You are on page 1of 6

ANG BATIK NG BUWAN

Maikling Kuwentong – Bayan Ng Bisaya

Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin.


Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang
yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang
mga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag
lumalapit sa kanya.

Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming


damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang
lalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan
niyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik
at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang
lipon ng maliliit na bituin nang madikit sa kanya ay biglang natunaw.

Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkat


malungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya
nakita ang maliliit kaya't hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya
matagpuan ang mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya ang asawa. "Niyakap mo
sila? Huwag kang magsisinungaling!”

Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang
punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang
kasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang
sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at
inihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang
mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa
kanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.

ANG DIWATA NG KARAGATAN


Kuwentong - Bayan Ng Ilocos

Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay.


Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang
pangingisda. Sagana sa maraming isda ang karagata. May isang diwatang
nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon.
Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda
upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na
napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.

Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang
mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging
pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon
at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa
karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at
gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira
sa kalikasan.

Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng


karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng
mga tao.

NAGING SULTAN SI PILANDOK


kuwentong bayan ng Maranaw

Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.


Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang
pagkakasalang kanyang ginawa.
Pagklipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harap na nakasuot
ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginituang
tabak.
"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal
na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit
nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng sultan.
"Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat
nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na
mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay
nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa
ilalim ng dagat."
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako
na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May
kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at
itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak."
Umakmang aalis na si Pilandok.
"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang
sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak."
Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihangwalang dapat
makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang ultan sa loob ng isang hawla.
"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng sultan.
"Sino po angmamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok. "Kapag nalaman po ng
iba ang tingkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin
doon."
Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang sultan, Pilandok.
Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal
na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat mlaman ng inyong mga ministro."
"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito. Basta't
ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig
ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok.
Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang bangka.
Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla
at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.

Ito ay isang kuwentong bayan ng Tinggiyan

Sina Adlaw at Bulan

Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting pagpapasunuran at pagmamahalan. Sila'y
sina Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming bituin. Napansin ni Adlaw na lubha ng masikip sa
kanilang bahay sapagkat patuloy na nag-aanak si Bulan. Kinausap ni Adlaw si Bulan at sinabi sa asawa na
pagpapatayin nila ang iba nilang mga anak upang lumuwag ang kanilang tirahan.Tinutulan ni BUlan ang
mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng mainit nilang pagkakagalit. Wala nang katahimikan sa
kanilang bahay sapagkat halos araw-araw ay nag-aaway sila. Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya niyang
makipaghiwalay sa asawa na lalo namang ikinagalit ni Adlaw. Hindi nagtagal ay pumayag na rin si Adlaw
na makipaghiwalay sa kasunduang isasamang lahat ni Bulan ang mga anak na bituin at hindi na pakikita
sa kanya ang mag-iina.
Kaya mula noon, makikitang nag-iisang sumusikat si Adlaw (Araw) sa araw at sa gabi naman ay lumilitaw
si Bulan (Buwan) kasama ang mga anak na bituin. Kapag ang dating mag-asawa'y nagkakatagpo ay lalong
tumitindi ang poot ni Adlaw kay Bulan kaya hinahabol niya ito na nagiging dahilan ng eclipse.

‘Ti Biag Ni Lam-Ang’ : Ang Buhay Ni Lam-Ang

SIYAM na buwan bago siya isinilang sa isang


maharlikang pamilya, namundok ang kanyang ama upang sugpuin ang isang masamang pangkat ng mga
Igorot. Sa kasamaang-palad, napatay ang ama, pinugot ang kanyang ulo at isinabit sa gitna ng nayon ng
mga Igorot bilang gantimpala at parangal sa kanilang pangkat. Sa kabilang dako, nagulat ang ina
pagkatapos nang biglang lumaki ang sanggol at agad-agad nagsalita. Isinumpa ni Lam-Ang - sapagkat ito
nga ang naging pangalan niya - na mamumundok din siya upang matuklas kung ano ang nangyari sa
kanyang ama. Kasama ang kaiba at mabuting pangkat ng mga Igorot, inakyat ni Lam-Ang ang bundok at
natagpuan ang bangkay ng ama niya. Bilang ganti, pinatay niya ang bawat isa sa mga masamang Igorot,
gamit ang tangi niyang sandata - isang sibat.

Pagod na pagod siya pagbalik sa bahay. Minabuti niyang maligo muna at sumisid sa ilog Amburayan.
Kaginsa-ginsa, umapaw ang ilog sa kapal ng putik at dugo na nahugas mula sa kanyang katawan. Lahat ng
isda sa ilog ay namatay. Pati ang mga palaka at iba pang hayop na umahon mula sa tubig ay namatay
lahat sa pampang.

Kinabukasan, ipinahayag ni Lam-Ang sa ina na mag-aasawa na siya. Ginamit niya ang kapangyarihan niya
sa hiwaga at nabatid niya na ang magiging asawa niya ay si Ines, isang babaeng taga-Kandon, isang
munting nayon sa hilaga. Patungo na siya duon nang nadaanan niya ang isang batong dambuhala (stone
giant ) na sumisira sa palay at tabako sa mga bukid. Gamit ang kalasag na pilak na minana sa ama,
nilabanan niya at pinatay ang dambuhala. Tapos, pinugutan niya ng ulo.

Sa Kandon, dinatnan niyang nakapaligid sa bahay ni Ines ang libu-libong lalaki na lumiligaw sa dalaga.
Siksikan silang lahat at, upang makalapit sa bahay, napilitan si Lam-Ang na lumakad sa mga ulo ng mga
lumiligaw hanggang umabot siya sa isang bintana, kung saan siya pumasok sa bahay. Humanga nang
matindi si Ines sa lakas at tibay ng loob ni Lam-Ang kaya pumayag siya agad na maging asawa nito.
Subalit alinlangan pa ang mga magulang ng dalaga. Kailangan daw mag-alay ng bigay-kaya (dowry) ang
mga magulang ni Lam-Ang bago makuha si Ines.

Pumayag si Lam-Ang at ipinangakong babalik siya pagkaraan ng isang linggo, kasama ng kanyang ina at
ng mga handog at iba pang yaman. Humangos siya pabalik sa ina, at naghanda ng isang bangka na balot
ng ginto. Pinuno niya ito ng iba pang ginto, mga alahas, mga estatua at iba pang mamahaling bagay.
Pagbalik niya sa Kandon kasama ng kanyang ina, nagimbal ang mga magulang ni Ines sa dami ng
kayamanang dala niya. Noong araw ding iyon, ikinasal sina Lam-Ang at Ines. Pagkaraan ng 3 taon, nagka-
anak ng lalaki ang bagong mag-asawa.

Isang araw, binangungot si Lam-Ang: Alang-alang sa kanyang anak, at sa kanyang mga ninuno, kailangan
niyang pagdaanan ang makalumang gawi ng pahirap. Ayon sa masamang panaginip, dapat siyang sumisid
hanggang sa sahig ng dagat upang hanapin ang gintong kabibe. Batid ni Lam-Ang na ikamamatay niya
ang gagawin, kaya nagdasal siya at nanawagan sa mga diyos. Sinagot naman siya at binigyan ng pag-asa.
Isiniwalat ni Lam-Ang ang lahat kay Ines: Ang hirap na susuungin niya, ang mga pahiwatig ng kanyang
pagkamatay, pati na ang habilin ng pag-asa na sagot sa kanya ng mga diyos.

Pagsapit ng takdang araw, dumumog ang lahat ng tao sa nayon, pati na sa mga kalapit sa paligid, upang
saksihan ang pagsisid ni Lam-Ang sa gintong kabibi sa ilalim ng dagat. Subalit bahagya pa lamang
nakalubog si Lam-Ang nang biglang umahon si Berkakan, ang dambuhalang halimaw na pating, at
sinakmal ang bayani. Sa bahay, nakita ni Ines lahat ng pahiwatig na isiniwalat ni Lam-Ang. Bumagsak ang
kalan, umuga ang hagdan, at nanginig ang kanilang anak na lalaki. Napahagulhol si Ines: Patay na si Lam-
Ang.

Tatlong araw lumuha si Ines bago siya nagkalakas na lumabas at sundin ang mga habilin ng mga diyos.
Inipon niya ang mga buto ni Lam-Ang na inanod ng dagat sa pampang, at inuwi sa bahay. Sunod sa
isiniwalat ni Lam-Ang, binalot niya ang mga buto sa pulang sutla, tumalikod at nagdasal nang nagdasal.
Habang ibinubulong ni Ines ang mga panalangin, naririnig niyang unti-unting nabubuo uli ang kalansay at
katawan. Pagkaraan ng ilang sandali lamang, lumitaw si Lam-Ang na buhay na muli.

Dahil dito at iba pang giting na ginawa ni Lam-Ang, silang mag-asawa at ang kanilang anak ay pinatawan
ng mga diyos ng walang katapusang buhay. At sila ay namuhay sa sagana ng mga bukid ng palay habang
panahon.

You might also like