You are on page 1of 3

Narlen Joyce S.

Mabanglo Komunikasyon

Grade 11 – STEM 2 T. Elix Mabalatan

“Walang Take Two”

Mga Tauhan:

Hapi – nangangarap na makapagprodyus ng isang pelikula

Tatay ni Hapi – nag-uulyanin na pero isang mapagmahal na ama

herry – babaeng nagugustuhan ni Hapi

Alfajor – bumbay na laging tinatakasan/tinataguan ng mga may utang sa kanya

Onyok – kaibigan ni Hapi

Caloy – kaibigan ni Hapi

Ate ni Hapi – mahilig mangutang para ipambayad sa ibang utang

Oblax – maliit na lalaki; magnanakaw

Panimula

Ang istorya ay umiikot sa kagustuhan ng bidang si Hapi na makapaprodyus ng isang


pelikula. Ito ay dahil sa hilig niya sa pagkuha ng mga larawan at bidyo na namana niya sa
kanyang ama. Noong bata pa si Hapi ay mahilig siyang bidyuhan ng kanyang ama gamit ang
kamera nito. May isang nakatatandang kapatid na babae si Hapi. May sarili na itong pamilya
kung kaya si Hapi na ang naiwan na mag-alaga sa kanyang ama. Dahil sa hirap ng buhay ay
halos mabaon na sa utang ang kanyang ate. Nangungutang siya sa iba upang makapagbayad ng
utang nito sa iba naman, kaya hindi rin nababawasan ang kanyang utang. Para sa kanyang
pangarap ay handing gawin ni Hapi ang lahat.

Katawan
Natapos na ni Hapi ang pagbuo ng konsepto at istorya, maging ang mga linyang
sasabihin ay tapos na niya. Ngunit, may malaking problema siya. Wala siyang perang gagamitin
upang isagawa ang pelikula. Lahat na ng paraan ay ginawa niya upang kumita ng pera.
Tinulungan siya ng kanyang dalawang kaibigan upang mangalap ng tulong, ngunit wala rin
silang napala. Dahil sa hilig ni Hapi sa pagkuha ng larawan at bidyo, ito ay kanyang
pinagkakitaan. Ngunit, di rin ito naging sapat upang kanilang maisagawa ang pagprodyus ng
pelikula.

Kasukdulan

Dahil sa hindi na niya alam kung saan kukuha ng pera, ay napilitan siyang mangutang
kay Alfajor. Kahit na malaki ang interes nito ay hindi na niya ito pinansin pa. Masayang-masaya
si Hapi dahil matutupad na amg kanyang pangarap. Ngunit, nang gabi ding iyon ay nawala rin ito
sa kanya matapos nakawin ni Oblax ang pera nang uminom at malasing siya.

Kakalasan

Dinibdib ng sobra ni Hapi ang nangyari. Siya ay “nadepressed” at naging mainitin ang
kanyang ulo. Laging sinasabi ng kanyang ama na mayroon siyang pera na inipon para kay Hapi.
Sa tuwing tatanungin niya ito kung saan inilagay ay laging sumasagot ng “nasa itaas”. Kaya
hindi na niya pinapansin pa ang kanyang ama sa tuwing sinasabi niya ito. Sinabi rin ng kanyang
ama na sa bawat kilos na iyong gagawin ay walang take two. Naibuhos niya sa kanyang ama ang
kanyang galit at sama ng loob. Ibinenta rin niya ang kamera ng kanyang ama upang magkapera.
Hinahanap ito ng kanyang ama pero hindi niya ito pinapansin.

Wakas

Nang mapag-isa si Hapi sa kanilang bahay ay nakita niya ang isang tape recording.
Pinanuod niya ito at naluha na lang dahil ang kamerang kanyang binenta ay sadyang mahalaga sa
kanyang ama. Binalikan niya ang tindahan kung saan niya ibinenta ang kamera at binli ito sa
dobleng halaga. Sa kanyang daan pauwi, nakita niyang maraming tao ang nagtatakbuhan. Ito ay
dahil ninakaw ni Oblax ang bag na lalagyan ni Alfajor ng pera at pinangakuan ni Alfajor na
bibigyan ng sampung libo kung sino man ang makahuhuli sa salarin. Kahit hindi niya alam ang
tungkol sa pabuya, hinanap niya si Oblax. Nang kanya itong makita ay akmang babatuhin niya
ito ng kamerang hawak niya. Sa aktong pagbitaw niya sa kamera ay palabas ng bahay ang
kanyang ama. Huli na ang lahat dahil natamaan sa ulo ang tatay niya. Isinugod nila ito sa ospital
at labis ang pagsisisi ni Hapi. Nalaman din niyang totoo ang sinasabi ng kanyang ama tungkol sa
perang itinago nito. Ito ay nasa itaas ng kanilang kisame, at totoong maraming pera ito. Humingi
siya ng tawad sa kanyang ama at natutunan niyang bigyang-halaga ang kanyang ama. Naging
maayos na rin ang buhay ng kanyang ate dahil may karinderya na ito.

Aral

Maraming aral ang pwedeng mapulot mula sa pelikulang ito. Ang pagkalinga at
pagmamahal sa ating mga magulang. Ibalik natin sa kanila ang pag-aaruga at pagmamahal na
ibinigay nila sa atin. Matuto rin tayong tumupad sa mga pangako. Gaya na lamang ng pangako sa
pagbabayad ng utang. Ang pinakanakuha kong aral sa kwento ay angpagbibigay-halaga o
importansya sa mga simpleng bagay o pangyayari na nagaganap sa ating buhay.

You might also like