You are on page 1of 6

Lamberte, Rico A.

Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

BSA 1-1 Prof. Marvin R. Arriola

MGA KASABIHANG PILIPINO

Ang kasabihan o saying ay isang makaluma at maiksing pariralang nagpapahayag ng ideya na


pinaniniwalaan ng nakararami na tunay o totoo. Madalas na sinasabi ito upang magbigay ng payo o
impormasyon tungkol sa buhay at karanasan ng tao. Ang mga kasabihan at salawikain ay naglalayong
magbigay payo at patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Ang mga kasabihang Pilipino at
salawikaing tagalog ay isinasaad sa mga maiiksing pangungusap lamang subalit ang mga eto ay
makahulugan at makabuluhan. Eto ay kadalasang tumatalakay din sa mga karanasan ng ating mga ninuno
at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging
karanasan.

Kilala rin ito sa tawag na salawikain o proverb dahil ito (salawikian) ay nakapaloob sa kasabihan.
Ito ay maaaring magmula sa mga kilalang tao o kaya naman sa mga kasabihan ng mga ninuno na naipasa
mula sa isang henerasyon noon hanggang sa kasalukuyang panahon.

 Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.


-Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahasna hakbang na maaaring
maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na
pangangailangan sa pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5 -6, na nagiging dahilan
upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap.
 Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.
-Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa, kung
naging matulungin ka sa kapuwa mo ay tutulungan ka rin nila.
 May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi mo nalalaman dahil may mga
taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa ibang tao.
 Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
-Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng maaaring maging balakid
sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay hahantong din sa kasalan ang kanilang samahan
kung sila ay talagang nakalaan para sa isa't-isa.
 Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.
-Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin ang magsikap at gumawa
upang matamo ang minimithing biyaya
 Kung hindi ukol, hindi bubukol.
-Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.
 Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.

Ang pinapahayag dito ay ang ating buhay araw-araw ay nag-iiba. Kung minsa’y tayo’y masaya,
minsan nama’y malungkot. May mga araw na masagana ang hapag kainan, kung minsan naman ay
simpleng pang hapunan lamang ang laman ng mesa.

 "Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo"

nangangahulugan na ang tulong ay dapat ipinagkakaloob sa oras ng pangangailangan at hindi kung


kailan wala na ang nangangailangan nito. Kadalasan, kapag huli na ang lahat saka lamang nagkakaroon
ng kagustuhan ang ibang tao na magpahatid ng tulong at kapalit nito ay nagkakaroon sila ng pagsisisi at
panghihinayang.

 "walang lihim na hindi nabubunyag"

walang lihim ang nananatiling lihim sapagkat minsan ang mga taong ating pinagkakatiwalaan ang
siyang nagsisiwalat nito sa iba.

 habang maigsi ang kumot, matutong mamaluktot"

ang pagtitiis ay bahagi ng buhay. Dapat na ang tao ay matutong magtiis habang hindi pa dumarating
ang tamang pagkakataon para sa kanya. Sapagkat ang bawat isa ay may kanya kanyang oras kung kailan
ang kanilang bituin ay magniningning.

 Batong buhay ka man na sakdal ng tigas, sa patak ng tubig lamang naagnas


- Gaano ka man katapang may mga panahon na ikaw ay mahina at napapaiyak.
 Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo
- Kahulugan: May mga taong tahimik ngunit pag sila ay may hindi nagustuhan lumalabas ang
tunay nilang kulay o pag-uugali

 Ang hipong tulog ay tinatangay ng agos


- Kahulugan: Panatilihin alerto at maging mapagbantay para hindi ka mahanap ang iyong sarili
saisang masamang sitwasyon.
 Bago mo sabihin at gawin, makapitong iisipin
- Kahulugan: Pag isipang mabuti ang mga bagay na gagawin o sasabihan mo para hindi mo ito
magsisihan sa huli
Lamberte, Rico A. Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

BSA 1-1 Prof. Marvin R. Arriola

MGA PAMAHIIN NG MGA PILIPINO

Ang pamahiin o superstition ay isang paniniwala o kasanayan na kadalasang na hindi


batay sa dahilan at walang pang-agham o siyentipikong katotohanan. Gayunpaman, ang mga
pamahiin ng mga matatanda ay nagagawang impluwensiyahan ang pag-uugali ng mga Pilipino
sa iba’t ibang paraan.

1. Huwag daw iiwanang magisa ang labi. Dapat daw at least may isa na nagbabantay o kaya may isa
na hindi tulog.
2. Huwag patutuluin ang luha sa salamin ng kabaong. Kapag ito ay nangyari, ang patay na tao ay
magkakaroon ng mahirap na paglalakbay sa kabilang daigdig.

3. Huwag magdadala ng anumang pagkain mula sa burol, mapa-candy o kape.

4. Pagmaglalagay ng Rosary sa kamay ng namatay, siguraduhin daw na ito ay pinatid. Kasi daw baka
daw magsunod sunod ang patay sa pamilya.

5. Tatakluban ng anumang tela ang salamin ng bahay ng namatayan pag dito ito binurol para daw hindi
magpakita ang namatay.

6. Kung sa bahay daw ibinurol ang patay bawal daw maglinis o magwalis. Dadamputin lang daw dapat
ang mga dumi.

7. Sa iyong lamay, huwag ihatid ang mga nakikiramay sa pintuan ng simbahan o ng punenarya.

8. Sa oras ng libing, hindi daw pwedeng ang mga immediate family ang magtatangal ng mga bulaklak
at ribbon sa kabaong. Dapat daw ay ibang tao.

9. Yun daw tinaggal na mga ribbon na may pangalan at aspili, itatapon daw yoon at hindi dadalhin.

10. Bawal magsuot ng matitingkad na kulay sa loob ng isang taon. Dapat daw ay itim, puti at earth
colors lang.

11. Laging dalhin ang kabaong palabas ng bahay, simbahan o punenarya una ang ulunan. Maiiwasan
nito ang pagbabalik ng kaluluwa ng namatay.

12. Sa martsa ng libing, ang isang lalaki na may buntis na asawa ay hindi dapat magbuhat ng kabaong.
Bago siya umuwi, siya ay dapat na magsindi ng sigarilyo mula sa apoy ng "gate" ng sementeryo upang
mapaalis ang mga espiritu ng mga patay.
13. Kapag nagbungkal ng butas na libingan na mas malaki pa kesa sa kabaong, ito ay magiging sanhi
ng pagsali ng isang malapit na kamag-anak sa libingan ng patay.

14. Matapos ang libing, huwag kang uuwi agad upang ang espiritu ng namatay ay hindi ka sundan sa
iyong bahay.

15. Ang kabaong ay dapat na gawin sa tamang sukat ng namatay. Kung hindi, ang isang kasapi ng
pamilya ng namatay ay mamamatay sa loob ng mabilis na panahon.

Mga pamahiin sa bagong tuli.

1. Hindi dapat ito masilip o makita ng mga babae dahil mangangamatis o mamamaga.
2. Ang batang lalaki na natuli ay mabilis na tatangkad.
3. Kailangang maligo agad sa dagat ang bagong-tuli para mabilis itong gumaling.
4. Kailangang magsuot ng palda ang isang bagong tuli upang hindi ito mangamatis.
5. Wag gagalawin, magtiis upang di mangamatis.
6. Wag daw maninilip ang lalaking bagong tuli upang di mangamatis.

Mga pamahiin sa pagreregla

1. Hindi pwede maligo ang babaeng may regla hanggang hindi ito natatapos dahil pwede
daw itong maging dahilan ng pagkabaliw.
2. Bawal kumain ng maaasim ang mga may regla dahil mahihirapan daw lumabas ang dugo.
3. Tumalon daw sa tatlong baytang sa hagdanan para umabot lamang ng tatlong araw ang
pagreregla at di na hihigit pa.
4. Ang underwear na nagkaroon ng pinakaunang regla ay pampaputi daw ng mukha. Ibabad
ito at kuskusin bago ipunas sa mukha.
5. Kapag may paunang regla ng babae, dapat magtago ka o magsuksok ka ng bulak sa
dingding para hindi ka tagyawatin at para kuminis ang iyong mukha.
6. Hindi dapat magdilig ng halaman ang babaeng may regla dahil mamamatay ang mga
halamang didiligan nito.
Lamberte, Rico A. Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

BSA 1-1 Prof. Marvin R. Arriola

MGA HALIMBAWA NG BALBAL NA SALITA

Ang Balbal o islang ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng
isang particular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o kalye. Ang mga balbal
na salita ay nabuo sa pamamagitan ng pagbabago ng wika. Sapagkat ang wika ay dinamiko at
nag-iiba ang kahulugan ng mga ito ayon sa paggamit.

1. ADIKTUS- taong gumagamit ng bawal na gamot


2. BRATINELLA- babaeng pasaway o may pagkamaldita
3. CHERVA- ekspresyon na kadalasang ginagamit lalo na kapag nakalimutan ang
eksaktong tawag sa isang salita
4. CHIKADORA- babaeng chismosa o mahilig sa chismis
5. DA WHO- iba pang paraan ng pagtatanong ng sino
6. DEADMA- pagsasawalang bahala sa intrigang ibinabato sa isang tao
7. INTRIGA- sumasalamin sa tsismis at isyu
8. ISHOGO- “itago”
9. JUNAKIS- “anak”
10. KYAWSAN- salaping ‘thousand’
11. LAFANG- kumain ng marami
12. PAPABLE- lalaking matipuno, magandang lalaki at kinahuhumalingan na maraming
babae at binabae
13. PASAWAY- matigas ang ulo
14. SEYSUNG- “sabi” o “ayon kay”
15. SHALA- ekspresyon na kadalasang ginagamit kapag nagagandahan sa isang tao
16. SHOCKERS- nakakagulantang na pagputok ng intriga
17. SHOPANGKIN- pagtatangkang saktan
18. STARLET- artistang hindi pa sikat
19. TIGBAK- panlalait ng kasuotan ng isang tao
20. TOSKA- mga taong may mabahong hininga
21. DEHINS- hindi
22. CHAKA- pangit
23. JOWA- kasintahan (bf/gf)
24. JOLOGS- baduy
25. GURANG- matanda
26. PABARABARABAY- paharang-harang
27. ITECH- “ito”
28. TEKS- laruang baraha
29. JAPORMS- porma
30. POKPOK- puta
31. TSONGKE- Marijuana
32. PURITA- mahirap
33. TSEDENG- “Mercedes Benz”
34. NENOK- nakaw
35. ECHAS- tae
36. BOPLOGS- bobo
37. CHARING- biro
38. PAGPAG- tiratirang pagkain
39. FLING- saglitang relasyon
40. SIKYO - gwardiya
41. TSEKOT- kotse
42. BANGAG- wala sa sariling katinuan
43. EPAL/PAMPAM- nagpapapansin
44. BEBOT- babae
45. LAGATS- gala
46. PUGE- pogi
47. E.B.(eyeball)- unang pagkikita
48. LARGA- gala/lakwatsa/simulan ang pag-alis
49. BOKAL- kalbo
50. KRUNGKRUNG- may pagkabaliw

You might also like