You are on page 1of 1

"Walang Gana"

ni Mikee O. Cajara

Si Mikee Cajara ang bunsong anak na babae ng mag-asawang may palayaw na Dago at Lory. Siya ay may
matangos na ilong, katamtamang balat at kulot ang buhok. Masipag siya sa mga gawain sa bahay. Maka-
Diyos din, dahil sa hindi nakakaligtaang magsamba bawat Linggo. Sa kasamaang palad, hindi siya mahilig
kumain.

Isang bata na may palayaw na "Ake" ang walang hilig sa pagkain. Palagi siyang nagpapagutom at kung
kumain man ay palaging lampas na sa oras. Napapansin ng kanyang ina na nangangayayat na ang
kanyang bunsong anak. Dahil dito, namomoroblema ang kanyang ina kung ano ang gagawin upang
magkaroon lamang ito ng gana.

Isang araw, habang nag-iinternet ang kanyang ate ay nakakita ito ng isang post sa facebook tungkol sa
mga posibleng mangyari sa mga batang kulang ng sustansiya at walang ganang kumain. Habang sila ay
nag-uusap-usap sa sala, biglang nagsalita ang panganay.

"Ma, may nakita akong post dito sa facebook. Hindi lang kumain, naospital na. Di ba ma kung nasa
ospital ka, tinuturukan ng malalaking karayom, tapos may ipinapasok sa loob ng ilong, sa bibig at sa
pwet. Sabi pa nga ng kaibigan ko, sa isang araw daw, mga tatlo hanggang limang beses tuturukan ng
karayom, injection daw sabi nila."

Maya-maya pa at nagsalita si Ake.

"Ma, ginugutom na ako. Kumain na tayo."

You might also like