You are on page 1of 4

I.

PANIMULA
A.) URI NG PANITIKAN:
 Piksyon
Dahil sa taglay nitong kuba na pinakapangit sa paris,france.
ANYO:
 Tuluyan/Nobela
Dahil sa pasalaysay at madamdamin nitong istorya.
B.) BANSANG PINAGMULAN:
 Paris, France Sa Europe
Ang Paris ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Pransiya, na
matatagpuan sa pampang ng Ilog Sena, sa hilagang Pransiya, sa kalagitnaan ng
rehiyong Pulo ng Pransiya (o Rehiyong Parisino).
C.) PAGKILALA SA MAY AKDA:
 Victor Hugo
Si Victor-Marie Hugo (26 Pebrero 1802 – 22 Mayo 1885) ay isang Pranses na
makata, mandudula, nobelista, manunulat ng sanaysay, artistang pangbiswal,
politiko, aktibistang pangkarapatan ng tao, at tagapagtaguyod ng kilusang
Romantiko (tagapagtangkilik ng Romantisismo) sa Pransiya.
D.) LAYUNIN NG MAY AKDA.
 Layunin ng akdang “ANG KUBA NG NOTRE DAME” na makita ng isang mambabasa
ang magandang mukha ng France sa kanilang panitikan. Ito rin ay naglalayong
mapaunawa sa mambabasa na ang pag-ibig ay umiiral sa iba't-ibang paraan.

II.) PAGSUSURING PANGNILALAMAN


A.) TEMA O PAKSA NG AKDA:
 Ito’y Makabuluhan at Nakaka-enganyong Basahin Dahil sa Taglay Nitong
Mensaheng Nais Iparating sa Lahat ng Mambabasa Ng Akdang Ito na Nagbibigay
Inspirasyon, Hindi sa Isa Kung Hindi Para sa Lahat na Umibig ng Hindi lang
Nakabase sa Itsura. Ito rin ay Nagbibigay Inspirasyon sa Mambabasa Upang
Sumulat ng Kapanapanabik na Nobela na Makabuluhan at May Magandang
Mensaheng Nilalaman.
B.) MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA:
 Quasimodo:
Si Quasimodo, ang kuba ng Notre Dame na itinanghal bilang “Papa ng Kahangalan”
dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Sa kabila ng kanyang pisikal na
kaanyuan, siya ay may magandang kalooban.
 La Esmeralda:
Si La Esmeralda ay ang dalagang mananayaw,handang mamatay para sa kanyang
mahal.
 Claude Frollo:
Si Claude Frollo ay pari ng Notre Dame. Paring may pagnanasa kay La Esmeralda;
amain ni Quasimodo; siya ay sakim sa pagmamahal. Dahil sa labis na kagustuhan
sa dalagang mananayaw, nakalimutan na niya ang buong pagkato niya at kung
ano ang kanyang katayuan.
 Pierre Gringoire:
Si Pierre Gringoire ay ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar na
handang tumulong sa kanyang mahal sa buhay.
 Phoebus:
Si Phoebus ay ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian; may malalim ding
gusto sa babaeng mananayaw na si La Esmeralda. Itinuturing na mas mahalaga
ang kapangyarihan niya bilang kapitan kaysa tulungan ang dalagang napamahal
na sa kanya.
 Sister Gudule:
Si Sister Gudule ay dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang
anak na babae; ina ni La Esmeralda. Isang dakilang ina na walang tigil sa
pghahanap sa nawawalang anak.
C.) TAGPUAN/PANAHON
 Katedral Ng Notre Dame
Dito Isinasagawa ang “Pagdiriwang ng Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng
isang araw taon-taon.
D.) BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:
 Balangakas na Patalata dahil gumagamit ito ng patalatang buod upang isalaysay
ang bawat pangayayari. Naayon ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
nobelang ito dahil sa pagsasalaysay ng may deskripsyon. At Naipararating nito
ang mensahe na makita ng isang mambabasa ang magandang mukha ng France
sa kanilang panitikan. Ito rin ay naglalayong mapaunawa sa mambabasa na ang
pag-ibig ay umiiral sa iba't-ibang paraan.
E.) KULTURANG MASASALAMIN SA AKDA:
 Ipinagdiriwang nila ang “Araw ng kahangalan” at may itinatampok na isang tao
bilang simbolo taon-taon.
 Sa Pilipinas itinatampok ang pista ng “Itim na Nazareno” taon-taon (Ika-9 ng
Enero) upang gunitain ang kapistahan ng santong patron, kung saan itinuturing
ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas.

III.) PAGSUSURING PANGKAISIPAN:


A.) MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG MAY AKDA:
 Nagpapahayag ng damdamin ng may akda at siyang tumatalakay sa pamumuhay
ng isang taong lubos na kinasusuklaman ng ibang mamamayan. Tulad ng mga
alipin noong unang panahon na itinuturing na parang hayop sa kadahilanang hindi
kaaya-aya ang anyo nito. Sa pilipinas ay may maituturing din ganitong pangyayari
gaya ng pagtrato sa mga mahihirap na kung hindi aabusuhin ang natitirang yaman
ng mahihirap ay naaakusahan naman dahil din sa anyo o pananamit nito.
Karaniwang namomoblema sa mga sitwasyong ito ay ang mahihirap sa
kadahilanang walng sapat na salapi upang bayaran ang mga nagawang
pagkakamali at minsa’y inaabuso pa ng karamihan.

B.) ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA:


 Madaling unawain ang akda dahil sa mga deskripsyon nito at mensaheng nais
iparating sa mga mambabasa. Ngunit sa kabila ng deskripsyon nito iba-ibang
mensahe ang naiisip ng mga mambabasa dahil sa ito’y makabuluhan gaya ng may
akda nito na isang sikat na manunulat, nobelista at kung ano-ano pa.
IV.) Buod
 Isang napakapangit na sanggol ang ipinanganak na iniwan sa simbahan.
Inalagaan ito ng paring si Claude Frollo na nakatira sa katedral, makalipas ang
ilang taon nasilayan ng pari ang kagandahan ng isang mananayaw na si la
Esmeralda hindi nagtagal nasabik siya na mahalin siya nito kayat naisipan nitong
ipadakip na lamang kay Quasimodo ngunit nabigo ito dahil sa pagdating ni
phoebus na isang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian.
Naparusahan si Quasimodo dahil sa kanyang ginawa na iniutos lamang ng pari.
Samantala hindi sinasadyang nagkagusto sa isa’t isa sina phoebus at la Esmeralda
kaya naisipan ng dalawa na magkita upang magbigay impormasyon sa isa’t isa
dahil rito nagalit ang pari kaya’t nais nitong patayin si phoebus gamit ang kaniyang
natutunang itim na mahika na siya ring dahilan kung bakit tinalikuran niya ang
diyos.
Dahil roon naparatangang mangkukulam si la Esmeralda kung kaya’t pinarusahan
ito ng kamatayan ngunit sinagip ito ni Quasimodo dahil sa pagtingin nito kay la
Esmeralda at dinala ito sa tuktok ng katedral ngunit tinangka ng pari na hamakin
si la Esmeralda at di sinasadyang naitulak ni Quasimodo ang pari at yoon ang
naging dahilan ng pagkamatay nito.
Hindi nagtagal nadakip si la Esmeralda at natuloy ang parusa nito ngunit kasabay
nito si Quasimodo ay hindi narin natagpuan…
Laking ng gulat ng isang lalaki ng hukayin muli ang puntod ni la Esmeralda ng
Makita ang bangkay ni Quasimodo na siyang nakayakap sa bangkay ni la
Esmeralda.

You might also like