You are on page 1of 10

Detalyadong Banghay - Aralin sa Filipino

ni Miraflor C. Margallo
Ika – 3 ng Marso, 2018

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang ng
sekundarya ay inaasahang,

a. Nakasusulat ng isangn liham propesyonal.

II. Paksang – Aralin


a. Paksa: Liham Propesyonal
b. Sanggunian:

c. Kagamitan: aklat, laptop, projector

III. Pamamaraan/Estratehiya

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Pagbati

Magandang umaga, klas. Magandang umaga rin po, Maam.

2. Panalangin

Tumayo ang lahat para sa pana-


langin. Pangunahan mo ang pag-
darasal, Michelle. Michelle: Panginoon, maraming
salamat po… Amen.

Bago kayo umupo, ayusin muna ang


mga upuan at pulutin ang mga kalat.

3. Pagtsek ng Atendans

Sino ang lumiban ngayong araw? Wala po.

4. Pagbabalik-aral

Klas, ano ang natalakay natin noong


nakaraang araw? James. James: Natalakay po natin
ang tungkol sa ugnayan
ng wika at kultura.
Magaling!
5. Pagganyak

Klas, tumingin kayo sa inyong paligid,


isa-isip ang mga bagay at lahat na
makikita sa loob ng klasrum.

Ngayon, pumili ng isang bagay o ka-


klase na maaabot ng kamay at hawakan
ito. Pagkatapos, ilahad sa klase kung ano
ito.

Mark, ano ang hawak mo? Mark: Aklat po.

Magaling! Ikaw Apple, ano ang hawak mo? Apple: Lapis po.

Salamat. Ang lahat ng ito ay tinatawag


nating Pangngalan. Ngunit, ang tanong
kung paano natin ito kikilalanin?

B. Pagsusuri
1. Paglalahad

Klas, ang tatalakayin natin ngayon ay ang


Pangngalan. Alam kong natalakay na ito
mula pa nung elementarya at sekundarya
kayo.

Sige nga, ano ang Pangngalan? Nagtaas ng kamay si


Regine.

Sige, Regine.
Regine: Ito ay tumutukoy
sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar at
pangyayari.
Magaling!

2. Pagtatalakay

Sa tradisyunal na balarila at kahulugang


semantika, ang pangngalan ay mga
salitang sumasagisag sa ngalan
ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari,
katangian at kalagayan.

Magbigay ng halimbawa, Claire. Claire: tao – anak, Noel


bagay - tubig, computer
hayop – ibon, ahas, zebra
Magbigay pa ng ibang halimbawa,
Sarah. Sarah:
pangyayari – miting, santakrusan
damdamin – pag-ibig, pagkatuwa
katangian – kabaitan, katapatan
kalagayan – tagumpay, kahirapan

Magaling!

Sa makabagong gramatika na batay sa


estruktural na pagkakabuo, anumang salitang
isinusunod sa mga panandang ang/ang mga,
ng/ng mga, sa/sa mga, si/sina, ni/nina, kay/kina,
atbp.

Magbigay ng halimbawa, Juan. Juan: Si/sina Claire, ang/ang


mga mananayaw, sa/sa
mga iskuwater
Mahusay!

Klas, mayroong iba’t ibang uri ang


Pangngalan.

1. Ayon sa Konsepto
a. Kongkreto o tahas – mga materyal na
bagay ang tinutukoy. Ito ay ang mga
pangngalang nakikita at nahahawakan.
Magbigay ng halimbawa, Arlene. Arlene: aklat, dahon, mesa
b. Abstrakto o basal - mga di-materyal
na bagay ang tinutukoy. Ito ang mga
pangngalang hindi nakikita at hindi
nahahawakan tulad ng diwa, kaisipan
o damdamin.
Magbigay ng halimbawa, Danny. Danny: tuwa, ganda,
enerhiya
2. Ayon sa Kayarian
a. Payak - binubuo ng isang salitang-ugat
o isang morpema lamang.
Hal. bata, damit, kahoy, kain

b. Maylapi - binubuo ng salitang-ugat at


ng isa o higit pang panlapi. Maraming
panlaping makangalan na ang bawat isa
ay may taglay na kahulugan.

 su + an/han:
- lugar na iniuugnay sa tinutukoy ng
salitang-ugat

halaman + -an = halamanan


aklat + -an = aklatan
lamay + -an = lamayan

- resiprokal o magkasamang paggawa


ng aksiyong tinutukoy ng kaugnay na
pandiwa

away + -an = awayan


takbo + -an = takbuhan
sigaw + -an = sigawan

Magbigay ng halimbawa, Crisel. Crisel: awit + -an = awitan,


patay + -an = patayan
Magaling!

 su + in/hin:
- bagay na tinutukoy ng kaugnay na
pandiwa
awit + -in = awitin
bili + -hin = bilihin

 ka- + su:
- tao o minsan ay bagay na magka-
ugnay na nagtutumbasan sa isa’t isa
ka- + opisina = kaopisina
ka- + laro = kalaro
ka- + balen = kababayan

Magbigay ng halimbawa, Rea. Rea: buhay + -in = buhayin

 ka- + su + -an:
- katangian o grupo ng mga bagay o
tao na inihuhudyat ng salitang-ugat
ka- + banal + -an = kabanalan
ka- + pulo + -an = kapuluan

 mag- + su:
- tao, magkamag-anak na ang relasyon
ay tinutukoy ng salitang-ugat
mag- + asawa = mag-asawa
mag- + kapatid = mag-kapatid

Magbigay ng halimbawa, Glea. Glea: ka-+sayaw+-an =


Kasayawan
 mag- + dup + su:
- tatlo o higit pang kaanak na ang
relasyon ay tinutukoy ng salitang-ugat
mag- + a + ama = mag-aama
mag- + ka + kapatid = magkakapatid

- hanapbuhay; tinder/tinder ng
produktong tinutukoy ng salitang-ugat
mag- + gu + gulay = maggugulay
mag- + ma + manok = magmamanok

Magbigay ng halimbawa, Bob. Bob: mag-+ta+trabaho =


Magtatrabaho
 magka- + su:
- dalawang tao o bagay na magka-
ugnay ayon sa pagtukoy ng salitang-
ugat
magka- + kuwarto = magkakuwarto
magka- + trabaho = magkatrabaho

 magka- + ka- + su:


- tatlo o higit pang magkakaugnay
na tao o lugar, ng ayon sa pagtukoy
ng salitang-ugat
magka- + ka + klase = magkakaklase
magka- + ka + probinsiya =
magkakaprobinsiya

Magbigay ng halimbawa,

 mang- + dup + su:


- isang tao na iniuugnay sa
propesyong tinutukoy ng salitang-
ugat
mang- + la + laro = manglalaro = manlalaro
mang- + ba+ basa = mangbabasa = mambabasa

 pa- + su:
- bagay na nagsasaad ng aksiyong
tinutukoy ng salitang-ugat
pa- + dala = padala
pa- + luto = paluto

Magbigay ng halimbawa,

 su + enyo/a:
- taong may pinagmulan; naghuhudyat
ng din ng kasarian
Manilenyo – Manilenya
Cavitenyo – Cavitenya

 su + o/a
- taong may hanapbuhay at may
pinagmulan; naghuhudyat ng kasarian
abogado – abogada
Ilokano – Ilokana

Magbigay ng halimbawa,

 su + -ado:
- lugar o tao
konsulado, diputado

 su + -ante:
- tao, may katungkulan o hanapbuhay
Komedyante, negosyante

 su + -ista:
- tao, may hanapbuhay
artista, kuwentista

 su + -or/-tris:
- tao, may kapangyarihan
senador, emperador, emperatris

 su + -ismo:
- paniniwala, konsepto
komunismo, sosyalismo

 su + -syon:
- gawain, ideya, pangyayari
solusyon, diskusyon, imahinasyon

 su + -ika:
- konsepto, ideya
semantika, sintaktika

 taga-/tiga- + su:
- taong mula sa isang lugar na
tinutukoy ng salitang-ugat
taga- + Aklan = taga-Aklan / tiga-Aklan
taga- + Japan = taga-Japan / tiga-Japan

 taga-/tiga- + su:
- taong nagsasagawa ng aksiyong
tinutukoy ng pandiwa
taga- + luto = tagaluto / tigaluto
taga- + linis= tagalinis / tigalinis

 tagapang- + su:
- taong nagsasagawa ng aksiyong
tinutukoy ng pandiwa
tagapang- + hiram = tagapanghiram
tagapang- + kahoy = tagapa(nga)hoy = tagapangahoy

c. Inuulit
- may pag-uulit sa salitang-ugat
Magbigay ng halimbawa, Rose. Rose: sabi-sabi, bali-balita
d. Tambalan
- binubuo ng dalawang salitang
magkaiba ngunit pinag-isa.

ganap – kapitbisig (tulong-tulong)


hampaslupa (palaboy)
di-ganap – bahay – aliwan,
balikbayan, silid-aklatan

3. Ayon sa Katangian

Pambalana Pantangi
paaralan Holy Angel University
sabon Dove
teleserye Dyesebel
abogado Atty. Rodrigo
lapis Mongol
wika Filipino

Klas, ano ang napapansin niyo na


pagkakaiba ng halimbawa ng pambalana
at pantangi? Mary. Mary: Ang pambalana ay
ang kabuuang diwa habang
ang pantangi ay ang
partikular na ngalan na
isinasaad sa pambalana.
Mahusay!

 Pambalana- nagsasaad ng diwang panlahat.


Hal. guro, aklat, ama, parke

 Pantangi- nagsasaad ng diwa para sa isang


partikular na tao, hayop, bagay, kaisipan o
pangyayari.
Hal. Mrs. Cruz, Luneta Park, Ingles

4. Ayon sa Kasarian

Panlalaki Pambabae di-tiyak walang kasarian


senador senadora mambabatas senado
sastre modista mananahi tahini, gunting
tandang inahin manok tari, itlog, sabong
hari reyna pinuno trono, korona
manong manang kamag-anak

5. Ayon sa Kailanan

 Isahan - gumagamit ng mga panandang


ang, ng, sa, si, ni, kay at pamilang na isa

ang bata si Noel


ng puno ni Paolo
sa balde kay Joshua
isang aklat isang digmaan

 Dalawahan - gumagamit ng panlaping


makangalan na mag- at pamilang na
dalawa

magkapatid, dalawang tao, magbayaw


dalawang mesa, maglolo, dalawang kilometro

 Maramihan - gumagamit ng mga marker


na mga, sina, nina, at kina; quantifier na
marami, ilan, at iba pa; mga pamilang na
higit sa dalawa; gayon din ng pattern na
mag- + dup + su

Hal.
ang mga kongresista sina Cong. Lagman
ng mga dokumento nina Gov. Esguerra
sa mga tagapagbalita kina Aling Sena
magkakapatid may mga kasama
mag-iina maraming artista
magkakamag-anak limang lalaki

Binubuo naman ang di-nabibilang na


pangngalan ng mga bagay na;
(1) Solido ngunit pino at napakarami
kaya hindi mabilang;
(2) Likido
(3) Pangkabuuan

Gayunman, “mabibilang” ang mga ito sa


tulong nga mga quantifier o panukat, tulad nito:

Solidong bagay: isang kilong monggo


isang daang sakong bigas
apat na tasang asin
dalawang latang buhangin

Likidong bagay: tatlong litrong gasoline


sampung baldeng tubig
dalawang dram ng langis
isang bagong gatas

Pangkabuuan: anim na piling ng saging


isang pumpon ng rosas
tatlong batalyong army
limang grupo ng mga konstelasyon

C. Paglalahat

Naintindihan niyo ba klas? Opo, Ma’am.

Ano ang apat na uri ng pangngalan?


Lea. Lea: Ayon sa Kasarian, Ayon
sa Katangian, Ayon sa
Konsepto, Ayon sa
Kailanan at Ayon sa
Kayarian
Magaling!

D. Aplikasyon
Panuto: Magbigay ng halimbawa ng Pangngalang Ayon sa Kasarian.

Panlalaki Pambabae Di-tiyak Walang kasarian

IV. Pagtataya/Ebalwasyon

A. Salungguhitan ang pangngalang ginamit at ibigay ang uri nito ayon sa


konsepto at ayon sa kaanyuan.
1. Ang bata ay madaldal.
2. Malakas ang lindol na naramdaman kagabi.
3. Ang silid-aklatan ay nadamay sa sunog.
4. Napakaganda ng mga halaman sa paligid.
5. Masayang naglalaro ang magkaibigan.
6. Ang hangin ang siyang nagbibigay buhay sa atin.
7. Si Ana ay isang babaeng matalino.
8. Nawala ang aklat na gagamitin.
9. Ang taong naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili.
10. Siya ay binigyan ng maraming bulaklak.

B. Punan ang patlang ng pangngalan batay sa hinihingi nito. (Ayon sa Kayariang


Pansemantika)
Pambalana Pantangi
__________________ UP Diliman
__________________ Boracay
bansa ____________
relo ____________
paliparan ____________
__________________ Mongol
cellphone ____________
__________________ Safeguard
hotel _____________
abogado _______________

V. Gawaing – Bahay:

Ibigay ang mga uri ng bawat isa ayon batayan ng pangngalan at magbigay
ng halimbawa ng mga ito.

1. Ayon sa kasarian
2. Ayon sa kailanan
3. Ayon sa kaukulan

You might also like