You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V- Bicol
Division of Camarines Norte
San Vicente- San Lorenzo Ruiz District
SAN VICENTE ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN IV


PANURUANG TAON 2017-2018

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Bagong lipat lang sa lugar ang mag-anak na Santos. Napansin nila na malapit sa dagat ang
kanilang lugar at ang mga tao doon ay halos lahat may Bangka. Ano ang posibleng maging
hanapbuhay ng mga tao roon?
A. Tubero
B. Maghahabi
C. Magsasaka
D. Mangingisda

2. Alin sa mga sumusunod ang mga produkto sa pagsasaka?


A. Pilak at ginto
B. Perlas at kabibe
C. Paghahabi ng tela
D. Palay, mais, at gulay

3. Ang mga lugar na maraming bato at luwad ay may hanapbuhay na ____________.


A. paglililok
B. pangangaso
C. pangingisda
D. pagkakaingin

4. Anong uri ng kapakinabangang pang-ekonomiko ang dulot ng Bulkang Mayon?


A. Turismo
B. Kalakal
C. Podukto
D. Enerhiya

5. Anong uri ng kapakinabangang pang-ekonomiko ang dulot ng Talon ng Maria Cristina?


A. Turismo
B. Kalakal
C. Podukto
D. Enerhiya

6. Ano ang pakinabang na pang-ekonomiko ang ibinibigay sa atin ng Bangui Windmill?


A. Turismo
B. Mineral
C. Enerhiya
D. Kalakal at produkto

7. Paano nakatulong sap ag-unlad ang mga likas na yaman ng bansa?


A. Nagbibigay ito ng sapat na pagkain.
A. Maaari itong gawing magandang tanawin
B. Nagbibigay ito ng enerhiya
C. Lahat ng nabanggit
8. Ang pag-iiba-iba ng klima ng mundo ay tinatawag na ____________.
A. polusyon
B. pagkakaingin
C. reforestation
D. global warming

9 Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggamit ng likas na yaman?


A. Pagsusunog ng basura
B. Bio-intensive gardening
C. Paggamit ng dinamita a pangingisda
D. Pagtatayo ng pabrika malapit sa ilog at dagat

10. Ano ang mangyayari kung hindi natin aalagaan nang maayos an gating likas na yaman?
A. Magiging mas maunlad ang ekonomiya
B. Magiging mas maayos pa ang buhay ng tao
C. Mapakikinabangan pa natin ang ating likas na yaman
D. Masisira ang ating paligid at mawawalan ng yaman ang susunod na salinlahi.

11. Ang matalinong pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa ay magdudulot ng _______.


A. paghihirap
B. pag-unlad
C. pagkasira
D. pagkakagulo

12. Ang iyong kapatid ay mahilig magtaponng mga bagy na alam mong maaari pang gamiting
muli. Ano ang gagawin mo para maiwasto ang ginagawa niya?
A. Isusumbong ko siya sa aming mga magulang.
B. Sasabihin ko sa guro niya na turuan siya ng 3Rs (reuse, reduce, recycle)
C. Kukunin ko ang mga itinapon niya na pwede pang pakinabangan.
D. Tuturuan ko siya kung paano pa muling mapakinabangan ang mga bagay na akala niya ay
basura na.

13. Kung patuloy na aalagaan at iingatan ang mga likas na yaman ng bansa, alin sa palagay mo
ang posibleng mangyari?
A. Mauubos na ang mga puno.
B. Hihina ang turismo ng bansa.
C. Patuloy na mapapakinabangan ng salinlahi ang mga likas na yaman.
D. Lalo pang yayaman ang mga nagpuputol ng puno at nanghuhuli ng isda sa pamamagitan
ng dinamita.
14. Kaninong pananagutan ang magbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa tamang paraan
ng pangangasiwa ng likas na yaman?
A. Pamilya
B. Paaralan
C. Simbahan
D. Pamahalaan

15. Tungkulin ng _________ na hubugin ang mga anak nang may pagpapahalaga sa kalikasan.
A. pamilya
B. paaralan
C. simbahan
D. pamahalaan
16. Ito ay batas na naglalayong protektahan ang mga yamang koral sa katubigan ng Pilipins.
A. PD 705
B. Republic Act 428
C. PD 1219 / 1698
D. Republic Act 6678

17. Alin dito ang nararapat mong gawin?


A. Putulin ang puno
B. Magtanim ng puno
C. Mag-aksaya ng tubig
D. Magtapon ng basura sa ilog.

18. Sa paaralan, alin sa mga sususunod ang iyong pananagutan upang makatulong ka sa
pangangalaga ng likas na yaman?
A. Pagkalat ng plastic kahit saan
B. Pag-apak sa sa halaman
C. Pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan
D. Pagtulong sa paglilinis kapag inuutusan

19. Habang ikaw ay nasa daan pauwi ng tahanan, nakita mong sinisira ng isang bata ang mga
halaman ng inyong kapitbahay. Ano ang iyong gagawin?
A. Hayaan na lang siya
B. Tularan ang kanyang ginagawa
C. Isumbong at ipahiya sa kapitbahay
D. Sabihan na di dapat paglaruan ang mga halaman, nararapat itong pangalagaan

20. Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay nakatutulong sa ___________ ng bansa.


A. paghina
B. paghihirap
C. pag-unlad at pagsulong
D. pagbagsak ng ekonomiya

21. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtangkilik sa sariling produkto?


A. Pagbili ng sapatos na yari sa Marikina
B. Paggamit ng imported na kasuotan
C. Pagbili ng mga tsokolate mula sa ibang bansa
D. Paggamit ng mga damit na gawa sa Tsina

22. Kung may sapat na produkto ang isang bansa, ano ang dapat nitong gawin?
A. Ipamigay sa ibang bansa.
B. Itapon sa karatig dagat.
C. Iangkat o ibenta sa ibang bansa.
D. Hayaang mabulok ang mga ito.

23. Alin sa mga ito ang nagsisilbing hamon sa mga magsasaka?


A. Makabagong teknolohiya
B. Paghikayat sa mga OFW na mamuhunan
C. Kawalan ng control sa presyo ng mga produkto
D. Bagong pag-aaral sa pagpaparami ng ani

24. Kabilang sa mga hamon sa mga gawaing pangkabuhayan sa Pilipinas tulad ng pangingisda
at pagsasaka ang pagbabago ng klima at iba pang likas na mga pangayayari tulad ng
kalamidad at El Niño phenomenon. Ano ang ibig ipakahulugan nito?
A. Malaki ang epekto ng kalikasan sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa.
B. Maraming hamn at oportunidad na hinaharap ang ibat-ibang mga gawaing pangkabuhayan
sa bansa
C. Sa kabila ng mga hamon, dapat puro oprtunidad lamang ang isipin ng mga magsasak at
mangingisda
D. Dapat manatiling metatag ang mga magsasaka at mangingisda dahil marami pang ibang
hamon na darating sa kanila

25. Ano ang gawain ng Philippine Strategy for Sustainable Development (PSSD)?
A. Mapalakas ang turismo sa bansa
B. Makontrol ang pag-aangkat ng produkto sa ibang bansa.
C. Mahikayat ang mga mamamayan na magkaroon ng disiplina sa sarili
D. Magsagawa ng ibat-ibang paraan upang matugunan ang pangangailangan ng tao.

26. Ang pangkat etnikong gumagawa ng Hagdan-Hagdang Palayan sa pamamagitan lamang ng


kanilang kamay.
A. Ivatan
B. Manobo
C. Ifugao
D. Samal

27. Naglalagay ng disenyong sarimanok sa kanilang bahay.


A. Muslim
B. Waray
C. Ilonggo
D. Cebuano

28. Sa kanila natin natutunan ang pagsasagawa ng malaking pista at pag-aalala sa santong patron
ng mga bayan.
A. Arabe
B. Tsino
C. Espanyol
D. Amerikano

29. Anong simbahan ang matatagpuan sa Intramuros na itinatag noong 1598?


A. Paoay
B. San Agustin
C. Immaculate Concepcion
D. San Isidro Labrador

30. Sino ang nagsulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na nakatulong sa pagsulong at


pag-unlad ng kulturang Pilipino?
A. Jose Rizal
B. Francisco Baltazar
C. Lope K. Santos
D. Marcelo H. del Pilar

31. Sino ang tinaguriang dakilang pintor?


A. Juan Luna
B. Carlos Francisco
C. Fernando Amorsolo
D. Damian Domingo

32. Ang pagmamano sa matanda ay nagpapakita ng ___________.


A. paggalang
B. pagmamahal
C. pagkamasayahin
D. pagkamaunawain
33. Ang Lungsod ng Batangas ay maunlad na lungsod. Maraming mall at mga gusali rito.
Marami ding mga tindahan sa bayan. Ano kaya ang hanapbuhay ng mga tao rito?
A. Pagtitinda
B. Pagsasaka
C. Pangingisda
D. Pagkakarpintero

34. Ano ang dapat gawin habang inaawit ang Lupang Hinirang?
A. Maglaro
B. Mag-ingay
C. Maghabulan
D. Tumayo nang tuwid

35. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagmamalaki sa kulturang Pilipino?
A. Pagrangkilik sa larong Pinoy
B. Pagkalimot sa ating tradisyon
C. Paggalang sa watawat ng Pilipinas
D. Pagsasaliksik sa mayamang kultura ng bansa

36. Ano ang dapat gawin ng mga taong magkaiba ang kultura sa isang komunidad?
A. Ipagwalang-bahala na lamang
B. Mag-iwasan upang maging mapayapa ang komunidad
C. Magtulungan sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad.
D. Makipaglaban sa isat-isa upang magkaroon ng iisang nangungunang kultura lamang.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

37. Paano mo ilalarawan ang isang lugar na sagana sa likas na yaman?


38. Bakit kailangang pangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa?
39. Ano ang pananagutan ng paaralan sa pngangasiwa sa likas na yaman?
40. Bilang isang mamamayan, ano ang iyong magagawa upang mapangalagaan ang likas na
yaman?

Ihinanda ni:
VILMA U. REODIQUE

You might also like