You are on page 1of 2

Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa PANAHON NG MGA

KATUTUBO

. 1. Kasaysayan ng Wika sa Panahon ng Katutubo


. 2. Mayroon ng sining at Panitikan ang mga Pilipino bago dumating ang mga
Kastila. May sariling pamahalaan (barangay), batas, sining, panitikan at wika ang
mga katutubo noon.
. 3. Mga biyas ng kawayan, dahon ng palaspas at balat ng punongkahoy ang
pinakapapel nila noon. Ang ginagamit nilang panulat ay ang dulo ng matutulis na
bakal (lanseta)
. 4. Ang mga gawa ng mga katutubo noon ay sinunog ng mga Kastila dahil ito daw
ay gawa ng demonyo.
. 5. Pinatunayan ni Padre Chirino ang kalinangan ng Pilipinas sa kaniyang
Relacion de las Islas Filipinas (1604). Sinabi niya na may sariling sistema ng
pagsulat ang mga katutubo noon at ito ay tinawag na Baybayin.
. 6. • Baybayin ang tawag sa paraan ng pagsulat ng mga katutubo. - Binubuo ito ng
labinpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labinapat (14) na katinig.
. 7. Kung nais bigkasin ang katinig kasama ang /e/ o /i/, nilalagyan ng tuldok sa
itaas. Kung nais bigkasin ang katinig kasama ang /o/ o /u/, nilalagyan ng tuldok
sa ibaba.
. 8. Kung nais kaltasin ay ang anumang patinig kasama ng katinig sa hulihan ng
isang salita, ginagamitan ito ng kruz (+) pananda sa pagkaltas ng huling tunog.
. 9. Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit (//) sa dulo ng pangungusap hudyat
ng pagtatapos nito.
. 10. Teorya tungkol sa mga Taong Unang Nanirahan sa Pilipinas
. 11. Marami ang nabuong alamat at teorya hinggil sa unang taong nanirahan sa
Pilipinas.
. 12. Teorya ng Pandarayuhan ni Dr. Otler Beyer Isang Amerikanong Antropologo
Kilala din ang teoryang ito bilang wave migration theory. Ito ay sumikat noong
1916. Sabi ni Beyer, may tatlong grupo ang nagpasimula ng lahing Pilipino:
Negrito, Indones, at Malay.
. 13. Nasira ang teorya ni Dr. Beyer dahil nakakita ng bungo at isang panga ang
pangkat ng arkeologo na pinangunahan ni Dr. Robert B. Fox sa yungib ng Tabon
sa Palawan noong 1962.
. 14. Pinatutunayan ng bungong ito na mas nauna ang grupo ng tao nito o yung
lahi nito kaysa sa Malaysia na sinasabing pinanggalingan ng mga Pilipino.
Tinawag nila itong Taong Tabon.
. 15. Nanirahan sila sa yungib may 50,000 taon nang nakakaraan. May nakuha
ring bakas ng uling na nagpapatunay na marunong magluto ang mga sinaunang
tao sa Pilipinas.
. 16. Pinatunayan ni Landa Jacano sa kanyang pag-aaral sa kasaysayan ng
Pilipinas sa UP Center of Advanced Studies noong 1975 at ng mga mananaliksik
ng National Museum na ang bungong natagpuan ay kumakatawan sa unang lahi
ng Pilipino.
. 17. Ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong Peking na kabilang sa
homo sapiens o modern man at ang taong Java na kabilang sa Homo erectus.
. 18. Natagpuan ni Dr. Armand Mijares ang isang buto ng paa sa kuweba ng
Callao, Cagayan. Sinasabing mas matanda pa daw ito sa Taong Tabon at
nabuhay ito 67,000 taon na nakakalipas.
. 19. Teorya ng Pandarayuhan mula sa Relihiyosong Austronesyano Ang mga
Pilipino daw ay nagmula sa lahi ng mga Austronesian. Ito ay hango sa salitang
Latin na auster na ibig sabihin ay “south wind” at nesos na nangangahulugang isla.
. 20. Ayon kay Wilheim Solheim II, Ama ng Arkeolohiyang Timog-Silangang Asya,
nagmula ang mga Austronesian sa mga isla ng Sulu at Celebes na tinawag na
Nustantao. Dahil sa kalakalan, migrasyon at pag- aasawa kaya kumalat ang
lahing ito sa iba’t ibang rehiyon.
. 21. Teorya ng Pandarayuhan mula sa Relihiyosong Austronesyano Ayon kay
Peter Bellwood ng Australia National University, ang lahing ito ay nagmula sa
Timog Tsina at Taiwan at nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 B.C
. 22. Kinilala ang mga Pilipino bilang unang nakatuklas ng bangkang may katig.
Ang mga Austronesian ang kinikilalang nagpaunlad ng rice terracing.
Naniniwala din ang lahing ito sa mga anito. Naniniwala din sila sa paglilibing ng
bangkay sa banga tulad ng natagpuan sa Manunggul Cave sa Palawan.

You might also like