You are on page 1of 3

Ang Biblikal na Batayan ng Pagdadasal ng Santo Rosaryo

Iningatan ko ang iyong salita sa aking puso, upang huwag akong magkasala laban sa iyo.

– Awit 119:11 (Ang Biblia 2001)

Di maikakaila na karamihan sa ating mga Katoliko ay nakaranas nang tuligsain ng kapatid nating
nahiwalay sa ating pananampalataya tungko sa pananalangin natin ng Santo Rosaryo. Ilan sa mga
kadalasang tuligsa ay ang mga sumusunod: a) Ipinagbawal ng Panginoong Jesus ang pananalangin ng
paulit-ulit (Mateo 6:7), b) ang “Hail Mary” ay panalanging nakatuon sa Birheng Maria kaya ito ay isang
idolatry, at c) Hindi naman sinabi ng Panginoong Jesus na kabisaduhin ang “Ama Namin” at yun mismo
ang dasalin. Ang layunin ng babasahing ito ay bigyang katugunan ang mga nasabing tuligsa, ngunit bago
ang lahat dapat muna nating malaman kung ano ba ng layunin ng pananalangin ng Santo Rosaryo.

Ang pangunahing layunin ng pananalangin ng Santo Rosaryo ay ang pagninilay-nilay sa buhay ng ating
Panginoong Jesus Cristo kasama ang kanyang Inang si Maria. Ang Santo Rosaryo ay binubuo ng Tatlong
Misteriyo: Galak, Hapis at Luwalhati.

Ang Misteryo ng Galak ay binubuo ng mga sumusunod:

Pagbati ng Anghel kay Birheng Maria (Lu. 1:26-38)

Ang Pagdalaw ng Anghel kay Elisabet (Lu. 1:39-45)

Ang Pagsilang ng ating Panginoong Jesus (Mt. 1:18-25; Lu. 2:1-7)

Ang Paghahandog kay Jesus sa Templo (Lu. 2:22-38)

Ang Pagkakatagpo kay Jesus sa loob ng Templo (Lu. 2:41-52)

Ang Misteryo ng Hapis ay binubuo ng mga sumusunod:


Ang Paghihirap sa Halamanan ng Getsemani (Mt. 26:36-46; Mc. 14:32-42; Lu. 22:39-46)

Ang Paghampas kay Jesus habang nakatali sa Haliging Bato (Mt. 27:26; Mc. 15:15; Jn. 19:1)

Ang Pagpuputong Koronang Tinik (Mt. 27:27-30; Mc. 15:16-19; Jn. 19:2-3)

Ang Pagpapasan ng Krus (Mt. 27:31-32; Mc. 15:20; Jn. 19:17)

Ang Pagkapako sa Krus at Pagkamatay ni Jesus (Mt. 27:35-55; Mc. 15:24-40; Lu. 23:26-43; Jn.19:18-30)

Ang Misteryo ng Luwalhati ay binubuo ng mga sumusunod:

Ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Panginoong Jesus (Mt. 28:1-10; Mc. 16:1-8; Lu. 24:1-12; Jn. 20:1-10)

Ang Pag-akyat sa Langit ng Panginoon (Mc. 16:19-20; Lu. 24:50-53; Gw. 1:9-11)

Ang Pagbaba ng Espiritu Santo (Gw. 2:1-4)

Ang Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria (Pah. 12:1; Heb. 11:5; 2Hari 2:10-11)

Ang Pagkokorona sa Mahal na Birhen (Pah. 12:1)

Upang magkaroong ng malinaw na ugnayan ang Misteryo ng Galak at ang Misteryo ng Hapis, idinagdag
ni Santo Papa Juan Pablo II ang Misteryo ng Liwanag. Ito ang mga kaganapan sa buhay ng Panginoong
Jesus sa pagitan ng Misteryo ng Galak at ng Misteryo ng Hapis.

Ang Misteryo ng Liwanag ay ang mga sumusunod:

Ang Pagbibinyag sa Panginoong Jesus (Mt. 3:13-17; Mc. 1:9-11; Lu. 3:21-22)
Ang Paghihimala ni Jesus sa Kasalan sa Cana (Jn. 2:1-12)

Ang Pagpapahayag ng Kaharian ng Diyos (Mt. 4:12-7:29)

Ang Pagbabagong anyo ng Panginoong Jesus (Mt. 17:1-8)

Ang Pagtatatag ng Banal na Eukaristiya bilang Sakramento (Mt. 26:20-30; Mc. 14:17-26; Lu. 22:14-20; Jn.
13:21-30)

Kung papansining mabuti, ang mga Misteryo ng Santo Rosaryo ay mula mismo sa Biblia – ang buhay ng
Panginoong Jesus kasama ng kanyang Inang si Maria. Ibig sabihin, ang pagninilay ng mga Misteryo ng
Santo Rosaryo ay pagninilay ng Salita ng Diyos. Ang pagninilay ng mga Misteryo ng Santo Rosaryo ay
pagninilay sa buhay ng Salita ng Diyos na nagkatawang Tao.

Ngayon, talakayin naman natin ang mga tuligsa ng mga kapatid nating nahiwalay sa pananampalataya.
Atin pong isa-isahin…

You might also like