You are on page 1of 8

TITHING

I. TITHES BEFORE THE LAW


A. It was practiced by Abraham
Gen 14:18 At si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya'y
saserdote ng Kataastaasang Dios.
Gen 14:19 At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na
may-ari ng langit at ng lupa:
Gen 14:20 At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong
kamay. At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.

Bakit ito ginawa ni Abraham? May utos ba ang Dios na gawin niya ito?
A. Pwede ba nating sabihing ang ginawa ni Abraham ay TAMA?
B. Pwede ba nating sabihing ang ginawa ni Abraham ay KALOOBAN NG
DIOS?
C. Bakit TENTH and pinasyahan ni Abraham na ibigay sa saserdote/Dios?
Ito kaya ay gawa gawa lamang ng kanyang isip? Saan niya kinuha ang
konsepto ng ikasampung bahagi?
D. Bakit sa saserdote ng Dios nya ibinigay ang ikasampung bahagi? Ito
kaya ay sariling isip lamang o pangunguna ng Dios sa kanya?
C. Pwede ba nating sabihing ang ginawa ni Abraham ay ISANG MABUTING
GAWA na DAPAT TULARAN?
D. Ginawa ba ito Abraham dahil ng pananaw na ito ay ISANG HANDOG NA
KAILANGANG IBIGAY UPANG MAPATAWAD ANG KASALANAN o dahil ng
pagpapasalamat sa Dios?
E. Maaari ba nating sabihing ang ginawa niya ay ginawa dahil ng pusong
nagpapasalamat o nagagalak sa Dios?
F. Kung si Abraham ay tinaguriang ama ang pananampalataya, masasabi
ba natin na ang pagbibigay niya ng ikapu ay “gawa ng kanyang kalugod-lugod na
pananampalataya? Hindi ba ang turing sa atin ng Biblia ay mga “anak ni Abraham sa
pananamapalataya”. Gal_3:7 Talastasin nga ninyo na ang mga sa pananampalataya, ang mga
yaon ay mga anak ni Abraham.

B. It was practiced by JACOB?


Gen 28:20 At si Jacob ay nagpanata, na sinasabi, Kung sasaakin ang Dios, at ako'y iingatan sa
daang ito na aking nilalakaran, at ako'y bibigyan ng tinapay na makakain, at damit na
maisusuot,
Gen 28:21 Na ano pa't ako'y makabalik na payapa sa bahay ng aking ama, ay ang Panginoon
nga ang magiging aking Dios,
Gen 28:22 At ang batong ito na aking itinayo na pinakaalaala ay magiging bahay ng Dios; at sa
lahat ng ibigay mo sa akin ay walang pagsalang ang ikasangpung bahagi ay ibibigay ko sa iyo.

Bakit ito ginawa ni Jacob? May utos ba ang Dios na gawin niya ito?
A. Pwede ba nating sabihing ang ginawa ni Jacob ay TAMA?
B. Pwede ba nating sabihing ang ginawa ni Abraham ay KALOOBAN NG
DIOS?
C. Bakit TENTH and pinasyahan at ipinangako na ibigay sa Dios? Ito kaya
ay gawa gawa lamang ng kanyang isip? Saan niya kinuha ang konsepto ng
ikasampung bahagi?
D. Pwede ba nating sabihing ang ginawa ni Abraham ay ISANG MABUTING
GAWA na DAPAT TULARAN?
D. Ginawa ba ito Abraham dahil ng pananaw na ito ay ISANG HANDOG NA
KAILANGANG IBIGAY UPANG MAPATAWAD ANG KASALANAN o dahil ng
pagpapasalamat sa Dios?
F. Tama na ating sabihin na ang pag-iikapu ni Jacob ay dahil ng kanyang
pagkilala na ang pagpapala na kanyang tinatanggap ay mula sa DIoS?
G. Tama ba ating sabihin na ang ginawa niya ay ginawa dahil ng pusong
nagpapasalamat o nagagalak sa Dios dahil sa talagang kinikilala niya na
ang lahat ng mayroon siya ay galing lahat sa Dios?
H. Saan kukuhanin ni Jacob ang ikasampung bahagi na ibibigay nya sa
Dios? sa lahat ng ibigay mo sa akin ay walang pagsalang ang ikasangpung bahagi ay ibibigay ko
sa iyo.
I. Kung ang ikasampung bahagi na ibinigay ni Jacob ay kinuha rin niya sa
ibinigay sa Kanya ng Dios, ano ngayon ang ikapu? Tama ban ating sabihin ang ikapu ay na
ibinigay niya sa Dios ay bigay din lamang ng Dios sa kanya! Eh bakit pa nya ibinigay sa Dios
ang ikapu na bahagi ng ibinigay ng Dios sa kanya? Hindi kaya normal lamang na gawin ito ng
isang taong alam niyang ang lahat ng pagpapala ay mula sa Dios at ito ay bahagi lamang ng
pagpapasalamat niya sa Dios?

IMPORTANT OBSERVATIONS
1. Ang pag-iikapu bago ang KAUTUSAN ay isinagawa ng mga PATRIARKA hindi
dahil sa napilitan, hindi dahil sa inutusan, kundi dahil sa pagkilala na ang mga
tinatatanggap na biyaya ay galing sa Dios at pagpapadama ng pagpapasalamat sa
pagpapala ng Dios! TITHES IS THE EXPRESSION OF THE RECIPIENT GOD’S
BLESSINGS OF HIS RECOGNITION AND THANKFULNESS TO GOD AS THE SOURCE OF
EVERYTHING
Rom 1:21 Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad
sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga
pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim.

II. TITHES UNDER THE LAW

A. GOD’S DECLARATION ON HIS EXCLUSIVE CLAIM ON ALL TITHES


Lev 27:30 At lahat na ikasangpung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng
punong kahoy ay sa Panginoon: magiging banal sa Panginoon.
Lev 27:31 At kung ang sinoman ay tutubos ng alin mang bahagi ng kaniyang ikasangpung
bahagi ay idagdag niya roon ang ikalimang bahagi niyaon.
Lev 27:32 At lahat ng ikasangpung bahagi sa bakahan o sa kawan, anomang madaan sa
tungkod, ay magiging banal sa Panginoon ang ikasangpung bahagi.
1. God declared HIS EXCLUSIVE RIGHTFUL CLAIM on all TITHES!
2. God declared that TITHES IS HOLY UNTO THE LORD!
3. TITHE is the part of the blessing from GOD that is GOD’S!

Important Questions:
1. Tama po bang sabihin na ang deklarasyong ito, bagamat ibinigay sa ilalim ng
KAUTUSAN, ay isang KALOOBAN ng DIOS na sadyang bahagi na ng bawat pagpapalang
ibibigay niya sa Kanyang mga anak! Ibig sabihin, sa bawat pagpapala NIYA sa lahat ng
KANYANG MGA ANAK, sa lahat ng panahon, AY SADYANG KAAKIBAT NA NITO ANG PAG-IIKAPU
dahilan may BANAL na layunin ang DIOS sa pagsasawa nito?
2. Tama po ba na ating sabihin na ang pag-iikapu ay disenyo ng Dios upang palaging
ipaalala Niya sa atin ang Kanyang Sarili sa lahat ng pagpapala na ibinibigay Niya. TITHING IS
DESIGNED BY GOD TO REMIND US ABOUT HIMSELF IN THE AREA OF BLESSINGS!

B. TITHES IS THE DESIGNED SUPPORT FOR THE PRIESTLY FAMILY IN THE OLD
TESTAMENT
Num 18:20 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Huwag kang magkakaroon ng mana sa kanilang
lupain, ni magkakaroon ka ng anomang bahagi sa gitna nila: ako ang iyong bahagi at ang iyong
mana sa gitna ng mga anak ni Israel.
Num 18:21 At sa mga anak ni Levi, ay narito, aking ibinigay ang lahat ng ikasangpung bahagi
sa Israel na pinakamana, na ganti sa kanilang paglilingkod na kanilang ipinaglilingkod, sa
makatuwid baga'y sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
Num 18:22 At sa haharapin ay huwag lalapit ang mga anak ni Israel sa tabernakulo ng
kapisanan, baka sila'y magtaglay ng kasalanan, at mamatay.
Num 18:23 Nguni't gagawin ng mga Levita ang paglilingkod ng tabernakulo ng kapisanan; at
kanilang tataglayin ang kanilang kasamaan: ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa
buong panahon ng inyong mga lahi, at sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila
magkakaroon ng mana.
Num 18:24 Sapagka't ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel na
kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ay aking ibinigay sa mga Levita
na pinakamana: kaya't aking sinabi sa kanila, Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila
magkakaroon ng mana.
Num 18:25 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
Num 18:26 Bukod dito'y sasalitain mo sa mga Levita, at sasabihin mo sa kanila, Pagkuha ninyo
sa mga anak ni Israel ng ikasangpung bahagi na aking ibinigay sa inyo mula sa kanila na inyong
pinakamana, ay inyong ihahandog nga na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ang
ikasangpung bahagi ng ikasangpung bahagi.
Num 18:27 At ang inyong handog na itinaas ay ibibilang sa inyo, na parang trigo ng giikan at
ng kasaganaan ng pisaan ng ubas.
Num 18:28 Ganito rin kayo maghahandog ng handog na itinaas sa Panginoon sa inyong buong
ikasangpung bahagi, na inyong tinatanggap sa mga anak ni Israel; at ganito ibibigay ninyo ang
handog na itinaas sa Panginoon kay Aaron na saserdote.

Important Observations
1. Ang mga LEVITA ay hindi binigyan ng lupa sapagkat sila ang itinalaga o tinawag ng
Dios mamahala ng lahat ng gawain sa TABERNAKULO.
2. Ang IKAPU ay makatwirang programa ang DIOS na ipinatupad sa panahon ng
LUMANG TIPAN upang MABIGYANG POKUS ang ISPIRITWAL NA GAWAIN NA NAIS NIYANG
MAGAMPANAN O MAISAGAWA NG MGA TAONG INIHIWALAY NIYA PARA SA KANYANG
GAWAIN.
3. Ang IKAPU ay patunay ng salita ng Dios na “AKO ANG IYONG BAHAGI AT ANG IYONG
MANA SA GITNA NG MGA ANAK NI ISRAEL. (Hindi lupa). Hindi binigyan ng Dios ng bahagi ng
lupa ang mga Levita! Ang ipinalit ng Dios ay “SIYA”! at ang pagpapatunay ng “SIYA” ay ang
“LAHAT NG IKAPU”

PANSININ:
Neh 13:9 Nang magkagayo'y nagutos ako, at nilinis nila ang mga silid; at dinala ko uli roon ang
mga sisidlan ng bahay ng Dios pati ng mga handog na harina at ng kamangyan.
Neh 13:10 At nahalata ko na ang mga bahagi ng mga Levita ay hindi nangabigay sa
kanila; na anopa't ang mga Levita, at ang mga mangaawit na nagsisigawa ng
gawain, ay nangagsitakas bawa't isa sa kanikaniyang bukid.
Neh 13:11 Nang magkagayo'y nakipagtalo ako sa mga pinuno, at sinabi ko, Bakit pinabayaan
ang bahay ng Dios? At pinisan ko sila, at inilagay sa kanilang kalagayan.
Neh 13:12 Nang magkagayo'y dinala ng buong Juda ang ikasangpung bahagi ng trigo at ng
alak at ng langis sa mga ingatang-yaman.
NAPABAYAAN NG MGA LEVITA ANG GAWAIN NG DIOS NANG HINDI DINALA NI ISRAEL
ANG MGA IKAPU!
1. Maaari ba nating sabihin na bagamat UTOS ang ikapu, ito ay isang paraan ng
pagpapakita ng ISRAEL ng pagpapahalaga sa mga gawaing PANG TABERNAKULO, na dahil sa
pagmamalasakit na magampanan ang GAWAIN, ay isasagawa ang ang pagbibigay ng ikapu?
2. Ano kaya ang nasa isip ng mga Levita ng hindi na naibibigay ang ikapu sa kanila?
Sasabihin ng mga Levita, “akala ko sabi ng Dios “Siya ang ating mana”?

C. NOT GIVING OF TITHES MEANS ROBBERY!


This a MORAL ISSUE!
This is not a CEREMONIAL ISSUE!
Mal 3:7 Mula nang mga kaarawan ng inyong mga magulang kayo'y nangagpakaligaw sa aking
mga tuntunin, at hindi ninyo tinalima. Manumbalik kayo sa akin, at ako'y manunumbalik sa inyo,
sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Nguni't inyong sinasabi, Sa ano kami manunumbalik?
Mal 3:8 Nanakawan baga ng tao ang Dios? gayon ma'y ninanakaw ninyo ako. Nguni't inyong
sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog.
Mal 3:9 Kayo'y nangagsumpa ng sumpa sapagka't inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga'y
nitong buong bansa.
Mal 3:10 Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng
pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng
mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa
inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.
Mal 3:11 At aking sasawayin ang mananakmal dahil sa inyo, at hindi niya sisirain ang mga
bunga sa inyong lupa; ni malalagasan man ng bunga sa di panahon ang inyong puno ng ubas
sa parang, sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
Mal 3:12 At tatawagin kayo ng lahat na bansa na mapalad: sapagka't kayo'y magiging
maligayang lupain, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Important Observations:
1. Ano ang katumbas ng hindi pagbibigay ng ikapu at mga hando? PAGNANAKAW SA DIOS!
This is a moral issue! Mabigat na ang magnakaw sa kapwa, paano pa kaya ang magnakaw sa
Dios?
2. Ano ang hamon ng Dios sa mga Israelita? Subukin ninyo ako sa bagay na ito!
3. Ano ang tiyak na gagawin ng Dios kung dadalhin natin ang ikasampung bahagi sa kamalig ng
Dios? Bubuksan ko ang mga dungawan sa langit at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala na
walang sapat na silid na kalalagyan
4. Ano ang gagawin ng Dios sa mga pinagkukunan? Poproteksyunan!

Mahalagang Obserbasyon:
1. ang hindi pag-iikapu ay pagnanakaw
2. ang pag-iikapu ay pagtugon sa hamon ng Dios
3. ang pag-iikapu ay pagsubok
4. ang pag-iikapu ay proteksyon

III. TITHES UNDER GRACE (NEW TESTAMENT)


PLEASE OBSERVE CAREFULLY THE VERSES THAT WE ARE GOING READ….
WHAT POSSIBLE CONCLUSIONS COULD WE MAKE FROM THESE VERSES? IS IT
MORE ON “ABOLISHING OF TITHES” OR “UPHOLDING OF TITHES”? LE US SEE

A. Jesus DIRECT WORDS on TITHING


Mat 23:23 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't
nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong
pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't
ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't dapat sana
ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.
Luk 11:42 Datapuwa't sa aba ninyong mga Fariseo! sapagka't nagbibigay kayo ng ikapu ng
yerbabuena, at ng ruda, at ng bawa't gugulayin, at pinababayaan ninyo ang katarungan at
ang pagibig ng Dios: datapuwa't dapat ngang gawin ninyo ang mga ito, at huwag pabayaan
di ginagawa ang mga yaon.

Observations:
1. Jesus condemned the Pharisees in their OMISSION of the WEIGHTIES MATTERS OF
THE LAW namely judgment, mercy, faith!
2. Jesus confirmed that TITHING must not be left UNDONE! He didn’t abolish
tithes in the new testament nor give hint this will be vanished away!

Tithe:
apodekatoo ap-od-ek-at-o'-o
from 575 and 1183; to tithe (as debtor or creditor):--(give, pay, take) tithe.

TRIBUTE:
Mat 17:25 Sinabi niya, Oo. At nang pumasok siya sa bahay, ay pinangunahan siya ni Jesus, na
nagsasabi, Anong akala mo, Simon? ang mga hari sa lupa, kanino baga sila nanganiningil ng
kabayaran ng buwis? sa kanilang mga anak baga o sa nangaiiba?
kensos kane'-sos
of Latin origin; properly, an enrollment ("census"), i.e. (by implication) a
tax:--tribute.

Rom 13:6 Sapagka't dahil dito ay nagsisipagbayad naman kayo ng buwis; sapagka't sila'y mga
tagapangasiwa ng paglilingkod sa Dios, na nagsisipamahalang walang patid sa bagay na ito.
Rom 13:7 Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: buwis sa dapat buwisan; ambag sa
dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan.
phoros for'-os
from 5342; a load (as borne), i.e. (figuratively) a tax (properly, an individual assessment on
persons or property; whereas 5056 is usually a general toll on
goods or travel):--tribute.

Luk 18:13 Datapuwa't ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay ayaw na itingin
man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi dinadagukan ang kaniyang dibdib, na
sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan.
telones tel-o'-nace
from 5056 and 5608; a tax-farmer, i.e. collector of public revenue:--publican.

BUWIS SA LUMANG TIPAN:


Num_31:37 At ang buwis na tupa sa Panginoon, ay anim na raan at pitong pu't lima.
Num_31:38 At ang mga baka ay tatlong pu't anim na libo; na ang buwis sa Panginoon ay
pitong pu't dalawa.
Num_31:39 At ang mga asno ay tatlong pung libo at limang daan; na ang buwis sa Panginoon
ay anim na pu't isa.
Num_31:40 At ang mga asno ay labing anim na libo; na ang buwis sa Panginoon ay tatlong
pu't dalawang tao.

This is .2% ONLY


But tithes is 10%
So TITHES and TAXES are REALLY DIFFERENT!

B. PAUL’S INDIRECT WORDS ON THE SYSTEM OF TITHING


1Co 9:7 Sinong kawal ang magpakailan pa man ay naglilingkod sa kaniyang sariling gugol? sino
ang nagtatanim ng isang ubasan, at hindi kumakain ng bunga niyaon? o sino ang nagpapakain
sa kawan, at hindi kumakain ng gatas ng kawan?
1Co 9:8 Ang mga ito baga'y sinasalita ko ayon sa kaugalian lamang ng mga tao? o di baga
sinasabi rin naman ang gayon ng kautusan?
1Co 9:9 Sapagka't nasusulat sa kautusan ni Moises, Huwag mong lalagyan ng busal
ang baka pagka gumigiik. Ang mga baka baga ay iniingatan ng Dios,
1Co 9:10 O sinasabi kayang tunay ito dahil sa atin? Oo, dahil sa atin ito sinulat:
sapagka't ang nagsasaka ay dapat magsaka sa pagasa, at ang gumigiik, ay sa pagasa na
makakabahagi.
1Co 9:11 Kung ipinaghasik namin kayo ng mga bagay na ayon sa espiritu, malaking bagay
baga na aming anihin ang inyong mga bagay na ayon sa laman?
1Co 9:12 Kung ang iba ay mayroon sa inyong matuwid, hindi baga lalo pa kami? Gayon ma'y
hindi namin ginamit ang matuwid na ito; kundi aming tinitiis ang lahat ng mga bagay, upang
huwag kaming makahadlang sa evangelio ni Cristo.
1Co 9:13 Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisipangasiwa sa mga bagay
na banal, ay nagsisikain ng mga bagay na ukol sa templo, at ang mga
nagsisipaglingkod sa dambana ay mga kabahagi ng dambana?
1Co 9:14 Gayon din naman ipinagutos ng Panginoon na ang mga nagsisipangaral ng
evangelio ay dapat mangabuhay sa pamamagitan ng evangelio.
Important Observations:
1. Sa pagtuturo ni Apostol Pablo tungkol sa pagsuporta sa mga manggagawa, ano ang
pinagbasehan ni Apostol Pablo upang ito ay ituro sa new testament believers?
2. Hindi ba ang OLD TESTAMENT PRACTICE ang kanyang ginamit na basehan?
3. Sa tema ng pangungusap ni Apsotol Pablo ay nagpapahiwatig ba sya na ang Sistema ng
LUMANG tipan pagdating sa pagsuporta sa mga nagsisipangasiwa sa templo ay inalis na o
binago na? (Ceremonial offerings ceased already, but not the tithes)
3. Sigurado tayo na hindi na nakatingin si Pablo sa Sistema ng ceremonial offerings sapagkat ito
ay inalis na! pero kailanman ang tithes ay hindi bahagi ng ceremonial offerings!
Ano po ang tingin nyo doon sa salitang “GAYON DIN NAMAN” sa verse 14?
4. Hindi ba tamang sabihin na sa pagtuturo ni Apostol Pablo tungkol sa pagsuporta sa mga
manggagawa ay IPINAALALA at IPINAGDIINAN niya ang PRACTICE NG OLD TESTAMENT?
Sinabi nya bang hindi na kasama dito ang “IKAPU”?

VERSES USED BY SOME TO PROVE THAT TITHING IS NOT THE NEW TESTAMENT WAY OF
GIVING
2Co 9:6 Datapuwa't sinasabi ko, Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya
na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana.
2Co 9:7 Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob,
o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.
2Co 9:8 At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang
kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa:

Observations:
1. Does this prove that TITHING is abolished? Is there any hint for it?
2. What do these verses teaches us?
A. Tama bang sabihin na ang itinuturo ng mga talatang ito ay ang TAMANG PAGTINGIN
sa GIVING?
B. Tama bang sabihin na ang itinuturo ng talatang ito ay ang TAMANG DAMDAMIN sa
GIVING?
C. Ang pagbibigay ay dapat makita nating parang pagtatanim!
Dun sa talatang ang naghahasik ng bahagya ay nag-aani ng bahagya, ang
naghahasik na sagana ay mag-aani ng sagana, Ini-encourage ba nito na alisin ang TITHING o
MAGBIGAY tayo ng higit pa sa TITHING?
Dun sa talatang magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasya ng puso na hindi
mabigat sa loob kundi masaya, Ini-encourage ba nito na ang alisin ang TITHING o gawin ang
TITHING ng masaya, bukal sa loob at hindi MABIGAT na parang napipilitan dahil UTOS?
Dun sa talatang iniibig ng Dios ang nagbibigay ng masaya, ini-encourage bang
alisin ang tithing o ibigay ito sa ilalim ng pagtingin na ang Dios ay natutuwa sa pagsasagawa
nito!
D. Dun ba sa talatang “magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasya ng kanyang puso, ini-
encourage ba nito na alisin na ang tithing at kung ano lamang ang pasyahan ng puso? Kung
ating sabihin TAMA yong “kung ano ang pasyahan ng puso”, ibig bang sabihin eh pwede ng
wag mag-ikapu o mas mababa sa ikapu dahil yon ang pasya ng puso? Tama ba na ang pasya
ng puso ay “wag ng magbigay ng ikapu o magbigay na lamang ng masa mababa sa ikapu”
yamang bago sabihin ito ay “ANG NAGTATANIM NG BAHAGYA AY MAG-AANI NG BAHAGYA, AT
ANG NAGTATANIM NG SAGANA AY MAG-AANI NG SAGANA.
Let me give you the greek work of “ipinasya ng puso”
proaireomai pro-ahee-reh'-om-ahee
from 4253 and 138; to choose for oneself before another thing (prefer), i.e.
(by implication) to propose (intend):--purpose.
E. Dun ba sa talatang “magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasya ng kanyang puso,
huwag mabigat sa loob o dahil sa kailangan sapagkat ang iniibig ng Dios ang nagbibigay ng
masaya”, Ini-encourage ba wag i-practice ang tithes, o gawin ang pag-iikapu sa pusong
masaya, hindi sa pusong nabibigatan, hindi sa pusong napipilitan, kundi bukal sa puso at
masaya!
C. TITHING IS LINKED TO PRIESTHOOD
Important Observations:
1. TITHES WERE GIVEN TO THE PRIEST BEFORE THE LAW
Heb 7:1 Sapagka't itong si Melquisedec, hari sa Salem, saserdote ng Kataastaasang Dios, na
siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik na galing sa paglipol sa mga hari at siya'y
pinagpala niya,
Heb 7:2 Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat (na kung
sasaysayin, una-una, siya'y Hari ng katuwiran, at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid,
ay Hari ng kapayapaan;
Heb 7:3 Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw
ni katapusan ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios), ay nanatiling
saserdote magpakailan man.
Heb 7:4 Nilaynilayin nga ninyo kung gaano ang kadakilaan ng taong ito, na binigyan ni
Abraham, na patriarka, ng ikasangpung bahagi ng mga pinakamagagaling na samsam.
Heb 7:5 At katotohanan ang mga sa anak ni Levi na nagsisitanggap ng katungkulang
saserdote, ay mayroong utos na kumuha ng ikasangpung bahagi sa bayan ayon sa kautusan, sa
makatuwid ay sa kanilang mga kapatid, bagama't ang mga ito ay nagsilabas sa mga balakang ni
Abraham:
Heb 7:6 Nguni't yaong ang talaan ng lahi ay hindi ibinibilang sa kanila ay kumuha ng
ikasangpung bahagi kay Abraham, at pinagpala yaong may mga pangako.

2. TITHES WERE GIVEN TO THE PRIEST UNDER THE LAW


Heb 7:5 At katotohanan ang mga sa anak ni Levi na nagsisitanggap ng katungkulang
saserdote, ay mayroong utos na kumuha ng ikasangpung bahagi sa bayan ayon sa kautusan, sa
makatuwid ay sa kanilang mga kapatid, bagama't ang mga ito ay nagsilabas sa mga balakang ni
Abraham:
Heb 7:6 Nguni't yaong ang talaan ng lahi ay hindi ibinibilang sa kanila ay kumuha ng
ikasangpung bahagi kay Abraham, at pinagpala yaong may mga pangako.
Heb 7:7 Datapuwa't walang anomang pagtatalo ang mababa ay pinagpapala ng mataas.
Heb 7:8 At dito'y ang mga taong may kamatayan ay tumatanggap ng ikasangpung bahagi;
datapuwa't doon ay ang isa, na pinatutunayang nabubuhay.
Heb 7:9 At sa makatuwid baga'y sa pamamagitan ni Abraham pati si Levi, na tumatanggap ng
ikasangpung bahagi, ay nagbayad ng ikasangpung bahagi;

WHY TITHES AND PRIESTHOOD WERE DISCUSSED IN THIS SECTION?


1. Sa tingin nyo po bakit ng talakayin ng author ng Hebrews (probably Paul), ang
pagkasaserdote ng Panginoong Hesus, kailangan pang banggitin ang TITHING?

A. Ang Koneksyon ng Pagkasaserdote sa Pag-iikapu


ANO ANG PAGKAKAIBA NG PAGKASASERDOTE NI MELQUISEDEC AT NG MGA LEVITA?
Ang pagkasaserdote ng mga Levita ay mayroong expiration, ngunit ang pagkasaserdote
ni Melquisedec ay magpakailanman? Kung ang argumento ay dahil mayroong expiration ang
pagkasaserdote ng mga Levita, ang ikapu ay nag-expire din, Paano naman ang pagkasaserdote
ni Melquisedec na namamalagi magpakailanman? Naexpire din ba ang pag-iikapu sa ilalim ng
pagkasaserdoteng hindi natatapos magpakailanman?
Hindi ba tayo nagtataka na sa pagtalakay ng pagkasasedote ay automatic na nakakabit
ang pag-iikapu?

B. Ang Ipinakikita ng Pag-iiakapu


Look at verse 4: The giving of tithing is the way to SHOW THE GREATNESS OF THE
RECIEVER!
Heb 7:4 Nilaynilayin nga ninyo kung gaano ang kadakilaan ng taong ito, na
binigyan ni Abraham, na patriarka, ng ikasangpung bahagi ng mga pinakamagagaling na
samsam.
If Abraham is considered to the FATHER OF FAITH, we are sons of ABRAHAM because of
the same faith, could we conclude that TITHES is one of the expressions/works of FAITH!
2. Ang mga Levita (ang mga saserdote sa ilalim ng kautusan) na lumabas sa balakang ni
Abraham ay may kautusang kumuha ng ikasangpung bahagi!
3. Ngunit sa Melquisedec, na hindi kabilang sa lahi ni Abraham, o hindi naman
LEvita, o wala sa ilalim ng KAUTUSAN, ay KUMUHA NG IKASAMPUNG BAHAGI ayon
sa v.6! Ano ang ating pwedeng sabihin?
ANG IKAPU AY PRAKTIS LAMANG SA ILALIM NG KAUTUSAN? O ITO AY
PRAKTIS KAHIT NG MGA HINDI NABUHAY SA ILALIM NG KAUTUSAN?
4. Sa v. 10. Mayroong saserdote na ibinangon, na hindi ayon sa pagksaserdote ng mga Levita,
kundi AYON SA PAGKASASERDOTE ni MELQUISEDEC! Na ayon sa v. 11 to 28, ang saserdoteng
ito ay ang PANGINOONG HESUS!
Ano ngayon ang inaasahan sa atin upang ating IPAKILALA ANG KADAKILAAN NG
PANGINOONG HESUS? Nilaynilayin nga ninyo kung gaano ang kadakilaan ng taong
ito, na binigyan ni Abraham, na patriarka, ng ikasangpung bahagi ng mga pinakamagagaling na
samsam. Kung ang pag-iikapu ni Abhraham ay nagpakita ng kadakilaan ng saserdoteng si
Melquisedec, at ang Panginoong Hesus ay ayon sa pagkaserdote ni Melquisedec, HINDI BA
LALO NA TAYONG DAPAT GUMAWA NG PAGBIBIGAY NA MAGPAPAKITA NG KADIKALAAN NG
ATING LUBHANG DAKILANG SASERDOTE! Gaga-ikapu ba ang bagay sa Kanya?
Kung talagang pinahahalagahan natin ang Dios na nagkatawang tao, nagsakripisyo at
namatay dahil ng ating mga kasalanan, makokontento ka ba sa ikapu lamang? O itataas mo ito!
Na sa darating na Enero ay paghahandaan mo na ipadama ulit sa Dios ang kanyang kadakilaan
sa pamamagitan ng FIRSTFRUITS GIVING O TRIBUTE GIVING KUNG TAWAGIN NG IBA!

v. 21 Heb 13:21 Ay pakasakdalin nawa niya kayo sa bawa't mabuting gawa upang gawin ang
kanyang kalooban, na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin niya, sa pamamagitan ni
Jesucristo; na mapasa kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

You might also like