You are on page 1of 1

“Tunay na Pag-ibig”

Mainit ang paligid at di mapaliwanag ang nararamdaman. Nakakatindig balahibo at para


bang ako ay may gatas pa sa labi na naliligaw sa isang lugar na walang kakilala at walang lakas ng
loob para makipagusap. May nagsesermon sa harapan at may mga tumutugtog ng istrumento na tila
ba sa bawat tunog ng gitara, sa bawat lyrikong inaawit ng vocalista, at sa bawat pagpalo ng tambol,
ang puso ko ay parang puputok, na di ko mapaliwanag. Ako ay walang kaalam-alam sa mga
pangayayari at laking gulat ko nalang na ang aking mga kasama ay nagsisituluan na ang mga luha.
Ako ay nagtaka, di ko maintindihan kung bakit sila umiiyak at sumisigaw sa lugar na ito na dapat
katahimikan at kapayapaan ang meryoon. Hindi ko maintindihan kung bakit sila nagpapakabaliw at
nag papaka walang hiya sa lugar na ito na tila bang parang mga baliw na nakawala sa hospital.

Iba iba ang aking mga natatanaw sa lugar na ito. Meyroong mga tumatalon, sumisigaw,
umiiyak. Wala parin akong naiintindihan sa mga nangyayari, hanggang ang nagsesermon ay
parang may sinabi at parang ako ang kanyang pinapatamaan, sabi niya ay “ikaw, wag ka lang dyan
tumayo at ikaw ay magpuri sa Diyos sapagkat siya ay pinakamataas sa lahat”. Ako ang nagulat at
napaisip, nagtataka kung ako ba ang pinaparinggan ng nanenermon, ako ay natakot at kinabahan,
naisipan kong umalis na sa lugar nayun ngunit may sinabi ang nanenermon, ang sabi niya ay “pede
ba na ating yakapin ang bawat isa?”. Ako ay nagulat sa aking naramdaman. Nakaramdam ako ng
init at pagmamahal na di ko maintindihan, at laking gulat ko na ang yumakap sa akin na babae ay
pinagdasal pa ako. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinagdasal ni hindi ko man nga siya
kakilala, at ako ay kinilabutan sa kanyang sinabi na “sobrang mahal ka ng Diyos na nagawa niya na
maipako sa krus dahil lang sa kasalanan natin”. Ako ay sobrang napaisip sa sinabi niya at parang
ako ay sobrang nasaktan, at sobrang nasaktan at di ko maalis sa isip ko ang tanong na “bakit” na
bakit niya ginawa para sakin yun? Ganun naba ako ka espesyal? Diko maintindihan ito hanggang
maalala ko ulit ang sinabi ng babae sakin na “sobrang mahal ako ng Diyos” at ako ay humagulgol ng
walang tigil. Sa pag uwi ko ay wala akong kamalay malay na ang aking kaluluwa ay nasa Diyos na
sapagkat tinanggap ko na si Hesus sa aking buhay.

Pagkatapos ng araw na iyon meryoong mga pumunta sa aming bahay para sabihin sa akin
na “pwede ba ikaw sumali sa mga tumutugtog ng istrumento sa lugar na iyon at magpuri sa Diyos na
dakila”. Ako ay sobrang natuwa, sapakat di ko inaasahan na bibigyan ako ng oportunidad ng Diyos
para magkaroon ng gawain para sakanya, nasa isip ko nun na makakabawi na ako sa Diyos, ngunit
patagal ng patagal ay nababago ang nasa isip ko na iyon, sapagkat di natin kayang makabawi sa
Diyos.

You might also like