You are on page 1of 7

Maikling Kwento

“Ang lihim na pag tingin”


Matalik na magkaibigan sina Marjorie at John sila’y nasa kasalukuyang nasa ika-apat na taon ng
kolehiyo. Matagal na silang magkaibigan halos kalahati ng kanilang buhay ay sila na ang magkasama at
kilala na nila ang isa’t isa.
Isang araw ay inaya ni John si Marjorie sa madalas nilang puntahan na lugar may mga puno doon at
sariwa ang hangin.”Bes, masayang-masaya ako ngayon at gusto ko ikaw ang una kong
pagsabihan”.nakangiting wika ni John habang nakahawak sa kamay ni Marjorie.”Ano yon?”may
pagtatakang tanong nito.”Kami na ni Feliz!”biglang napakayakap si John sabay buhos ng malakas na
ulan. Napaluha si Marjorie ngunit hindi iyon nahalata dahil sa ulan.”Masaya ko para sayo”may pilit na
ngiti na lumabas sa bibig ni Marjorie. “Ako na ata ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo bes.”bakas pa
din ang saya sa mukha ni John.”Pagod na ko. Umuwi na tayo at baka magkasakit pa tayo.”may
panghihina sa boses ni Marjorie. “O sige, hatid na kita”may pagtatakang wika ni John.
Matapos ang pag-uusap nila na yoon ay hindi na sila nagkikita at nabalitaan ni John na nagka nobyo na
din si Marjorie.
Isang araw ay napagpasyahan ni John na dalawin si Marjorie sa kanilang bahay. “Hi Marj. I miss
you.”nakangiting wika ni John(Wala na ang dating kinang sa mata ni Marjorie, wala na din sigla lungkot
na lamang ang nababakas sa kanyang mukha)wika ni John sa sarili. “Anong ginagawa mo
dito?”matamlay na tanong nito.”Gusto kong makita ka bes.”wika ni John. “Para saan pa? Wala na din
kwenta magkita man tayo o hindi” may kirot sa bawat bitaw na salita ni Marjorie.”Mahalaga kasi
mahal!”natigilan si John.”Ano?? Wala!. Alam mo John humiling ako sa bitwin kahit na alam kong hindi
matutupad iyon”umiiyak na umalis si Marjorie. Naiwan pa ding naiwan si John.”Bakit hindi ko naituloy
ang nararamdaman ko na mahal…..ko si Marjorie”wika niya sa sarili.
Araw nang kanilang pagtatapos ay hinahanap ni John si Marjorie ngunit sabi ng kaibigan nito na hindi
daw ito dumalo. May biglang lumapit na lalaking may balbas, pula ang mata, at mahaba ang buhok na
lalaki kay John.”Hi pare, nakita mob a si Marj? Hindi ba ikaw ang bestfriend niya? Ako nga pala ang
nobyo niya”wika ng lalaki kay John.”Bakit sa akin mo tinatanong hindi ba dapat ikaw ang nag-aalaga sa
kanya!”nanlalaking wika ni John.”Easy pare ibibigay ko lang sana sa kanya ang regalo ko.”at tumalikod
na ito.
Kinabukasan ay nagbabasa ng diyaryo si John ng bigla niya itong nabitawan.Ganito ang kanyang nabasa
“A College Graduate is Dead because of her Addict Boyfriend” nasabi doon na pinasubok kay MArj ang
drugs na kahit na siya’y hindi pa niya natitikman. “Walang hiyang iyon drugs pala ang sinasabi nitong
regalo. Magbabayad siya!”pabulyaw na wika ni John.”Na kay Feliz ang atensyon ko ngunit ang dapat
kong inalagaan at hindi pinabayaan ay ngayon ay wala na … ang aking bestfriend. Bakit hindi ko masabi
noon pa na mahal na mhal ko siya higit pa sa matalik na kaibigan”umiiyak na wika ni John.
Buod
Isang mataliki na mag kaibigan si Marjorie at Jhon, ngunit si Marjorie ay may lihim na nararamdaman kay
John, nang naikwento ni Jhon ang saying nadarama sapagkat sila na ni Feliz ay hindi maitago ang pait at
sakit na nararamdaman ni Marjorie.
Bagkus sa sakit na nararamdaman ni Marjorie ay nagawa nyang layuan ang kanyang matalik na kaibigan,
at sumama sa isang lalaking addict. Nang araw na ng kanilang Graduation ay nalaman ni Jhon na patay
na pala si Marjorie ng dahil sa kanyang bagong nobyo na addict.
Laking pag sisisi ni Jhon dahil mahal niya pala ang kaibigan nya ngunit hindi nya lamang ito masabi at
maipahiwatig.

Pangunahing Paksa
. Bakit hindi ko masabi noon pa na mahal na mhal ko siya higit pa sa
matalik na kaibigan”umiiyak na wika ni John.
Ang Kahalagahan ng Edukasyon (Tagalog na Sanaysay)

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng
isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi
lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan.
Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang
praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting
maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na
pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung
paano mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala
nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag
na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang
na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga
mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at


impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na
humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga
mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay
sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang
mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay
mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa
kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa
isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at
malaman ang mga layunin nito.

Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang


karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang
maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-
asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot
nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.
Nobela
Banaag at Sikat

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at


paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang
mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan
ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa
mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa
isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay.
Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang
mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at
ang
pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng
mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging
anarkista.
Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang
lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na
ginhawa sa buhay.Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit
itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa
galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa
Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga
seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.
Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan
ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa
sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol
din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na
ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang
manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing
radikal nito.
Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na
paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi
ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal
na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.
Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang
mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang
kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay
halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang
kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa
pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.Sa tulong ni Felipe noong ito’y
nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa
pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag
nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa
Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa
magbinhi ang kanilang pagmamahalan.
Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim
kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni
Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng
isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi
pinagmanahan.
Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-
minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng
kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng
kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.
Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at
damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay
gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa
lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon,
Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik
sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae
na kanyang kinasama;
ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng
lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa
pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga
kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa
lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan,
subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng
pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay
kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin,
salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong
pangyayari.
Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na
nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New
York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa
pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang
hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.
Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang
nawawala. Pagkatapos
makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y
ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito,
nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika
at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New
York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa
isang hotel na malapit sa bar na kanyangpinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na
kaya pinatay si DonRamon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.
Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan
ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at
paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng
takipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.
Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama.
Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang
namamalagi sa batas ang karapatan ng mga
magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap
na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya.Kakailanganin ang mahaba
at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang
hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa
iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-
usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito
sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa
pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao
na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang
paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.
Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa
kanilang pag-alis
sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang dilim ng gabi."

Pangunahing Paksa

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at


paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin.
Buod

Ang maunlad na Edukasyon ay hindi lamang basehan ng aklat at paaralan ngunit


ito ay bahagi o instrument lamang tungo sa kaalaman para sa ating pang habang
buhay. Ang bawat kabataan ay karapatdapat na bigyan ng sapat na edukasyon
sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa pag harap sa kinabukasan.

Pangunahing paksa
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon
ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan
tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.

You might also like