at

pag-aaral ukol dito.

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa nito upang malaman ang pananaw ng ilan sa mga

mag-aaral ng kursong STEM sa Unibersidad ng Pangasinan, Senior High School, panuruan

2016-2017, patungkol sa modernisasayon ng wikang Filipino kaugnay sa pag-aaral ng mga

Senior High School. Ang bilang ng mga mag-aaral na naging bahagi ng sarbey sa pananaliksik na

ito ay ang limampung porsyento ng populasyon. Ang pagtitipon ng mga impormasyon at iba

pang mga kinakailangan na impormasyon ay ginawa sa Unibersidad ng Pangasinan.

Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita


Upang mapabilis at mapadali ang pang-unawa sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na
salita ay binibigyang-katuturan:
 Conyo- isa ring uri ng salitang balbal na kung saan pinaghahalo ang wikang Filipino at

Ingles upang maging sosyal kung papakinggan.

 Facebook- ay isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-

aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya

 Jejemon- isang uri ng salitang balbal na kung saan iniiba at pinapa-iksi ang baybay ng

isang salita.

 Modernisasyon- progreso ng pag-unlad ng isang lugar o bagay

 Teknolohiya- mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na

proseso at prinsipyong maka-agham.

6
KABANATA 2
REBYU NG LITERATURA AT MGA PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura
Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino: Do they

Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Ika-30 ng

Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa.

Marahil ang pagkakaroon ng opisyal na wika ng isang bansa ay siyang magiging tulay tungo sa

matatag at matagumpay na ekonomiya nito. Dagdag pa rito, ayon naman kay Dr. Aurora Batnag

(Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating

mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng

iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi

matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang

bansa. Hindi rin kayang baguhin, palitan, at malimutan ng isang bansa ang wika nito dahil Malaki

ang naging gampanin nito noon at magpahanggang ngayon.

Ayon kay Bienvenido Lumbrera (2007): “Parang hininga ang wika, sa bawat sandal ng

buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa

nating gumagamit din nito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng wika upang

kamtan ang kailangan natin.” Kasabay ng araw-araw na pamumuhay ng bawat indibidwal kabilang

na ang mga pulitiko, propesyonal, at mga simpleng mamamayan ay nakakabit na sa kanila ang

paggamit ng wika sa tuwing makikisalamuha’t makikipagtalastasan upang kanilang makamtan ang

layunin sa lipunang ginagalawan. Pinapatunayan lamang nito na kapag ginamit at pinapalaganap

ang Wikang Filipino kasabay ng modernisasyon sa kasalukuyan ay maipapalaganap din ang

produkto, kultura, at iba pang ipinagmamalaki ng Pilipinas.

7
Hindi maipagkaka-ilang kasabay ng modernisasyon sa lipunan ay siyang pagbabago rin ng

mga nakasanayan na ng mga mamamayan, kabilang na rito ay ang wikang nakasanayan. Ayon kay

Mario I. Miclat, Ph.D., nasabi niya sa artikulong Ang Kalagayan ng Wikang Filipino sa Panahon

Ngayon, “Hindi ngayon lamang dekadang ito sumulpot ang problema ng pambansang wika, o

lingua franca, o wikang panlahat. Hindi noon lamang panahon nina Quezon sa pamahalaang

Commonwealth kalahating siglo ang nakararaan. Pinag-uusapan na iyan kahit noong mahigit apat

na raang taon na.” Isa sa mga salik na siyang nagiging dahilan ng mga samo’t saring suliranin

patungkol sa wika ay ang paglitaw ng mga makabagong salita na kung minsan ay nagbubunsod ng

hindi pagkakaintindihan ng bawat isa. Tulad na lang ng paglaganap ng Jeje words, Beki language¸

at marami pang ibang nauusong salita na nagiging kadahilanan ng mga orihinal na termino at

kahulugan nito. Ang Investigative Documentaries ni Malou C. Mangahas, isang Journalist at taga-

ulat ng GMA network, na may pamagat na Jejemon and the Filipino Language. Sa

dokumentasyong ito, gumawa sila ng eksperimento kung maiintindihan nga ba ng mga Filipino

ang wikang Jejemon sa pamamagitan ng pagpapabasa sa mga ito ng isang partikular na mensahe

na nakasulat sa wikang jejemon. Ang iba, partikular na ang matatanda, ay nahirapang basahin ang

mensahe dahil sa sari-saring karakter na ginamit upang mabuo ang salita samantalang mabilis

naman itong naintindihan ng mga kabataan dahil ayon sa kanila, ang wikang Jejemon ay uso at

pamilyar na sa kanilang henerasyon. Sinubukan din nilang alamin kung kaya ng mga kabataan ang

tamang pagbabaybay sa wikang Jejemon. Dito, nadiskubre nilang higit na binibigyang pansin ng

ibang mga kabataan o mga Jejemon ang pagiging malikhain sa pagsulat ng mga salita kaysa sa

magiging kahulugan nito sa iba. Pinaalala rin sa dokumentasyong ito na walang masama na

sumabay sa uso ngunit may limitasyon din ito. Mawawalan ng silbi ang kakaibang spelling kung

iilan lamang ang nakakaunawa at nakakalimutan na ang tamang pananalita. Ngunit sa kabilang

8
dako naman ay higit na akma na gamitin ang mga salita na may kinalaman sa modernong panahon

at mas nauunawaan ng mas malaking bahagi ng populasyon. Sa kasalukuyan, malaki ang

kinalaman ng teknolohiya at modernisasyon sa paglaganap at paglaho ng ilang mga salita.

Sa isang panayam ng GMA News ay inihalintulad naman ni National Artist for Literature

Virgilio Almario Ang hindi paggamit ng ilang salitang Pinoy sa pera na nawawala sa

sirkulasyon. "Hindi naman namamatay 'yon kaya lang hindi nagagamit, hindi in currency,"

paliwanag ni Almario na siyang pinuno ngayon ng Komisyon ng Wikang Filipino. "Parang fashion

lang 'yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago ang lengguwahe at hindi sumunod sa uso, mamamatay

(ito)," dagdag niya. Sinabi pa ni Almario na buhay ang wika kapag nakasasabay ito at bumabagay

sa tawag ng panahon.

Ayon kay Caroll (1964), ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at

tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago

sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga

huwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi

ng pangkat o komunidad.

Ayon sa librong Kasaysayan ng Wika at Pananaliksik, ang wikang Filipino ay napagtibay

bilang Wikang Pambansa noong 1987 sa Order Pangkagawaran bilang 22 sa ilalim ng Artikulo

XII Seksyon VI.

Ang artikulo naman ni Sara Boydon noong Agosto 10, 2014 sa Tomasino Web ay

nagpapahayag na ang wikang Filipino ay hindi lamang dapat maalala tuwing buwan ng Agosto o

tuwing may okasyon lamang dahil ito ang sumisimbolo na tayo ay mga Pilipino at nararapat

9
lamang na hindi natin ito makalimutan dahil lamang sa mga bakas na naiwan ng mga dayuhan sa

ating bansa.

Dapat lamang na palaging gamitin, tangkilikin, at pagyamanin ang wikang kinagisnang

upang hindi ito mawala sa sirkulasyon ng patuloy na pag-ikot ng mundo. Dahil itinatanag ang

wikang Filipino upang maging ilaw tungo sa pagkakaisa, kapayapaan, at pagkakaintindihan ng

bawat mamamayan.

Kaugnay na Pag-aaral
Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng ekonomiya saisang

bansa. Ito ay isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at transaksiyon ng bawat tao saisang

ekonomiya. Kung wala nito, makakaroon ng hindi pagkakaunawaan at maaring humantong pa sa

pagbagsak ng ekonomiya ng isang bansa. Masasabi na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang

isang bansa sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal, at kultural.

Ayon kay Christopher Cabuhay, isang mag-aaral ng ekonomiks sa La Salle, “Kapag

walang transaksiyon, walang ekonomiya at kung isiipin natin, kung walang lipunan, walang

transaksiyon, wala tayong ekonomiya.” Ang wika umano ay isang paraan ng paggawa ng

transaksyon. Binanggit din niya na lahat ng nangyayari sa ekonomiya ay base sa kung paano mo

ito naintindihan kung kaya’t dapat ay maipahayag mo rin ng malinaw sa iba ang iyong naintindihan

tungkol doon. Dahil dito, masasabi na ang wikang pambansa ay may malaking papel na

ginagampanan sa pagpapaunlad ng ating bansa.

Ayon kay Jose Laderas Santos, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF),

malaki ang kahalagahan ng wikang pambansa sa pang-araw-araw nagawain ng bawat Pilipino.

10
Gawin na lamang na halimbawa ang pagbili ng isang ordinaryong Pilipino sa tindahan. Ang

ginagamit na wika sa transaksiyong ito ay Filipino. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng

pagkakaintindihan ang bawat isa at nagkakaroon ng satispaksyon sa pagitannila dahil natamo nila

ang pangangailangan ng bawat isa.

Ayon kay Bernard Macinas, komisyner ng KWF mula sa Bicol, ang bawat bansa ay may

sariling wika na ginagamit upang magsilbing daan tungo sa landas ng pagkakaisa,

pagkakaunawaan at pagmamahal. Kapag ito’y natamo, magkakaroon ng katahimikan at kaayusan

ang isang bansa. Masasabi rin na angkatiwasayan ng isang bansa ay isa ring salik sa pag-unlad ng

ekonomiya nito. Kapagnagkakaroon ng kaayusan ang isang bansa ay maaiwasan ang gulo at mas

mapapaunlad pa laloang kanilang ekonomiya.

Para naman kay Vilma Tacbad, komisyner ng KWF mula sa Pampangga, bagaman Ingles

ang wika ng komersyo, hindi pa rin ito ang susisa kaunlaran ng bansa. Binigyan niyang

halimbaawa ang mga bansang Japan, South Korea, Thailand, at China. Di tulad sa bansang

Pilipinas, ang mga bansang ito ay masasabing mahina sawikang Ingles. Ngunit hindi ito naging

dahilan upang paunlarin nila ang kanilang bansa. “Ang Japan ang isa sa pinakamayamang bansa

sapagkat ginagamit nila ang wikang sarili. Hindi ginamit ng Japan para umunlad ang wikang

Ingles,” ani Tacbad. Sa bansang ito na Ingles ang itinuturing na pangalawang lengguahe, malaking

bagay ang paggamit nito sa usaping pang-ekonomiya. Ngunit kung ikukumpara ang Pilipinas sa

ibang bansa, mas magkakaroon ngmalaking posibilidad na mapaunlad ang ekonomiya sa

pamamagitan ng paglinang sa kunganong sariling atin, Filipino, ang wikang pambansa.

Sa kabilang banda, bagama’t mabilis ang pag-usbong ng makabagong mundo, modernong

teknolohiya at mga bagong paraan ng komunikasyon tulad ng text messaging at social media, hindi

maiiwasan na may mga sinaunang salita na nababaon na sa limot o nalilipasan na ng panahon.

11
Napatunayan ito sa ginawang eksperimento ng GMA News sa Pandacan, Maynila, sa

mismong harapan ng bantayog ng batikang makata at manunula na si Francisco Balagtas, na siyang

nasa likod ng epikong "Florante at Laura." Ayon sa isinagawang eksperimento ng GMA News,

kung saan sinubukan nilang alamin mula sa mga kabataan ngayon at ilan sa mga matatanda ang

kahulugan ng mga lumang salita kagaya ngalimpuyok, papagayo at salakat, wala sa mga

modernong kabataan ang nakakuha ng tamang sagot o kahulugan ng mga salitang

ito subalit may isang matanda ang nakakuha naman ng tamang sagot. Ayon saulat na ito,

masasabi nating mahirap para sa mga kabataan ngayon ang pagpapalaganap ng

kaalaman tungkol sa wika mula sa ating kasaysayan.

Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan

at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon. Maari raw mawala ang

matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid pa rin nila ang kanilang

mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa

pamamagitan nito, ang mga sumusunod at susunod pang henerasyon ay natututo o maaaring

matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman

kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating pagkakamali.

TALASANGGUNIAN:

INTERNET

12
GMA Network Inc. (2009, August 31). Retrieved from GMA News Online:
http://www.gmanetwork.com/news/story/171158/news/nation/kasaysayan-ng-wikang-
filipino
Ang Kalagayan ng Filipino sa Panahon Ngayon. (2015, April 29):
http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-
disseminationscd/language-and-translation/ang-kalagayan-ng-filipino-sa-panahon-ngayon/
GMA Network Inc. (2014, August 28). Retrieved from GMA News Online:
http://www.gmanetwork.com/news/story/376707/news/ulatfilipino/ang-pagsabay-sa-uso-
ng-wikang-filipino
The Varsitarian. (2012, September 9). Retrieved from Varsitarian:
http://varsitarian.net/filipino/20110826/pagpapaunlad_ng_wika_nakatutulong_sa_ekono
miya

KABANATA 3
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

13
Ang kabanata III ay patuloy na ginawa upang malaman ang disenyo ng pananaliksik,

respondent, instrument ng pananaliksik.at tritment ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ginamit ng mga mananaliksik ay sa paraang descriptive-analytic

Tatangkaing ilarawan at suriin ng mga mananaliksik ang mga Epekto ng Modernisasyon ng

Wikang Filipino sa mga estudyante ng Senior High School sa Unibersidad ng Pangasinan.

Respondente
Ang mga napiling mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante na Senior

High School na kasalukuyang naka-enroll sa kursong STEM, taong panuruan 2016-2017 sa

Unibersidad ng Dagupan, lungsod Dagupan, Pangasinan. Sa kasalukuyan ay limampung porsyento

(50%) na mag-aaral ng kursong STEM Senior High School ang kanilang kinuha bilang maging

respondente sa talatanungan. Ang napiling bilang maging respondente ng mananaliksik ay upang

malaman kung paano nakakaapekto sa kanila, bilang isang mag-aaral at kabataan, ang

modernisasyon kaugnay sa pag-aaral nila ng wikang Filipino. Ang nilalaman ng tanong ay kung

paano naaapektuhan ng modernisasyon ang wikang Filipino.

Instrumento ng Pananaliksik

Ginamit ng mga mananaliksik ang sarbey-kwestyoneyr bilang pangunahing instrumento

upang maipakita ang mga datos at impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral ng mga

mananaliksik.

Tritment ng mga Datos

14
Ang kasangkapan na ginamit ng mga mananaliksik ay isang sariling gawa sa pagsisiyasat

ng palatanungan para sa respondent. Ibinigay ang pormula para sa komputasyon upang malaman

ng resulta ng pananaliksik. Sa pagsusuri ng mga pahayag ng epekto, mapaglarawang buod

istatistika tulad ng poryesto na ginamit, upang pag-aralan at bigyang kahulugan ang mga data na

nakalap mula sa survey at questionnaries. Ang mga mananaliksik ay ginagamit ang mga

sumusunod na tool ng istatistika;

1. Porsyento ng pahayag ng epekto para sa demograpikong propayl ng mga respondent ayon

sakanilang edad at kasarian

𝑓
Pormula: P= 𝑛 × 100

P: Porsyento

f: prikwensya

n: kabuuang bilang ng mga respondente

15
KABANATA IV

PAGLALAHAD AT PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA DATOS

Laman ng kabanatang ito ang paglalahad at pagpapakahulugan sa mga datos na nakalap

hinggil sa epekto ng modernisasyon ng wikang Filipino sa pag-aaral ng mga mag-aaral na Senior

High School sa Unibersidad ng Pangasinan.

Ang mga datos na nakapaloob sa tsapter na ito ay mula sa mga sagot ng mga mag-aaral na

Senior High School sa kursong STEM.

Isinagawa ang bahaging ito ng pag-aaral upang sagutin ang mga sumusunod na mga tiyak

na suliranin:

1. Malaki ba ang papel na ginagampanan ng modernisasyon upang mapaunlad at

maipalaganap ang wikang Filipino?

2. Nakakatulong ba sa patuloy na pagyabong ng wikang Filipino ang mga iba’t ibang social

networking sites tulad nga Facebook, Twitter, at Instagram?

3. Ang mga bunga ba ng modernisasyon tulad ng social networking sites, text messaging,

blog at iba pa ay isa rin sa mga salik na nakakaapekto sa pagkabaon sa limot ng mga

makalumang salita?

4. Nakakaimpluwensya ba ang mga banyagang salita na siyang nagbubunsod ng

bandwagon effect sa pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino?

5. Bilang isang kabataan at mag-aaral, madalas mo bang gamitin ang wikang Filipino sa

pagpapahayag ng saloobin mo sa social media?

16
6. Mas mainam bang gamitin ang wikang Ingles sa paglalahad ng iyong saloobin at opinion

sa social media sites upang mapaigting ang iyong punto?

7. Gumagamit ka ba ng istilong ‘jejemon’ sa pagpapahayag ng iyong mensahe?

8. Nauunawaan ka ba ng iyong kausap sa tuwing ika’y gumagamit ng pormat na jejemon sa

paglalhad ng iyong mensahe?

9. Nakakatulong ba ang pagiging ‘conyo’ sa pananalita sa pag-unlad ng wikang

Filipino?

10. Bilang isang estudyante ng Senior High School, responsable at maayos mo bang

ginagamit ang wikang Filipino sa pag-aaral, pakikisalamuha, at paglalabas ng saloobin o opinyon

sa social media at maging sa realidad?

TALAHANAYAN 1

PROPAYL NG MGA RESPONDENTE


Propayl Prekwensiya %
Edad
1. 15 taong gulang 2 0.5
2. 16 taong gulang 152 38.87
3. 17 taong gulang 218 55.75
4. 18 taong gulang 17 4.35
5. 19 taong gulang 2 0.5
Kasarian
1. Babae 182 46.5
2. Lalaki 209 53.5
Kurso
STEM 391 100
Grado/Baitang
Grade 11 391 100
Kabuuang bilang ng mga 391 100
respondent
Batay sa unang talahanayan sa may itaas, mayroong 200 na kabuuang bilang ng mga

respondente ang sumagot sa talatanungan. 0.05% sa kanila ay may edad na labing limang taong

17
gulang (15 taong gulang), 38.87% ay may edad na labing-anim na taong gulang (16 taong gulang),

55.75% ay nasa labing pitong taong gulang (17 taong gulang), 4.35% ay may edad na labing

walong taong gulang (18 taong gulang), at 0.5% ay may edad labing siyam na taong gulang (19

taong gulang). Kaugnay nito, ayon sa teybol ang mga respondent ay kasalukuyang naka-enroll sa

kursong STEM at baitang 11 (Grade 11) na.

Talahanayan 2

RESULTA NG ISINAGAWANG SARBEY

PERCENTAGE
OO HINDI
1. Malaki ba ang papel na ginagampanan ng modernisasyon upang 72.6% 27.4%
mapaunlad at maipalaganap ang wikang Filipino?
2. Nakakatulong ba sa patuloy na pagyabong ng wikang Filipino ang 66.8% 33.2%
mga iba’t ibang social networking sites tulad nga Facebook, Twitter,
at Instagram?
3. Ang mga bunga ba ng modernisasyon tulad ng social networking 69.6% 30.4%
sites, text messaging, blog at iba pa ay isa rin sa mga salik na
nakakaapekto sa pagkabaon sa limot ng mga makalumang salita?
4. Nakakaimpluwensya ba ang mga banyagang salita na siyang 66.2% 33.8%
nagbubunsod ng bandwagon effect sa pag-unlad at pagbabago ng
wikang Filipino?
5. Mas mainam bang gamitin ang wikang Ingles sa paglalahad ng iyong 59.3% 40.7%
saloobin at opinion sa social media sites upang mapaigting ang iyong
punto?
6. Bilang isang kabataan at mag-aaral, madalas mo bang gamitin ang 52.7% 47.3%
wikang Filipino sa pagpapahayag ng saloobin mo sa social media?
7. Gumagamit ka ba ng istilong ‘jejemon’ sa pagpapahayag ng iyong 43.2% 56.8%
mensahe?
8. Nauunawaan ka ba ng iyong kausap sa tuwing ika’y gumagamit ng 45.5% 54.5%
pormat na jejemon sa paglalahad ng iyong mensahe?
9. Nakakatulong ba ang pagiging ‘conyo’ sa pananalita sa pag- 46.5% 53.5%
unlad ng wikang Filipino?
10. Bilang isang estudyante ng Senior High School, responsable at 67.5% 32.5%
maayos mo bang ginagamit ang wikang Filipino sa pag-aaral,
pakikisalamuha, at paglalabas ng saloobin o opinyon sa social media
at maging sa realidad?

18
Bilang 1-3; Tumatalakay tungkol sa epekto ng modernisasyon sa Wikang Filipino

Bilang 4-5; Tumatalakay tungkol sa impluwensya ng kultura ng ibang bansa sa Wikang

Filipino

Bilang 6-10; Tumatalakay tungkol sa asal ng mga mag-aaral na SHS-STEM sa paggamit

ng wikang Filipino

Ipinapakita ng teybol 2 ang naging resulta ng isinagawang sarbey sa mga mag-aaral ng

kursong STEM. Sa bilang 1-3 ay mahihinuhang positibo ang pananaw ng mga respondente sa

epekto ng modernisasyon sa Wikang Filipino. Sa kadahilanang, mas mataas na porseyento ang

sumagot ng Oo sa mga tanong na bilang 1-3.

Ang bilang 4-5 ay tumatalakay sa impluwensya ng kultura ng ibang bansa sa Wikang

Filipino. Ayon sa datos na nakalap, ang nasabing bilang ay may positibong sagot na Oo dahil sa

nakakuha ang pang-apat na bilang ng 66.2% at ang bilang na pang lima naman ay nakakuha ng

59.3%. Kung ikukumpara ito sa bahagdan na ankuha sa mga sumagot ng hindi ay higit na mas

mataaas ang sumagot ng Oo. Nangagahulugan na positibo ang epekto nito sa pagpapa-unlad ng

wikang Filipino.

Ayon sa bahagdan sa tanong na bilang pang-anim mayroon itong 52.7%, makikitang

maraming kabataan at mag-aaral ang madalas magpahayag ng saloobin sa social media gamit ang

wikang Filipino bilang midyum na lenggwahe. Ang bahagdan naman na nakuha sa mga bilang na

pito (56.8%), walo (25.5%), at siyam (53.5%) ay nagpapakahulugan na karamihan ng mga

respondente ay hindi tinatangkilik at ginagamit ang istilo ng jejemon at conyo na pananalita o

paglalahad ng saloobin at opinion. Ayon din sa nakalap na datos hindi umano nagkaka-unawaan

ang bawat isa kung jejemon at conyo ang istilong ginagamit.

19
Ang horizontal bar graph sa ibaba ay ipinapakita ang datos na nakalap sa

isinagawang sarbey.

Unang tanong
Pangalawang tanong
Pangatlong tanong
Pang-apat na tanong
Panglimang tanong
Pang-anim na tanong
Pangpitong tanong
Pangwalong tanong
Pangsiyam na tanong
10

0 10 20 30 40 50 60 70 80

HINDI OO

Ang graph sa itaas ay naglalarawan ng mga datos na nakalap ng mga mananliksik.

Ang kulay na kahel ay tumutukoy sa bahagdan ng sumagot na OO, samantalang ang kulay na asul

ay tumutukoy sa bahagdan ng sumagot ng HINDI.

20
Kabanata V

Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay ay naglalaman ng lagom sa natukoy na pananaliksik, mga

konklusyong nagawa at rekomendasyong maaring makatulong sa mga mambabasa

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa PHINMA-University of Pangasinan, Arellano Street,

Dagupan City, Pangasinan na may kabuoang bilang na 391 respondente ng Departamento ng

Senior High School. Descriptive-Analytic Method ang pamamaraan na ginamit sa pananaliksik na

ito. Ang ginamit na talatanungan sa pananaliksik na ito ay sumasagot lamang ng oo at hindi.

Ang pananaliksik na ito ay patungkol Epekto Ng Modernisasyon Ng Wikang Filipino Sa

Pag-Aaral Ng Mga Senior High School Sa Unibersidad Ng Pangasinan. Ang mga mananaliksik ay

humantong sa paksang ito dahil aming napapansin na maraming kabataan o estudyante sa

panahon ngayon na ginugugol ang karamihan ng kanilang oras sa pagbababad sa mga social

networking sites. At napuna din ng mga mananaliksik na dahil sa social networking sites na ito ay

tila ba maraming bagong salita ang lumilitaw na siyang maaring nagbubunsod ng modernisasyon

ng wikang Filipino. Nais din nilang malaman kung indikasyon ba ito na patuloy ang pagyabong

ng wikang Filipino. Ngunit sa kabilang dako naman, natapunan din nila ng pansin na tila ba unti-

unting naglalaho ang ibang mga kinagisnang salita.

Nais naming mahanap ang mga kasagutan sa mga tanong na ito:

1. Malaki ba ang papel na ginagampanan ng modernisasyon upang mapaunlad at

maipalaganap ang wikang Filipino?

21
2. Nakakatulong ba sa patuloy na pagyabong ng wikang Filipino ang mga iba’t ibang social

networking sites tulad nga Facebook, Twitter, at Instagram?

3. Ang mga bunga ba ng modernisasyon tulad ng social networking sites, text messaging,

blog at iba pa ay isa rin sa mga salik na nakakaapekto sa pagkabaon sa limot ng mga

makalumang salita?

4. Nakakaimpluwensya ba ang mga banyagang salita na siyang nagbubunsod ng

bandwagon effect sa pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino?

5. Bilang isang kabataan at mag-aaral, madalas mo bang gamitin ang wikang Filipino sa

pagpapahayag ng saloobin mo sa social media?

6. Mas mainam bang gamitin ang wikang Ingles sa paglalahad ng iyong saloobin at opinion

sa social media sites upang mapaigting ang iyong punto?

7. Gumagamit ka ba ng istilong ‘jejemon’ sa pagpapahayag ng iyong mensahe?

8. Nauunawaan ka ba ng iyong kausap sa tuwing ika’y gumagamit ng pormat na jejemon

sa paglalhad ng iyong mensahe?

9. Nakakatulong ba ang pagiging ‘conyo’ sa pananalita sa pag-unlad ng wikang

Filipino?

10. Bilang isang estudyante ng Senior High School, responsable at maayos mo bang

ginagamit ang wikang Filipino sa pag-aaral, pakikisalamuha, at paglalabas ng saloobin o opinyon

sa social media at maging sa realidad?

22
Konklusyon

Batay sa mga inilahad ng mga mananaliksik na mga datos, pumasok sa kanilang isipan ang

ilang konklusyon. Sa isinagawang sarbey nagbigay daan ito upang mabigyang kasagutan ang mga

nabanggit na tiyak na suliranin. Ang kasagutang ito ay ang mga sumusunod;

1. Malaki ang papel na ginagampanan ng modernisasyon upang mapaunlad at maipalaganap

ang wikang Filipino.

2. Nakakatulong ang mga iba’t ibang social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, at

Instagram sa pagyabong ng wikang Filipino.

3. Bagamat ang ilang mga bunga ng modernisasyon din tulad ng social networking sites, text

messaging, blog at iba pa ay isa rin sa mga salik na nakakaapekto ng pagkabaon sa limot

ng mga kinagisnang salita.

4. Ang bandwagon effect na dulot ng mga banyagang salita at kultura ay napag-alaman na

nakakaimpluwensya rin sa pag-unlad at pag-babago ng wikang Filipino.

5. Marami ang nagsabi at naniniwalang mas mainam gamitin ang wikang Ingles sa paglalahad

ng kanilang opinion sa social networking sites upang mapaigting ang kanilang punto.

6. Ngunit bilang isang kabataan madalas parin nilang ginagamit ang wikang Filipino sa

pagpapahayag ng saloobin sa social media.

7. Ayon sa datos na nakalap, mas marami ang hindi gumagamit ng istilong jejemon sa

pagpapahayag ng kanilang mensahe.

8. Marami ang naniniwalang hindi nagkakaunawaan ang dalawang tao sa tuwing sila’y

gumagamit ng pormat na jejemon sa paglalahad ng kanilang mensahe.

9. Hindi rin nakakatulong ang pagiging conyo o paghahalo ng wikang Ingles at Filipino upang

maging sosyal kung pakikinggan, sap ag-unald ng wikang Filipino.

23
10. Malaking bahagdan din ng mga respondente na bilang isang Senior High School ay

responsible at maayos nilang ginagamit ang wikang Filipino sa pag-aaral, pakikisalamuha,

at paglalabas ng saloobin o opinion sa social media at maging sa realidad.

Rekomendasyon

Nais naming iparating sa aming mambabasa ang nahanap naming kasagutan sa mga tanong

na amng hinanap. Pumasok sa aming isipan na hindi masama ang makiuso at makisabay sa mga

moderno at pasok sa bangang salita na karamihan ay ginagamit ng kabataan ngayon gaya ng

pagiging conyo at pagsalita ng Jejemon, ngunit kailangan natin gamitin ito sa tamang panahon at

sa tamang oras sa tamang tao na bagay sa antas at prinsipyo. Kailangan parin nating pagyamanin

ang ating tradisyunal at nasyonal na wika upang sa gayo’y hindi tayo makalimot at maging

dayuhan sa ating sariling bayan. Sa aming mambabasa, nirerekomenda namin ang mas makabubuti

para sa ating lahat, na ang wikang pagyamanin natin ay ang wikang pinagkakilanlan ng ating lahi,

wikang ating kayang ipagmalaki sa buong mundo, wikang sumisimbolo ng ating sarili, wikang

ating kinalakhan, ang wikang Filipino.

24

You might also like