You are on page 1of 2

Ang Tindera ng Gatas

May isang dalagitang nagtatrabaho para sa mag-asawang may mga alagang baka.
Isang araw, siya ay
binayaran nila ng isang malaking banga ng gatas. Tuwang-tuwa ang dalaga. Dadalhin
niya ito sa palengke at ititinda.
Habang nasa daan, iniisip niya kung ano ang bibilhin niya kapag naibenta na niya ang
gatas. Bibili kaya siya ng bagong tsinelas? Damit kaya? Pulseras kaya?
Napangiti siya at saka naglakad ng pakendeng-kendeng. Siguro ay maraming
hahanga sa kanya kapag suot na niya ang kanyang mga bagong gamit. Kumaway-
kaway
pa siya na parang artista. Inalis niya ang mga kamay niya sa pagkakahawak sa
bangang
nasa ulo niya.
Masayang iniisip niya kung anu-ano ang bibilhin sa perang mapagbibilhan ng
gatas nang biglang dumulas ang banga sa kanyang ulo. Bumagsak ito at tumama sa
isang malaking bato. Nabasag ang banga. Natapon ang gatas. Nawala rin ang mga
pinapangarap niya.

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kanino nagtatrabaho ang dalagito?


a. Para sa isang malaking kumpanya
b. Para sa mag-asawang may mga alagang baka
c. Para sa mayamang pamilya na may malaking taniman

2. Ano ang ibinayad sa dalagita?


a. Isang bangang gatas
b. Isang kaing ng mangga
c. Isang tumpok ng ubas

3. Bakit pupunta ng palengke ang dalaga?


a. Ititinda niya ang gatas na ibinayad sa kanya
b. Ititinda niya ang mga patatas na inani niya
c. Bibili siya ng bigas na kanyang isasaing

4. Anu-ano ang balak niyang bilhin kapag nakuha na niya ang perang napagbilhan?
a. Bagong tsinelas, damit, at pulseras
b. Bagong sapatos at magandang bestida
c. Isang baka

5. Bakit nabasag ang banga?


a. Itinulak siya ng kanyang kapatid kaya nahulog ang banga
b. Itinapon niya ang banga dahil may laman itong gagamba
c. Dumulas ang banga dahil hindi niya ito hinahawakan

Panuto: Tukuyin ang tamang sanhi o bunga batay sa binasang kuwento.

SANHI BUNGA

You might also like