You are on page 1of 1

Ang mga Pakikipagsapalaran ni Tom Sawyer

Isinulat ni Mark Twain

Ang matatalik na mga kaibigan ni Tom Sawyer ay kinabibilangan nina Joe Harper at Huckleberry Finn. Sa
Ang mga Pakikipagsapalaran ni Tom Sawyer, ang pagkahibang niya sa kaniyang kaklaseng si Rebecca
"Becky" Thatcher ay kapansin-pansin. Namumuhay siyang kapiling ang kaniyang lalaking kapatid sa
magulang na si Sid, ang kaniyang pinsang babaeng si Mary, at ang kaniyang mahigpit na tiyahing si Aunt
Polly (Tiya Polly) sa kathang-isip na bayan ng St. Petersburg, Missouri. Bilang karagdagan, mayroon siyang
isa pang tiyahin, si Sally Phelps, na nakatira sa malayu-layo pa mula sa tahanan ni Tom Sawyer at nasa
may Ilog ng Mississippi, sa bayan ng Pikesville. Si Tom Sawyer ay ang anak na lalaki ng namatay nang
kapatid na babae ni Aunt Polly.

Sa Ang mga Pakikipagsapalaran ni Huckleberry Finn, si Tom Sawyer ay isa lamang tauhang hindi
pangunahin, at ginamit bilang isang kapahamakan para kay Huckleberry Finn (na ang palayaw ay Huck),
partikular na sa mga sumunod na mga kabanata ng nobela pagkaraan makarating na si Huck sa taniman
ni Uncle Phelps (Tiyo Phelps). Ang imaturidad (kamusmusan), imahinasyon, at obsesyon ni Tom Sawyer
sa mga kuwento ay nakapaglagay sa balak ni Huck na sagipin ang isang tumakas na aliping si Jim sa isang
katayuan ng malaking panganib — sa kalubusan ay nakapagpalagay sa katayuan na hindi na kailangang
isagawa ang pagsagip kay Jim, dahil sa nalalaman niyang ang babaeng may-ari o amo ni Jim ay namatay
na at pinalaya na nito si Jim ayon sa kasulatang tinatawag sa wikang Ingles bilang will (nakasulat na
kalooban o kagustuhan). Sa kabuoan ng nobela, ang pag-unlad na pangkaisipan at pangdamdamin ni
Huck ang pangunahing tema, at sa pamamagitan ng muling pagpapakilala ng tauhan mula sa umpisa (si
Tom Sawyer), nagawang bigyan ng diin at ipamalas ni Mark Twain ang ebolusyong ito hinggil sa katauhan
at katangian ni Huck.

You might also like