Professional Documents
Culture Documents
Si Don Francisco Mercado, ama ni Jose Rizal, ay ipinanganak noong ika-11 ng Mayo
1818 sa Biñan, Laguna. Siya ang pinakabata sa labintatlong anak nina Cirila Alejandro
at Juan Mercado. Nag-aral siya ng Latin at pilosopiya sa Colegio de San Jose sa
Manila at dito niya nakilala ang kanyang asawa, si Teodora Alonso Realonda na doon
din nag-aral. Binuhay niya ang pamilya nila sa pamamagitan ng pagtanim ng mga
bugas, tubo, at iba pang mga pananim. Itinuring nga siyang modelo na tatay ni Jose
Rizal.
Si Donya Teodora Alonso o kilala bilang Donya Lolay, ay ang ina ni Jose Rizal na
ipinanganak noong ika-9 ng Nobyembre 1827 sa Meisik, Tondo, Manila. Siya ang
ikalawang anak nina Lorenzo Alonso at Brijida de Quintos. Galing sa may-kaya na
pamilya, nag-aral siya sa Colegio de Santa Rosa sa Manila at siya ay naging edukado.
S’ya ay naging isang masipag at dedikadong ina at nagsilbing unang guro ni Jose Rizal.
Siya Siya si Soledad bunso sa magkakapatid. Ipinanganak noong 1870. Siya tinatawang
ding “Choleng”
Siya naman si Leonor Rivera, unang pagibig ni Jose Rizal. Unang una niyang pinaglaban
ngunit hindi siya nagtagumpay.
Siya naman si Josephine Bracken ang naging tunay na pagibig ni Rizal. Pinakasalan niya
ito at sila’y nagkaanak na nagngangalang Francisco.
Siya naman si Justiano Aquino Cruz ang tumulong kay Rizal upang mas lumawak ang
kaalaman nito.
(SARA NG KURTINA)
Isang tahimik at taimtim na gabi ang mayroon sa Calamba, Laguna. Tanging mga
kuliglig at huni ng mga maliliit na insekto na lamang ang naririnig. Dito nakatira ang
pamilyang Mercado, sa isang payapa at tahimik na baryo.
Ngunit isang gabi alas onse y medya, nakaramdam na ng mahihinang tapik at daing si
Don Francisco mula sa kan’yang asawa na si Donya Teodora. Dali dali nitong
ipinatawag ang kumadrona na mag aanak sa kan’yang asawa.
Labis ang pagkataranta ng mga tao sa kanilang tahanan nang marinig ang balita.
Dali daling nagtungo si Don Franciso sa silid kung saan manganganak ang kan’yang
asawa, na may dala-dala. “Ito na! Ito na ang inyong mga kakailangananin.” Habang
rinig na rinig pa rin ang palakas na nang palakas na hinaing ni Donya Teodora.
“Sige na, Don Francisco. Tumabi ka na lamang at akin nang papa-anakin ang Donya.”
Mahinahon ngunit halata sa boses ng kumadrona ang pagkataranta.
“Aray!” Malakas na daing ni Donya Teodora habang hawak hawak ang kan’yang tiyan
at halos mamilit sa sakit nito.
Samantala, ang mga kapatid ni Rizal ay tahimik na nagpapabalik balik sa labas ng silid
na ito sa labis ng pagaalala.
“Aray!” Ani Donya Teodora.“Sige, Iiri mo lang! Sige pa, Donya!” Paimpit na sigaw ang mga
nilabas ni Donya Teodora habang mahigpit na nakakapit sa kamay ni Don Francisco.
Malakalipas ang halos isang oras na paghihintay, napalitan ang ingay ng mga kuliglig ng
isang iyak ng batang sanggol.
“Isang napakalusog na bata, ang batang iyan ay napaka swerte. Sapagkat sinasabi, na
kapag malaki ang kan’yang ulo ay lalaki rin itong may angking galing at talino.” Nagagalak
na pamumuri ng Kumadrona sa batang sanggol.
Labis ang tuwa ng mag asawa nang marinig iyon, at nang mahawakan ang kanilang
mumunting sanggol.
“Ano ang ipapangalan mo sa ating anak, mahal ko?” Malumanay na tanong ni Don
Francisco sa kan’yang asawa.
“Jose, Jose ang ipapangalan na'tin sa kan’ya. Hango sa ngalan ng ama ni Hesu Kristo.”
Nakangiti nitong sabi habang tinititigang ang kanilang anak sa kan’yang mga braso.
(SARA NG KURTINA)
KABANATA II
SCENE 3 (PAGAARAL NI RIZAL)
Kasalukuyang nag babasa ng bibliya si Rizal sa loob ng kanilang tahanan. Rinig ang
mga huni ng ibon at tilaok ng mga manok sa kanilang bakuran, samantalang ang
kanyang mga kapatid ay abala sa kani-kanilang mga gawain.
Samantalang ang kan’yang ina ay may munting ngiti sa mga labi habang tinatanaw ito,
habang pinagpapatuloy ni Rizal ang kan’yang ginagawa ay unti unting lumapit ang
kan’yang ina.
“Opo inay, aking paghuhusayan pa.” Magalang sagot ng kan’yang anak na si Rizal.
Hinaplos nito ang ulo ng kan’yang anak “Halika’t tuturuan pa kita ng mga dapat mong
matutunan.”
Makalipas ang ilang minuto, sunod na pumasok sa silid tanggapan si Don Francisco.
Tahimik na tumango na lamang si Don Francisco. “Nga pala, Pepe. Sasama ka sa’kin at
tayo’y paparoon sa Antipolo. Bibisitahin na’tin ang kanilang Berhen.”
“Mahal ko, dumiretso kayo ng Manila ‘pagtapos niyong pumunta sa Antipolo. Bisitahin
niyo si Saturnina nang malaman na’tin ang kan’yang kalagayan.” Pagbibilin ni Donya
Teodora sa kan’yang asaawa.
“Masusunod, Aking iniirog.”
“Oh siya, ligpitin mo na ‘yang mga libo, Pepe. At mamaya’y kukwentohan kita ng iba’t
ibang kwento.” Paguutos nito kay Rizal.
SCENE 4
SCENE 5
Maestro: Ang iyong talino at galing sa pagaaral sa mura mong edad ay lubos na
kahanga hanga Rizal, bakit hindi mo subukan mag-aral sa Maynila? Tiyak akong mas
marami ka pang matututunan doon”.
Maestro: “’Wag kang magalala aking kakausapin ang iyong magulang tungkol sa bagay
na iyan” bigkas nito bago lumabas ng silid.
Ilang buwan nga ang nakalipas, tuluyan nang lumipat si Rizal sa Maynila at doon
nagpatuloy sa pag aaral.
SCENE 6
SCENE 7
Habang nagnanarrate si claire, ipapakita ang panliligaw ni Rizal kay Leonor Rivera
ang malayong niyang pinsan. Ang pagpapadala nito sa pilipinas ng sulat kay Leonor
mula europe. Lihim nilang pagpapadala ng sulat sa isa't isa.
Rizal: “Itay kahit sandaling panahon lamang, masulyapan ko lang ang aking
minamahal” Francisco: “makinig kang mabuti señorito, hindi maaari ang iyong
(sara ng kurtina)
Dito ipapakita ni Leonor na mahal niya si Rizal at gusto niya itong makita. ipapakita
dito ang pagpapaliwanag ni leonor
“Ina, iniibig ko si Jose nais ko lamang na makita siya” kalmadong sabi ni Leonor.
“Itigil ninyo ang kahibangan na yan, walang mabuting maidudulot yan sa pamilya
natin leonor” pagalit na sabi ng kaniyang ina.
“Ngunit Ina iniibig ko po si Jose” aaktong aalis si Leonor.
(sara ng kurtina)
Sa pagkakataong ito patuloy ang pagsusumamo ni rizal na makita si leonor at
pakasalan ito. Palakad lakad si rizal habang nagiisip tapos papasok ang kaniyang
tatay.
Rizal: “Nais ko pong pakasalan si Leonor, bago ako umalis sa pilipinas. Nakikiusap
(sara ng kurtina)
Nang makaalis na si Rizal sa pilipinas patuloy pa rin ang pagpapadala niya kay Leonor
ng sulat ngunit wala na siyang natatanggap na sulat mula rito.
SCENE 6