You are on page 1of 1

Kabataan: Pag-asa pa nga ba ng bayan?

Muli nating balikan ang isang pinakatanyag na kasabihan na mula sa isang bayani ng ating nakaraan, “Ang
kabataan ang pag-asa ng bayan.” Ngunit masasabi pa nga ba nating ‘kabataan ang pag-asa ng ating bayan’?

Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat. Ako po si Julie Ann Cabildo. Narito po ako upang bigyang pansin
ang mga kabataan, kung sa kasalukuyang panahon ay mananatiling pag-asa parin ng ating bayan.

Ayon kay Gat. Jose Rizal, “Ang Kabataan ang pag-asa ng ating bayan.” Paulit ulit man natin itong nadidinig,
ngunit hindi na ito maaalis sa isipan at paniniwala ng bawat Pilipino sa daigdig. Ngunit kung titignan natin ang mga
kabataan ngayon, maraming kabataan ang nasasangkot sa mga masasamang gawain, masasabi pa nga ba natin na
“kabataan ang pag-asa ng bayan”?

Marami tayong nababalitaang mga kabataan na sangkot sa illegal na droga, pagnanakaw, panggagahasa,
pagpatay at marami pang iba. Mayroon ding mga kabataan na tambay sa kalsada hanggang dis oras ng gabi, lulong sa
bisyo, mga kabataang parang nauubusan na ng tela sa sobrang iiksi ng mga damit na isinusuot, mga kabataang puro
masasamang salita na lamang ang lumalabas sa kanilang mga bibig, yung mga kabataang nawawalan na ng respeto sa
mga nakatatanda at mga kabataan na kinain na ng kuryusidad ang kaisipan yung tipong parang nauubusan na ng
panahon o oras lahat ng bagay ay nais nang makamtan kahit na hindi pa ito wasto para sa kanilang edad. Marami ring
mga kabataan ang maagang nabubuntis dahil sa kuryusidad sa mga bagay bagay.

Kaya nagiging ganiyan ang karamihan sa mga kabataan ay dahil sa kapaligiran na nagiging daan upang mahubog
sila sa maling landas. Isa sa mga halimbawa rito ay ang kahirapan na dinaranas ng mga kabataan sa ating bansa. Mga
kabataang kapit sa patalim na lamang upang maibsan ang hapdi ng kumakalam na tiyan, natutong maging criminal
upang mabigyan ng kaginhawaan ang buhay at para sa ikabubuti ng kanilang pamilya.

Bigyang pansin din naman natin ang mga kabataang mas piniling magbanat ng buto kaysa maglaro at mag-aral.
Mga kabataan na isinakripisyo ang sariling kaligayahan para lamang malagpasan ang kagutuman na dinaranas sa pang-
araw-araw. Mga kabataang maagang naging responsable dahil maagang nagkaroon ng sariling pamilya, mga kabataang
hindi tinalikuran ang kamaliang nagawa bagamat ito’y ginawang dahilan upang makabalik sa tamang landas. Mga
kabataang hindi sumuko upang maitama lahat ng kamaliang nagawa, mga kabataang nagsisi dahil sa mga kamalian sa
buhay at mga kabataang hindi naging hadlang upang patuloy na tawaging pag-asa ng bayan tayong mga kabataan.

Pag-asa na mas pinatatag ng determinasyon at ng mga kamaliang nagawa sa buhay. Pag-asa na nagsilsilbing
inspirasyon para sa mga kabataang minsan ng nawalan ng kaliwanagan sa buhay at mas pinaningning pa ng mga aral na
nakuha habang naglalakbay patungo sa tamang landas. Lahat naman ng tao ay may mga nagagawang pagkakamali
ngunit nasasaiyo na iyon kung mananatili kang lalaban at ituwid ang kamaliang iyong nagawa. Lahat tayo may
karapatang magbago. At para sa akin ay kabataan parin ang pag-asa ng ating bayan dahil sa murang edad natin na ito ay
natuto tayo sa ating mga kamalian, natutong magsakripisyo, magtiis at higit sa lahat ay natututo tayo upang maging
isang responsableng tao. At lahat ng iyon ay magiging susi upang maging isang inspirasyon sa lahat, pinto sa inspirasyon
upang patuloy na bumangon sa bawat pagkakadapa at magsumikap sa buhay. Gawing inspirasyon ang pagkakamaling
nagawa sa ating paglalakbay at ang estado sa buhay upang maging matagumpay. Kaya ngayon masasabi ko na “Ang
kabataan ang mananatiling pag-asa parin ng ating bayan.” Yun lamang po.

You might also like