You are on page 1of 42

Impyerno Sa Lupa

By E.L. Minell

Abril taong 2034. Maynila.


Tanghaling tapat. Ang init ng araw ang gumising sa akin. Halos di na rin makaihip ng
malamig na hangin ang aking Electric Fan. Masakit ang ulo ko dahil sa puyat na inabot sa
overtime. Wala akong magawa kaya't binuksan ko na lang ang radyo sa tabi ng aking kama.
Naalala ko na sira pala ang aking radyo. Sa sobrang inis, ibabato ko na lang ang radyo ng
may marinig akong ingay galing sa dingding ng aking maliit na kwarto. Ang ingay ay di
maiihalintulad sa ingay ng dalawang taong nagtatalo ngunit ito'y ingay na parang may
batang nagmamakaawa. Inilapit ko ang aking tenga sa dingding upang marinig ng mabuti
ang nangyayaring gulo sa tabi ng bahay. Narinig kong may munting tinig ng isang bata ang
tila'y hinahalay ng matandang Lalaki! Narinig ko ring may isa pang batang lalaki ang
umiiyak at nagmamakaawang pakawalan ang kanyang kapatid.

"Tumahimik ka! Tumahimik Sabi!" yan ang sinisigaw ng Lalaki.

"Wag po... maawa kayo sa akin. Mama! Papa! Huhuhu," ang iyak ng batang kawawa.

Agad akong pumunta sa pintuan para lumabas at humingi ng tulong sa mga kapit bahay.
Wala akong telepono. Nang nabuksan ko ang pintong kahoy, ang pintong bakal ay naka-
kadena na't naka-padlock. Ang rehas sa pintong bakal na kumukulong sa akin ay
napakatibay. Natatakot naman akong sumigaw ng tulong sa labas baka bigla na lang
patayin ng Lalaki ang dalawang bata sa kabilang bahay. Maaari ring maisipan na rin niya
akong patayin sa dahilang siya ang pinakamalapit na makakarinig kung ako'y sisigaw at
sapagkat kung gagawin niya ito'y napakadali lang dahil nasa sulok ang aking apartment at
hindi mapapansin ng sino mang gustong magtangkang tumingin. Hindi rin ako pwedeng
maghintay na lamang ng kasama dahil ako'y nagiisa lamang sa inuupahang apartment. Sa
boses pa lang niya'y mukhang mamamatay tao siya. Hindi ko hahayaan ang mga hayop na
tulad ng lalaki sa kabilang bahay na makagawa muli ng kanyang kahayupan. Naisipan kong
pumunta sa banyo kung saan naroon ang fire exit. Ang pinto ng fire exit ay may kalumaan
na't kinakalawang. Sinubukan kong lumabas sa fire exit, kumapit patungo sa kabila at
sumilip sa kanilang bintana. Wala akong maaninag anuman sa labo ng salamin ng bintana,
ngunit napansin kong plywood lamang ang tumatakip sa dating pinaglagyan ng Air
Conditioner. Tinanggal ko ito at pumasok sa kanilang banyo ng dahan dahan. Narinig kong
muli ang iyak ng mga bata nang ako'y nasa banyo nila. Wala akong dalang ano mang armas
sa aking kamay. Ang alam ko lang ay kailangang magawa ko ang aking makakaya upang
matulungan ang mga batang biktima ng isang taong walang kaluluwa! Kinuha ko ang
salamin sa itaas ng lababo para gamitin sanang armas kung sakaling aatakihin ko ang
mamang ito. Inisip ko rin na nangangailangan ng kaunting pasensya at tamang oras ang
pag-atake upang magawa ko ito ng tama. Napansin kong bukas ng kaunti ang pintuan ng
banyo kaya't ang salamin ay nagsilbing gamit upang makita ko ang nangyayari sa sala.
Kasalukuyang tinatali at pinipiringan ng lalaki ang dalawang bata. Nakahubad at pawis na
pawis ang lalaking ito at pinagpatuloy ang kanyang kahayupan sa batang babae. Hindi ko
na mapigilan ang galit sa loob ngunit nangingibabaw ang aking takot. Lalabas na sana ako't
lulusob nang may bigla akong narinig na ugong ng isang sigaw galing sa labas!

"Rico! Rico! Nandidiyan ka ba? Hello!"


Boses iyon ng aking nobyang bihira lang kung bumisita na si Ella sa labas ng bahay at
hinahanap niya ako sa aking apartment. Natakot ako na baka pati siya'y madamay sa
nangyayari! Narinig rin ng Lalaki ang kanyang boses kaya't dumampot ito ng patalim.
Malaki ang kanyang patalim at simula na akong nataranta sa loob ng banyo. Nararamdaman
ko ang lamig ng sahig sa aking hubad na paa. Nanginginig ang aking mga laman sa
pinagsamang takot at galit. Nang palapit na sa pinto ang lalaki upang buksan ito, nagmadali
na akong lumabas at nakadampot ako ng bakal na tubo! Inihampas ko ito sa ulo ng lalaki at
siya'y natumba sa sahig. Hinampas ko pa siya ng paulit ulit hanggang magdugo't mawasak
ang kanyang mukha.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, ako'y biglang nahagip sa aking binti ng kanyang patalim.
Nagdugo ang binti ko at duguaan ang aking pantalon. Hinampas kong paulit-ulit ang
kanyang kamay na may hawak na patalim. Nagdilim ang aking paningin na para akong
masamang tao. Dinampot ko ito't hiniwa ang ari ng lalaking nakahubad. Pakiramdam ko'y
sadista na rin akong tulad niya. Siya'y duguan at di na makakilos. Siya na ngayon ang
umiiyak at nagmamakaawa.

Sumigaw ako, "Ella, tumawag ka ng pulis dali!!! May rapist dito!!! Ella si Rico ito dalian mo
tumawag ka na ng pulis!"

Si Ella nama'y hindi sumasagot sa labas ng pinto. Pinilit kong tumayo at binuksan ang front
door. Tumambad sa aking harapan ang .38 caliber na baril ng isang pulis at nakatakip ang
isang kamay niya sa bibig ni Ella.

"Bitawan mo ang kutsilyo kung ayaw mong paputukin ko ito," ang sabi ng Pulis sa akin.

Siya'y naka uniporme, naka-jacket na itim at naka baseball cap na itim. Ako nama'y duguan
at basang basa sa pawis. Wala akong nagawa kundi bitawan agad ang kutsilyong hawak ko.
Binulungan niya si Ella na wag sumigaw dahil kung siya'y sisigaw, papatayin kaming
dalawa. Ipinasok si Ella ng Pulis sa loob ng apartment at nagulat sa nakitang duguang
mukha ng lalaki sa sahig malapit sa pinto.

"Anong nangyari dito?" ang sabi ng pulis.

"Parang awa mo na paalisin mo na lang kami," ang pagmamakaawa kong sinabi sa pulis.

"Tumahimiiiik kaaa.." ang sabi ng pulis sa akin.

Pumunta sa gawing kwarto ang pulis at inalis ang kumot ng kamang puti. Lumantad ang
bangkay ng isang babae na walang saplot sa katawan. Gulat na gulat naman si Ella sa itsura
ng lalaking duguang nakahalindusay sa sahig. Basag ang ilong ng lalaki at tapyas ang
ibabang labi nito. Nagawa ko yatang basagin ang kanyang bungo. Ibinulong ko kay Ella na
ang lalaking iyon ang rapist ng batang nakapiring.
Naghahalungkay ang pulis sa ilalim ng kama. May nakuhang makakapal na pera ang Gago.
Inilagay sa bag ito at napatingin sa amin. Inilagay naman niya sa kanyang mga bulsa ang
nakakalat na 50 peso coins. Nagpatuloy siya sa paghahalungkat at nang buksan ang closet,
naroon naman ang bangkay ng isang lalaking teenager. Maliban sa bangkay ng teenager,
may mga kilo-kilo ng bawal na gamot ang closet. Nilagay din ng pulis ito sa kanyang itim na
bag. Pumunta sa refrigerator ang pulis at kumuha ng beer in can. Kinausap niya kami.
"Ikaw ba yung nakatira sa kabila," ang sabi niya.

"Oo ako"

"Ako yung naglock ng pintuan mo, babala para hindi ka na manghimasok pa sa hindi mo
buhay! Bakit ginawa mo pa ring pumasok sa apartment na 'to ha? Matapang ka rin ha!
Nagawa mong labanan ang mamang ito. Ahhhh Halika nga dito".

Lumapit ako. Iniharap ang kanyang rebolber sa akin at sinabing, "Papatayin ko itong bebot
mo kapag sumunod ka! Tigas kasi ng ulo mo eh!"

Hinawakan niya ng mahigpit sa kamay si Ella. nagmakaawa naman akong wag niyang
tangayin ang aking nobya.

"Pakiusap wag mo siyang sasaktan, pakawalan mo siya."

Si Ella nama'y iyak ng iyak sa akin at nakakapit ng mahigpit at sinabing, "Rico, don't let him
take me! Pleaasee!! Parang awa niyo na.. Oh God Please.... Please..."

Samantala, tila'y may napansin sa labas ang tiwaling pulis kaya't binitawan niya ang kamay
ng aking nobya. Si Ella nama'y napaluhod at umiiyak. Niyakap ko siya't sinabing "God is
with us sweetheart. God is with us."

Nagsasalita ang lalaki sa lapag kaya't laking gulat namin nang makitang pinaputukan sa ulo
ng pulis ang lalaking nasa sahig. Lalong dumanak ang dugo sa sahig ng apartment. Laking
gulat ko nang binaril din niya sa ulo ang dalawang bata! Nang itututok na sa amin ang baril,
akala ko'y katapusan na namin ngunit bigla siyang napaisip at tumingin sa labas. Nagmasid
masid siya habang panay ang inom sa beer na hawak. Tinignan nito ang kaniyang baril.
Maaaring siya'y nagtitipid ng bala at may natunugan siyang kaaway sa labas. Lumabas ang
pulis bitbit ang kanyang itim na bag at rebolber. Madali ko namang dinala si Ella sa Banyo
kung saan ako pumasok. Bumaba kami sa hagdanan ng fire exit at tumakbo sa kanto. Sa
may di kalayuan, nasaksihan namin ang pulis na sumasakay ng sasakyan nang siya'y
paputukan ng apat na kalalakihan. Dinampot ang dala niyang bag at sinipa pa ito sa ulo.
Kinapkapan ang jacket ng pulis at may nakuha silang pitaka.

"Wallet ko yun!" ang pabulong na sinabi sa akin ni Ella.

Lumipat kami ni Ella sa ibang direksyon. Habang nasa gawi kaming kanluran, tila'y umiinit
ang sinag ng araw. Nalaman kong napakapanganib ng buhay sa mundo at ang kaunting
oras kong kasama ang aking mga mahal sa buhay ay napakahalaga. Bawat kanto'y tila ang
layo ng agwat. Mabagal ang aming takbo dahil sa duguan kong binti. Nanghihina na rin ako
at nahihilo. Umupo ako sa isang bangko sa hindi kalayuan at si Ella ay pumunta sa phone
booth upang tumawag ng tulong. Ngunit hindi pa siya nakakarating, hinarang na agad siya
ng apat na kalalakihang pumatay sa pulis. Hindi ko alam kung paano nila kami natagpuan.
Hindi na ako makakilos sapagkat namamaga na ang aking binti. Lumapit ang dalawang
lalaki, pinosasan ako't piniringan. Tinangay kami sa isang van. Sa van ako'y
nagmamakaawang wag kaming sasaktan ngunit tuwing ako'y nagsasalita'y hinahambalusan
ako sa tiyan. Nasubukan ko ring sapakin sa mukha. Nanlalamig ang aking paa't nanginginig
ang aking kalamnan. Taimtim na lang akong nagdasal na matapos na ito. Hindi ko
inaakalang ganito na kasama ang mga tao sa paligid. Iniisip kong maraming sanhi ang mga
kademonyuhan. Maraming dahilan kung bakit nangyayari ito at mas lumalala pa. Iniisip ko
ring minsan binabaliwala ko lamang ang mga nakikitang karahasan sa tv at walang
pakialam sa mga nangyayari sa ibang tao. Ngayon ako na ang nasa kalagayan ng mga
minamalas. Nagsisisi akong inubos ang oras ng aking buhay na walang kabutihang
idinudulot sa kapwa tao. Malamang patuloy na magwawagi ang kasamaan kung hindi kikilos
ang bawat isa para matugunan ang pangangailangan ng lahat, ang kapayapaan. Maraming
tao ang naghihintay lamang na mangyari sa kanila ang ganitong sitwasyon bago nila
seseryosohin ang kanilang paligid. Inisip ko ang dalawang batang pinatay ng isang tiwaling
pulis. Nagpaluha naman sa akin ang boses ni Ella na nasa kabilang dulo ng van; siya'y
umiiyak. Huminto ang van at lumakas lalo ang kanyang iyak. May narinig akong boses na
nagsabing, "Kahit sumigaw ka ng malakas walang makakarinig sa iyo dito! Umiyak ka kung
gusto mo!"

Naguusap usap sila at pinaupo ako sa bangkong kahoy na walang sandalan. Tinanggal ang
piring sa aking mga mata at ako'y nasilaw sa liwanag ng bumbilya sa aking itaas. Madilim
ang paligid at ang ilaw sa aking itaas ay ang nag-iisang ilaw ng kwarto. Umiiyak na ako sa
takot.

May nakita akong dalawang lalaki sa aking harapan. Isang nakatayo at isang nakaupo at
lima pang iba sa aking kanan. Wala si Ella sa paligid. Simula nang bumilis ang pintig ng
aking puso sa takot. Isang lalaking tinatawag nilang Sarge ang nagsalita, kausap ang
lalaking naka salamin na medyo may katandaan.

"Sir, Nakita namin ang picture niya sa bahay. Nasangkot siguro dahil ang sugat sa binti't
paa niya'y parang gawa ng kutsilyong hawak ni Ipong. Nakatira yan sa tabi ng apartment.
Hawak din namin ang laman ng wallet ng babaeng kasama niya. Siya iyon dahil may
picture. Ella ang nakalagay sa kanyang I.D. Nakuha namin iyan sa bulsa ni Danny boy.
Traydor sa atin yung gago sinolo niya ang mga nakuha ni Ipong. Balak din niyang solohin..."

Bigla siyang pinatid ng lalaking nakasalamin at sinabing, "Nasaan ang babae? Anong ginawa
ninyo sa kanya?"

"Nasa interrogation room din po Sir." ang sagot sa kanya.

"Narinig mo ba yun bata? Nasa maayos na kalagayan ang girlfriend mo. Nasa interrogation
room. Tinatanong lang din siya at kinakausap. Mga pulis kami. Makinig kang mabuti sa mga
sasabihin ko." Ang sinabing madiin ng lalaking nakasalamin sa akin.

Mahirap paniwalaang lahat silang naroon sa kwartong madilim ay mga pulis dahil dalawa
lamang silang naka-uniporme at mga di mukhang pulis ang iba. Nilapag ni Sarge ang pitaka
ni Ella, ang mga pictures na nakita sa aking apartment, ang baril ng patay na pulis na
tinatawag nilang Danny boy, at mga baryang 50 pesos sa mesa sa aking harapan.

"Makinig kang mabuti. Wala kang magagawa kung ayaw ka na naming mabuhay pa. Wala
kang magagawa kung ano man ang gusto naming gawin sa iyong girlfriend. Kung
mabubuhay ka lang, kakasuhan ka namin ng murder at rape. Kami ang mga pulis at nasa
kapangyarihan." ang sabi ng nakasalamin.

Binunot nito ang kanyang automatic pistol, tinganggal ang safe upang ipakita sa aking
gagamitin niya ito. Siya'y nagpatuloy magsalita.

"Ang bangkay ng tatay ng mga bata ay nasa kwarto mo na. Hindi ka makakalusot sa amin
kung mabubuhay ka man. Dahil sa iyo, lumaki ang problema namin! Dahil sa iyo, malaki
ang butas na tatakpan namin! Kung ayaw mong walang mangyaring masama kay Ella, may
ipag-uutos kami sa iyo na dapat mong sundin. Ipapadala namin sa iyo ang isang kilo ng
shabu sa Boss ni Ipong at humingi ka ng tawad sa pagpatay mo sa kanya. Kapag nagawa
mo ito, papakawalan namin si Ella. Tanggalin ang posas niya!"

May nagtangal ng posas sa aking mga kamay. Biglang may kumatok sa pintuan at sila'y
napatingin dito. Binuksan ang pinto ng isang lalaki sa tabi. Si Ella, buhat buhat siya ng
isang lalaking tauhan ng nakasalamin. Siya'y wala nang malay at walang pang-itaas na
suot!. Sa isang kisap mata, bigla ko na lamang dimanpot ang rebolber ni Danny boy at
binaril sa ulo ang lalaking nakasalamin! Mabilis ko ring isinunod si Sarge at ang dalawang
nasa pintuan. Bumubunot ng baril ang isa sa aking kanan ngunit huli na siya sapagkat
binunot ko naman sa kaliwang kamay ang baril sa lalaking nakasalamin na nasa aking
harapan at binaril silang isa-isa. Binaril ko sa ulo ang nagbubuhat kay Ella. Hinayaan ko
lang siya sa tabi. Kinuha ko ang baril ng dalawa sa mga patay sa sahig. Mabilis akong
lumabas ng interrogation room. Nasa police station ako at lahat ng pulis ay nagulat sa aking
paglabas. May anim na katao sa loob ng police station at ang isa sa kanila'y sibilyan. Isang
babaeng pulis ang unang bumunot ng baril sa akin. Nakita ang hawak kong baril kaya't silay
nagbunutan ng baril. Sa labis kong pagkagulat, binaril ko silang isa-isa na di ko nalalaman
kung paano ko ito nagawa. Walang natirang buhay sa kanila. Hindi ko na alam kung sino
ang masama sa kanila at ang hindi. Ang alam ko lang ay hindi na ako mabubuhay pa kung
hindi ko gagawin iyon. Binalikan ko agad si Ella at niyakap siya ng mahigpit. Dinala ko siya
sa labas ng interrogation room. Umiiyak ako't takot na takot. Napansin ko rin na ang isang
binatang sibilyang nagtatago sa mesa ay tumakbo palabas at maaaring tumawag siya ng
tulong sa malayong lugar. Tulong mula sa masasamang pulis o mabubuting pulis. Wala na
akong pakialam doon. Ang tanging alam ko ay nasira ang buhay ko ng isang iglap lang.
Yakap ko pa rin si Ella at di ko na man lang namalayan na nawala na ako sa aking
kamalayan.

Pagkagising ko, ako'y nasa ospital na at nakaposas. Malamig ang hanging galing sa air con
ng ospital. Payapa na akong nakahiga. Doon ko na lang rin nalaman na ako ay may tama ng
bala sa kaliwang balikat. Nakita raw nila akong yakap yakap ng mahigpit ang aking Ella.
Buhay pa raw siya at nasa rehabilitation. Hindi ko alam kung ako ay may nagawang
kasalanan o wala. Bahala na kayo sa akin. Ang alam ko lang sa ngayon ay ang aking
kapalaran ay nasa inyong mga kamay.
Langit Sa Lupa
By E.L. Minell

Septiembre taong 1974.


Si Alex, isang tahimik na binatilyo, ay nagtatanong sa nars kung saan tutungo papuntang kapilya ng
ospital, “Miss, saan yung chapel dito?” itinuro naman ito ng nars sa kanya ng hindi umiimik. Lumiko
siya sa kanan gaya ng itinurong direksyon sa kanya ng nars na pinagtanungan niya. May nakikita
siyang mga halaman at sinag ng araw sa gawing kalayuan. “Mukhang nasa labas na yata ako.” ang
sabi ni Alex. Pagdating niya sa dulo, ang labasan ng ospital ang kanyang nakita.

“Mali. Tsk!” ang sabi ni Alex ng madismayang wala doon ang kapilyang hinahanap niya. Kinamot niya
ang kanyang ulong may napaka-kapal at medyo may kahabaang buhok. Nagtaka naman siya dahil
hindi niya naaalalang may mga halaman sa labas ng ospital na kaniyang pinasukan. “Siguro
ibang Entrance ito.” ang bulong niya sa sarili. Bumalik siya sa pinanggalingan at naghanap siya ng
taong mapagtatanungan. Hindi na niya mahagilap ang nars na pinagtanungan niya kanina. Nagtataka
rin siya na parang may nagbago sa kanyang paligid dahil sa mga halamang nasa paso na hindi niya
naaalalang nakita niyang naroon kanina. Nagtanong siya sa information area, “Excuse me nurse, saan
po ba ang kapilya ng hospital 'nyo?” Sinagot naman siya ng nars na nasa telepono ng isang senyas
paturo sa gawing kaliwa.

“Ha? Hindi pwede yun,” ang sagot ni Alex. “Sa dulo ho, kwarto na ng kuya ko.”

Nagpaalam muna na may kakausapin ang nars sa kausap niya sa telepono bago siya sagutin nito. “I‟m
sorry, ano ho yun?” tanong ng nars kay Alex.

“Ang sabi ko ho, sa dulo na tinuro ninyo, doon naka-confine ang kuya ko. Wala po akong nadaanang
kapilya dun.”

Napailing lang ang nars at bumalik sa kanyang kausap sa telepono. Ikinapagtaka naman ito ni Alex.

Naisipan na lamang niyang bumalik sa kinaroroonan ng kanyang kuya para doon magdasal kasama ng
kanyang Lolo. Pagliko niya sa kaliwa, naramdaman niyang iba ang kanyang naaalala. Hindi ito ang
ospital na pinanggalingan niya. Hindi niya maalala kung kailan at paano siya naligaw dito, subalit ang
kanyang naaalala‟y kaninang unang beses pa lang siyang nagtanong sa nars ay nasa ospital pa siya
ng kanyang kuya. Paunti unting nagbabago ang paningin niya sa paligid.

Nakita nga niya ang isang kapilya sa dulo ng kaliwang direksyong itinuro ng nars sa kanya. Nakita
niya roon ang nagdaraang babaeng Doktor sa kapilya kaya hinabol niya ito. “Doktora, sandali po!” ang
sigaw ni Alex at saka nilapitan ang Doktor. “Ano po bang Hospital ito?”

“Philippine General Hospital.” ang sagot ng Doktor.

“Sigurado po ba kayo? Hindi po ba Makati Med dapat?”

“PGH. Hindi ito Makati Med, wala ka sa Makati.” Ngumiti na lang sa kanya ang Doktor at saka ito
umalis.

Nagtaka naman siya at tumingala sa itaas. Mataas nga ang mga kisame at mukhang luma ang gusali
na parang naaalala niyang hindi ganito ang ospital ng kanyang kuya. May mga nakapaskil pa ngayong
mga lumang larawan sa pader ng gusali. Malaki ang pinagkaiba ng loob ng ospital ngayon kaysa
kaninang nagtatanong siya sa nars. Hindi niya namalayang napunta siya sa ibang lugar sa hindi
nalalamang dahilan. “Pano nangyari ito?” tanong ni Alex sa sarili.
“Alex,” ang sabi ng isang lalaking nakaupo sa loob ng kapilya at saka nagpatuloy, “Alex, ikaw ay si
Alex.”

Kinilala muna ni Alex ang mukha kung ito ba‟y kakilala niya ngunit wala siyang naaalalang kilala niya
na ganito ang wangis ng mukha. “Sorry po, kilala ko ho ba kayo?”

“Hindi, hindi mo ako kilala at di rin kita kilala. Maupo ka. Ako si Adriel. Ang pangalan mo nga ba ay
Alex?”

“Opo.”

“Sigurado ka?”

“Opo, ako si Alex bakit ho ba? Paano nyo nahulaan ang pangalan ko?”

“Ang sabi mo kasi kay Doktora, nasa ospital ka sa Makati at biglang hindi mo naalalang nandito ka
ngayon, tama?”

“Opo. Ganun nga po. Bakit ho?”

“Alex, dinala ka rito ng isang anghel.”

“Paano nyo ho nasabing isang anghel ang nagdala sa akin dito eh wala namang nagdala sa akin dito
bigla na lang ho akong napunta dito?” tugon ni Alex. “Alis na po ako at alamin ko lang paano ako
napunta dito baka kasi hinahanap na ako ng Lolo.”

Siniyasat ni Adriel ang mukha ng kausap kung ito ba‟y binibilog lamang ang kanyang ulo at
pinapapaniwala siyang Alex nga ang pangalan nito. Si Adriel, ang mamang nakaupo sa kapilya ay
isang apatnapu‟t limang taong gulang na. Parati niyang ginagalaw ang malaking salamin sa kanyang
mata sapagkat ito‟y nahuhulog sa pagkakapit sa kanyang ilong. Nakasuot siya ng asul na polo na may
naglalakihang kwelyo sa gilid ng kanyang nagsisimula nang magka-kulubot na leeg.

“Sandali lang Alex, wag kang umalis." sabi ni Adriel kay Alex. "Gusto kong marinig mo ito. Alam kong
naligaw ka at alam ko ring kapag nakausap mo ako makakauwi ka na. Ipapaliwanag ko sa iyo ito pero
kailangan mo munang malaman ang buong detalye kung bakit ako nagsasalita ng ganito. Sana
intindihin mo, ako ma'y naguguluhan din. Simula nang sumakabilang-buhay ang aking asawa, hindi ko
pa nasubukang makaranas ng isang bagay na papatotoo sa aking mga nakikita. Nakakaranas ako ng
mga ala-ala sa dati kong buhay, mga nakikita ko kapag ako ay nag-iisang nakapikit o kapag
nananaginip. Nang pumanaw ang aking mahal na asawa nagsimula akong makaranas makakita ng
mga bagay na ako lang ang nakakakita. Walang naniniwala sa akin maging ang mga kilala kong mga
nagtratrabaho sa simbahan. Ang mga kaanak at kaibigan naman ay natatawa lang sa mga sinasabi
ko, kaya‟t sinarili ko na lang ang lahat ng aking nakikita sapagkat wala rin akong matibay na
ebidensya na magpapatunay na totoo ang mga ito. Dalawampung taon na akong nakakaranas ng
ganito, ngayon pa lang ako nakaranas ng pwedeng pumatotoo sa aking mga nakikita at ikaw ang
tinutukoy ko. ”

“Ano ho ang sinasabi ninyo? Hindi ko ho kayo maintindihan, pasensya na po.”

“Ang sinasabi ko ay ganito, hindi ko basta hinulaan ang iyong pangalan. Nakita ko ito sa isang
panaginip. Gusto mo bang simulan ko sa pinakasimula o sa bandang huli kung saan ko nakita ang
iyong pangalan?”

“Simulan po ninyo sa simula at makikinig lang ako.” tugon ni Alex. Pumasok at umupo naman si Alex
sa loob ng kapilya sa bandang likuran ni Adriel, habang si Adriel ay nakapatong ang siko sa sandalan
ng kanyang inuupuan at nakatingin siya sa kausap.
“Salamat sa pagsangayong makikinig ka. Nagsimula ito noong kami‟y bagong kasal. Doon pa lang
parang may mga nagpaparamdam sa akin kapag ako ay mag-isa at nakapikit ang mga mata. Matapos
ang tatlong linggong aming pagsasama, nalaman namin na ang aking asawang si Irena ay
nagdadalantao na. Walang kapantay ang ligaya naming dalawa noong kami‟y nagsasama. Ngunit
nabigo kaming ilabas sa mundo ang aming anak maging ang magsama kaming dalawa habang buhay
ay hindi rin natupad. Kinuha ng Diyos ang asawa ko sa akin. Pagkatapos malaglag ng aming anak,
sunod-sunod siyang nagkasakit. Matapos niyang gumaling sa isa, nagkakaroon siya ng dalawa at
nadaragdagan parati ang mga karamdaman niya kahit na ako ay parating nagdarasal. Wala akong
magawa para iligtas si Irena. Ikinamatay niya ang sakit sa kanyang atay. Dalawangpung taon na ang
nakakalipas noong siya‟y pumanaw ngunit para sa akin parang kahapon lang ang pangyayari.”
sandaling huminto si Adriel, nagbuntong hininga at nagpatuloy,

“Ang kapilyang ito ay pansamantalang iniayos bilang kapilya habang nagkukumpuni ang mga tao sa
kapilya ng ospital; ngunit ito ay dating kwarto ng mga may sakit at inaalagaan. Ito ay kwarto ng
nasira kong kabiyak, ang pinakamamahal ko, kung saan ko siya hinawakan upang magpaalam. Ang
Doktorang kausap mo kanina ay aking kaibigang Doktor dito, si Doktora Alma. Isa lang siya sa mga
mababait kong kaibigang tumutulong sa akin at nagmamalasakit. Tumutulong rin siyang
magpaliwanag kung ano ang maaaring sanhi ng mga nakikita ko. Sinabihan ko siya sa telepono
tungkol sa aking panaginip kagabi, tungkol sa isang Alex na magpapakita sa akin, kaya‟t nagduda
akong ikaw ay kanyang kasabwat dahil isa si Doktora na nangungumbinsi sa aking ibaba ang
pagluluksa ko sa aking mahal na nawala. Hindi rin kasi siya naniniwala sa aking mga sinasabi tungkol
dito ngunit kahit papaano nakikinig siya. May gumawa na kasi nito sa akin dati, nagkukunwaring
naniniwala sa sinasabi ko. Buti at nadiskubre kong niloloko lang niya ako, dahil seryoso ako sa aking
mga sinasabi. Hindi ko rin magawang baliwalain ang aking mga nakikita o visions kung sa aking
pakiramdam ay totoong-totoo ang mga ito, na parang ala-ala ng matagal na nakaraan. Gusto ko ring
malaman sa sarili kung totoo ba ito o isang problemang medikal. Sabihin mo sa akin ang totoo, talaga
bang lumitaw ka dito galing ng Makati at ang pangalan mo ay Alex? Hindi ba kayo magkasabwat lang
ng Doktora? Sumasakay lang ba kayo sa mga istorya ko? Ang sinabi sa akin ng isang anghel sa aking
nakita ay maliligaw ka Alex, ngunit makakauwi ka kung kakausapin kita. ”

“Opo, nagsasabi po ako ng totoo. Hindi ko pa rin ganap na maintindihan ang sinasabi nyo. Kayo po
ano ang pangalan ninyo ulit?”

“Kung ganun eh, ipagpapatuloy ko ang aking kwento. Ako si Adriel Santos, nagtapos ako ng Industrial
Engineering pero isa akong Pintor na nagtratrabaho sa isang Museo tuwing umaga. Kailangan ko
kasing bumalik dito sa ospital para mapalapit lang ako kahit papaano. Nagtratrabaho rin ako sa isang
kumpanya, sa isang pabrika sa hapon, malayo dito. Pero hindi ang tungkol sa aking gawain ang gusto
kong sabihin sa iyo na tungkol sa akin. Tingin ko mahalaga ang pagpaparito mo kaya kailangan nating
malaman ang dahilan. Nakakakita kasi ako ng mga bagay sa aking pag-iisa at tuwing ako ay
nananaginip simula noong sumakabilang buhay ang aking mahal na asawa. Ang mga vision na ito ay
parang totoo tuwing nararanasan ko. Sa mga naunang beses, nakita ko ang tungkol sa mga anghel na
nasa langit. Parang tunay ang aking mga nakikita at napakalinaw ko itong nakikita. Ang iba sa kanila
ay piniling manirahan sa lupa, sila‟y naging tao sa laman, sa dugo at sa kaluluwa.”

“Paumanhin pero patirin ko lang sana kayo,” patid ni Alex, “Ako po kasi ay isang sakristan sa aming
barrio. Narinig ko na po dati na ang mga anghel ay nasa langit lang, ang mga nagrerebelde naman sa
kanila ay napupunta raw sa impyerno. Nakarinig na po ako ng tungkol sa mga anghel dela guardia,
ngunit hindi ang anghel na naging tao.”

“Alex, hindi ko sinasabing totoo itong sinasabi ko. Yan ang dahilan kung bakit kita kinakausap. Hindi
ko rin alam kung ang mga ito ba'y problema o tunay na may sinasabi sa aking mahalaga. Pinapaalam
ko lang sa iyo ang mga nakikita ko at kasama ka kasi doon, kung ikaw nga ang Alex sa aking mga
nakita.” Sinusuri ni Adriel si Alex sa kanyang mga mata at nagpatuloy, "May tatlong paraan para ang
isang anghel ay pumasa-lupa. Ang una ay kapag siya ay may tungkuling dapat ganapin sa loob ng
maikling oras at ang tungkuling ito ay may kinalaman sa kaligtasan ng sangkatauhan. Pangalawa, ang
mga tinatawag nating anghel dela guardia na nandito ngunit hindi natin sila nakikita. Pangatlo, kung
gusto ng isang anghel na makasubok kumain sa hapag-kainan ng mga tao, makisalamuha sa kanila,
makasubok ng personal na ugnayan sa mga tao, kailangan niyang ipanganak bilang isang tao.
Sapagkat, maging ang Anak ng Tao na siyang pinakasasamba ng lahat ay dapat sundin ang batas na
itinalaga ng Maykapal dito sa lupa. Kaya maski Siya ay dapat mabinyagan rin at dapat nakalapag ang
mga paa sa lupa. Walang sinomang galing sa langit ang maaaring mamuhay sa lupa kasama ng mga
tao ang hindi magiging tao na may dugo‟t laman na sumusunod sa batas ng Diyos dito sa lupa. Ang
sinomang tao na pinanganak ng sinomang babae ay dapat tanggapin ang katotohanang dito sa lupa,
kung may nais kang mangyari na babaluktot sa batas ng lupa ay dapat mo muna itong idasal sa itaas.
Halimbawa, hindi mo maaaring gawing alak ang tubig ng walang pahintulot na galing sa itaas o ilipat
ang isang bundok sa ibang lugar sa pamamagitan ng pananampalataya ng hindi dinarasal sa itaas.
Hindi ka rin maaaring mamuhay na gaya ng tao kung hindi ka tao. Mas perpekto nga ang buhay ng
mga anghel ngunit may iba‟t ibang dahilan kung bakit ang iba sa kanila ay pinipiling maging tao. Yan
ang mga nakikita ko, karamihan ay hindi ko ganap na maintindihan. ”

“Kung sila ay tao na at hindi na anghel, sa laman at kaluluwa gaya ng sabi mo, paano nila masasabing
sila pa rin yun?” tanong ni Alex.

“Kaya may naiiwang gapatak ng kanilang kapangyarihan na dati‟y kasing dami ng tubig sa dagat.
Naiiwan ito bilang pagkilala sa kanilang sila pa rin kung sino sila dati ngunit iba na ang kanilang buong
anyo maski ang pag-iisip. Hindi nila magagamit ang kapangyarihang ito na walang kasamang dasal.
Hindi nila katulad ang Anak ng Tao na kaisa-isang pumarito‟t pinanganak at nakisama sa tao nang
hindi nawala ang kanyang buong anyo‟t kapangyarihan na nasa langit. Lahat ng pinanganak ng tao ay
dapat manalangin kung may nais siyang mangyari na hindi sumusunod sa kaayusan ng mga elemento
sa mundo, kagaya ng milagro. Ang iba sa mga anghel na pumarito, ang pinipili nilang maiwang
kapangyarihan at abilidad ay ang makaramdam ng mga pangyayaring mangyayari pa lang, ang iba
naman ang abilidad na nakakaramdam ng damdamin at isip ng iba, ang iba nama‟y iba ang pinipiling
kapangyarihan. Lahat sila ay walang malay na may kakayahan silang ganito at lahat sila‟y hindi alam
ang tunay na kaanyuan nila dati.

Ako ay isa sa kanila, Alex. Nakakailang banggitin ito dahil nagmumukha akong isang taong wala sa
sariling pag-iisip tuwing sasabihin kong 'Dati akong anghel'. Intindihin mo sanang ito'y pahirap sa
akin. Ayon sa aking mga visions, ang maalala raw ang lahat ng ito ang tanging naiwang
kapangyarihan sa akin na aking pinili. Kaya sa akin mo lang maririnig ang mga ito dahil ang iba'y hindi
nila alam ang kanilang kakayahan at lahat ng tungkol sa dating sila dahil hindi ito ang kanilang
piniling kakayahan. Kung kami ay mapalad at makababalik ng langit, magbabalik at mabubuo ulit sa
amin ang lahat ng aming mga ala-ala na tunay na amin ngunit hindi ang aming pagka-anghel.
Karamihan sa mga nahuhulog sa impyerno na iyong tinutukoy, ay mga tao na at may espiritu ng tao,
na galing dito sa lupa. Ang mga nakita ko ay ala-ala ng dating ako noong ako‟y naninirahan pa sa
ibang kaharian. Hindi buo bagkus napakaliit lamang ang mga ala-alang aking mga nakita sa
mga visions na ito. Karamihan ay paulit ulit ko lang nakikita. Sa una‟y tinatawanan nila ako tuwing
binabanggit ko ito sa mga tao, ngunit ngayon, kung totoo man ang iyong sinasabi, maaaring
mapaniwala ko na sila kung ikaw ang magpapatunay. Nakita ko kasi kagabi lang sa aking pagtulog
ang isang anghel na walang mukha, siya‟y may hawak na dalawang bituin sa kanang kamay at sa
kaliwa ay isang bato kung saan nakaukit ang iyong pangalan. Kilala ko ang anghel na iyon, siya ay
isang anghel na pinili ang kapangyarihang makapagdala ng isang bagay sa ibang lugar na nasa
malayo. Ang sabi mo, napunta ka dito ng hindi mo nalalaman. Bago pa man ito, dalawangpung taon
ko nang nakikita ang iyong pangalan, ngunit hindi ko maintindihan ang mga nakikita ko. Ang anghel
na yun siguro ang nagdala sa iyo dito.”

Iniisip ni Alex na nagsasabi ng totoo si Adriel dahil napag-isip isip niyang hindi siya
nagmamalikmatang lumipat ng ibang lugar na nasa magkabilang lungsod at lalong hindi siya
nananaginip lang. Napansin rin niya ang maletang hawak ni Adriel at ang ayos ng kanyang pananamit
at buhok. Napagisip-isip ni Alex na si Adriel ay isang seryosong tao ngunit mukhang may problema
nga siya. Siniyasat muna ni Alex ang kausap bago nagtanong,

“Paano ho ang ordinaryong mga tao, kagaya ko, wala po ba kaming kapangyarihang kagaya ninyo?
Tunay ho ba itong nakikita ninyo na pwedeng maging tao ang isang anghel? Naniniwala po ba kayo
dito?
Higit sa lahat, ano ho ba ang itsura ng langit?”.

“Huwag mong isiping hindi patas ang kahalagahan ng mga nilalang dito sa lupa.” sagot ni Adriel sa
nagtatanong na binatilyo at saka nagpatuloy, “Pantay pantay lahat ng taong pinanganak. May
kapangyarihan ka rin Alex, tuwing may nagagawa kang kabutihan sa kapwa tao mo at nagpapakita ka
ng mabuting gawa sa Diyos kahit walang nakakakita, ito ay isa nang milagro. Ang pagiging
mapagkumbaba ay isang kapangyarihan dahil naaagaw mo ang pansin ng mga anghel sa langit. Ang
lahat ng tao ay kayang magpakumbaba kung pipiliin lang nila. Alam ko yun dahil isa sa mga ala-alang
bumabalik sa akin ay ang ala-alang napapanood ng mga anghel ang ginagawa ng mga tao sa lupa,
maski ang mga damo, halaman, insekto, mga hayop at mga ibon. Ang mga anghel na pumarito ay
hindi na anghel, ganap na tao rin sila kagaya mo lang. Hindi rin nila magagamit ang kanilang
kapangyarihan ng walang tulog sa itaas. Naalala kong ipinagdasal ko noon na sana may paraan para
malaman ko kung nasaan si Irena noong siya ay pumanaw, kaya siguro doon nagsimula ang aking
mga nakikita, ngunit dalawangpung taon na at wala pa akong malinaw na sagot. Kung may kaunting
kapangyarihan man kami na wala sa inyo, may kahinaan naman kami o kaya‟y may katumbas na
kapalit ito. Sa aking lagay, ang maagang pagkamatay ni Irena ang naging kapalit ng aking mga
nakikita.

Naitanong mo ang langit, yan rin ang madalas tanungin sa akin ng bawat taong makakausap ko
tungkol dito, Alex, bagamat alam kong hindi sila naniniwala sa akin, sinasabi ko pa rin ang nalalaman
ko. Ang langit bilang isang lugar, ayon sa mga nakita ko, hindi ito maipapaliwanag sa salita at hindi ito
maiintindihan ng mata ng tao. Kung susubukan ko man itong ipaliwanag sa iyo, lalong lalayo ang
iyong pagkakaintindi sa langit. Ito ang napakakapal na pader na humaharang sa lahat ng kaalaman
ukol sa langit, sapagkat ang mga nararapat lamang ang makakapasok dito at tunay na makakakita sa
buong kaanyuan ng langit. Ang tao ay dinidiktahan ng kanyang nakikita sa mata, ngunit sa langit, ang
espiritu ay may mata rin na siya lang ang makakaintindi ng lahat ng nakikita roon. Ang masasabi ko
lang, ang langit ay parang pinong puting asukal, bawat butil ay kay tamis at kay puti. Walang
hanggang ligaya at kadakilaan ng Diyos ang iyong madarama kapag ikaw ay naroon. Kung ang iba sa
amin ay masaya sa pagiging kumpleto na nila, kung sila'y gustong nasa langit, ang mga tulad namin
ay gustong maging buhay na tao. Tungkol sa mga visions o mga nakikita ko, tungkol sa anghel na
nagiging tao, hindi pa rin ako ganap na kumbinsado na ito ay tunay. Nagkaroon lang ako ng kaunting
hinala ngayon sa posibilidad na tunay nga ito dahil ikaw nga ay biglang lumitaw sa araw na ito kung
kailan ka dapat lilitaw. Ano man ang dahilan ng iyong paglitaw dito ay hindi ko alam. Maaaring
aksidente lamang o hindi, basta sa aking pagkakaalam ay hindi ka nararapat dito ngunit nandito ka!

Tungkol naman sa iyong tanong sa pagiging tao ng mga anghel, ang mga anghel ay nararapat lamang
sa langit ngunit mayroon talagang mga bagay bagay na hindi pinapaalam sa mga tao. Pinayagan
kaming magkatawang tao sapagkat walang hiling na hindi pinapakinggan ng Ama natin sa langit, kung
ito ay iyong hihilingin at idarasal dahil walang imposible sa Kanya. Kung dito sa lupa, sanay tayong
limitado ang lahat ng kailangan natin kagaya ng pagkain at lakas na galing sa iyong katawan, doon sa
langit ang kasanayan namin sa kaginhawaan ay walang hanggan maski hilingin mong ikaw ay maging
tao ay ibinibigay. Ayon sa aking mga nakita, kung ito ma‟y totoo at hindi gawa-gawa ng aking isip
kapag ako‟y tulog, ang aking dahilan upang maging tao ay para patunayan ang pagmamahal ko sa
Diyos. Ang tao ay ang nilalang na pinakamamahal ng Diyos, sila ay malayang gumawa ng tama at
mali, at sila ay pwedeng patawarin sa kasalanan kung magsisisi sila. Hindi ito ang aking dahilan, ang
dahilan ko ay para maipakitang kaya kong labanan ang mga pagsubok at mga tukso ng daigdig, dito
sa katawang napakarupok alang alang sa pag-ibig sa Panginoon. Mahirap na desisyon ito para sa
isang espiritu ngunit ito ang aming pinili, nakita ko ito sa aking mga panaginip ng napakalinaw. May
dalawang anghel doon na malapit sa akin, sila lang ang aking naaalalang nakikilala ko ng bahagya na
para bang ala-ala mo na matagal nang nakalipas. Ngunit, kagaya ng aking sinabi kanina, maski ako
ay hindi ganap na naniniwala rito, sa aking mga nakikita. Sabi nila, kaya ko raw ito nakikita dahil raw
sa malubhang kalungkutan ko sa pagpanaw ng aking asawa. Sa tagal ng panahong aking hinintay, sila
na ang aking pinakinggan, kaya nawala rin ang aking pananampalatayang dati‟y malakas. Wala na rin
akong tiwala sa aking sarili, maging sa sarili kong isip na gumagawa ng mga ganitong imahinasyon.”

Huminto sila sa paguusap sapagkat may dalawang babaeng pumasok sa loob ng kapilya upang doo‟y
magdasal. Ang isa rito‟y ang Doktora na kakilala ni Adriel. Yumuko papalapit sa kanya si Alex at ito'y
bumulong sa kanya.
“Alam ho ba ninyo, takot rin ako sa kamatayan.” ang sabi ni Alex “Ngunit dahil sa naniniwala ako sa
buhay pagkatapos, hindi ko po ito kinalulungkot. Namatay na po kasi ang aking butihing ina noong
bata pa ako. Sumunod naman sa kanya ang aking ama na isang aktibista. Malungkot rin ang mga
pangyayari sa buhay namin. Isang gabi may dumampot sa tatay sa aming bahay, may nagsabi na
lang sa aming patay na rin daw siya at tanggap na namin ito kahit hindi na nakita ang kanyang labi.
Hindi naman po masamang alalahanin sila dahil yun po ang gusto nila ngunit ako ay naniniwalang
nasa langit sila dahil sa aking mga dasal at pagkakakilala sa kanila. Tiwala po ako sa
pananampalataya ko kaya hindi ko na po ikinalulungkot pa ang pagpanaw nila kung ang makakasama
naman nila ay ang poong Diyos. Sa akin lang, sana kung malalim talaga ang pagmamahal mo sa
asawa mo, ang masayang ala-ala niya ang tanging ilagay mo sa puso‟t damdamin mo. Sabi kasi sa
amin sa simbahan, ang Diyos dapat ang ating mahalin na higit sa kahit ano. Kung mahal ho ninyo ang
Diyos dapat wala ho kayong duda sa mga salita niya. Sa tingin ko, ito ang dahilan kung bakit ako
lumitaw dito, para masabi ko sa inyo ang mga ito. Hindi ko pa rin alam kung paano makakauwi sa
pamamagitan ng pakikipagusap sa inyo. ”

“Naniniwala naman akong may langit, Alex, pero kung siya ma‟y ligtas ay hindi ko alam. Ang alam ko
lang, makitid ang lagusan patungong langit. Maitanong ko lang sa iyo Alex, sino ba sa tingin mo ang
nagmamahal sa iyo? Siya ang nagdala sa iyo dito, Alex. Siya ang anghel na ngayo‟y ganap na ganap
na tao na, ipinagdasal ka niya para mapunta dito! Siya ang anghel na walang mukha na nakita ko sa
aking ala-ala.”

“Sa tingin ko po, diyan ho kayo nagkamali. Hindi ako nakakaramdam ng pagmamahal sa amin.” sagot
ni Alex. “Hindi ako gusto ng aking mga kamag-anak, mga kapatid at mga kaibigan.”

“Bakit mo naman nasabi yun Alex? Mukhang ayos ka naman.”

“Kasi po ganito, ang palagi nilang sinasabi sa akin na dapat raw ay gayahin ko ang aking kuya dahil
siya ay maraming tagumpay na nakamit na. Sa kolehiyo na po siya nag-aaral, sa La Salle. Malaki ang
pakinabang niya sa kanila kaysa sa akin. Siya‟y nasanay dito sa buhay Maynila at ako naman ay hindi
rito nasanay. Naniniwala po silang lahat na siya ay magiging mayaman at matagumpay pa lalo
pagkatapos ng kolehiyo. Marami siyang kaibigan, parating mataas ang kanyang mga grado sa iskul,
maraming nagkakagustong mga kababaihan sa kanya kaya marami rin siyang naging
nobya, captain siya sa kanilang basketball team at marami pang ibang pwede niyang ipagmayabang
kaya nga po siya ay napakayabang at mapagmataas lalo na sa akin na ibang iba sa kanya. Isa lamang
po akong mahiyain at mahina ang loob. Madalas niya akong batukan tuwing tumatanggi ako sa mga
kagustuhan niya kagaya ng sumubok ng alak para raw maging tunay akong lalaki, maski na ang
bawal na gamot ay pinapasubok rin niya sa akin minsan, tumatanggi lang ako. Hindi niya ako gusto
kung hindi ako tutulad sa kanya. Maabilidad po siya at aktibong tao, kaya‟t nakarating na siya sa iba‟t
ibang lugar. Sa aming Lolo na isang mayaman kasi siya lumaki, ako naman sa aking mga magulang.
Nagkahiwlay kami noong bata pa dahil hindi kami kayang palakihing sabay sabay ng aming magulang
na mahirap lang. Noong pumanaw ang aking mga magulang naging magkasama na kami sa iisang
bubong, kasama ang kapatid naming babae na mas bata sa akin.

Ang kapatid ko namang babae, parating nakakulong sa kwarto, may kausap sa telepono at
nagpapaganda sa harap ng salamin. Masama rin ang kanyang ugali sa akin dahil isa siyang laki sa
layaw. Kinse anyos po ako at siya ay katorse anyos pa lang. Hindi kami malapit sa isa‟t isa na parang
hindi kami magkakapatid. Mas malapit kasi sila sa mga pinsan namin na nakatira malapit lang sa
bahay ng Lolo, samantalang kaming magkakapatid, dati'y isang beses lang isang taon kung magkita.
Ngunit gusto kong baguhin sana ito. Kagabi, sumama ako sa isang inuman ng mga barkada ng aking
kuya para masubukan ko ang kanyang buhay. Nilasing po niya ako at pinakilala niya sa iba‟t ibang
babaeng kanyang kinaibigan sa eskwelahan. Ako na ang nagyayang umuwi dahil madaling araw na.
Paguwi namin, napansin kong nawawala na sa sarili ang aking kuya sa pagkalasing. Sa takot na
mapagalitan ng aming Lolo, ako na lang ang nagpumilit magmaneho ng kotse maski na may
pagkalasing rin ako. May sumunod na pulis sa amin sa daan kaya‟t inutusan ako ng kuya kong
magpatakbo ng mabilis. Ito po ang huli kong naaalala, masakit kasi ang aking ulo sa kalasingan.
Noong tumanggi akong bilisan ang pagmamaneho, inapakan niya ang aking paa para bumilis ang
sasakyan. Nabunggo ang kotse sa poste kaya ang kuya ay naaksidente at dinala sa ospital, kung saan
malinaw kong naaalalang naroon lang ako kanina lang. Galit na galit sila sa akin at sa akin lahat ang
sisi. Walang nagmamahal sa akin sa amin, kaya alam kong hindi pwede ang sinasabi mo.”

“Alam mo Alex, napakabata mo pa para mamroblema ng ganyan. Maniwala ka sa akin, siguradong


may nagmamahal sa iyo. Marami sa ngayon, hindi lang nila alam sa kanilang puso ang tunay na
dahilan kung bakit mahal nila ang tao. Ang iba sa kanila, hindi lang nila ito sinasabi. Mahalagang
sabihin mo sa tao na mahal mo siya bago huli ang lahat. Medyo lumilinaw na sa akin at naiintindihan
ko na kung bakit ka nandito pero kulang pa rin. Hindi masama ang maging mabait, tatagan mo lang
ang iyong loob at magpakagaling ka. May sasabihin ako sa iyo, isa sa mga madalas ko ring makita sa
aking mga panaginip. Hindi ko naiisip ang kabuluhan nito, dahil madalas ko itong makita simula noong
nagsimula ang mga visions na ito. May iba‟t ibang mga anghel kasi ang tumitingin sa bawat nilalang
na nasa lupa. Kami ay mga nilalang rin na kagaya mo, punong puno ng pagkasabik sa mga bagay na
hindi pa namin nalalaman, ngunit mahalagang malaman mo na ang mga anghel ay nakakataas na
nilalang sa mga tao. Hindi ko alam kung ito man ay may kinalaman sa iyo ngunit sasabihin ko na rin.
Madalas ko kasing makita itong tatlong uri ng daga sa aking mga visions. Isang dagang siyudad na
magaling at marunong maglambitin sa kawad para maabot ang tinapay sa lamesa, isang
dagang marsupial naman o dagang sa mga damuhan nakatira na gumagawa ng maliit na pugad sa
kanyang mga anak at isang dagang kosta na malinis at maputi, nakita ko itong nakakulong at
naghihintay ng pagkain. Dito ko siguro maihahambing kayong magkakapatid. Alin sa tingin mo ang
mas interesado ka sa tatlo?”

“Yung dagang sa Australia galing, yung marsupial na daga. Nakita ko po yun sa Magazine, sa National
Geographic.” sagot ni Alex.

“Tignan mo? Ikaw na tao na nakakataas na nilalang sa mga daga, alam mo kung alin ang aagaw ng
iyong pansin. Ganun din ang mga anghel sa langit, pati ang Diyos na mas mataas sa lahat. Sa mga
populasyon ng mga daga, alin ba ang nakararami? Di ba ang dagang kalye o dagang kanal? Sila ang
mga mas agresibo, oportunista, matatalino, mabibilis kumilos at mas mabilis dumami. Kung
maglalagay ka ng katulad nila sa isang palayan na may mga dagang palay, di ba mauubos lang ang
mga dagang palay dahil aagawin sa kanila ng mga dagang ito ang kanilang tirahan at pagkain? Ngunit
mas interesado ka ba bilang tao sa kanila kaysa sa mga dagang palay? Nasa dami ba ng populasyon,
lakas, bilis, talino ng mga dagang ito sila nagiging interesado para sa mga nag-aaral ng mga ito na
nakikita mo sa Magasin? Sila ba ay kumikilos na tunay sa kanilang likas ayon sa mga nakakataas na
nilalang, ang mga tao? Ang kapatid mong babae ay parang puting dagang kosta. Nakakulong naman
siya sa kulungang hindi nakikita ng mata, ang mga kagaya niya ay mga taong madalas
magsinungaling sa kapwa lalo na sa kanilang sarili. Naghihintay na lamang sila ng pagkaing ibibigay
sa kanila ng mga taong mas mataas na nilalang sa kanila.

Nabubuhay sila sa mundong kanilang ginawa at hindi ang mundong ginawa para sa kanila ng Diyos.
Ang mga tulad nila ay hindi alam ang tunay na kaligayahan, pati ang kanilang tunay na gusto at
kailangan. Sila‟y mga bulag sa tunay nilang likas bilang nilalang. Ang mga tao na kagaya ng dagang
kosta ay naghihintay lamang ng biyaya sa itaas kahit na wala silang ginagawa na kagustuhan ng nasa
itaas. Ang mga taong kagaya ng dagang siyudad naman, namumuhay sila sa pagkaing hindi nila tunay
na pagkain. Hindi rin natin sila masisisi dahil naging matatag lang sila at sumusunod sa mundong
ginagalawan nila. Ang mga taong maitutulad mo sa mga kakaunting marsupial na daga, sila man ay
kaunti, sila ay may tunay na kalayaan at tunay na buhay ng isang daga. Nakakakain sila ng tunay na
pagkain at hindi sila nakakulong sa sarili nilang mundo. Maliban sa mga dagang bukid na minsan ay
dumarami at nagiging peste na rin. Ang ibig kong sabihin ay, ang mga kaunting dagang ito, sila ang
mga tunay na daga. Hindi naman biscuit, keso, tsokolate o tirang pagkain ang tunay na kinakain ng
mga daga di ba? Hindi naman kulungan ang tunay na tirahan nila di ba? Ganun din ang tao, dapat
alamin ng bawat tao kung alin ang tunay na sa tao ayon sa mata ng Diyos. Ang tunay na pagkain ay
ang salita ng Diyos at ikaw bilang isang maka-Diyos nakakakain ka nito, hindi mo ito kailangang
baguhin. Hindi mahalaga ang tingin sa iyo ng kapwa mo tao, ang mahalaga ay ang tingin sa iyo ng
mga nasa itaas. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ka narito, para lumabas sa akin ang mga
kaalaman kong ito. Naiintindihan ko na rin ang halaga ng kapangyarihang ibinigay sa akin.”
“Salamat po at naluwangan na ang aking pakiramdam. Ang problema ko po kasi ay hindi nila nakikita
ang pagiging tunay na tao ko sa kanila. Mahalaga rin palang isipin ko kung ano ang iniisip ng mga
nilalang na mas mataas sa akin at lalo na ang iniisip ng Diyos higit pa sa iniisip ng kapwa ko tao.”
tugon ni Alex. “Sana po, kayo rin magbalik na ang matibay ninyong pananampalataya sa Kanya. Wag
kayong mag-alala naniniwala po ako sa mga sinasabi ninyo. Sana po magkaroon rin kayo ng oras para
makapagbasa ng Bibliya kung hindi nga po kayo nakakapagsimba at nakakarinig ng Salita ng Diyos sa
misa. Naniniwala po ako sa mga sinasabi ninyo, sana po minsan magtiwala rin kayo sa sinasabi ng
inyong sarili. Kung lahat po ng nilalang ay dapat gawin kung ano ang lahat ng kabutihan, kagaya ng
sinabi ninyo, maski na ang Anak ng Diyos ay dapat mabinyagan, siguro kayo rin dapat mas mapalapit
pa kayo lalo sa Diyos. Nabanggit nyo po na ang kapalit ng inyong kapangyarihan na maalala ang lahat
at inyo ngang naalala pati ang kapalit nito- ang pagkamatay ng maaga ng inyong asawa. Kung nawala
man siya ng maaga dahil sa pinili ninyong maging isang tao, maaari ka namang maging sanhi ng
pagkabuhay ng iba kung maniniwala kang kaya mo. Maaari pong ito ang inyong piniling buhay para
patunayan na kaya ninyong mahalin ang Diyos na higit sa lahat, maging sa asawa ninyo. Lahat ho
tayo ay may problema, kagaya ng sabi mo, dapat malaman natin ang tunay na likas ng tao. Kasama
po sa likas ng tao ang nakikipagugnayan sa kapwa nila. Sana po, pakinggan nyo rin ang sinasabi ng
iba, baka hindi po ninyo alam na kagaya nyo siya na bumaba galing sa langit. Huwag po kayong
matakot, mayroon parating paraan para mahanap mo ang katotohanan kung hindi ka lang susuko.”

Napangiti naman si Adriel sa sinabi ng kausap. Napag-isip isip niyang ito nga ang Alex sa kanyang
mga nakikita. Hinawakan ni Adriel ang kanyang malaking singsing at sinabi ng pabulong sa binata,
“Napakabata mo pa para magsalita na parang matanda na. Alam mo Alex, ang singsing na ito ay
binigay sa akin ng asawa ko bago siya mamatay. Binigay ko ito sa kanya noong kami‟y napakabata
pa, napulot ko lang ito. Binalik niya ito sa akin kasi dapat ko raw siyang maalala at dapat hindi ako
malulungkot sa pag-alis niya. Hindi ko kayang tanggapin ang sinasabi niya, hindi ko kaya ngunit
nagsinungaling ako sa kanya. Masakit pa hanggang ngayon sa akin ang pagkawala niya maski
dalawampung taon na ang nakakalipas.” Napaluha ng bahagya si Adriel at tumalikod nang kanya itong
inamin sa kausap. Pinunasan niya ang kanyang luha ng kanyang kamay. Lumingon siyang muli para
kausapin si Alex.

“Nakita ko ang singsing na ito Alex,” ang patuloy ni Adriel, “hawak ito sa kaliwang kamay ng isang
anghel na wala ring mukha. Iba pa ito sa tinutukoy kong anghel na nagdala sa iyo rito. Siya‟y may
hawak na tatlong bituin sa kanyang kanang kamay. Ang anghel na ito ay tao ring ganap na kasabayan
kong bumaba sa lupa, ang kanyang kapangyarihan ay ang magpalitaw ng espiritu ng mga namatay
para makausap ng mga taong buhay. Hinihintay ko ang espiritu at umaasa, baka si Irena ang
magpakita sa akin. Ngunit siyempre, hindi ko katulad ang mga anghel na ito dahil hindi niya alam ang
kapangyarihan niyang ganito.”

Nilapag ni Adriel ang singsing ng kanyang mahal na asawa sa ibabaw ng lapagan ng mga gamit sa
luhuran; siya‟y tumingin kay Alex at nagpatuloy, “Sa aking ala-ala nagkasundo kaming papanoorin
niya ako dito sa lupa at babantayan ko rin siya. Ngunit sa aking panaginip nang siya‟y magpakita muli
sa aking ala-ala, tinanong ko siya kung ang aking asawa ba ay nasa langit, ang tanging sinabi sa akin
ng anghel na may tatlong bituin ay „kung magkakatagpo tayo sa lupa‟. Kung totoo ito, wala na akong
pag-asang makuha ang kasagutan dahil alam kong sila, hindi nila alam ang kanilang kapangyarihan at
hindi nila alam na sila‟y dating anghel. Kung ganito, hindi ko alam kung nagkatagpo na kami ng
anghel na ito o hindi o kung magkakatagpo pa kami. Ang tanging hiling ko lang naman sa langit ay
malaman kung nasa langit ang aking asawa o hindi.”

“Tatagan po ninyo ang pananampalataya ninyo isipin na lang ninyong mabuti ang Diyos at siya'y nasa
maayos na kalagayan na. Pero hihilingin ko pa ring sana po mahanap ninyo ang sagot na hinahanap
ninyo.” tugon ni Alex. “Siguro po magpapaalam na ako sa inyo, baka hinahanap na ako ng Lolo ko.”

“Alex, yung isang anghel na may dalawang bituin na tinutukoy ko sa iyo, alamin mo kung sino siya.
Siya lang ang maaaring nagdala sa iyo dito dahil yun ang kanyang kakayahan…”

“Shhhhh,” ang sabi ng Doktora na nakaluhod sa harapan nila sa kapilya. “We are praying.” Kasabay
nito ang senyas ng hintuturo sa kanyang labi. Napatingin sa harapan si Adriel, sa kanyang kaibigang
Doktora at sa babaeng katabi nito. “Sorry Doc.” ang paumanhin ni Adriel . Napansin ni Adriel ang
panyo sa kanang kamay na ginamit sa pagsenyas sa kanya ni Doktora. May nakaguhit na tatlong
bituin sa kanyang panyo. Hawak naman ng Doktor ang singsing ng kanyang asawa sa kaliwang kamay
at nagsabing, “Adriel, nahulog mo itong singsing mo.” at saka inabot ito kay Adriel. Napangiti naman
si Adriel dahil naisip niyang si Doktora pala ang anghel na may tatlong bituin sa kamay na kanyang
nakita sa panaginip. Hindi niya inaasahang si Doktora Alma lang pala ang anghel, kagaya ng nakita
niya sa kanyang panaginip ngunit hindi rin niya inaasahang sa panyo pala nakalagay ang tatlong
bituin. “Sino ang espiritu na kanyang pinalitaw?” ang tanong ni Adriel sa sarili. Paglingon niya sa
likuran, wala na sa kinauupuan si Alex. Lumabas pa si Adriel upang hagilapin si Alex sa labas ng
kapilya. Tinanong niya ang isang lalaking naglalakad at hindi raw nito napansin si Alex. Bumalik si
Adriel sa kanyang kinauupuan. Ngayon ay nabunutan na siya ng tinik sa kanyang lalamunan, alam
niyang ang kanyang mahal ay nasa langit kagaya ng pangako ng anghel sa kanyang panaginip.

Samantala, sa malayong dako, sa ospital na Makati Medical Center, ang Lolo ni Alex ay mataimtim na
nagdarasal nang dumating ang isang lalaking doktor sa kanila at sinabing “I’m sorry, he didn’t make
it. Time of Death is 3:00 pm. I’m sorry for your loss. Nagtagal pa siya ng ilang oras bago tuluyang
huminto ang tibok ng puso niya. I'm sorry.” Umalis lang ng nakayuko ang doktor na nagsabi nito.
Hindi lumuluha ang Lolo ni Alex. Tinititigan lamang ng matandang lalaki ang larawan ng kanyang anak
na babae at ang hawak nitong apo niyang si Alex.

“Kasalanan ko ang lahat Lolo, hindi ko dapat pinag-drive mag-isa si Alex.” ang sabi ng kanyang kuya
sa matanda na naroon sa tabi niya.

"Ipinagdasal ko na lang siya," ang sabi ng Lolo, "na sana, mahanap niya ang daan papuntang langit."

Samantala, sa kapilya, nakaupo si Adriel at nakapikit na parang may nakikita. Tumayo sa


pagkakaluhod si Doktora Alma at lumapit siya kay Adriel.

“Kamusta ka na diyan Adriel? Bakit di ka pa rin umuuwi?” ang tanong ng Doktor sa kaibigan. Binuksan
ni Adriel ang kanyang mga mata sa kumakausap.

“Pwede ko bang malaman kung ano ang pinagdasal mo Alma?” tugon ni Adriel. “Kung maaari lang.”

“Ipinagdasal ko na sana mahanap mo ang mga kasagutan sa tanong mo, yung binanggit mo sa akin
na gumugulo sa isip mo. Parati kong sinasama sa dasal ko yun, bakit?”

“Wala Doc. Ok na ako. Pwede bang isali mo na rin sa iyong dasal ang aking kaibigan? Hindi ko pa siya
nakikita pero sana makita niya ang nawawala niyang mahal sa buhay na iniwan sila. Sigurado akong
malungkot siya ngayon. Uwi na pala ako. See you again.”

“Wag kang mag-alala Adriel,” sagot ng Doktora, “gagawin ko ang pabor mo, magkikita pa naman tayo
ulit.”
Iniwan ni Adriel ang singsing ng kanyang asawa sa harapan ng altar. Nagpasalamat siya sa isang
maikling dasal at umuwi na si Adriel ng may ngiti na sa kanyang mukha.

Mga Kilalang Pilipino sa Sining at Panitikan


May malaking kahalagahan ang sinig at kultura sa buhay ng bawat
Pilipino. Kinagigiliwan nilang umawit, sumayaw, tumugtog, sumulat, at
gumuhit. Dahil dito, marami silang mga bantayog na mang-aawit,
manunulat, manunugtog, kompositor, at pintor.

Kilala si Julian Felipe sa kanyang tugtugin o


kompositiong "Himno Nacional Filipino." Ipinalikha sa kanya
ni Heneral Emilio Aguinaldo ang makabayang musikang ito
para sa kalayaan ng bansa. Unang ipinarinig ang tugtuging ito
noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Iyan ang pinagbatayan
ng kasalukuyang pambansang awit.

Bukod sa pagiging kompositor, si Julian Felipe ay tumutugtog din ng


organ sa simbahan ng Cavite.

Isa pang kilalang Pilipino sa larangan ng musika


si Nicanor Abelardo. Magaling siyang tumugtog ng mga
instrumento gaya ng guitara, biyulin, cello, at piyano. Isa rin
siyang kompositor tulad ni Julian Felipe. "Nasaan Ka, Irog?" ang
isa sa kanyang tanyag na mga komposisyon. Ang iba pang mga
kinatha niya ay ang mga sumusunod: My Native Land,"
"Motherland," "Bituing Marikit," at "National Heroes Day."

Mayroon din kilalang biyulinista. Siya


si Gilopez Kabayao. Natutuo siya ng biyulin
mula sa kanyang ama nang siya ay pitong taong
gulang pa lamang. Marami na siyang
pinagwagihang paligsanhan sa pagtugtog ng
biyulin sa ibang bansa. Nagbibigay pa siya ng
walang bayad na konsiyerto para sa mga batang
mag-aaral.

Si Cecile Licad naman ay isang tanyag na piyanista


sa buong mundo. Maaga siyang natutong tumugtog ng
piyano. Isa siya sa magagaling na Pilipinong iskolar sa
musika na pinag-aral sa Estados Unidos. Nanalo na siya
sa ilang paligsahang pandaigdig sa pagtugtog ng piyano.

Hindi lamang sa Pilipinas tanyag ang mga awitin


ni Freddie Aguilar at Apo
Hiking Society. Kilala rin
sila sa ibang bansa. Kanilang
itinaguyod at pinaunlad ang
mga musikang Pilipino sa pamamagitan ng
pag-awit sa mga konsiyerto sa ibang bansa.
Nanalo na rin sila sa mga paligsahang pang-
internasyonal sa musika. Sila ang tinatawag na
makabansang mang-aawit. Matapang din silang sumanib sa mapayapang
rebolusyon sa EDSA noong Pebrero, 1986.

Sa larangan naman ng sayaw, si Francisca Reyes


Aquino na isang guro ang nangunguna sa paksang ito.
Malawak ang ginawa niyang pag-aaral sa mmga katutubong
sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw.
Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw ng iba't
ibang lugar ng bansa nang may dalang kamera at tape
recorder upang magsaliksik ng mga sayaw. Sinulat niya ang
lahat ng hakbang ng sayaw na kanyang namamasid na hindi niya binago ang
orihinal na galaw nito.
Tiyaga dedikasyon ang kinailangan niya sa kanyang gawain. Natapos
niyang sulatin ang kanyang mga aklat sa sayaw kasama ang musika at
kaukulang hakbang nito. Dapat siyang maipagmalaki. Natatangi ang mga
ginawa niya.

May iba pang mga tanyag na Pilipino sa sining.


Si Fernando Amorsolo ang isa sa kanila. Mahilig siyang
gumuhit ng larawan noong bata pa siya na ginagamit lamang
ang lapis at papel. Karamihan sa mga iginuhit niyang larawan
ay nagpapakita ng mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa,
mga tanawin, at larawan ng mga tao. Ipinahayag siyang
kauna-unahang National Artist o Pambansang Alagad ng
Sining.

Tinaguriang isa sa magagaling na eskultor ng bansa


si Guillermo Tolentino. Kilala ang mga ginawa niyang sagisag ng
Republika ng Pilipinas tulad ng monumento ni Andres Bonifacio sa
Grace Park, Kalookan, ang Oblation sa Pamantasan ng Pilipinas, at
ang estatwa ni Bonifacio sa Liwasang Bonifacio.

Balik sa simula

Talambuhay ni sicat

Isinilang noong 1940, Rogelio R. "Sikat" Sicat iniwan niya ang San Isidro, Nueva Ecija noong 1950's
para magtrabaho sa University of Santo Tomas. Pagkatapos maging campus writer at literary editor
ng The Varsitarian , tinuloy niya hanggang maging isa siya sa mga sikat na pioneers ng Philippine
literature sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe ng kanyang pagsusulat, at sa
pamamagitan nag pagtalikod sa mga pag-alala at pakikipagtagpo sa mga "Western writers".

Ang mga gawa ni Sicat, na nagpabangon sa nakagawiang literature natin at nagpamulat sa atin sa
kalagayan ng ating lipunan, unang nakita sa magasin na Liwayway. Nakakuha siya ng parangal sa
Palanca awards noong 1962, at noong 1965 lumabas bilang antolohiya, Mga Agos sa Disyerto ,
sumunod sa mga magagaling na manunulat. Sumulat siya ng ilang dekada, at nakilala siya sa literary
history bilang fictionist, playwright at professor, at ang pagiging dean sa University of the Philippines
Diliman.

"Impeng Negro" at "Tata Selo", parehong gawa ni Sicat na isinadula sa isang pelikula, ay ilan lamang
sa mga ginawa ni Sicat. Ang iba pa niyang mga gawa ay: Dugo sa Bukang-Liwayway , Pagsalunga:
Piniling Kuwento at Sanaysay , at ang dula "Moses, Moses". Namatay si Sicat noong 1997, pero
pinarangalan sa huling pagkakataon sa pamamagitan ng National Book Award noong sumunod na taon
para sa kanyang pagsasalin sa ginawa ni William J. Pomeroy na pinamagatang: "Ang Gubat: Isang
Personal na Rekord ng Pakikilabang Gerilya ng mga Huk sa Pilipinas."

Sa Lupa ng Sariling Bayan


Sa Lupa ng Sariling Bayan

Tagpuan:
San Roque, Quezon City, San Fernando,

Tauhan:
Layo - Atty. Pedro Enriquez
- Naulila ng Maaga sa magulang at inampon ng kanyang malupit at kuripot na Amain na

kapatid ng kanyang Ama.

- Nagsumikap at nagging isang tanyag na abugado sa Lungsod.


Tiyo Julio - Ang natitirang kamag-anak ni Layo
Ben - Ang Anak ni Tiyo Julio
Ising - Ang asawa ni Layo
Fe - Ang Anak ni Layo at Ising
Tata Indo - Kapatid ng Ama ni Layo. Ang malupit at kuripot na Amain na nag ampon sa kanya.
Gallego - Pinaka mayaman sa San Roque at nagmamay –ari ng isang poultry.

Buod:

Bata pa lamang ay naulila na ito sa magulang. Kaya‟t Inampon ito ng kanyang tiyuhin na si Tata
Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng kanyang Amain. Kaya‟t siya‟y nagsumikap
Na abutin ang kanyang pangarap. Naging manunulat siya sa isang pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi
naman ay nag aaral siya. Hanggang sa makatapos siya ng pag aaral at naging topnotcher. At naging isang
tanyang na abugado sa Maynila at nagkaroon ng isang malaking bahay sa quezon City. At napangasawa
niya si Ising na taga San Fernando at nagkaroon sila ng Anak. Sa kabila nang kanyang katanyagan ay
hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama ng loob na dinanas nya sa san roque kahit na nangamatay
na ang mga gumawa nito sa kanya. At loob ng mahabang panahon ay hindi siya pumunta umuwi doon
upang dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kanya ang
Tiyo Julio niya upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo sa paghingi ng tulong kay Layo.
Ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis ang kalungkutang nadarama ng
kanyang pamilya. Itinatago niya ang takot na nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa
san roque dahil sa galit at poot na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na sa kalaunan
din ay naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong nagpahirap sa kanya noon. At Iniuwi rin ang
kanyang katawan sa San Roque at doon na rin Inilibing.

Simbolismo:
Katanyagan at kayamanan… Ang sumisimbolo sa akdang ito. Marapat lamang na matuto tayong lumingon
sa pinaggalingan kahit na saan man tayo makarating. Anumang pait ang nakaraan.

Layunin ng Awtor:
Layunin nito na kung anuman ang naranasan natin noon sa mga taong umalipusta at umulila sa atin ay
dapat matuto tayong magpasalamat at patawarin sila. Sapagkat kung hindi nila ginawa iyon ay hindi tayo
makararating kung anuman tayo ngayon. Kung hindi natin naranasan ang ipinaranas nila sa atin ay hindi
tayo lalago at matututo.

Kakintalan: (Impresyong iniwan ng mambabasa)


Sa bawat takbo at yugto ng buhay ay ikaw ang gumagawa. Kaya‟t marapat lamang itong pagbutihin at
dapat ay maging handa sa lahat ng pagsubok na haharapin.

Pagsusuri:
Sa akdang ito, nararamdaman ko ang impresyon ni Layo na parang gusto niyang maghiganti sa mga taong
nagpahirap sa kanya. Gusto niyang ipamukha sa kanila na “Heto nako Ngayon” Ngunit hindi niya ito
magawa dahil kahit papaano ay utang parin niya sa kanyang Amain ang kanyang buhay sa pagkupkop sa
kanya. Ginawa na lamang niya itong inspirasyon upang umunlad ang kanyang buhay.

Tata Selo
1. Tagpuan: San Roque, Poblacion,
Sakahan, Tanggapan ng Alkalde, Tanggapan ng Pulis(Istaked)

2. Tauhan: (Pangunahing Tauhan) Tata Selo


Kabesang Tamo- mayamang may-ari ng Sakahan at Sinanlaan ni Tata Selo sa Sakahang dati niyang pag-
mamay-ari
Saling- anak ni Tata Selo
Alkalde,Pulis, Mga ilang magsasaka at mamamayan, isang bata

3. Buod:
Ang panitikan ay salamin ng buhay. Ito‟y isang representasyon ng mga karanasan sa buhay ng tao sa
tulong ng mga salita. Sa kuwentong ito, alamin kung anong mga pangyayari sa mga tao sa lipunan ang
malinaw na pinapaksa ng may akda.

4. Simbolismo:
Isang matibay na bagay na makakapagbigay ng malalim na simbolismo sa istorya ay ang "tagak". Dahil sa
pagsusuring ito, umikot ang at nagbigay sabik sa istorya ang pagtaga ni Tata Selo sa kay Kabesang Tamo.
Ang tagak din ay nagbigay suspense sa tila isang masipag at mapagmahal sa pamilya na si Tata Selo.

5. Layunin ng Awtor:
Ang maaring maging layunin ng awtor dito ay ang paglalathala ng isang karanasan na sumasalamin sa
buhay ng isang tao.. Isang karanasan na base sa totoong buhay ngunit sa kaso ng Tata Selo ay mas
pinaniig pa ang akda upang mas lalong maging epektibo at madamdamin sa mambabasa.

Tata Selo

Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang
araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay nap no na ang bakuran ng bahay-
pamahalaan.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa‟y naghahangad makalapit sa istaked.
“Totoo ba, Tata Selo?”
“Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo.
Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot,
may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng
natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa
nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang tao.
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi ko
mapaniwalaan.”
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan, di-
kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat
ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang
nasasalisod na alikabok.
“Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko
na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba‟t kaya maraming nagagalit sa akin
ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?”
Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa
labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Hindi mo na sana tinaga si kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque,
na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng
istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo.
“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na akong
saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang lupang
sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
“Ako po‟y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon
ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon?
Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko
pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung
hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina,
“Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, „Besa. Totoo pong ako‟y matanda na, ngunit ako
po nama‟y malakas pa.‟ Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po n‟yong putok sa
aking noo, tingnan po n‟yo.”
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa‟y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang
pulis.
“Pa‟no po ba‟ng nangyari, Tata Selo?”
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na na
nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-magbubukid, na
maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang
mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.
“Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka. Pinaalis sa
aking saka, ang wika‟y tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay
saan pa ako pupunta?”
“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”

Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.

“Patay po ba?”
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.
“Pa‟no pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong taong anak ni
Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata
Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang
pumayag si Tata Selo. “Pa‟no po niyan si Saling?”
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas.
Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng
mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa
upang mahawi ang hanggang noo‟y di pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked.
“Patay po ba? Saan po ang taga?”
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang
kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe.
“Saan po tinamaan?”
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing inihagod hanggang sa
kanang punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
“Lintik na matanda!”
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw na ng batuta ang
mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan.
Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.
“Mabibilanggo ka niyan,” anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang tanggapan.
Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa.
Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.\
“Pa‟no nga ba‟ng nangyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong
amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo.”
“Alam ko na iyan,” kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha sa kanyang
malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka. Makatwiran po
bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”
“Saan mo tinaga ang kabesa?”
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa pilapil. Alam ko pong
pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po‟y
talagang malakas pa, na kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako po‟y
lumapit, sinabi niyang makaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.”
“Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po. Ang wika‟y umalis na lang daw po ako. „Bakit po naman, „Besa?‟
tanong ko po uli, „malakas pa po naman ako, a.‟ Nilapitan po niya ako nang tinungkod.”
“Tinaga mo na n‟on,” anang nakamatyag na hepe.
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente pang nakapasok doon – ay
nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng
maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik,
maalikabok at luyang paa.
“Ang inyong anak, na kina Kasesa raw?” usisa ng alkalde.
Hindi sumagot si Tata Selo.
“Tinatanong ka,” anang hepe.
Lumunok si Tata Selo.
“Umuwi na po si Saling, Presidente.”
“Kailan?”
“Kamakalawa po ng umaga.”
“Di ba‟t kinatatulong siya ro‟n?”
“Tatlong buwan na po.”
“Bakit siya umuwi?”
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya.
“May sakit po siya?”
Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na
katapat lamang ng munisipyo – ay umalis ang alkalde upang manghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama
ang hepe at dalawang pulis.
“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na nakayuko at
din pa tumitinag sa upuan.
“Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo.
Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata
Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si Tata Selo,
nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod...”
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.
“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag
sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na naiwan nang
nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng uwang iyo‟y dapat nang nag-
uulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.
“Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob
ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.”
Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid
niya‟y may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at
nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na
siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng
maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.
“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at lumapit sa istaked.
Makintab ang sapatos ng alkalde.
“Patayon na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig ang rehas nguni‟t pinagkiskis niya
ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo
nang nakiling ito.
May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga
iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay
na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isa‟y
nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka
at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na
itinatanghal.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata
Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito‟y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di nagtagal at si Tata
Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata
Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
“Hindi ka na sana naparito, Saling” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka Saling, may sakit ka!?
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang
damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang kanyang namumutlang
mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
“Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na...bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag ka
nang magsasabi...”
“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi nga halata.”
“Ang anak, dumating daw?”
“Naki-mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagakaraang
siya‟y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked,
humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapa‟y ilang sandali
ring iyo‟y tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis.
Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapah. Matagal
siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigisang sa kanya.
“Tata Selo...Tata Selo...”
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya.
“Nando‟n, amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo.
Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata‟y
saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraa‟y takot na bantulot na sumunod...
Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang
lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Selo‟y wala roon. Nasa init siya,
nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila
lagi nang nag-aaninaw na mata‟y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig
sa rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng
alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo‟y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay!
ang lahat ay kihuan na sa kanila...
6. Kakintalan: Sa mga mambabasa ng nito, nag-iwan ito ng tila "deductive approach" dahil na rin sa tila
trahedyang nasapit ng bida (Tata Selo) sa istorya. Naging malungkot ang "impact" na naiwan ng istorya sa
mga mambabasa nito.

7.. Pagsusuri: Base sa aking sariling pag-unawa ng akdang Tata Selo ay masasabi kong malungkot na
agad, sa simula ang istorya. Malapit ito sa katotohanan na masasabi ko namang malaki ang tiyansa na
nanggaling nga mismo ito sa karanasan ng isang tao. Ngunit, upang mas lalong mapaniig ang damdamin
ng mambabasa ay mas ginawa pa ni Rogelio Sikat na mas "ekspresiv" ang mga eksena.. May malaki ring
kontribusyon ang uri ng lipunan sa kanyang akda.

ANG KALUPI

(May mabigat na pagkakasala sa batas si Aling Marta dahil sa mali niyang paghatol sa katauhan ng bata.
Madalas mangyari na dahil sa ayos ng isang tao ay dagli siyang napagbibintangan ng di mabuti. May
karanasan ka ba na nakapagbintang o dili kaya‟y napagbintangan ng di mabuti? Basahin ang kwento at
ikaw na ang humatol sa mga tauhan nito.)

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barungbarong.
Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang
malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang manipis at
maputlang labi, bahagyang pasok sa pagkakalat, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng
pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang
natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa
mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na. Ang pagkakaroon ng isang anak na
nagtapos ng high school ay hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naiisip niya. Sa
mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang
putting-puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang
makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din
siya ng mamanuganging may sinabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang naririnig ang matinis
na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong sinusukat sa harap ng salamin ang
nagbubur-dahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.
Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ng isang pangnang sisidlan ng kanyang pamimiling
uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang bayan sa Tundo, ay mataman niyang iniisip
ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw ito at kailangang magkaroon silang
mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya ng isang matabang manok, isang kilong
baboy, gulay na panahog at dalawang piling na saging. Bibili na rin siya ng garbansos. Gustong-gusto ng
kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.

Mag-ikakasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di
magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangus na pagkanta
pangisinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili.

Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya painiling magdaan. Ang lugar ng
magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa
tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa gitnang pasilyo at
umakmang hahakbang na papasok, ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang
kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang dibdib.
“Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”

Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang-lilis ang laylayan.


Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng kanyang
butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.

“Pasensya na kayo, Ale” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. Tigbebente, sa loob-loob
ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya, “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho
ako e.”

“Pasensya!” – sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo‟y pagpapasensiyahan nang
pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.”

Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok. Paano‟t pano man, naisip niya, ay ako ang huling
nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng hindi mabuti ay sa kanyang pa
manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung me iba pang nakikita sa nangyari. Marahas
ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng
kanyang mga sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng ilang kartong
mantika.

“Tumaba yata kayo, Aling Gondang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siya niyang
nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin.

“Tila nga ho,” ani Aling Gondang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”

Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit na
nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang
kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.

“Bakit ho?” anito.

“E…e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.
“Ku, e magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae.

Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang
asawa nang sinundang gabi. Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa ma‟y nakikiramay ang
tonong nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihing, “E, sandaan at sampung piso ho.”

Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari‟y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang
pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang
nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at
patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakakalayo; may ilang sandali pa lamang ang nakaraan, ang
tabas ng mukha, ang mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng
ilang tindahang maliliit at ng mangailan-ngilang namimili at ang batang panakaw na nagtitinda ng gulay,
ay nagpalingan-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos
mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng prusisyon na di kalayuan sa natatanaw niyang
karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang
bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaari magkamali: ang wakwak na kamiseta
nito at ang mahabang panahon na ari‟y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang
palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos na tigbebente.

Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig. “Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw
ang dumukot sa pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!”

Tiyakan ang kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap ng isasagot ay masukol
niyang buong-buo. Ngunit ang bata ay mahinang sumagot:

“Ano hong pitaka?” ang sabi. “Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.”

“Ano wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumudukot ng pitaka ko at wala ng iba.
Kunwa pa‟y binangga mo „ko, ano ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan! Kikita nga kayo rito
sa palengke!”

Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaeng namimili. Hinigpitan ni
Aling Marta ang pagkakahawak sa leeg ng bata at ito‟y pilit na iniharap sa karamihan.

“Aba, kangina ba namang pumasok ako sa palengke e banggain ako,” ang sabi niya. “Nang magbabayad
ako ng pinamimili ko‟t kapain ang bulsa ko e wala nang laman!”

“Ang mabuti ho‟y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaeng nakikinig. “Talagang dito ho sa
palengke‟y maraming naglilipanang batang gaya niyan.”

“Tena,” ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”

“Bakit ho, saan ninyo ako dadalin?”

“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo
kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”

Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing-kamay ang pag-alis
ng mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasakal ng kanyang liig. May luha nang
nakapaminta sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa
likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang
ito ay malapit na ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong. “Nasiguro ko hong siya dahil nang
ako‟y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos niyang
pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pagkat ako‟y nagmamadali.”

Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at ang nagmamapa sa duming katawan,
pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap ng nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa
pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at
tadtad ng sulsi, diyes sentimos na papel at tigbebenteng bangos.

“Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka?” ang tanong ng pulis kay Aling Marta.

“Siya ho at wala ng iba,” ang sagot ni Aling Marta.

“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito?” mabalisik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng
totoo, kung di ay dadalhin kita.”

“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata. “Maski kapkapan ninyo
„ko nang kapkapan e wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.”

“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin naming sa iyo kung ang pitaka ko e
naipasa mo na sa kapwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganon kayong mga tekas kung lumakad…dala-
dalawa, tatlu-talto! Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon
matulong matakot iyan at magsabi ng totoo.”

Tumindig ang pulis, “Hindi ho natin karakarakang madadala ito ng walang evidencia. Kinakailangang
kahit paano‟y magkakaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng inyong kuwarta.
Papaano ho kung hindi siya?”

“E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo?” ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo.
“Sinabi nang binangga akong sadya, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?” Sa
bata nakatingin ang pulis na wari‟y nag-iisip ng dapat niyang Gawain, maya‟y maling naupo at dumukot
ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulsa.

“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.

“Andres Reyes po.”

“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis. Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga
mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho e may sakit at
kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt, kung minsan naman ho e
sa mga tiyo ko sa Kiyapo at kung minsan e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga
lang ho niya „kong bumili ng ulam para Mamayang tanghali.”

“Samakatuwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng pulis.

“Oho,” ang sagot ng bata. “Pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong
makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa e.”
Ang walang kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay makabagot sa kanyang pandinig; sa
palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanyang paligid at
ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno.
Nakaramdam siya ng pagkainis.

“Ang mabuti ho yata e dalhin na natin iyan kung dadalhin,” ang sabi niya. “Pinagkakaguluhan lamang
tayo ng mga tao rito at wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at
tatawag ako ng ibang pulis.”

“Hirap sa inyo ay sabad kayo ng sabad, e” sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto n‟yong dalhin ngayon din
ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon sabihin ang gusto ninyong sabihin at doon
ninyo gawin ang gusto ninyong gawin.”

Inakbayan niya ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiyak na si Aling Marta at
ang isang hugos na tao na ang ilan ay pangiti-ngiti habang silang tatlo ay pinagmamasdan. Sa harap ng
outpost ay huminto ang pulis.

“Maghintay kayo rito sa sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” ang sabi sa kanya at pumasok.
Naiwan siya sa harap ng bata, at ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro
ng payat na mga daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; ilan-ilan na lamang
ang nakikita niyang pumasok sa palengke. Iniisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang
ipaghintay bago siya makauwi; dalawa, tatlo, o maaaring sa hapon na. naalala niya ang kanyang anak na
dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig
ang sasabihin nito kung siya‟y darating na walang dalang ano man, walang dala at walang pera. Nagsiklab
ang poot sa kanya na kanina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumalak sa kanyang ulo;
mandi‟y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang bisig, at sa pagdidilim
ng kanyang paningin ay pabalingat niyang pinilit sa likod nito.

“Tinamaan ka ng lintek na bata ka!” ang sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang binabaing
pulis na makapagpapaamin sa iyo, ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa
„kin? Saan? Saan?”

Napahiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod.
Ang mga nanonood ay parang nangangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang
kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at
nang mailapit sa kanyang bibig ay buong panggigil na kinagat.

Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa
matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at
makalayong papaurong, ay naalaala niya ang kalayuan, kay Aling Marta at sa dumakip na pulis, at siya ay
humahanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingun-lingon na tumakbo, patungo sa ibayo
nang maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol
na si Aling Marta, at ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya ng umabot sa
kanyang pandinig ang malakas na busina ng ilang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim
sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang
ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madaliin ang anino ng kanyang mukhang nakatunghay sa kanyang
lupaypay at duguang katawan.
Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang mukha at
aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang gumigiit sa kanyang noo at
ang tuhod niya ay parang nangangatog. Hindi siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa
kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siyang binuntunan ng sisi. Bakit ba ako nanganganino sa kanila?
Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang ang dapat gawin nino man at nalalaman ng lahat na
ang nangyayaring ito‟y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang kasalanan.

Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan
na buhatan sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang
kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang
kasuotang ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis ay
pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.

“Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing paputol-putol na nilalabasan
ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.”

May kung anong malamig na naramdaman si Aling Marta na gumapang sa kanyang katawan; ang nata ay
pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang
pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang
sarili.

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang
tabi at hawak naman ang kuwaderno at lapis. “Siguro‟y matutuwa na kayo niyan.”

“Sa palagay kaya ninyo e may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta.

“Wala naman, sa palagay ko,” ang sagot ng pulis. “Kung me mananagot niyan ay walang iba kundi ang
pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan,” may
himig pangungutya ang tinig ng pulis.

“Makakaalis na po ako?” tanong ni Aling Marta.

“Maaari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin ang inyong pangalan at
direksyon ng inyong bahay upang kung mangangailangan ng kaunting pag-aayos ay mahingan naming
kayo ng ulat.”

Ibinigay ni Aling Marta ang tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumalayo sa karamihan. Para pa
siyang nanghihina at magulong-magulo ang kanyang isip. Sali-salimuot na alalahanin ang
nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ng walang tiyak na patutunguhan. Naalala niya ang
kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga
mata ng kanyang asawa sa, sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit,
hanggang sa siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan,
tungayawan, at ang mga anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sila ay
puntahan at payapain ng mga kapitbahay.

Katakut-takot na gulo at kahihiyan, sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang
pinag-uugatang diwa sa bangkay na bata na natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.

Kung hindi sa Tinamaan ng lintek na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi
imbis, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa
kanya!

Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano‟y makapag-uwi siya ng
ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kokote nito at saka niya sasabihin
ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas na sabihin nito, na
ang lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangan na makagpadal ng labis na salaping ipamimili, upang
maka-pamburot t maipamata sa kapwa na hindi na sila naghihirap. Ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi
siya kikibo. Ililihim din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo; at
kung sakali‟t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay lilihimin niya ito. At tungkol sa ulam mangungutang
siya ng pera sa tindahan ni Aling Gondang at iyon ang kanyang ipamimili – nasabi niya rito na ang nawala
niyang pera ay isang daan at sampung piso at halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung
ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa
manipis na labi ni Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.

Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang bago siya pumasok sa tarangkahan, ay natanaw na
niya nag kanyang na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ay
minamasdan, ngunit nang malapit na siya at nakita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob ng
kabuhayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.

“Saan ka kumuhang ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate,

“E…e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.”

Nagkatinginan ang mag-ama.

“Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa. “Ang pitaka mo e Naiwan mo! Kaninang bago ka umalis ay
kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero
nakalimutan kong isauli. Saan ka ba kumuha ng ipinamili mo niyan?”

biglang-bigla, anaki‟y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan ng
isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at
gumagaralgal na tinig nito; Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa „kin. Saglit siyang
natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinanganga-pusan ng hininga at sa palagay na niya ay
umiikot ang buong paligid; at bago siya tuluyang mawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang
papanaog na yabag ng kanyang asawa‟t anak, at ang papaliit na lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit
kaya?

Akala mo hindi ka niya mahal dahil mas pinili niyang maging magkaibigan na lang kayo pero ang hindi mo
alam higit ka niyang mahal dahil pinili niya kung saan kayo mas magtatagal.

Never get tired of doing little things for others. Sometimes those little things occupy the biggest part
of their hearts.
If you’ve been hurt before, never afraid to try once more. Just like what the movie Narnia told: “things
never happen the same way twice”.

A girl was on the way to the dorm, she’s the only remaining passenger on the jeep. She had taken this
route many times before, so she was surprised when the driver suddenly changed his route. Alarmed,
she told the driver she’s going to the dorm, after a few minutes, they are turned to the original route
and the driver dropped her at the dorm. But before letting her go, he give her a few words of advice:
“ne, pag-uwi mo, hubarin mo agad yung damit mo at kung pwede sunugin mo, iniba ko ang ruta para
makaiwas sa disgrasya. Kanina kasi pagtingin ko sa salamin, wala kang ulo”.

Bakit kaya ang tao, kapag natalsikan ng laway ng iba, diring diri sila? Pero kapag laway ng kahalikan nila,
san ka pa! nilulunok pa talaga!!!

No matter how serious life gets, you will consequently need the company of people whom you can
completely be stupid with.

I missed being loved. It’s not because I’m not loved right now. What I want is someone who loves me
that I can call mine. Not someone who just love me part-time…

Habang nagmamahal, hindi mo maiiwasang masaktan, un din naman ang rason kung bakit masarap
magmahal diba? Yun bang kaya mong manakit ng tao pero hindi mo magawa kasi mas masasaktan ka kapag
nakita mong nasasaktan siya.

Kung may problema ka, andito lang ako. Huwag kang mahiyang kumatok sa bahay ko. Because I have thee
doors to open for you. fundaDOOR, mataDOOR, and emperaDOOR. Katok ka lang!!!
May mga bagay na ayaw mong isipin pero hindi mo kayang kalimutan, bagay na ayaw mo nang ituloy, pero
takot kang wakasan. Yun bang, ayaw mo nang umasa pero gusto mo paring maghintay.

Kung hindi mo kakayanin ngayon, hindi mo makakaya bukas. Hindi mo makakaya habangbuhay.

The things that you regret is the risk you didn’t take.

Sabi nila, mas ok kumalas kaysa maging panakip butas. Sabi naman ng iba, mas ok magpaka tanga kasi
naipaglaban nila yung mahal nila pero alam mo para sa akin mas ok parin mag-isa kaysa magmahal ng
walang kwenta.

Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa
maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na.
bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong
iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?

Great Friendship is about two main things: First is to find out the similarities and Second is to respect
the differences.

Some things are not meant to be forever, you have to stop and let go when things aren’t going right and
everything you did is unappreciated. Remember: It is wiser to be alone but happy than with somebody
who do nothing while you do everything.
A mom call his son. “Pauwi ka na ba? San ka na?”. Son: Narito pa ako sa Hospital. His mom cried. “Anu
nangyari sa yo?” Son: Nurse Kaya ako….

Kaya nahihirapan tayo na magpatawad ng isang taong nakasakit sa atin ay dahil inilalagay natin sa isip
natin na tayo lang ang nasasaktan.

Boy1: Pare may sapatos ako, hindi ko alam ang pangalan.


Boy2: Anu ba Tatak nyan?
Boy1: May check eh.
Boy2: Pambihira, yan lang hindi mo alam? Checktaylor yan Pare! Combers.

Rivers don’t drink the water they carry


Trees don’t eat the fruit they bear
Clouds don’t bathe in the rain they produce
We are meant to give, even if we get nothing from it.
Measuring life by what others do may disappoint us
But measuring life by what we do will make life meaningful.

We don’t need to explain how much we love a person. It depends on them how they appreciate the
efforts that we did for them.

The smile that I have looked for the past months of my life,
The smile that warmed me up inside no matter how cold it was around me. Is still, not for me.
Alam mo sa panahong ito, bihira na yung may matalik na kaibigan..
Mas madalas, ay Katalik ang kaibigan.. (so bad)…

Ang tao aminado naman yan sa kasalanan nila. Pero kung lalu mo pa ipamumukhasa kanila na mali sila, lalo
mo lamang sila bininigyan ng dahilan upang iwanan ka.

Always remember that you can never find a perfect partner to love you the way you wanted, only a
person who’s willing to love you more than what you are, someone who’ll accept you for what you can and
for what you can’t be. And that’s even better than perfect.

The first step towards getting somewhere is to decide that you are not going to stay where you are.

Life is not a certain that you shall win, but make it certain that you shall try.

When you’ve found a reason to walk away. Never look back, just keep walking. Its better to get lost
moving on than to get stacked and stranded broken.

Mahirap mahalin ang taong hindi ka mahal. Mahirap umasa kung wala ka naming aasahan. Mahirap maging
masaya kung ang totoo ay malungkot ka. Pero diba mas mahirap pag nag sosolve ka sa calculus. Lalo na
kung puro derivatives samahan pa ng minima at maxima. Utas!

The best thing you can do for someone is to just exist, to be there when they suddenly realize that
they need you right then.
Beautiful story for a quite eve. One girl who rented a room nagtaka kung bakit maingay sa kabilang
kwarto kahit wala namang tao. Silip sya sa butas, all she can see was blue color. She asked the janitor.
He explained “may namatay kasi diyan na girl ayear ago and one thing you can notice on her is she has
blue eyes.

Think about it?


ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ
Is represented by
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 then
H-A-R-D-W-O-R-K
8+1+18+4+23+15+18+11=98%
K-N-O-W-L-E-D-G-E
11+14+15+23+12+5+4+7+5=96%
A-T-T-I-T-U-D-E
1+20+20+9+20+21+4+5=100%
And looked how far love of God will take you.
L-O-V-E-O-F-G-O-D
12+15+22+5+15+6+7+15+4=101%

Sometimes the only thing people see is what you did. When in fact, they should be looking at. WHY you
did it.

One night I talked to my heart,


“do you hate me?” I asked
My heart said “no, why are you asking me that?”
“because your always hurting me” I said
Then my heart said “me? Did I hurt you? How?”
Then tears fell from my eyes.
Coz your always make me fall for a wrong person
BANAAG AT SIKAT

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang
magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa
Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan
nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang
kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit
marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya‟y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don
Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin
sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa
lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.

Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao‟y
magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.

Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya‟y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa
bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya‟y pinalayas at itinakwil
bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya
kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.

Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit
katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa
samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana
ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya‟y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya).
Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya
at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.

Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito‟y daanin sa marahas na paraan,
samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang
kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok
sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.

Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga
dalaga‟y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila‟y
napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng
sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi
samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing
pangangailangan sa buhay.

Sa tulong ni Felipe noong ito‟y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si
Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito‟y maralita, at ikalawa, dahil
tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan
sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang
kanilang pagmamahalan.
Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don
Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon,
pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-
iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.

Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung


mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong
dalaga pa. Ito‟y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang
maitakip sa pangangailangan.

Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit.
Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang
ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa
kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa,
kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang
pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim
sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.

Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-
salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa
kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi
lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay
laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado‟t
hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong
ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.

Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don
Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang
bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo
ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.

Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala.
Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga,
siya‟y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito,
nakapagpalibot siya sa iba‟t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at
California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang
kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si
Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang
kasamang utusan.

Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-
dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng
maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa
pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.
Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama‟t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni
Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang
karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang
laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba
at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi
ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa
buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang
kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos.
Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay
kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang
paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.

Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis
sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati‟t palipasin ang diin ng gabi."

The loser’s say “It may be possible but it’s difficult”


But the winner say’s “It may be difficult but it’s possible.

LOPE K SAMTOS

Sa larangan ng panitikan

Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-


asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal.
Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng Cpara sa
kaniyang panggitnang pangalan, upang maipakita ang pagiging makabayan. Nakamit
niya ang pagkakaroon ng kadalubhasaan sa sining mula sa Colegio Filipino (Kolehiyo
Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas
na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng
Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga
manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula
siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog,
katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng
babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-
tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa. [4] Kabilang sa mga
katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng
Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa
karaniwang palayaw na Mang Openg.
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lope K. Santos
Kapanganakan Setyembre 25, 1879

Kamatayan Mayo 1, 1963 (edad 83)

Iba pang pangalan Lope C. Santos

Trabaho manunulat, manananggol,politiko

Si Lope K. Santos (Setyembre 25, 1879 – Mayo 1, 1963) ay isang tanyag na


manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900
dantaon.[1] Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero,
at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.[2][3]

You might also like