You are on page 1of 13

Politikang Kasoy!

(excerpt from Kuwentong Kutsero) Epifanio Matute

MUSIC THEME UP AND UNDER

PIM:Pagkatapos makapagpalista ni Tandang Hugo sa presinto ay nakita ni Junior si Mr. Alikabok na


nagbabalita sa harap ng isang malaking miting politiko.Sino ang bagong personaheng ito sa ating
kasaysayan?Huwag kayong mainip at makikilala rin ninyo siya.

MUSIC FADE OUT

TEBAN:O ano Junior,nakapagpalista ba ang Lolo mo kaninang umaga?

JUNIOR: Plantsado, ltay.Botero na ngayon ang Lolo.

TERIA:Ano na namang botero ang sinasabi mong bata ka?

JUNIOR:Iyong bomoboto,Inay.

TEBAN Hindi botero ang tawag 'don Junior.Huwag kang dale nang dale nang hindi mo
nalalaman.Magtanong ka muna sa akin..
JUNIOR:Eh ano ang tawag don, Itay?

TEBAN:Botista,Junior,botista!

TONY:Hindi rin ho botista,Itay.kundi,botante.Bueno aalis na muna ako at may miting pa ako kasama ang
aking bagong kliyente.

TEBAN:Sige magiingat ka.

ISKO (Off mike) Teban! Tao po!

JUNIOR: Si Mang Isko, Itay.

TEBAN:O ano yon,Isko?

ISKO: Maari bang makatuloy kami ng kaibigan ko?

TEBAN:Naku hindi!Este bakit hindi.Tuloy kayo.

TERIA: Naku, ano na naman kaya ang gusto ng Iskong yan?

JUNIOR: Pihong dadayo na naman ng daldalan.

SOUND (Off mike)

DOOR OPENING
ISKO: (Off mike) Magandang gabi sa inyong lahat natatandaan pa ba ninyo itong kasama ko?

TEBAN at TERIA: Aba, si Alikabok!

ALIK: (Fading in)Good evening... good evening...Kumusta Teban? Walang hiya hindi ka tumatanda!At
lalong gumaganda ang katawan mo!

TEBAN:(Coughs embarassedly)

ALIK: O Kumusta, Aling Terial?Hmm.. ano ang ginagawa ninyo sa inyong sarili at sa tingin ko'y lalo kayong
gumaganda araw-araw!

TERIA:(Giggles) Naku,si Mang Alikabok hindi nagbabago!

ALIK:Oy, Junior!Kumusta ang bata natin?Oh malaki ka na at ilang araw pa't dalaga este binata kana!

JUNIOR :(Low)Aba!Napapano ang mamang ito?Bagong langis yata ang dila,a.

TEBAN:(Suprised) Aba teka!Ibang-iba ka na ngayon Alikabok.Mula nang umalis ka e kay laki ng


ipinagbago mo.Para kang kandidato kung magsalita.

ALIK: Aha!Ikaw ay isang tunay na manghuhula!Ang inyong abang lingkod,Alikabok J. Alikabok.Kandidato


sa pagka-representante sa ika-limang distrito ng Maynila.Nakahahandang mangloko este maglingkod sa
lahat.Alang-alang sa bayan.Dahil sa bayan at ukol sa bayan.

JUNIOR:Op di pipol.Bay di pipol en por di Plpol.Tulisang pulpol!


TEBAN:Junior, nakihalo ka na naman sa usapan ha!

TEBAN:(Unbelieving) Siya nga ba Alikabok.Totoo nga bang Ikaw ay...

ISKO:(Cutting in) Oo, Teban. talagang kandidato siya sa pagkarepresentante ng ika-limang distrito.

JUNIOR: Teka Mang Isko.Ang alam ko ho e, apat na distrito lang ang Maynila.San hong lugar yong
sinasabi ninyongika-limang distrito.?

ISKO:Ah iyon--

JUNIOR: (Cutting In) Ah, siguro,'yon ang mga pilapil,tambakan, aplaya!

TERIA: Junior makuha ka sa tingin ha?Eh anong partido ang kinabibilangan mo Alikabok?

ALIK: Ah, balewala ang mga partido ngayon.Kaya't ako'y nagtatag ng sarili kong partido na siyang tunay
na lapitan ng bayan.

TERIA: E, alam ninyo'y marami ngayong partido ngunit marami ring hindi nakarehistro.

ALIK: A matagal ko nang ipinarehistro ang aking partido.

JUNIOR:Saan ho?

ALIK: Sa Bureau of... Animal Industryl


TEBAN:E, ano ang pangalan?

ALIK:AKP

TEBAN,TERIA,JUNIOR: Anong ibig sabihin non?

ALIK:Alikabok Kawatan Partylist.

TEBAN:E, sinu-sino ang pinuno ng iyong partido?

ALIK:Wala.Ako lang magisa.

TEBAN,TERIA: Bakit naman ganon?

ALIK:lisa lang naman ang pinuno e.Ang tesorero at iyon ang importante sa lahat.Pagka't siyang
naghahawak ng salapi!

JUNIOR: E ano ang sadya ninyo sa Tatay?

ISKO: Ah alam mo Junior,ako ang ginawa niyang hepe de kampanya.

JUNIOR: A di kung ganon, Mang Isko,kayo ang chief ng mga kampanero.E, saan hong simbahan kayo
nagtatrabaho?

TERIA: Naku, mag-ingat kayo, Mang Isko,baka kayo mahulog!


TEBAN:Ay,naku!Naloko na ang salitaan!Hindi kampanero si Mang Isko, Inay.Siya raw ang hepe de
kampanya ni Mister Alikabok..

TERIA: E, ano ba 'yong hepe de kampanya?Nagpapalaro ba sila ng panya?

TEBAN:Susmaryosep!Dumale na naman si Teria!

ISKO:Hindi laro yon.Ang hepe de kampanya e yong namamahala sa pagtataguyod sa kandidatura ni Mr.
Alikabok.

ALIK:Tama!Tama!Isko bigyan mo nga sila ng aking mga tarheta.

ISKO:A,siyanga pala heto.. magtigitigisa na kayo.Iyan ang ating kandidato.Huwag ninyong kaligtaan 'yan
sa a-ocho ng Nobiembre..

TEBAN:Aba.Teka bakit iba-íiba and hitsura ng retrato ni Alikabok? Ito, mukhang butangero.Ito naman,
mukhang big siyat.'Yon namang isang yon, mukhang basurero.

ALIK: Ah Mang Teban,Iyan ang aking taktika sa politika.Pag kaharap ko ang mga sanggano, ang tarhetang
mukhang butangero ang ipinamimigay ko.Pag mga big siyat,ang mukhang big siyat.Pag mga mahirap,yan
namang mukhang basurero.

TEBAN: Ah ang ibig mong sabihin, kung saan ka nakaharap,doon ka?

ALIK: Siyempre.Talagang ganyan ang politika.Kailangang makipaglaro ka sa iba't-ibang uri ng tao.Sa


ganyan,kagat silang lahal.Isko,ilabas mo ang mga tabako!
ISKO: Areglado.O Teban... Aling Teria

TERIA:Naku,aanhin ko ba iyan.Mahilo pa ako!

JUNIOR: Teka nga!Ano ba talaga ang gusto ninyong mangyari,Mang Isko?

ISKO:Alam mo Junior,nalalapit na ang halalan kaya kaiangang kumilos na ng husto.Ang ibig ko, bilang
hepe de kampanya ni Alikabok, e makuha ang Union de Cocheros, sa pamamagitan ni Teban.

TEBAN:Ay pipito at kalahati na lang kaming mga kutsero, Isko.

JUNIOR: At ang apat ay wala pang sedula kaya hindi makaboboto.

TERIA:Junior!Magtigil ka riyan.Pumasok ka muna sa kwarto mo!

JUNIOR: (Padabog na aalis)

ISKO: Ehem.Bukas ng gabi ay gaganapin sa Plaza Miranda ang isang malaking miting upang ipakilala si
Alikabok sa harap ng bayan.

JUNIOR: E, Mang Isko.May plataporma ba ang inyong partido?

ALIK: Aba,syempre meron.Bukas nga ng gabi ilalahad na lahat iyan sa harap ng bayan at iyon ang aking
unang putok sa aking kampanya!

TERIA: E tekayo Mister Alikabok.Hindi pa pala kayo nag-uumpisa ng inyong kampanya e, bakit namamaos
na kayo?
ISKO: A hindi siya namamaos.Iyang boses nya ay natural na natural,walang halong kemikal.

ALIK: Bueno, huwag kayong mawawala bukas ng gabi sa Paza Miranda! Tinitiyak ko sa inyo!Ang aking
bibigkasing diskurso bukas ay lilikha ng sensasion sa kasaysayan ng politika sa Pilpinas (evil laugh)

MUSIC BRIDGE UP AND UNDER

PIM: At dumating ang daklang gabi ng mga gabi ni Mister Alikabok!Walang hulugang bareta sa Plaza
Miranda ngunit wala ka namang maihuhulog na bareta.Sarado nang lahat ang hardware store sa
Kiapo.Nagsimula na ang malaking miting.Si Isko ang nasa tribuna bilang tagapagpakilala.

MUSIC OUT OF VOICES CROWD OFF MIKE..

(Record)

HOLD BRIEFLY

ISKO: Bayang nakikinig...

VOICES OUT

ISKO:Sa unang pagkakataon, ay humaharap sa inyo ngayong gabi.Ang Allkabok Kawatan Partylist.Ang
tunay na lapitan ng mga kawtlan este ng bayan! Narito ako ngayon, upang ipakilala sa inyo,ang kanyang
tanging kandidato sa pagkarepresentante sa ika-limang purok ng Maynila.Siya'y dakila,magiting, bantog,
at bayaning kilala ng lahat,ang kagalang-galang na Alikabok J. Allkabok

VOICES UP AND OUT


ALIK: (Coughs)Mga kababayan! Ako'y naghahangad na mapaglingkuran ko ang bayan. (With emphasis)
Ang bayang api.Ang bayang limot.Ang bayang alipin.Ang bayang Pilipino!

VOICES UP AND OUT

ALIK: Ngayo'y ilalahad ko sa inyo ang aking mga gagawin, kung ako'y lumabas.Unahin nating sugpuin ang
suliranin ng tulong ng Estados Unidos sa ating bayan.Sinasabi ko sa inyo ako ang higit na makakakurakot
este mahahakuha ng malaking tulong sa Amerika. (Slight pause) Bakit?Iyan marahil ang inyong
itatanong..

TEBAN,TERIA,JUNIOR:(Off mike)Siyanga bakit?

ALIK:Madalingsagutin 'yan, mga kababayan.(Evil Laugh)Gagawin kong kumpare si Truman!

VOICES CHEERS

ALIK:Ito pa!Ito pa!Sa oras na ako'y mahalal limutin nyo ma ang back pay!

VOICES CATCALLS AND HISSES

ALIK:Hintay muna.. makinig kayo sa akin,mga kababayan.Ibaon nyo na sa limot ang back pay sapagkat
gagawa ako ng bagong sistema!

TERIA: (off mike) At anong sistema yan aber?

ALIK: Lalo kayong masasarapan.Dahil ang aking bagong sistemang ipapalit ay A D V A N C E advance pay!
VOICES CHEERS

ALIK: At tandaan ninyo.Ang lahat ng mapapasok sa gobyerno ay tatanggap agad ng advance pay sa loob
ng tatlong taong singkad!At hindi mga sertipikong dilaw lamang ang ibibigay sa inyo kundi,CASH!

VOICES CHEERS.

ISKO: (Off mike) Tatanggap ba ang lahat ng mapapasok sa gobyerno?

ALIK: Sigurado!At hindi lamang yan...Pati pumapasok sa Bilibid!

VOICES: Huh?

ALIK: Ngayon...Ang ikatlo sa aking plataporma.Ang tungkol sa salaping Hapon o mickey mouse money!

VOICES CHEERS

ALIK:Ang milyong palsipikadong salaping Hapon noong panahon ng digma ay ipapatubos natin!
Ipinangangako ko sa inyo!

VOICES CHEERS

ALIK: Bayang nakikinig.Ito'y itaga ninyo sa bato!Sa sandaling ako'y lumabas... ang mga kalaban ko'y
umiiyak na papasok ng Bilibid!Magtiwala kayo sakin...Uubusin sila ng surot sa Bilibid!

VOICES CHEERS
ALIK: Tandaan ninyo,kung sinasabi ng ilang kalaban ko, na kamatayan lang ang makahahadlang sa
kanilang paglabas...Ako?Ni kamatayan,hindi makapipigil sa aking tagumpay sa halalan sa Nobiembre!

VOICES: Ang yabang mo naman! Hambog!Pasikat!

ALIK: Makinig kayo mga kababayan... at ipalilwanag ko sa inyo kung bakit.

TEBAN: Ha!Pusa ka ba?

ALIK: Bakit?

TERIA,JUNIOR: Bakit?

TEBAN: Kasi akala mo may siyam na buhay ka.

TERIA,JUNIOR: Boom!

ALIK: Ssshhhh makinig muna kayo sakin!Hindi ako mapipigil ni Kamatayan dahil kahit na mamatay ako'y
babalik ako sa lupa!

TEBAN,TERIA,JUNIOR :Bakit?

ALIK:Sapagkat siguradong hindi ako mapa-langit man o impyerno!Kaya't asahan ninyong ako'y tiyak na
uupo at uupo sa Kongreso (Evil Laugh)
VOICES CHEERS

SOUND POLICE WHISTLE. REPEAT SEVERAL TIMES.

VOICES COMMOTION

POL:(Fading in)

Sino ang namamahala sa miting na ito?

ALIK: Ako, Mister Pulis.Bakit?

POL Mayron bang permiso ang miting na ito?

ALIK:Aba aba.Hintay muna kayo. (To Isko) Isko,may permiso ba tayo?

ISKO:Huh?Ewan.Anong malay ko?

POL:Ewan ha?Bueno,arestado kayong dalawa.

JUNIOR: Paalam Misterrr Alikabok sana'y matanggap mo ang Advance Pay mo sa bilibid!

VOICES:A, loko.Edi ikaw ang mapapasok sa Bilibid!


MUSIC UP TO CLOSE OF PART I

PIM:At natapos na naman ang isa pang Kuwentong Kutsero.At ako'y nagiiwan ng salitang: 'Kung gusto
mong mahalal,Huwag kang umastang parang Hangal!'

You might also like