Magandang ummaga sa inyong lahat! Ako po ang inyong punong lakandiwa
sa araw na ito. Magpapakilala ang dalawang manunula, isang nagsasabing ang mundo ay isang teatro ay totoo o hindi makatotohanan. Ano nga ba ang totoo mga punong ginoo, kung ang mundo ba ay isang teatro? Kanilang pagtatalunan ang paksang binanggit ko, tayo’y makinig sakanila’y ihandog nyo. Magsisimula tayo sa sang-ayon. Totoo: Magandang umaga mga kaklase! Ako ay nagsasabing makatotohanan ang sinabi ni Shakespeare na ang mundo ay isang teatro. Ang dula, maging iisahin o tatluhang yugto ay isang genre ng panitikang kinagigiliwan ng marami, ito man ay binabasa lamang o itinatanghal. Di-totoo: Ako naman ang nagsasabing hindi ako sang-ayon sa sinabi ni Shakespeare, ang mga mundo ay hindi isang teatro. Hindi naman lahat ipinapakita sa iba ang pamumuhay natin kung sa gusto natin hindi ba? Hindi lahat nakukuha sa akto. Ang ibang mga pamumuhay ay magkakapareho Totoo: Kung sa ganoo’y makinig ka. Tama nga naman na maipapakita natin ang gawain natin sa buhay, ngunit kinukumpara ko lang naman ay ang simbolo ng teatro sa mundo. Ang mga gawain natin sa araw-araw ay halos pareho rin sa gawain ng isang teatro ngunit inaakto sa kung anong mga pangyayari. Di-totoo: Sa pamumuhay natin ay may iba’t ibang pangyayari, hindi lahat ng nagagawa sa mundo ay hindi naipapakita sa iba ng maayos at mayroon parin mga tao ay hindi nakukuha ang aral ng isang pangyayari. Lakandiwa: Akin na pong pahihintuhin ang dalawang manunula, Ako ng muling lakandiwa ang magsasalita.