You are on page 1of 2

Panitikan sa Pilipinas

Epiko Pelikula Awiting-bayan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Malawakang bahagi ng buhay pampanitikan ng mga Pilipino ang nobelang Noli me Tangere (c.
1887) ng kanilang pambansang bayaning si Dr. José Rizal.

Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning


uri at anyo ng katutubòng panitikan. Subalit nakakasáma rin dito ang mga panitikang nilikha at
ginawa ng mga Pilipinong nása labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga
Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag
ding Panitikang Pilipino[1] ang Panitikan ng Pilipinas.[2] Sa kasalukuyan, tinatawag din itong
Panitikang Filipino[3], sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at
kinabibilangan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.

Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan


ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan, maikling kuwento o maikling katha,
sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabula, bugtong, salawikain, kasabihan,
pabula, alamat, tanaga, bulong, awiting-bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na pangradyo,
pantelebisyon at pampelikula[3][4][5]

Sa bisà ng Proklamasyon Blg. 968, s. 2015., ang "Buwan ng Panitikan ng Filipinas" ay


ipinagdiriwang tuwing buwan ng Abril. Ang Buwan ng Panitikan ng Filipinas 2018 na may
temang "Pingkian" ay kasabay ng ika-230 anibersaryo ng pagkakasilang ni Francisco Balagtas,
ang "Bayani ng Harayang Filipino".

Kahulugan ng Panitikang Pilipino


Pangunahing lathalain: Panitikan

May iba’t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay ng kahulugan sa
panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas. Kabilang sa mga ito sina
Jose Arrogante, Zeus Salazar, at Patrocinio V. Villafuerte, bukod pa sa iba.[6]

Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat
ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa
kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhain
pamamaraan.[6]

Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan.
D

You might also like