You are on page 1of 4

Janine Anne L.

De Vera
BSED - Science

Akademikong Sulatin

KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-APAT NA TAON

ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat
na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito
na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan
tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng
pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita
ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento
at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng
kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na
pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang
“Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang
pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit
sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita
ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan
na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang
maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.
Janine Anne L. De Vera
BSED - Science

Teknikal na Pagsulat
“Liham-aplikasyon”

56 GrandTowers Building,
San Rafael, Bulacan
Marso 2, 2018

Mahal na Ginoong Ado:

Nakita ko po sa diyaryo ang pangangailangan ng inyong kompanya ng dalawang


Accountant sa inyong kompanya. Ang mga kwalipikasyon na nakasaad doon ay angkop na
angkop sa aking kaalaman at karanasan sa industriya.

Ako po ay 10 taong nakaugnay bilang Accountant din sa aming kompanya at patuloy


pong sumusulong ang aking kaalaman sa larangang ito. Bukas din ako sa anumang pagsulong
para sa sistema ng inyong kompanya.

Ako po ay pwedeng matawagan sa telepono bilang 789 at laking pasasalamat po ako


kung ituturing nyo po akong isang kwalipikadong aplikante sa inyong kompanya.

Lubos na gumagalang,
Juan Dela Cruz
56
Janine Anne L. De Vera
BSED - Science

Dyornalistikong Sulatin

Balitang Isports

BALIKAN: Ateneo, wagi kontra La Salle, kampeon sa UAAP men's basketball


Nanaig ang Ateneo Blue Eagles kontra karibal na De La Salle Green Archers para masungkit ang
kampeonato sa UAAP Season 80 men's basketball tournament nitong Linggo.

Isang mainit na fourth quarter run ang pinakawalan ng Ateneo para tuluyang iwan ang La Salle,
88-86, at maagaw sa kanila ang korona.

Umpisa pa lang ng laban, agad ipinakita ng Blue Eagles ang determinasyon. Lumamang pa sila
ng 10 sa pagtatapos ng unang quarter, 24-14.

Pagdating ng ikalawang quarter, pinilt ng La Salle na bumalik sa laban sa pamamagitan ng


shooting at inside plays nina Ricci Rivero at season Most Valuable Player Ben Mbala.

Nagtapos ang unang half sa iskor na 45-38, lamang ang Ateneo.

Nagpakitang gilas ang Green Archers sa third quarter. Tumindi ang dipensa para maitabla ang
iskor sa 66.

Ito ang unang kampeonato ng Ateneo makalipas ang limang taon, nang tuldukan ng La Salle ang
kanilang five-peat domination.

Nagtala ng gate attendance na 22,000 sa Araneta Coliseum kung saan idinaos ang laro.
Janine Anne L. De Vera
BSED - Science

Propesyunal na Pagsulat

You might also like