You are on page 1of 1

"KABATAAN TUNGO SA LANDAS NA KAAYUSAN"

Sabi nga ni rizal "Kabataan ang pag asa ng bayan", ngunit paano natin ito mapapatunayan kung
ang kabataan ang nagiging problema ng bayan. Marami na tayong napapanood o napapakinig na
balitang karamihan sa mga kabataan ang nasasangkot sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot. Sa mga
bisyong hindi natin maiiwasan na ang dala ay kapahamakan. Dala na ng tukso ng mga kaibigan na hindi
malalampasan kaya naman sa murang edad pa lamang ay nabubuntis na ng di namamalayan.

Kaya sa mga magulang at nasa pamahalaan bigyang pansin ang ating mga kabataan. Huwag
ipagwalang bahala ang mga mali nilang gawa. Sino pa ba ang tutulong sa kanila kundi ang mga
nakakatanda, bigyang maigi ng atensyon at sabihan sa maayos na paraan upang pagrerebelde ay
maiwasan. At para naman sa mga kabataan matutong makinig para sa pansariling kaayusan. Patunayan
na ang kabataan ang nagsisilbing pag asa ng bayan. Maging modelo tayo sa mga susunod na
henerasyon. Matutong lumaban sa mga tuksong hindi maiiwasan. Kaya mga kabataan gising na at
tulungan ang nag hihikayos nating bayan.

You might also like