You are on page 1of 5

Redoloso, James Lloyd T.

2-C NET AD
SOSLIT
Prof. Katrina Par

Uri /Anyo ng Panitikan Tula/Prosa


Pamagat Liham Ni Panganay Kay
Inay Sa Brunei
Awtor Charina Margarita Fe D. Nola

Si Charina Margarita Fe D. Nola ay isang Psychology Student sa De La


Salle University Dasmarinas, anak ni Mr.Eliseo, OFW at si Mrs.Corazon Nola,
housewife. Sa Grade School, Siya ay Silver Medallist sa Academic Excellence
(1990), at Bronze Medallist sa Academic Excellence (1992). grumaduate siya sa
Elizabeth Secton School sa Las Pinas. Siya ay nag represented sa kanyang paaralan
sa 17th MM Young Writers Conference in 1998 at dinala niya ang honor sa
kanyang paaralan at nanalo siya ng Fifth Place in the Division level at Sixth Place
sa Regional Level, In 2000, bilang isang high school student, nanalo siyang First
Place sa Science Writing Contest.
Siya ay instructor sa LITT 101, ang klase ay itinuro na mag sulat ng tula, bilang
maniniwala na anak nagpapahayag ang kanyang damdamin matapos ang maraming
taon, Ang Nanay ang pumili ng Brunei na pangalawang tahanan at naininiwala ang
kanyang asawa na nagpapahayag ng kanyang damdamin sa kanyang asawa na
babae.
Si Nola gumawang kanyang tula upang maging isa sa mga pinakamahusay na
gawa na kung saan ibinigay niya sa kanyang Guro, bilang maniniwala na anak
nagpapahayag ang kanyang damdamin sa kanyang Nanay.

Tula

Liham Ni Panganay Kay Inay Sa Brunei

Ang panahon ay banoy sa himpapawid


Tila may bagwis sa matuling pagdaan
Kahapon lamang kami ng aking mga kapatid
Ang mga bisig ni Itay ang itinuring palaruan
Ang Inay na diwatang may may mapagpalang ngiti
Haplos na banayad ng lubos na paggiliw
Ang bilang ng tao’y masayang binati
Ngunit ang ligaya ay tuluyan nang nagmaliw

At ang aming bunsong si Emily


Labing-dalawang taong gulang, malasutla ang kutis
Mahaba ang buhok, mapupula ang mga labi
Di na muli nangusap dala ng matinding hinagpis.

Ako, Si Juliong panganay ni Inay sa Brunei


Ang nagpatuloy sa krus na iniwan kay Itay
Pagsusumamo sa mahal na Inay, magbalik na sa amin
Pawiin ang pangungulila ng mga naliligaw na anak
Ating pasanin ang bigat nang magkapiling
Ilayo sana kami sa tuluyang pahamak.

Di na alintana ang maliit na kita sa aming bayan


Ang inyong pagbabalik lamang ang tanging paraan
Upang ang buhay ‘di tuluyang matulad
Sa batong nirupok ng alon ng mapanuksong dagat.

Ako ngayo’y labing walong taong gulang


Walo lamang nang si Inay ay lumisan
Di inantala ang unos noon pala’y nakaabang
Kabugkis ang kanyang mabuting kapalaran
Sa sandaling lumakbay ang Inay
Kumayod at tumayong parehong magulang
Ang malawak na karagatan ay binaybay
Ilang taong pagsisilbi ang kanyang binilang.

Si Itay ang tumayong ilaw ng tahanan


Ang pag-aaruga sa ami’y kanyang pinasan
Naglingkod sa aming bawat kailangan
Bago tuluyang nagbago ayon sa kagustuhan
Edna ang ngalan niya
Mayumi ang pagpunas sa pawising noo ni Itay
Bawat araw siya’y aming nakikita
Bihira ang mga sandaling sila ay magkahiwalay.

Hanggang ang isang hapunan ay sumapit


Sa kanyang damdamin, umamin ang Itay
Nakatagpo ng pag-ibig kay Ednang kay lupit
Tila hamog kaming nagsipulas sa bukang liwayway
Nagsimula ang pagbabago sa aming buhay
Lumisan ang Amang itinuring naming bayani
Sumama nang tuluyan sa kanyang bagong maybahay
Habang kaming apat sa kapalaran naging api.

Si Lydiang matalino, matalinhaga


Sa edad na labing-anim, bihag ng tukso ng laman
Noo’y tinitingala ng mga kaklase niya
Nakalaang magsilang sa susunod na buwan.

Ang paborito kong Nomer naubod ng bibo


Kasama sa paglalaro ng basketbol dati-rati
Pulos para ang kanyang mga kamao
Lulong sa alak pag-uwi mula sa malalim na gabi.
Pagsusuri sa Tula
Pinili ng ina na pumunta sa Brunei at doon mag trabaho sapagkat iniwan niya
ang 4 niyang anak sa kanyang asawa nay un ang tumayo bilang ilaw ng tahanan sa
kanyang 4 na anak, Ang kanilang tatay ay nakahanap ng pag-ibig at doon lumisan
siya at pumunta sa bago niyang asawa ngunit iniwan niya ang mga anak niya at
dahil doon naligaw ang kanilang landas ang isa niyang kapatid ay titigil na sa pag-
aaral at ang kaniyang isang kapatid ay naging lasingero

Imahe/Simbolo
Eroplanong Papel
Habang ikaw ay nangangangarap pataas ang eroplanong papel na yun ay patuloy
na lumilipad papunta sa kanyang tagumpay hanggang sa destinasyon na yun batid
ng nakararami na hindi lahat ng pangarap ay nagkakaroon ng katuparan ngunit
unti-unti itong bumababa ang paglipad nito hanggang sa bumagsak ito sa lupa at
pwede rin masira, ganon rin ang pangarap kung di mo matutupad ang mga yun
maliligaw kayo ng landas na tatahakin

Paksa
Tungkol ito sa nanay na gusto pumuntang bansa at matustusan ang pangang
ailangan ng kanyang pamilya at ang kanilang tatay ang tumayong ilaw ng tahanan
at nag-alaga sa anak niya at doon may nakilalang isang babae ang kanilang tatay
doon nag simula ang pag lipat niya ng bahay sa babae at ang mga anak niya
naman ay nalungkot at natukso ng mga kamag-aral at ang isa nilang kapatid ay
nagging lasingero

Mensahe
Mensahe ng tulang ito’y tungkol sa magkakapatid na nagdadalumhati sa
kanyang Ina’y na di pa nakakauwi sa kanilang tahanan at doon iniwan sila ng
kanilang tatay dahil may inuuwian na ng ibang bahay sapagkat ang magkakapatid
ay naligaw ng landas at doon ang isa nilang kapatid ay titigil na sa pag-aaral at ang
isa naman nilang kapatid ay uuwi ng gabi ng lasing at doon di na sila naalala ng
kanilang mga magulang

You might also like