You are on page 1of 3

ALJANE R.

SIAGA JULY 3,2018

RIZAL

ANG MGA LIHIM NG PAMILYA NI RIZAL

“Aanhin mo ang bahay na bato, kung ang nakatira naman ay

kuwago”

Marahil maraming tao ang naghahangad magkaroon ng malaki at magarbong


tirahan, mas kailangan pa rin natin ang pamilyang walang tinatago bagkus ay napupuno
ng kaligayahan at buhay na makabuluhan. Hindi rin natin matatawag na tahanan ang
isang bahay kung ang bawat miyembro ng pamilya ay nababalot ng sikreto lalo’t higit ay
walang pagmamahalan.

Sa isang malaking bahay sa Biñan, Laguna na pagmamay-ari ng mga Alberto,


kamag-anak ng ina ni Rizal na si Teodora Alonzo, nasaksihan ang iba’t ibang lihim ng
kanilang pamilya. Si Teodora Alonzo na anak nina Lorenzo Alonzo at Brigida de
Quintos ay pawing nababalot ng iba’t ibang hindi inaasahang pangyayari. Gayundin ang
kanyang bunsong kapatid na si Jose Maria Alonzo o mas kilala sa tawag na Jose
Alberto.

Si Jose Alberto ay madalas magbyahe at magpalipat-lipat ng bansa. Mayroon


siyang asawa na kapangalan ng kanyang kapatid, si Teodora Formoso. Isang araw,
bumalik si Jose sa malaking bahay mula sa ibang bansa. Ngunit sa kanyang
pagbabalik, nalaman niya ang pagtataksil ng kanyang asawa sa pamamagitan ng
pagsama o pakikipagkita sa ibang lalaki.

Sa sobrang galit nito ay ikinulong niya ang kanyang asawa na si Teodora


Formoso sa isang silid. Sa kanilang banda, ninais makialam ni Teodora Alonzo sa away
ng mag-asawa. Pinigilan ito ni Francisco Mercado, ama ni Rizal ngunit hindi ito
nagpapigil.

Isang hapon, binisita ni Teodora Alonzo si Teodora Formoso kasama ang


kanyang anak na si Saturnina. Ibinigay ni Teodora Alonzo ang meryenda sa asawa ni
Jose Alberto ngunit hindi niya ito kinain bagkus ay tinawag niya ang kanyang alagang
aso at dito ipinakain. Ilang minute lamang ay namatay ang alaga niyang aso. Dahilan
upang mapagbintangan si Teodora Formoso. Ipinatawag ng mga Guwardiya Sibil
upang dakpin ang ina ni Rizal at ikulong sa loob ng dalawang taon. Para sa akin,
maaaring ito ay sinadya ni Teodora Formoso ngunit kailangan pa rin nating siguraduhin
at imbestigahan ang buong pangyayari upang walang naaabuso.

Matapos ang pangyayaring ito, napag-alaman din ang isang pangyayari tungkol
sa magkakapatid na sina Narcisa, Teodora, Gregorio, Manuel at Jose. Ayon sa
pananaliksik at kaalaman ng iba, nasabing sina Teodora Alonzoat ang iba pa niyang
mga kapatid bukod kay Jose ay mga ilihitimong anak. Sapagkat ang kanilang ama na si
Lorenzo Alonzo ay nabalitang nagpakasal sa isang labing dalawang taong gulang na
babae na si Paula Florentino, hindi pa man nakikilala ng kanilyang ama si Brigida de
Quintos. Hindi sila nagkaroon ng anak sa pagkakataong ito at makalipas ang sampung
taon matapos ang pagpapakasal ay nagsama na sina Lorenzo at Brigida. Naging bunga
ng kanilang pagmamahalan sina Narcisa, Teodora, Gregorio at Manuel. Ngunit si Jose
ay sinasabing anak ni Lorenzo kay Paula Florentino nang sila ay magkitang muli. Kung
kaya’t naging mitsa ito upang tawaging bastardo ang pamilya nina Teodora.

Naging usap-usapan din ito ng mga tao kung kaya’t napagkasunduan ng


magkakapatid na kay Jose dapat mapunta ang malaking bahay ng mga Alberto. Ngunit
sa kinalaunan ng panahon, nagsimulang mag-aral si Rizal at napagdesisyunan niyang
hindi rito manirahan. Bagkus ay nanuluyan siya sa kapatid ng kanyang ama na si
Tomacia Mercado. Marahil naging usapan ang bagay na ito, nararapat na isipin at
mahalin pa rin natin ang pamilyang ating kinagisnan sa kahit na anong pamamaraan.

Ayon naman kay Barbara Gonzales, apo sa tuhod ng isa sa mga kapatid ni Rizal,
nagkaroon ng tsismis patungkol sa relasyon ng anak ni Teodora Alonzo, kapatid ni
Rizal na si Saturnina at ng kanyang tiyuhin na si Jose Alberto. Sinasabing nagkaroon
sila ng anak na pinangalanang Soledad. Ngunit ipinilabas ng pamilya ni Rizal na ito ay
bunsong anak ng kanilang ina na si Teodora Alonzo upang hindi maragdagan ang
kahihiyan ng kanilang pamilya at ngayon ay itinuturing na bunsong kapatid ni Riza.
Maaaring mali ang usaping ito, nararapat pa rin natin itong unawain ng husto dahilan sa
malalim na rason sa pagkakaroon ng relasyon sa pagitan ni Jose Alberto at ng kanyang
pamangkin.

Samantala, ang pangyayari sa pamilya ni Lorezo Alonzo at Brigida de Quintos ay


siansabing hindi totoo base sa isang sulat ni Rizal na matatagpuan sa Ateneo de
Manila, Rizal Room. Hindi raw makatotohanan ang balitang isang ilihitimong pamilya
ang pamilyang kinabibilangan ng kanyang ina sapagkat sina Narcisa, Teodora,
Gregorio, Manuel at Jose ay tunay na magkakapatid na bunga ng pagsasama nina
Lorezo at Brigida. Ngayon, masasabi nating mahalaga ang pagiging totoo at tapat sa
pamilya anuman ang estado sa buhay, gaano man kalaki ang bahay.

You might also like