You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI

I. Naipakikita ang kawilihan sa pakikinig sa kuwento


Naaayos sa wastong pagkakasunud-sunod ang mga pangyayari sa kuwento
Nagagamit ang angkop na pang-uri sa paglalarawan ng tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari
Nakasusulat ng talatang naglalarawan

II. KSP: Kawilihan sa Pakikinig


Kuwento: “Si Pilandok at ang mga Buwaya’
Sanggunian; Big Book
MP: Pag-aayos sa Wastong Pagkakasunud-sunod ng mga Pangyayari sa Kuwento
LPKP; Paggamit ng Pang-uri sa Paglalarawan
Sanggunian; Gintong Aklat sa Wika P.87-88
Punla 6(wika at pagbasa) p.112
PNP: Pagsulat ng Talata
III. Interactive white board, activity worksheet, laptop

IV.Pamamaraan
1.A. Bago Bumasa
1. Pagganyak
Anu-anong mga hayop ang inyong kinagigiliwan?
Ano naming hayop ang ayaw ninyo? Bakit?
Pagpapakita ng larawan ng buwaya at usa
Saang lugar kayo nakakakita ng buwaya? usa?
Ano ang masasabi mo sa kanila?

2. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto Ibigay ang kasing kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa
pangungusap,Pitasin ang wastong sagot sa bunga ng punong mangga at ilagay sa
patlang
________ 1. Tumawid si Pilandok sa malaking ilog upang makakuha ng mga mangga
sa Mabunga.
_________2.. Nagkunwari siya na isa-isang binibilang ang mga buwaya sa ilog
.________3. Malumanay na kinausap ni Pilandok ang mga buwaya.
_________4. Nalinlang ni Pilandok ang mga gutom na buwaya sa ilog
_________5. Matiyagang nag-abang ang. mga buwaya sa pagbabalik ni Pilandok.

3. Pagbuo ng Tanong Pangganyak


(Mga mag-aaral ang magbibigay ng tanong)

4. Pag-alala sa pamantayan sa pakikinig

B. Habang Bumabasa
Unawain ang mga pangyayarin sa kuwento

C. Pagkatapos Bumasa
1. Pagsagot sa pangganyak na tanong
2. Pagtatalakayan
Ano ang kailangang gawin ni Pilandok upang makakuha ng mangga sa
Mabunga?
Anong paraan ang ginawa ni Pilandok upang matiyak na wasto ang bilang ng
mga buwaya sa ilog?
Ano ang katangian ni Pilandok? ng mga Buwaya?
Sino sa mga tauhan sa kuwento ang nais mong tularan?Bakit?
3. A. Paglinang ng Kasanayan
Basahin ang bawat pangungusap.Pagkatapos, ayusin sa wastong pagkakasunud-
sunod ang mga pangyayari sa kuwento..Ilagay ang kahon sa maze
_Lumapit si Pilandok sa pinunong buwaya at itinukod sa nakabukang bunganga nito
ang kaputol na kahoy at mabilis na lumayo sa pampang.
_Humingi ng pahintulot si Pilandok sa pinunong buwaya upang makatawid sa ilog
ngunit hindi siya pinagbigyan.
_Inutusan si Pilandok ng kanyang ina na mamitas ng mangga sa nayon ng Mabunga. .
_Nakaisip si Pilandok ng paraan at ligtas na nakatawid sa ilog at namitas ng mangga.
_Nagpahat id si Pilandok sa kabilang pampang upang kunin ang kanyang atay
B. Ugnayang Gawain
Pangkatang Gawain
Unang Pangkat: Idrowing ang tauhan at ilarawan ito
Ikalawang Pangkat: Hanapin at kulayan ang mga buwaya
Ikatlong Pangkat: Sumulat ng maikling talatang naglalarawan sa mga tauhan sa
kuwento
2 . LPKP
1.Paglalahad
Balikan angKuwento
Basahin ang mga pangungusap na naglalarawan ng katangian o anyo ng tauhan
,bagay o lugar sa kuwento
1. Nasira ang tulay sa malaking ilog.
2. Maraming buwaya sa ilog.
3. Malalaki,hinog at matatamis ang mangga.
4. Mukhang gutom na gutom ang mga buwaya.
5. “Nais kong sukatin kung sino ang may pinakamalaking bunganga”,wika ni
Pilandok..
2. Pagsusuri
Tukuyin ang mga salitang naglalarawan at ang salitang inilalarawan sa pangungusap
Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan?
3. Paglalahat
Ano ang pang-uri?
4. Paglalapat
A. Hulihin ang paru-paru at pangkatin ang mga salitang nakasulat dito.
madasalin maalalahanin mabangis
malayo mabigat maamo
hinog matalino matarik
malinis mabango matapang

B. Ilarawan ang mga sumusunod


1.BagongTaon 2. Dagat 3. Dr. Jose Rizal 4. Bulaklak 5.Guro

V.Pa gtataya
Panuto: Punan ang pat. Gamitin ang angkop na pang-uri upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.Piliin ang wastong sagot sa loob ng kahon

1. Si Angeline Quinto ay ______________ na mang-aawit.


2. _____________ ang klima sa Baguio.
3. ____________ ang buhay sa nayon.
4. Ang hinog na mangga ay__________.
5. Ibinili ni Nanay ng ________ laruan si Totoy.
VI. Takdang Aralin
Isulat ang sagot sa jornal
Ano sa palagay mo ang mangyayari kung patuloy na mauubos ang mga hayop
sa kagubatan?
Ilarawan ang isang magandang daigdig ng mga hayop.

You might also like