You are on page 1of 1

Wikang katutubo: tungo sa isang bansang Filipino.

Ano nga ba ang kahalagahan ng wikang fiipino at ibat ibang katutubong


wika sa ating bansa? Ano nalang kaya ang mangyayari sa bansang sinilangan
kapag tuluyang maglaho ang ating mga katutubong wika?
Ang Pilipinas ay nagsisilbing tahanan ng mahigit 130 na katutubong wika na
siyang ginagamit sa pakikipagtalastasan, pagbibigay impormasyon at pakikipag
usap ng mga Pilipino. Ang mga wikang katutubo ang siyang nagsisilbing batayan
ng wikanng Filipino.
Sa panahon ngayon nanganganib na ang gating mga wikang katutubo
sapagkat mas tinatangkilik na ng mga kabataan ang wika ng mga dayuhan na
siyang hindi dapat sapagkat parang nababale wala na ang ipinaglaban ng ating mga
bayani. Hindi masama na matuto tayo ng mga wikang dayuhan ngunit huwag din
nating kalimutang pausbungin at tangkilikin an gating mga katutubong wika
Ang mga wikang katutubo ay nararapat alagaan at panatilihin dahil ito ay
pamana ng ating mga ninuno sa atin. Isa na itong bahagi ng ating kultura at
pagkatao.
Sadyang napakahalaga ng wikang katutubo dahil ito ang sumasalamin sa
ating pagka Pilipino. Kung sakaling maglaho man ang isa sa ating mga katutubong
wika ay parang may isang bahagi ng ating pagkatao ang mawawala. Kaya ating
palaguin at preserbahin ang wika ng ating mga katutubo upang mapanatili ang
ating mga kultura at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

You might also like